because this is my storm...
Cesia's POV
Bumalik sa dating kulay ang aking mga mata pagkatapos kong mahanap sina Dio at Kara. Hindi ko sila nakikita, natatanaw ko lang kung nasaan sila mula rito sa balkonahe.
Napangiti ako.
Ramdam ko kasi ang kaligayahan nung dalawa, at nanatili ito sa puso ko kahit nang tanggalin ko na ang koneksyon ko sa kanila.
Dumaan ang malamig na ihip ng hangin kaya napakayakap ako sa sarili.
Lumipat ang aking tingin sa Parthenon, isa sa mga sinaunang templo ni Athena. Nasa kabilang ibayo ito ng Athens, at pinaiikutan ng mga ilaw.
"Coward..." bulong ko sa sarili.
"Blind, like an owl."
Nilingon ko ang babaeng lumitaw sa tabi ko nakikimasid din sa tanawin. Suot niya ang isang makapal na cloak at sa ilalim nito, ang puting chiton. Naka-braid sa isang korona ang kanyang buhok na nagagayakan ng mga gintong dahon ng laurel.
"The gods have a tendency to turn blind," aniya, nang hindi ako binabalingan ng tingin. "When overcome with anger, lust, desperation..."
Mula sa Parthenon, bumaba ang kanyang tingin sa iba pang mga gusali ng Athens. Humakbang siya papalapit sa railings at marahang ipinatong ang kanyang palad rito.
"I cannot say I envy you," mahina niyang sabi saka humilig nang kaunti sa nakatukod niyang kamay upang masuri ang nasa ibaba.
Nakakapanibago ang marinig siyang nagsasalita nang mahina, at hindi rin siya nakatayo nang sobrang tuwid. Naglaho na ang nakakatakot na hangin na parating umaaligid sa kanya.
Lumiwanag ang aking mga mata.
Kara.
Nakikita ko na si Kara sa kanya.
"But who would ever know that a mortal I have condemned will eventually rise to prove she was not who I thought she was." Inangat niya ang kanyang ulo at sinalubong ang aking tingin. "You didn't say I was mistaken."
Nginitian niya ako. "You showed it, instead."
"You are, by far, the bravest mortal I have come across with," dagdag pa niya. "And I have met a lot of heroes from different times."
Umayos siya sa pagkakatayo. "Thank you, demigod."
Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo.
Napangiti ako at gano'n din ang ginawa ko bilang pagtugon sa pasasalamat niya.
Nanumbalik ang seryoso niyang ekspresyon nang muli akong tignan. "You've done well."
Huminga ako nang malalim. "Athena, lahat ng sinakripisyo ko, ay hindi para sa inyo," paalala ko sa kanya. "Para ito sa mga taong itinuturing kong pamilya, kabilang na yung anak mo."
"Sila yung nando'n para sa'kin sa panahon na nanghihina ako," dugtong ko. "Sa kanila ako humuhugot ng lakas, kaya.... kung wala sila, wala rin ako."
"Hindi lang ako ang dapat niyong pasalamatan," saad ko.
Matagal-tagal niya akong tinitigan.
Ilang sandali pa'y namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "The gods are indebted to you."
Nabigla ako sa sinabi niya. "H-Hindi naman sa gano'n-"
"No," sambit niya. "The realms are indebted to all of you."
Napakurap-kurap ako. "Uhh-"
Lahat ba ng realms yung tinutukoy niya?
"Enjoy your stay in my city," paalam niya. "I am honored to have you here."
Hinatak niya ang dulo ng kanyang cloak at nag-anyong puting owl. Tinignan niya muna ako bago tuluyang pumagaspas papalayo.
Sinundan ko ng tingin ang goddess na lumilipad patungo sa Parthenon.
Bago pa siya tuluyang nawala sa aking pananaw, nagkaroon ng panandaliang kislap mula sa ibabaw ng kanyang templo. Kulay berde ang kulay ng liwanag at sa loob lamang ng isang segundo, inilawan nito ang madilim na kalangitan.
Nakatuon ako sa Parthenon nang maramdaman kong may pumatong sa balikat ko. Yumuko ako at nakita ang isang jacket.
Napangiti ako.
Inayos niya ang pagkakasuot ko ng jacket bago ako tabihan sa balcony.
"Ba't gising ka pa?" tanong ko.
"What did she tell you?"
Napatingin ako sa kanya.
"Trev," sambit ko. "Pwede bang huwag mo'kong sagutin ng tanong?"
"Mmm." Nakapamulsa siya at sinulyapan ako mula sa sulok ng kanyang mga mata. "So, what did Athena tell you?"
Nagbuga ako ng hangin at muling humarap sa tanawin. "Pinasalamatan niya lang ako. Tsaka, sabi niya may utang na loob daw ang realms sa'tin."
Piniling ko nang kaunti ang aking ulo sa balikat ko dahil sa bango ng jacket niya.
Sa sumunod na minuto, tahimik lang siya. Komportable naman ang katahimikan, kaya napapikit ako.
Inaantok na ako...
"Daughter of Aphrodite."
Mabagal kong ibinukas ang aking mga mata at nakita siyang nakaharap sa'kin.
Naramdaman ko ang palad niya sa aking pisngi na dahan-dahang inangat ang ulo ko.
"Bakit?" mahina kong tugon.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa'kin.
Nagsimula na akong mag-alala kaya hinawakan ko ang kamay niya. "May problema ba?"
Ibinaba niya ang kanyang kamay ngunit hindi ko pa rin ito binitawan.
"Trev?"
Dumako ang kanyang mga mata sa magkahawak naming kamay.
Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan ko para malaman kung ano ang nararamdaman niya
"I thought she wanted to take you away again," bulong niya sabay hawak sa aking buhok.
Kasunod kong naalala ang nangyari noong bumalik kami sa nakaraan. Noong nasa Troy pa kami at biglang nagpakita si Athena sa'kin.
Humigpit pa lalo ang pagkakayakap ng braso niya sa beywang ko.
"T-Trev-"
"What are you doing to me, Cesia?"
Nagtaka ako. "H-Huh?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"I thought I wouldn't be able to feel fear anymore, after everything was taken away from me," bulong niya. "And then you came..."
Bahagyang bumukas ang aking bibig ngunit walang salita ang lumabas.
"Who are you to make me feel this way?"
Napagdesisyunan kong huwag nang magsalita pa at inangat nalang ang aking mga braso para yakapin siya.
Nang bitawan na niya ako ay saka ko nakita ang isang mapait na ngiti sa labi niya.
"And here I thought I was fine on my own..."
Tumawa siya nang mahina at hinilamos ang palad niya. "Gods-"
"Trev? Okay ka lang?" tanong ko.
"I'm not," natatawa niyang sagot. "I'm not okay."
"H-Ha?" Nag-alala na nga ako nang tuluyan. "Bakit? Anong nangyari-"
"You happened."
Napatigil ako.
"You happened, Cesia," aniya.
"And I get afraid." Napalunok siya. "I get afraid every second you're not with me."
Tinakpan ko ang aking bibig at pinigilan ang aking sarili na matawa.
Wala. Nakakatuwa lang kasing makita siyang nagkakaganito.
Napansin niya ito kaya napailing siya at akmang papasok na sa kwarto.
Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya pabalik sa harap ko.
"Trev..." natatawa kong tugon.
Sinamaan niya ako ng tingin. Samantalang, nakangiti ako nang malapad nang hawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi mo na kailangang sabihin sa'kin kung gaano mo'ko kamahal," sabi ko sa kanya. "Alam ko kung anong nararamdaman mo sa tuwing magkasama't magkahiwalay tayo."
"At hindi ko na rin kailangang gamitin ang kapangyarihan ko para malaman ito, kasi-" Humugot ako ng hangin. "Kasi gano'n din ang nararamdaman ko para sa'yo."
Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Mahal kita, kahit alam kong litong-lito ka pa sa sarili mo kasi hanggang ngayon may bahagi pa rin sa'yo na nahihirapang tanggapin ang katotohanang karapat-dapat kang mahalin."
"Walang taong hindi nararapat na mahalin, Trev," Umiling-iling ako. "Lalong-lalo na ikaw."
"At masaya ako..." Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. "Masaya ako kasi nagawa mong sabihin sa'kin na mahal mo ako. Mga katagang hindi aakalain ng iba na mabibitawan mo."
"Hindi ako mawawala," pangako ko. "Hmm?"
"Hindi kita iiwan." Nginitian ko siya. "Kahit kailan."
Inilihis niya ang landas ng kanyang paningin, na tila ba nahihiya.
"You-" Inilayo niya ang kanyang mukha. "You really know what to say, don't you?"
Binaba ko ang aking mga kamay at natawa nang mahina.
"Magaan na ba yung pakiramdam mo?" tanong ko.
Humugot siya ng malalim na hininga at pinakawalan ito.
"I guess so..."
Humagikgik ako. "Ipapakita ko 'to kina Chase-"
Pinadalhan niya ako ng namamahamak na tingin.
Inangatan ko siya ng kilay.
"Tsk." Marahas niya akong hinila papalapit sa kanya. "Come here," sabi niya sabay akbay sa'kin.
"Aray!" Mabilis akong napakapit sa likuran niya. "Trev!"
"What am I going to do without you?"
"Ewan ko rin," naiinis kong sagot.
"Let's run away."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
Tinignan ko siya. "Huh?"
Yumuko siya para salubungin ang aking tingin.
"Run away to the sky with me, Abigail." Nginitian niya ako. "Like what we always do."
Nabaling ang aking atensyon sa palitaw-litaw na mga kidlat sa ibabaw ng mga ulap, ngunit walang maririnig na kulog.
'Because this is my storm...'
Lumiwanag ang aking mga mata, namamangha pa rin sa kung gaano ito kagandang pagmasdan kahit ilang beses ko na itong nakita nang pangmalapitan.
'...and I will never hurt you.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top