it is beautiful...

Chase's POV

"So, cable car... views... wine tasting and..."

Pinaningkitan ko ang e-mail na natanggap ko mula sa secretary ni Hermes.

"Chase!"

Nilingon ko si Ria na nakapameywang.

"Are you listening?"

Nginitian ko siya. "Cable car... views... wine tasting," pag-uulit ko sa schedule namin ngayong huling araw namin sa Greece.

"-and dinner at the port," ani Ria.

Tumango ako. "...and dinner at the port."

"Gods." Narinig kong bulong niya sa sarili. "I hope nothing comes up like what happened yesterday."

Nang mapagtantong hindi siya titigil sa pag-alala, tumayo ako at nilapitan siya. Kinuha ko ang mga kamay niya at marahan itong pinisil.

"Ria, baby, kung may mangyayari man sa araw na'to, sinisigurado kong sa pagitan lang nating dalawa-"

Bumitaw siya. "Chase!"

Natawa ako nang mahina at muling kinuha ang kamay niya sabay hila sa kanya paloob sa aking bisig. "Ba't ba ang laki ng problema mo sa tuwing nagbabakasyon tayo? Hmm?"

Totoo naman talaga. Dati pa siyang ganito kahit nung nasa Academy pa kami. Tandang-tanda ko pa nga, na may pa-headcount pa siyang ginagawa sa tuwing lumalabas kami.

"I..." Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I just want to make every moment count, Chase, and I'm trying..."

"Gusto mong bumawi..." Pinatakbo ko ang aking palad sa buhok niya. "-sa lahat ng pinagdaraanan natin."

"I'm trying too hard, aren't I?" tanong niya.

Bumitaw ako mula sa pagkakayapos sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Masaya na ako, at masaya na rin yung iba," pagsisigurado ko sa kanya. "Hindi mo pa ba nakikita 'yun?"

Bahagya siyang napayuko.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Saka ko ibinaba ang aking mga kamay.

Alam ko kung ano ang ibig sabihin kapag umiiwas siya ng tingin sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo niya.

Nahihiya siyang ipakita na natatakot siya.

"Hindi kita masisisi," sambit ko. "Kasi nasanay na tayong may nangyayaring masama sa'tin sa tuwing masaya tayo't magkasama..."

"Pero tapos na ang mga panahong 'yon, Ria," paalala ko sa kanya. "Ngayon, masaya na tayo at magkasama. Yun lang. At kung magkagulo-gulo man, dahil minsan hindi naman talaga natin ito maiiwasan, magiging masaya pa rin tayo."

"Tignan mo yung sarili mo, dahil ikaw.... Ikaw ang palatandaan ng pagbabagong 'to." Marahang dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi. "Namatay na't nabura lahat, pero bumalik ka pa rin sa'min."

Inangat ko ang kanyang ulo at nginitian siya.

"Kaya wala ka nang dapat ikatakot..." mahina kong tugon.

"Mmm." Bahagyang umangat ang magkabilang sulok ng kanyang labi. "Wala akong dapat ikatakot."

Bumaba ang aking tingin sa namuo niyang ngiti.

Ayos. Mukhang hindi na ako matutulog sa sofa nito.

Ipiniling ko ang aking ulo para sana'y halikan siya nang iwasan niya ito dahilan na mapasubsob lang ako sa balikat niya.

"Putangina."

Narinig ko ang mahina niyang tawa na agad namang naglaho pagkatapos kong ilipat ang aking kamay sa likod ng kanyang leeg at hinaplos-haplos ito.

"Kagabi ka pang babae ka..." bulong ko, at pinaulanan ng halik ang leeg niya.

Nang mapansin ang paglalim ng bawat hugot niya ng hininga, itinulak ko na ang sarili ko sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa higaan.

Hinubad ko ang damit ko at itinapon ito.




Kara's POV

"Kara, alam mo bang ipinanganak si Trev sa France?" 

Mula sa libro na binabasa ko, inangat ko ang aking tingin kay Cesia na nakasingkit ang mga mata habang umiinom ng tsaa.

"I do," sagot ko. "I also know he lived there 'till he was ten. Why?"

"Wala lang..." Mas lalong sumingkit ang kanyang mga mata. "Kagabi ko pa kasi nalaman."

Kasunod kaming napatigil nang makarinig ng ingay mula sa taas.

Bahagyang bumukas ang aking bibig, tila hindi makapaniwala. "Are they-"

"Mmm." Cesia hummed, calmly taking another sip.

"And you're not... affected?" I asked out of curiosity.

She took in a deep breath and settled the cup on its saucer. "Inasahan ko nang may mangyayaring ganito kaya sinanay ko na yung abilities ko."

We then heard something heavy fall and roll over the ceiling.

"Hoy! Mga hindot!" Thea screamed from the other building. "May nagpapahinga dito!"

Fortunately, the noise did disappear after a few seconds.

I shook my head and grabbed the cup of coffee in front of me. "The two of them used to almost kill each other, you remember?"

Cesia chuckled. "Hindi ko nakikita si Ria na walang weapon sa kamay kapag malapit si Chase."

"Those days..." Humilig ako sa sandalan ng upuan. "-when everything was just the way it was..."

"Kara, ikaw rin ba?" tanong ni Cesia sa'kin. "Natatakot ka rin ba na makaramdam ng sobrang saya?"

My lips formed a subtle smile. "We all do, don't we?"

She rested her hand on the table and lightly scratched the handle of the teacup.

I continued to stare at her, concern written all over her face. 

"We all fear an unknown future, Cesia, gods and mortals alike," paalala ko. "But what's more important is what we have, at this moment... like you and I, right now, we're here in Greece, enjoying each other's presence."

I reached for her hand. "And that's what only matters."

She took notice of the ring on my finger and gently rubbed it with her thumb. "Masaya ako para sa'yo, Kara, para sa inyong dalawa ni Dio."

Napatingin din ako rito. "Well... I wouldn't have this if it weren't for you." I smiled at her. "Thank you, for everything that you've done for us. Thank you for giving us a chance to change and live the lives we've only dreamed of before."

Honestly, I can't list all the things she did that brought us here.

"You deserve to be the happiest, Abigail Young."

Her eyes brightened for a moment upon hearing her name.

"Kamille..." bulong niya.

Saktong pumasok si Dio kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

"Sorry to keep you waiting." Ibinaba niya ang iilang paper bags sa may pintuan. "We had to drop by the police station and give the ambassador a run-through of what happened yesterday."

"So..." He clasped his hands. "Are we ready to go?"

We heard a knock on the door. Dio was quick to spin around and open it. He took a step back, revealing Trev who also carried a large paper bag in his hand.

"Cesia," sambit ni Dio nang nakahawak pa rin sa pihitan ng pinto. "Someone's come to fetch you."

Dagliang nanlaki ang mga mata ni Cesia, saka niya dali-daling inubos ang tsaa. "Thank you, Kara." Tumayo siya at kinuha yung phone niya. "Kita tayo mamaya."

Tinanguan ko siya at hinatid ng tingin, hanggang sa tuluyan na nga siyang makalabas.

Napatitig lang ako sa pintuan, kahit nang isarado na ni Dio yung pinto.

"Something happened?" 

"Dio." Tinignan ko siya. "They look good together, don't they?"

But they didn't look good together. 

They looked beautiful.

Their love that stood against chaos and brought back life...

It is, undoubtedly, beautiful.




Cesia's POV

"Oh..." Tumango-tango ako. "So nahanap na ba yung pinuno nila?"

"Not yet," sagot ni Trev. "We still have a lot to trace."

Napatigil ako. "We?"

Nilingon niya ako. "I offered a hand to help," pagbibigay-alam niya. "They didn't ask but I knew they need it."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Here." Inabot niya sa'kin ang bitbit niyang paper bag pagkarating namin sa harap ng building ko. "You didn't get to buy clothes yesterday, did you?"

Nakakunot ang aking noo nang tanggapin ito.

"Paano mo naman nalaman yung size ko?" nangunguryuso kong tanong habang sinusuri ang maraming damit na pinamili niya para sa'kin.

Inangat ko ang aking ulo at nakita si Trev na tinitigan lang ako bilang sagot.

"Paano nga?" tanong ko ulit.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay napakurap lang.

Binigyan ko siya ng nangungusisang tingin. "Trev?"

"You're-" Tumikhim siya.

Umangat ang aking kilay.

"You're the only woman I've..." Umiwas siya ng tingin. "So I just-"

Kumisap-kisap ako habang hinihintay ang karugtong ng sinabi niya.

Napabuntong-hininga siya bago ako muling harapin.

"I just do, Cesia," sagot niya.

Itinapat ko ang paper bag sa aking dibdib at nginitian siya nang hindi nagsasalita.

"What?" Nagtataka niyang tanong.

Tumingkayad ako para mapalapit sa kanya at bumulong, "Nakikita ko ang inaalala mo..." Itinapat ko ang aking labi sa kanyang tenga. "Son... of... Zeus..."

Lumapad ang aking ngiti pagkatapos marinig ang pagbilis ng tibok ng puso niya. 

Bumalik ako sa pagkakaharap sa kanya. "Thank you, Trev!"

Bahagyang umawang ang kanyang bibig, na para bang may gusto siyang sabihin, kaso walang salita ang lumabas.

Natawa ako nang mahina at akmang papasok na nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Daughter of Aphrodite." Yumuko siya, nang siya na naman ang mapalapit sa'kin. "Do that again... and I will see to it that you won't get to wear anything."

Napatulala ako sa sinabi niya.

At nang magbalik ako sa aking diwa, natagpuan ko siyang nakasuot ng isang matagumpay na ngiti.

"À tout à l'heure, mon amour," paalam niya.

Sinundan ko siya ng tingin, at nagpakawala ng hininga na di ko namalayang kanina ko pa pinipigilan.

"À tout à l'heure..." Napabulong ako pagkaraan ng ilang sandali. "-mon amour."

'See you later, my love.'

At kagaya ng sinabi niya, muli nga kaming nagkita.

Suot niya ang manipis na button-down shirt at puting shorts.

Naging usapan din ata nilang mga lalaki ang mag-shades ngayon dahil lahat sila'y nakasuot nito.

Samantalang, nakasuot naman kaming mga babae ng sundress na magkaiba-iba ang kulay at disenyo.

May naka-butterfly sleeves, kagaya nina Art at Kara. Malalim naman ang neckline ng dress ni Ria at yung kay Thea, ay may ruffled tube bilang pang-itaas.

Yung akin... ay isang sleeveless na kasingkulay ang maaliwalas na kalangitan ng Fira, at mayroon ding mga butones sa harapan.

"You're wearing it..." puna ni Trev nang makita ako.

Sinuot ko ang puting hat na nasa kamay ko at nginitian siya.

Lumapit siya sa'kin para tabihan ako.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Don't mind me staring at you until this day ends."

At tinupad na naman niya ang kanyang sinabi.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top