her stronghold...
Art's POV
'Magkasama kami ni Trev.'
Tumatango-tango ako habang kumakain ng brunch. Nag-text kasi ako kay Cesia kaninang umaga para i-follow up yung gown niya, at nalaman kong sinamahan pala siya ni Trev sa pagkuha nito.
Sabay kaming napalingon nang makarinig ng sasakyan na pumarada sa labas.
Dali-dali kong inayos ang aking sarili at napatayo para salubungin sina twinny at Thea. Nakasunod naman sa kanila sina Arah at Tita Adelphine.
Lumundag-lundag ako papalapit sa kanila. "Hello po!"
"Hi, Ate Art!"
Yumuko ako sa harap ni Arah nang magka-level kami. Kapansin-pansin ang bandage na nakapalipot sa braso niya.
"Hello, Arah," bati ko sa kanya. "Balita ko nanalo yung team niyo sa training niyo, ah."
Masigla siyang tumango. "Ako po yung leader."
Dumako ang aking mga mata sa maliit na hiwa sa labi niya. May pasa rin siya sa ibabaw ng kanyang kilay.
"Hindi ba masakit?" tanong ko.
Umiling siya.
Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Tara, kain." Kinuha ko ang kamay niya nang makatayo ako. Tinanguan ko rin si Tita Adelphine na sumunod sa'min.
Ipinakilala ko sa kanila sina Kaye at Hector na kasama rin namin sa hapagkainan.
"Anak ni kamatayan..." namamanghang puna ng nanay ni Thea nang maibahagi ni Kaye sa kanya kung sino ang deity nito.
Bumalik ako sa tabi ni Cal.
"Ano po bang hitsura ni Thanatos?" usisa ni Arah kay Kaye na nakaupo sa tapat niya. "Hindi ba siya nakakatakot?"
Sabay na umangat ang magkabilang kilay namin ni Thea nang marinig 'yon. Saka ko naalala ang mga reaksyon namin nang magpakita si Thanatos sa'min sa Greece.
Humalakhak si Thea. "Nakakatakot? Eh halos kaming lahat ata may crush sa god na 'yon, eh."
Natawa rin ako. "Ang gwapo kaya n'un."
Lumiwanag ang mukha ng kapatid niya. "May mga pakpak siya?"
"Mmm!" Tumango ako. "Sa sobrang laki nito, may sarili itong domain."
Kumisap-kisap siya. "Domain?"
Tumango ulit ako. "Pwede kang magtago sa ilalim ng maiitim niyang mga pakpak," sabi ko sa kanya. "Tinago nga niya si Kaye du'n, ih, para hindi siya makita ng rebels."
"Woah." Nanlalaki ang mga mata ni Arah nang tignan si Kaye na inanga't babaan lang siya ng kilay habang nakangisi.
"Seht, handa na ba lahat para bukas?" tanong ni Mama kay twinny.
"Yeah," sagot nito. "I'm keeping in touch with the coordinators."
"Nga pala, twinny, ba't niyo naisipang mag-beach wedding?" usisa ko. "Du'n pa sa may camp ng huntres?"
"That place, Art..." Namuo ang isang malambot na ngiti sa labi ni Seht habang may inaalala. "-was where Thea and I danced with the nymphs of the forest."
"First dance?" tanong ko. "Hindi first kiss? Kagaya nina Ria at Chase sa Arcadia?"
"Ang hirap magpakasal sa eroplano, Art, kaya first dance nalang," ani Thea.
Kumibit-balikat ako saka inangat ang table knife at fork mula sa magkabilang gilid ng pancake na kinakain ko.
Habang natatakam ako rito, nag-uusap-usap sila tungkol sa deities na dadalo. Hindi lang kasi sina Hephaestus at Apollo ang pupunta. Kasali na rin sa mga bisita sina Artemis at Dionysus na isinauli ang invitation nang may pirma.
Bilang paggalang lang naman yung pagpapadala namin ng letter of invitation sa labindalawang Olympians, eh. Malay ba namin na may time pala yung iba sa kanila na bumaba at um-attend ng wedding.
"Pupunta kaya si Chronos?" Nakasingkit ang mga mata ni Thea habang tinutusok-tusok ang cinnamon roll niya. "Nag-iwan pa naman ako ng invitation sa harap nung statue niya..."
"Why did you invite him?" kunot-noong tanong ni twinny sa kanya.
"Tinulungan niya naman kasi tayo," sagot niya. "Syempre, pagkatapos kong i-alay yung pagkamatay ng kapatid ko sa kanya-"
"Ate!"
"Totoo naman talaga!" Pinandilatan ni Thea yung kapatid niya. "Ang saya ko pa nga nu'n, eh-"
"Mama!" naiinis na sambit ni Arah.
"Thea." Nagbabanta ang tinig ni Tita Adelphine nang tignan si Thea na agad bumulalas ng tawa.
"Arah, kung ayaw mong i-alay kita ulit sa isang primordial deity, huwag na huwag kang mamatay," sabi ni Thea. "Mag-ingat ka sa trainings mo, at kung may magtangkang pumatay sa'yo, isumbong mo agad sa'kin."
"Wala akong pakialam kung mortal ba 'yan o imortal," dagdag pa niya. "Ako na mismo ang magkakaladkad sa kanya sa Tartarus."
Nginitian niya si Arah na agad napaiwas ng tingin, tila nahihiya.
Umaksyong hahalikan ni Thea yung kapatid niya. "Love you, maldita."
"Kadiri," bulong naman nito.
Humagikgik si Thea, at nakita ko naman yung nanay nila na palihim na napangiti.
Humugot ako ng malalim na hininga at napapikit sa sarap ng pancake na hindi ko matapos sa pagnguya dahil hanggang ngayon, hindi ko inaakalang magiging mas matamis pa pala ang realidad kesa sa pancake syrup.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Kaye na tahimik na kumakain.
Dahan-dahan kong ipiniling ang aking ulo at gamit ang aking ability, sinuri ko ang buong kalagayan niya.
Simula nang salubungin namin siya sa portal, napansin ko kaagad ang pagiging mas malumanay niya.
Humilig ako papalapit kay Cal. "Cal, naipadala mo na ba yung sulat kay Thanatos?"
"Mmm."
Tumango-tango ako.
Kagabi, nagsulat ako kay Thanatos. Sinabi ko lang naman doon na kung pwede, dito nalang muna sa'min mananatili si Kaye hanggang sa manganak siya, nang sa gano'n, mabantayan namin siya ni Seht.
Hindi pwedeng maging kritikal ang kondisyon niya ngayong nasa ika-anim na buwan na siya.
Tsaka, nakapag-isip din ako, na mas mabuti yung mortal realms para sa kanya, kesa du'n sa Underworld na sobrang dilim at sobrang hapdi sa balat nung hangin.
Nginitian ko si Kaye nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.
Nang maibalik niya ang kanyang atensyon sa pagkain niya, unti-unting nabura ang aking ngiti.
Alam ko kung ano ang nararamdaman at iniisip mo, Kaye. Dahil naranasan ko na rin ito, noong alam kong may mangayayari sa'kin.
Kinuyom ko ang aking mga palad.
'Slade.' Nangangalit kong sambit sa aking isipan, dahil alam ko kung gaano nagiging makasarili ang mga deities kapag may gusto sila kuhanin.
'Wala kaming balak pakawalan ang isa sa'min, at hangga't kompleto pa kaming lahat, walang kukuha sa kanya.'
Kaye's POV
"It's cold." I giggled uncontrollably when Seht applied a clear gel on the skin of my bump.
Napangiti si Seht. "As long it's not causing discomfort."
Umiling ako.
"Bilisan mo na, Seht!" Nakataas ang phone ni Thea sa harap niya. "Para maipakita ko na sa iba!"
"It's the first we're seeing him, right?" Seht asked.
"We don't have modern technology in the Underworld, Seht," paalala ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tili ni Art sa tabi ko, dahilan na matawa ako nang mahina.
I closed my eyes and rested my head on the inclined bed, while waiting for Seht.
"Hey." Narinig kong bulong ni Hector. "Are you okay?"
"I'm tired," matipid kong sagot.
I felt a gentle pressure glide across my skin. I opened my eyes once I heard the faint sound of a heartbeat.
It grew louder and louder, until it echoed around the room.
"There he is," ani Seht.
We all focused our attention on the screen in front of him. At first, all I saw was streaks of white and gray, until Seht turned the monitor so I can see properly.
And there he was.
The demigod peacefully growing inside me.
"Hi, Henri!" sabay na bati nina Thea at Art.
He curled to the side, slightly turning his back against us.
Seht chuckled. "He's shy," he said, and slightly moved his hand.
Napahawak ako sa kamay ni Hector na marahang nakapatong sa aking balikat. "Are you looking?"
"I am," mahina niyang sagot.
Napangiti ako at ipiniling ang aking ulo sa mga kamay namin.
"He's beautiful," puna ko.
I took a deep breath before letting out tears of solemn joy.
Gods. He's perfect.
"So far, I'm not seeing anything unusual," ani Seht habang ginagalaw-galaw ang kamay niya para makakuha ng iba't ibang anggulo. "A baby boy, that's all there is."
I let out a sigh of relief.
"He'll be opening his eyes this month," pagbibigay-alam ni Seht. "And he'll be able to taste what you're eating."
I nodded my head obediently while he informed me about my baby's progress. He also reiterated the basic dos and don'ts while pregnant, and pointed out a few symptoms I might possibly experience.
"But the thing is, Kaye..." He sounded worried. "What you're carrying is not a normal child. He is a demigod, and even more so, a half-primordial."
Umiling-iling si Art. "Kasalanan talaga ni Slade lahat ng 'to."
"Luh," ani Thea. "Dalawa kaya sila sa paggawa n'yan."
I chuckled lightly.
Seht turned his seat to face me. "Will you be okay if I ask you to stay here until you give birth?"
Napalunok ako at umayos sa pagkakahiga. "I-"
"You really think she needs to stay here?" biglang tanong ni Hector.
"I believe so."
Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Hector, bago niya ako lingunin. "Then stay."
I pursed my lips for a moment. "But I told Dad-"
"I'll talk to him."
Matagal-tagal akong napatitig sa kanya, at ilang sandali pa'y inilibot ko rin ang aking paningin para isa-isang tinignan ang mga kasama ko.
All of them pleaded with their eyes, and I can't help but smile.
"I guess I have no other choice."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top