talking about business...

Kara's POV

'What do you even talk about in a corporate meeting?'

Napangiti ako pagkatapos mabasa ang text ni Dio, to which I replied:

'I don't know, either. I'm not listening.'

I put my phone down and looked at the woman standing on the other end of the table, presenting the evaluations of the company's performance.

I leaned back on my chair when I noticed my phone move slightly. I quietly picked it up and read another message from him.

'What are you going to eat for dinner later?'

Matagal akong napatitig sa screen nang maalalang hindi nga pala ako nakapananghalian.

"Miss Kamille?"

I looked up at the woman who called me. "Yes?"

"Gusto lang namin malaman kung may sinabi ba ang mga Prince at Austria sa'yo tungkol sa-"

Umayos ako sa pagkakaupo. "They did, actually."

They asked me to tell all of you to give us a break.

I cleared my throat. "They asked to meet with our board of directors. We're planning on another project. I believe I already sent you the draft of the agenda?"

Tumango silang lahat na nakapaligid sa'kin.

"Well then," She clasped her hands. "I'd like to call on one of our commissioners-"

Ibinalik ko ang aking atensyon sa cellphone ko at nag-type:

'Pasta.'

I hit send when I immediately got notified that a photo was sent to me through a social media application.

Nakakunot ang aking noo nang buksan ito, at pagkatapos ay napatakip ng bibig upang pigilan ang aking sarili na matawa.

He took a picture of a small octopus in an aquarium with the caption, 'Cetus looks suspiciously small here.'

'You're in the market?' I replied.

After a few seconds he answered back:

'Yes, babe. Mom asked me to cook shrimp rolls.'

Dahan-dahan kong ibinaba ang phone.

No one taught me how to cook growing up, and as much as I want to, right now, I don't have the time.

The phone vibrated once more. I stared at it for a few seconds before picking it up again and opened a new message from him.

'Don't worry, I'll be cooking for you every day after we get married.'

I bit my lower lip and grinned.

"Why don't we get married right now?" I whispered.

"Miss Kamille? Do you have anything to say?"

I gave her an annoyed smile for interrupting. I leaned forward, resting my arms on the table, and shook my head. "No, please proceed."

The meeting lasted longer than I thought.

Napatingin ako sa suot kong relo nang makalabas ako ng conference room.

"9 pm," bulong ko sa sarili. "And I haven't eaten lunch nor dinner."

I haven't finished signing the papers due tomorrow, either.

Inilibot ko ang aking paningin at nalamang tatlo nalang silang natira na nagpapatuloy sa pagtrabaho.

I moved to my office and fell on my swivel chair with an exhausted sigh.

Tumingala ako at ipinikit ang aking mga mata.

Who knew this was more tiring than training in the Academy...

I opened my eyes upon hearing someone knock on the door.

"Come in," sambit ko.

To my surprise, Chase entered the office with a champagne bottle in his hand. Behind him, was Trev carrying a bag that I know contains food because I smelled it the moment the door opened.

"What are you doing here?" Nagtaka ako.

"Kara!" Itinaas ni Chase ang champagne. "Bakit hindi mo sinabi sa'min na ikaw na pala ang newly-appointed CEO ng kompanya ng gago mong tiyuhin?"

I gave them a bored look. "I don't have to tell you."

"Anong hindi?" Dumako si Chase sa puting mesa na nasa kabilang panig ng office at ipinatong rito ang inumin. "Kara naman!"

Meanwhile, Trev silently set the boxes of food on the table.

Bakit may kutob akong labag sa loob niya ang pagpunta rito?

"Mabuti nalang talaga at nabalitaan ko mula kay Dad," Chase proceeded to open one of the wooden shelves and brought out three wine glasses. "Saka, ayaw din akong kausapin ni Ria kaya..."

Trev sat on on one of the cushioned seats that surrounded the table.

"Tsk." He hissed, before pulling one of the boxes closer to him and grabbed a spoon and fork.

I got up from my seat. "You know you didn't have to come here."

"Pero Kara..." Inilapag ni Chase ang mga baso sa mesa. "Hindi lang tayo business partners, magkaibigan din tayo simula bata pa..."

"Pareho rin nating napatay ang mga taong nagpalaki sa'tin..." dugtong niya at nagsimulang magsalin ng champagne sa bawat wine glass. "Yan... 'yan ang tunay na friendship goals."

Needless to say, mabilis kong binalewala ang sinabi niya pagkatapos kong makita ang mga pagkain na nakahain.

"What about you?" I asked Trev and took the seat across him. "Were you supposed to meet with Cesia, or what?"

He paused for a moment, before looking back at me. "I'm going to kill him," he said, before stabbing a piece of steak.

Pity, I thought. 

"My apologies, Trev."

He sighed. "It's fine."

Tinabihan kami ni Chase ng tig-iisang baso at naupo na rin. "Ah, oo nga pala, hindi lang pala celebration ang pinunta ko rito..."

Nagkasalubong ang aking kilay. Gano'n din si Trev.

"Gusto ko rin kayong kausapin tungkol sa negosyo." His eyes gleamed with determination. "Dahil kailangan ko ang mga boto niyo bilang shareholders ng kompanya para tuparin ang merger na pinropose ko sa board."

"For what?" usisa ni Trev.

Kumisap-kisap siya. "Gusto ko kasing magtayo ng ice cream business."

"You want to start a chain of ice cream shops?" Trev crossed his arms on his chest and comfortably leaned on his chair. "Or build a whole factory?"

Bahagyang bumukas ang aking bibig.

It's for his wife, isn't it?

"Both." Nginitian kami ni Chase. "Regalo ko para kay Ria." Natawa siya nang mahina. "Dahil sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pinakasalan niya ako."

I chuckled lightly.

Why am I not surprised?

"Ginawa niya akong pinakamasayang lalaki sa mundo, kaya..." Lumapad ang kanyang ngiti. "Responsibilidad ko na ang kasiyahan niya."




Art's POV

"Cal, nakapunta ka na ba sa Santorini?" tanong ko habang nagbabasa ng travel magazine.

Wala akong natamong sagot mula sa kanya kaya nilingon ko siya na kahuhubad lang ng t-shirt niya at humiga sa tabi ko.

"Not yet..." inaantok niyang sabi.

"Noted." Tinupi ko ang pahina na nagfe-feature ng Santorini. Tapos, nagpatuloy ako sa paghahanap ng tourist destinations sa Greece.

Ipinalipot niya ang kanyang braso sa baywang ko at sinubsob ang kanyang ulo sa tagiliran ko.

"Pagod ka ba?"

Tumango siya.

"Ano bang pinag-usapan niyo nina Hades?" usisa ko.

"Distribution of his wealth between Hector and I," sagot naman niya. "-and he wants me to take over the oil company based in Dubai."

Napasinghap ako. "So maglo-long distance relationship tayo pagbalik natin sa mortal realms?!"

Inangat niya ang kanyang sarili para tignan ako. "Why? You don't want to?"

"Cal!" naiiyak kong tugon. "Hindi pwede!"

Sino nalang magbabantay nina Bubbles kung may sariling lakad ako?!

"Really?" Tinanggal niya ang kanyang braso na nakayapos sa'kin at umupo sa tabi ko. "You want to spend most of your time with me?"

"Mmm!" Tumango-tango ako.

Humilig siya nang kaunti sa kamay niyang nakatukod sa higaan. "Then why are we going to Greece next week with the others when it's supposed to be our honeymoon?"

Bumukas ang aking bibig, pero agad din akong napatikom.

Omo! Sinong nagsabi na ako ang mastermind sa bakasyon namin sa susunod na linggo?!

Nanlaki ang aking mga mata.

May... may bes na isa sa'min?!

"Hehehe-" Nagsimula na akong mag-isip ng dahilan. "Kasi..."

Pinadalhan niya lang ako ng nadidismayang tingin.

"Cal! Huhuhu!" Binitawan ko ang magazine. "Di kasi ako sure kung kailan next bonding nating lahat, ih! Kaya-" Suminghot ako. "Kaya sabi ko bakit hindi pwede next week imbes next month para siguradong dadalo lahat!"

"Baka kasi..." Napayuko ako at pinipilipit ang mga daliri ko. "Maging busy na yung iba sa 'tin..."

Kinuha ni Cal ang magazine at binuklat ito.

Ngumuso ako. "S-Sorry..."

Tumigil siya sa isa sa mga pahina. Kumunot ang kanyang noo. "I haven't been in Corfu Island, as well."

Lumiwanag naman ang aking mga mata. "Maganda? Saan?!"

 Akmang kukunin ko ang magazine sa kamay niya nang ilayo niya ito sa'kin dahilan na humilig ako sa kanya at magkatapat ang aming mukha.

Napalunok ako pagkatapos makita ang isang ngiti na namuo sa labi niya.

Saka niya hinulog yung magazine sa sahig.

"Ehehehe... Cal-" Nagsimula na akong kabahan. "A-Akala ko pagod ka na..."

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa'kin, ngunit imbes na halikan ako ay bigla kong naramdaman ang palad niyang tumakbo mula sa dibdib hanggang leeg ko.

Ito nga yung sinasabi ko, ih! Ba't kasi next week?! Ba't hindi nalang next next wee-

Hindi ko natuloy ang iniisip ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top