messages... and names...
Cesia's POV
Itinapat ko ang camera ng phone ko sa salamin at nag-picture nang naka-peace sign. Saka ko ito sinend kay Art na hiningan kami ng pictures dahil kabibili lang niya ng bagong cellphone niya. Kararating niya lang din kasi sa mortal realms.
Napangiti ako pagkatapos makatanggap ng selfie mula kay Art. Sa tabi niya naroon sina Matilda at Kaye na katulad niya ay nakangisi nang malapad, halatang sabik na sabik sa pagkikita naming lahat bukas.
'Andito na yung mga taga-Underworld!'
Napatango-tango ako pagkatapos mabasa ang caption nito, at nag-reply:
'Mabuti naman. Excited na akong makita kayo bukas.' tapos isang heart emoji sa dulo.
Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng sarili ko habang tini-text si Art na di mapagkailang nawiwili sa bagong phone niya.
Kung anu-ano nalang kasing litrato ang ipinapadala niya sa'kin. Lahat na ata ng nakain niya sa araw na'to ay kinunan niya ng picture, pati na rin yung bagong Powerpuff Girls stickers niya.
'Tapos ka nang kumain?'
Kumawag-kawag ang aking labi habang nagta-type ng reply, nang biglang may kumatok sa pinto.
Binaba ko ang phone ko sa mesa at binuksan ito.
"Papunta na raw dito si Aphrodite," pagbibigay-alam sa'kin ni Auntie.
"Okay, Auntie." Nginitian ko siya. "Bababa na po ako."
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya ng hagdan, bago ko sinarado yung pinto at bumalik sa harap ng vanity table.
'Hindi pa ako nakakain, eh, mamaya pa.' sagot ko sa huling mensahe ni Art.
Pagkatapos, tinali ko yung buhok ko sa isang ponytail. Narinig ko ang paghinto ng kotse sa labas kaya napatayo na ako.
Nakatanggap ako ng notification na agad ko namang binuksan.
'It's already late. Why?'
Kumunot ang aking noo nang mabasa ang pangalan ni Trev.
'Trev? napatext ka?'
Nag-reply din naman agad siya.
'You just told me that you haven't eaten yet.'
Nanlaki ang aking mga mata at binuksan ang conversation namin. Saka ko nakitang sa kanya ko pala naipadala ang text na dapat sana'y para kay Art.
'Wrong sent, Trev, sorry.'
Typing...
Humibi ang aking labi at nag-text ulit.
'Para kay Art talaga 'yon.'
Panandaliang nawala yung typing symbol sa pinakaibaba ng messages niya, dahilan na mapatitig ako sa conversation namin.
Saka ako nakatanggap ng isang thumbs up mula sa kanya.
Napakurap-kurap ako.
Yun lang?
Bigla akong nagkaroon ng ideya kaya dumako ako sa harap ng mahabang salamin na nakasandal sa tabi ng vanity table ko at itinapat ang camera ko rito.
Dalawang kamay ang ginamit ko sa paghawak ng phone at ngumiti ako, kahit alam kong bahagyang natatabunan nito ang mukha ko.
Sinend ko ito kay Trev nang walang kasamang mensahe.
Wala akong natamong reply mula sa kanya kaya napakibit-balikat nalang ako at lumabas na ng kwarto.
Bumaba ako sa sala kung saan sinalubong ako ni Aphrodite nang isang mahigpit na yakap.
"Heavenly!" Hinigpitan niya ang pagkakayapos sa'kin.
Hinawakan ko ang braso niya. "M-Ma, di... ako... makahinga-"
"Oh!" Bumitaw siya at humalakhak. "I'm sorry..."
"Lady Cesia!"
Napatingin ako kay Galatea na nakatayo sa mesa.
Lumiwanag ang aking mga mata. "Galatea!"
Lumapit ako sa kanya at inangat siya. Niyakap niya ang pisngi ko.
"I miss you..." Narinig kong bulong niya.
"Na-miss din kita..."
"Are you prepared for your flight tomorrow?"
Nilingon ko si Papa na siyang nagtanong at saka tumango. "Mmm!"
"How about you, Annais?" tinignan niya si Auntie.
"You bet," sagot ni Auntie. "Ayokong maging third wheel sa inyo, 'no?"
"Auntie?" Nakakunot ang aking noo nang harapin siya. "Sa'n ka naman pupunta?"
"Babalik ako sa probinsya habang nasa Greece ka," aniya. "Bibisitahin ko lang yung lugar kung saan kami lumaki ng Papa mo."
Ibig sabihin...
Dahan-dahang bumalik ang aking tingin kay Papa, at sa goddess na katabi niyang inanga't babaan lang ako ng kilay.
Natawa ako nang mahina.
"Oh siya," ani Auntie. "Kumain na tayo."
Mayamaya pa'y natagpuan ko ang aking sarili sa hapagkainan kasama sila. Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanilang usapan nang biglang lumiwanag ang screen ng phone na nakapatong sa hita ko.
Yumuko ako at kinuha ito.
Binuksan ko ang bagong message ni Trev.
'I can't wait to see you.'
Lumapad ang aking ngiti. Magre-reply na sana ako nang makatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.
'I miss you.'
Chase's POV
Tinapik-tapik ko ang ballpen sa mesa. "Pagkatapos bro, kita mo 'yang set as wallpaper? Pindutin mo 'yan."
'Where?'
"Nasa baba nga. Mag-scroll ka lang."
'Done.'
"Oh, ikaw na bahala kung sa home screen mo ba 'yan ilalagay o sa lock screen-"
Napabuntong-hininga ako pagkatapos akong babaan ni Trev ng telepono.
"Chase?"
Inangat ko ang aking tingin kay Ria na bahagyang sumilip mula sa labas ng pinto.
"Mom and Dad's here," aniya.
Tumayo ako at iniwan ang ballpen sa ibabaw ng files na nakalatag sa mesa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pihitan ng pinto para sana'y makalabas na nang tuluyan, kung hindi niya lang ako hinarangan.
"Bakit?" tanong ko.
Nginitian niya ako at inayos ang buhok ko. "It's a good thing we're going on a vacation tomorrow, right? You'll finally get a break from work."
"Pero Ria..." tugon ko. "Wala rin akong balak magpahinga sa Greece kasama ka-"
Binatukan niya ako.
"Aray!" Napakamot ako ng ulo.
Sinamaan niya ako ng tingin. "How many times do I have tell you that you need to rest?!"
"Eh sa trabaho lang naman ako mapapagod," paliwanag ko. "Hindi sa'yo."
Umiwas siya ng tingin.
Ayos. Kasal na ako pero napapakinabangan ko pa rin ang ability ko bilang si Master Chase. Tamo, kinikilig pa rin si Ria sa'kin kahit mag-asawa na kami.
Itinukod ko ang aking braso sa pintuan, at binigyan siya nangangahulugang ngiti. "Mamaya ulit?"
"What the-" Marahas niya akong tinulak. "Bahala ka na nga diyan!" sigaw niya at iniwan ako.
"Riaaa!" Padabog akong sumunod sa kanya. "Anakan mo na kasi akooo!"
Kumapit ako sa braso niya at kinisap-kisap ang mga mata ko. "Gusto ko babae, ayoko ng lalaki."
"Let go of me! Chase!" Pilit niya akong tinatanggal.
"Ayoko ng kaagaw, eh." dugtong ko.
Kasunod na tumapat ang isang dagger sa leeg ko kaya't napabitaw ako. Itinaas ko ang aking mga kamay at napaatras nang idiin niya ang dulo nito sa balat ko.
Mula sa puluhan ng dagger, umangat ang kanyang tingin sa'kin.
"Are you going to listen to me, or are you sleeping outside the balcony?"
Napalunok ako.
"Answer, Chastille," pagbabanta niya.
Tumikhim ako. "Sabi ko nga," sagot ko. "Matutulog lang tayo mamaya."
Pinaningkitan niya ako bago ibaba ang dagger.
"Good," puna niya at tinalikuran ako.
"So..." Tinabihan ko siya sa paglalakad. Nakapamulsa ako. "Ano nga bang magandang ipangalan sa babaeng anak natin?"
Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "What if we get a boy?"
"Eh di itapon ko rin siya mula sa Olympus gaya ng ginawa ni Hera kay Hephaestus."
"Chase."
Natawa ako at inakbayan ang asawa ko. "Kung magkaka-junior man ako, gusto ko magkatugma ang pangalan namin."
"Chastille..." bulong ko habang nakatingin sa malayo. "Ano bang rhyming sa Chastille..."
Pababa kami ng hagdan nang muli siyang magsalita.
"Zacharille," suhestyon niya. "Zacharille Prince."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top