santorini can wait...
Thea's POV
Tinititigan ko lang ang pagkain sa harap ko.
"You're still hungover?" tanong ni Seht na nakaupo sa tabi ko.
Hindi maiguhit ang aking mukha nang lingunin siya. "Ang sama ng pakiramdam ko."
"You can go back to bed if you want," tugon niya, dahilan na mamuo ang isang kakaibang ngiti sa labi ko.
Humilig ako papalapit sa kanya at bumulong, "Kung tatabihan mo ulit ako."
"I can't," sabi niya. "I have papers to sign."
Napabuntong-hininga nalang ako.
Ilang sandali pa'y narinig ko ang mahina niyang tawa. "I'll try to finish it in an hour. So you can have me the entire day."
"Hmm." Sumingkit ang mga mata ko.
Bakit day lang?
"Hi," bati sa'min ni Kaye. "We've just finished packing."
Ipinatong ko ang aking mga braso sa counter at ibinaon ang ulo ko rito. Sa totoo lang, wala na akong gaanong maalala sa mga pangayayari kagabi.
Basta muntik na kaming magsabunutan ni Cesia.
Kasi naman eh! Gusto ko lang naman lumabas para mag-midnight snacks kami ni Seht pero pinagbawalan niya ako. Ang sabi pa niya lasing na raw ako, eh di naman ako yung nag-summon ng isang cyclops sa'ming dalawa.
Hindi niya raw ako kayang kalabanin kasi tinatamad siya kaya gumawa nalang siya ng clone. Baliw lang?
Pagkatapos, dahan-dahan akong napangiti.
Ang mahalaga nagising ako sa tabi ni Seht.
Nagsasasayaw ako sa utak ko nang marinig ko ang boses ni Cesia.
"Uuwi na talaga kayo?"
"Yeah," sagot ni Kaye sa kanya. "I had so much fun, though."
Pinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa kanila.
"Ihatid ko na kayo sa labas ng hotel."
"We're fine," giit ni Matilda. "Kara already called the lobby to assist us."
Nang magpaalam na sila sa isa't-isa, saka ko lang inangat ang ulo ko at nakitang nakapaligid na pala sa kanila yung girls.
"Mag-ingat kayo, ah?" ani Art na namamaga pa rin ng konti ang mga mata.
Kung bakit siya biglang sumigaw at umiyak kanina?
Chicken wings.
Bakit ba kasi chicken wings ang una niyang nakita. Pwede namang yung tocino o yung itlog nalang.
Dahil sa nangyari, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ko kapag may umihaw kay Bo.
At saka, ano kayang lasa ng satyr kapag inihain? Lasang alak ba?
Inayos ni Ria ang suot na jacket ni Kaye. "Have a safe trip, you two-" Panandalian siyang napahinto. "I mean, you three."
"We'll let you know kung nakarating na kami," sabi ni Matilda at nilingon ako. "And Thea, don't cause too much trouble, okay?"
Nagpalitan kami ni Cesia ng tingin nang sabihin niya 'yon.
Pinaningkitan ko siya, at gano'n din ang ginawa niya. Pero alam kong wala itong halong galit o inis. Kaming dalawa lang ang nakakaintindi sa uri ng tingin na binabato namin sa isa't isa.
Tinging nagsasabing, 'kailangan mong ikuwento sa'kin ang nangyari sa'yo kagabi.'
Sa huli, ikinibit ko ang balikat ko.
Ano bang sasabihin ko sa kanya? Eh nakatulog ako nang hindi pinapansin si Seht kasi pinigilan niya akong pugutan ng ulo yung cyclops na bigla-bigla nalang lumitaw sa sala. Pati na rin yung babaeng gumawa nito.
"Bye, everyone!" masiglang paalam ni Kaye sa'min. "It was fun while it lasted."
Nginitian kami ni Matilda. "Sa susunod ulit."
Kinuha ko ang baso ng orange juice at hinatid ng tingin sina Kaye at Matilda papalabas ng suite.
"Thea," pabulong na sambit ni Seht. "I'm guessing you didn't see it because you woke up late but..."
Uminom ako nang kaunti.
"Cesia was wearing Trev's shirt earlier this morning."
"Pffft-" Hindi pa nga nakaabot sa lalamunan ko yung juice at naibuga ko na ito.
Tinignan ko si Seht nang nanlalaki ang mga mata. "H-Ha?"
Tumango-tango siya.
"Teka." May nahinuha ako. "Kung suot ni Cesia yung damit ni Trev, ibig sabihin..."
"Mmm." Kinumpirma ni Seht ang kutob ko. "He had no shirt on."
"They both looked disheveled, and it was interesting," sabi niya sabay tingin sa malayo. "Very interesting..."
Dahan-dahang bumukas ang aking bibig. "Oh." Tinignan ko si Cesia nang kumikinang ang mga mata. "My." Kumisap-kisap ako. "Gods."
"Anong kaputanginahan itong pinagsasabi mo, Sebastian?" tanong ko, tila hindi pa rin makapaniwala. "Sigurado ka ba sa nakita mo?"
"Pretty sure everyone saw it except you."
Napanganga ako, at luminga-linga na parang baliw.
Kara's POV
"You think something happened between them?" tanong ni Dio habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang puting tuwalya. "I mean it was pretty obvious, right?"
I glanced at his reflection in the mirror while combing my hair. He was half naked, fresh from the shower.
"Only the gods can tell what happened," sagot ko.
Umangat ang kanyang kilay nang mapansin kung saan ako nakatingin. "My eyes are up here, Kara."
I met his gaze. "I know."
A corner of his lips curved to a smirk. "I asked you to shower with me but you declined," paalala niya sa'kin. "Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo?"
Definitely.
"No." I said, blankly.
"If you say so." He shrugged. "But seriously..." He opened the carry-on bag he put on top of the bed and began searching for clothes. "That sight was a first."
"It was," sang-ayon ko.
"You and Trev have known each other longer," He picked up a white shirt. "What was he like? With women?"
Ibinaba ko ang suklay sa mesa at napatitig sa singsing na suot ko. "I don't know..." I answered. "I've never seen him with another woman before."
"Seryoso ka ba?" Nagsuot din siya ng navy green jacket. "We're talking about a son of Zeus here."
"How about you?" Umikot ako sa kinauupuan ko at ipinatong ang aking braso sa sandalan. "You're a son of Poseidon."
"Your father's also known for having many affairs," I reminded him. "...and sexual assault."
"Yeah." He agreed immediately, making no effort to deny or defend his deity. "He's definitely a manwhore."
"But if you're asking me if I had any other women before you..." Tinitigan niya ako nang matagal-tagal bago sumagot.
"There were."
"Why am I not surprised?" tugon ko.
He chuckled lightly. "What did you think I did every summer vacation? Sa tuwing umuuwi ako sa isla namin?"
"Of course." Tinalikuran ko siya at muling humarap sa salamin. "You played around."
Hindi ko magawang tignan ang sarili kong repleksyon.
Gods. I look so stupid right now. Hurting myself like that.
"Kara," sambit niya. "I'm sorry-"
"It's okay." I gave him an assuring smile. "I asked, and you answered."
"Hey." Nilapitan niya ako. "If it makes you feel better..." He encircled his arms around my neck and gave me a light kiss on the cheek. "Hindi ako katulad ng ama ko, at wala akong balak sumunod sa kanya."
"Ever since I told you that I love you, I've never looked at another woman again," bulong niya, malapit sa aking tenga. "Not once. Not ever."
"We could argue until we turn deaf, and fight each other to death..." His warm breath on my skin sent a shiver to my spine. "But I will never cheat on you."
"But what if you do?" tanong ko.
"I won't."
"What if Eros strikes an arrow at you?" I asked again, obviously testing him.
"I'd rather die from the arrow."
"What if..." I tilted my head to the side to look at him. "What if you kiss me right now?" My eyes slowly drifted down to his lips. "-then we could do what we should've done in the shower?"
He let out a light-hearted laugh and shook his head. "Ria's going to get mad if we're gonna be late."
"Santorini can wait." I said, pulling him close.
"You're right." He smiled. "Santorini can wait."
Ria's POV
"Fifteen minutes." Naglapag ako ng 100 euro sa mesa.
"Twenty." Pinatungan ito ni Chase ng 500 euro bill.
"Ten minutes," biglang singit ni Thea at naglagay ng bente pesos.
And then, the waiting game started.
Nagsiupuan kami. Sa sumunod na mga minuto, panay ang pagtingin namin sa suot naming mga relo. Mayamaya'y nakarinig kami ng bumukas na pinto kaya napatayo kami at napalingon sa direksyon nina Kara at Dio na kalalabas lang mula sa kwarto nila.
"Nine minutes and forty-eight seconds," Seht finalized.
Thea laughed maniacally and picked up the bills on the table.
"Tsk." I snickered and picked up my purse.
"We should go," tugon ko. "The boat's been waiting for at least an hour."
Panghuli akong lumabas ng suite. Sinadya ko ito para mahatak si Cesia na naglalakad sa harap ko.
"Everyone's dying to know, Cesia," bulong ko sa kanya habang naglalakad sa hallway.
Nilingon niya ako at tinitigan lang ako.
"What?" Hinila ko pa siya papalapit sa'kin.
"Hindi ko rin alam kung anong nangyari."
Palihim akong napasinghap. "So may nangyari nga?"
She opened her mouth to speak, but no words came out.
Napatakip ako ng bibig.
"Oh my Gods," puna ko sa reakyon niya. "You're hungover," I realized. "But not from the wine."
Napalunok siya. "P-Parang gano'n na nga..."
"So did you do it?" usisa ko. "Or what?"
"Ang alin?"
"Tangina naman Cesia, oh, nag-sex ba kayo?"
Binatukan ko si Thea na sumabay sa'min sa paglalakad. "Hinaan mo nga boses mo!"
Napatulala si Cesia sa harapan. "Uhh- ano..." She pursed her lips for a moment. "...hindi, eh."
"Ano?!" sabay kaming napasigaw ni Thea.
Kumunot naman ang noo ni Trev pagkatapos kaming lingunin.
"Cesia," sambit nito. "Come here."
"Teka lang, ah." Cesia excused herself.
Nagmamadali siyang tumungo sa harapan at lumapit kay Trev na napahawak sa likod niya nang makarating siya sa tabi nito.
Chase whistled lowly and gave Dio a knowing look.
Samantalang, tinabihan ako ni Kara. "Will you mind your own business and stop making her uncomfortable?"
"Sorry," I let out a sigh. "Curiosity got the best of me."
To my surprise, she leaned closer. "So did they?"
Umiling ako.
"Huh." Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Something usually happens when you put a daughter of Aphrodite and a son of Zeus in the same room."
"You think they only almost did it?"
She squinted her eyes. "I believe so."
"Nakita mo yung hitsura nila diba?" tanong ko. "They were definitely in the middle of something."
Pumagitna si Thea sa'min. "Malay niyo, nag-workout lang pala."
Kara and I gave her a bored look.
"Ang mahalaga..." Nginitian niya kami at ipinakita sa'min ang bills na nasa kamay niya. "May 600 euros and 20 pesos na ako."
"Thank you Kara!" masigla pa niyang sabi saka lumundag-lundag papunta kay Art.
"Ria?" Napatigil si Kara. "What did you do?"
I blinked innocently. "I don't know what she's talking about."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top