an enthusiastic assembly...

Thea's POV

"Gago!" Sinipa ko si Seht na napagulong sa higaan at bumagsak sa sahig.

Inangat niya ang kanyang sarili at sinilip ako mula sa ibaba. "Why?"

Nanlalaki ang aking mga mata nang ipakita sa kanya ang sinend na litrato ni Cesia.

"Oh." Tumayo si Seht at itinukod ang kanyang mga palad sa gilid ng higaan. Idiniin niya rin ang kanyang mukha sa screen. "That's great."

"Anong great?!" Napaluhod ako. "Tangina, Seht! Ikakasal na sina Trev at Cesia!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumili nang sobrang lakas.

Dali-dali akong lumabas at kamuntikan ng madulas sa hallway. Tumakbo ako at nakita si Art na tumatakbo rin sa direksyon ko nang nakabukas ang mga braso. Sabay kaming tumili saka sinalubong ang isa't isa ng isang nananabik na yakap.

Tumalon-talon kaming dalawa habang nakayapos.

"Thea!" matinis na sigaw ni Art.

"Art!" sigaw ko rin. "Ikakasal na sila!"

"Who?"

Nilingon namin si Kaye. Tumakbo kami sa kanya at kinuha ang mga kamay niya.

"Kaye!" sambit namin. "Sina Trev at Cesia!"

Hindi maipagkakailang labis niyang ikinasaya ang balita dahil malakas siyang napasinghap. "Really?!"

At sabay kaming tatlo na tumili.

"Oh Gods." Pabalik-balik ang tingin ni Kaye sa'min ni Art nang nanlalaki ang mga mata. "Oh Gods! Finally!"

"Huy!" ani Art nang ituon ang kanyang atensyon sa phone na hawak-hawak niya. "Magkita-kita daw tayo kila Chase mamaya!"

"Oh-" Napahakbang paatras si Kaye. "I don't think I can go," sabi niya. "Seht said I have to rest today." Sa kabila ng dismayadong tono ng boses niya, nginitian niya pa rin kami. "But tell me everything when you get back, okay?"

Tumango kami ni Art.

"Okay!"

"Okie!"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming napatili, pero ginawa pa rin namin ito bago kami magsitakbuhan ni Art sa sarili naming kwarto para maghanda. Narinig ko pa ang pagtawa ni Kaye sa inasta namin.




Kara's POV

I put my phone down on the table and listened to the rest of the conference with a smile.

It's time, I thought.

Nang matapos na kami ay lumabas ako suot pa rin ang isang matagumpay na ngiti, pagka't matagal-tagal ko nang hinintay ang balitang kararating lang sa'kin.

"Hey." I called for my secretary who was about to head to the office. "Ask for the menu of the restaurant just across the street and tell the others that lunch is on me."

Lumiwanag naman ang kanyang mukha nang marinig 'yon. Masigla siyang tumango at nagpaalam para sundin ang inutos ko.

I leaned my head on the door once I entered my office. I broke into a wider grin as tears started to blur my vision. 

"Finally, Sky." I whispered. "You did it."

I wiped the tears that threatened to escape and chuckled lightly. Taking a deep breath, I relieved myself from the overwhelming joy that took over the moment I saw Cesia's photo of her hand wearing a diamond ring.

Padabog akong bumagsak sa aking upuan nang nakangiti. Pinatakbo ko ang aking mga palad sa buhok ko at nanatiling napahawak dito habang nakatuon sa aking harapan.

"They're getting married," I reminded myself.

Nabaling ang aking atensyon kay Dio na mahina munang kinatok ang pinto bago pumasok bitbit ang dalawang silver lunchbox.

"Dio-"

"I know." He said with a smile, and pulled a chair to sit across me. Isa-isa niyang inilapag sa mesa ang mga pagkain na niluto niya.

Saka ako napatigil.

Napansin ito ni Dio kaya napahinto rin siya. "What's the matter?"

I lightly rubbed my throat after tasting a bit of acid on the base of my tongue. The smell of food seemed to trigger an unusual reaction to my senses.

And then, my hand heavily fell on the table when my chest heaved to the sudden push I felt from deep inside my guts.

"Babe?" Bakas ang matinding pag-alala sa boses niya, napatayo si Dio. "What's wrong?"

I tightened my grip on the edge of the table and roughly pushed my chair further. I quickly stood on my feet and looked for the nearest bin while covering my mouth.

Luminga-linga ako, hindi mapakali.

Nang mahanap ko na nga ito ay napatakbo ako rito at bumagsak nang nakaluhod sa tapat nito. Itinukod ko ang aking palad sa pader, at yumuko, sabay buga ng nakain ko kaninang umaga.

Ilang sandali pa'y napaupo ako sa sahig.

Mabagal kong ibinukas-sara ang aking mga mata. "I-I'm sorry you had to see that," nanghihina kong tugon.

"Kara..." Dio crouched down beside me and held me by the shoulder. "Tell me, since when?"

I closed my eyes and leaned my head against his chest. 

Napalunok ako. "Let's not tell the others just yet."

Silence immediately followed.

"Fuck." He cursed under his breath.

Inangat ko ang aking braso at ipinalipot ito sa kanyang leeg para yakapin siya. "Dio..." sambit ko. "I don't know how to do this."

"I'm scared," pagbibigay-alam ko sa kanya. "After what I went through, I'm not sure if I can sustain another life inside me."

The thought of having a miscarriage shook me to the core. A soft sob escaped my lips when I reached for a tighter embrace.

Wrapping both his arms around me, he whispered, "We're going to go through this together and whatever happens, we'll still be happy."

I have never feared of tomorrow this much, and though the future remains uncertain, there's only one thing I'm certain of...

My husband loves me for the things I could give him, and he will still, love me, for the things I couldn't.

Napangiti ako.

If carrying his child will make me suffer so much, then I gladly will. I will fight for what I want, and I will remain strong despite all the fear and anxiety... and pain.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

I'm not a daughter of the goddess of war for nothing.




Ria's POV

"Siguro alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito." I paced back and forth in front of the girls.

Huminto ako at nilingon si Cesia. "Cesia here, is getting married."

Tumango-tango sila maliban kay Cesia na napakurap-kurap lang. Itinaas niya ang kanyang kamay kaya't napaangat ako ng kilay.

"Ba't ang dilim?" tanong niya. "Sigurado ba kayong meeting 'to at hindi interrogation?"

Agad tumayo si Art. "Ako na mag-on nung lights!" aniya, saka tumakbo at binuksan lahat ng mga ilaw sa loob ng meeting room nina Hermes at Chase.

Nang makabalik si Art sa kanyang upuan, ipinagdaop ko ang aking mga palad at tinignan sila nang kumikinang ang mga mata. 

"Alright, girls!" anunsyo ko. "We have a wedding to help plan!"

With both hands on my back, I continued to walk around the long table, slowly encircling them. "In front of you, is a calendar, several brochures and magazines that will serve as guide and sources," I informed them. "And while we wait for the sample wines and cakes, you can try to scan them."

Muli na namang itinaas ni Cesia ang kamay niya. "Hindi ba dapat kasali si Trev dito?"

Napatigil ako.

Oo nga 'no?

I picked up my phone from the table and dialed Chase's number. It rang two times before I heard his voice on the other end of the line.

'Yes, baby?' 

"Hey." Hindi ko naiwasang mapangiti sa bati niya sa'kin. "Where are you?"

'Kasama ko yung mga lalaki,' sagot niya. 'May pinag-uusapan kami.'

"Is it about the wedding?" usisa ko.

'Bachelor's party.'

Napasimangot ako.

'-na may kaunting wedding?'

I closed my eyes and let out a frustrated sigh. "I'm with the girls, also. You think you can ask the boys to come too?"

'Kailan?'

"Uh?" I shook my head. "Right now?"

'Okay, boss.'

I ended the call and cleared my throat. "They're on their way," tugon ko. "Let's start reading and looking."

Umupo ako sa dulong upuan at binuksan lahat ng mga hinanda ko para sa araw na 'to. Nasa gitna ako ng pagsusuri ng isang bridal magazine nang tawagin ako ni Cesia.

"Ria, hindi mo ba ako tatanungin kung anong gusto ko para sa kasal ko?"

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "You already have something in mind?"

Tumango siya.

"Then that's great!" I clasped my hands again. "What do you want?"




Art's POV

"So we agree to send them invitations-"

Nasa gitna ng pagsasalita si Kara nang biglang bumukas ang mga pinto at ibinunyag yung boys.

"Ria, ikaw ba yung tumawag sa winery?" tanong ni Chase. "May mga tauhan kasi kaming nakasalubong sa labas."

"Did you tell them to come inside?" ani Ria.

Biglang naglaho si Chase sa aming paningin at muling nagpakita pagkaraan ng ilang segundo.

"Syempre," sagot niya. "Di ko nakalimutan."

Napangiti ako, at sinundan ng tingin si Trev na naunang humiwalay sa kanila para lapitan si Cesia na nakaupo sa tapat ko.

Bahagya kong itinagilid ang aking ulo nang pabulong nilang binati ang isa't isa.

"Artemia."

Nilingon ko si Cal na kauupo lang sa tabi ko. Humilig ako papalapit sa kanya at ngumuso. Bumaba ang kanyang mga mata sa labi ko bago ako halikan nang panandalian.

Pagkatapos, kumisap-kisap ako sa kanya habang nakangisi.

Umayos siya sa pagkakaupo. "What's that?" tanong niya nang masulyapan ang nakakalat na magazines at brochures sa harap ko.

Napatuon din ako rito. "Para sa kasal."

"Mmm." Pinaningkitan niya ang mga ito, saka sinulyapan ang dalawang demigods na mahinahong nag-uusap sa tapat namin.

Nakita ko kung paano umangat nang kaunti ang isang sulok ng kanyang labi habang nakamasid sa kanila.

Wala sa sarili akong napahawak sa kamay niya. "Ang saya mo para sa kanila, ah..."

Yumuko siya, at mahinang natawa. "Just..." Nginitian niya ako. "-relieved."

Napatitig lang ako sa kanya, at pagkalipas ng ilang segundo, isa-isang pumasok ang mga lalaking naka-suits. Bawat isa sa kanila'y may bitbit na bote ng wine at yung dalawang nasa hulihan ay may dalang trays.

Iniunat ko ang aking mga braso bilang paghahanda. "Cal!" nananabik kong sambit sa kanya. "Ikaw na bahalang bumuhat sa'kin pag nalasing ako, ah?"

Umangat ang magkabilang kilay niya. "Are you sure about that?"

"Luh!" Hinataw ko ang balikat niya. "Sabi mo nung kinasal tayo na aalagaan mo ko!"

Namuo ang isang nagbabalak na ngiti sa labi niya. "Oh, I will."

"Ano 'yang iniisip mo?" Dahan-dahan akong humilig papalayo sa kanya. "Huh?"

Bigla akong napasinghap. "Sisimulan mo yung latest season ng powerpuff girls habang tulog ako 'no?!"

Sinimangutan niya ako, dahilan na matawa ako.

"Sabay nalang tayong maglasing para sabay din tayong matulog?" suhestyon ko.

"Right," malamig niyang sagot.

"Tapos..." Ipinatong ko ang aking palad sa hita niya. Dahan-dahan siyang napatingin rito nang himas-himasin ko yung pantalon niya. "Pagkagising natin, gawa tayo ng mini versions."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Whose mini versions?"

Nginitian ko siya.

Ginantihan niya naman ako ng isang mariing tingin. "Stop making it a habit to get on my nerves, Artemia," aniya, at inilipat ang aking palad sa hita ko.

Yumuko ako at madahan na napasinghap nang giyahin niya ang aking kamay paangat ng aking hita, at pagitna.

"C-Cal-"

Tumigil sa paggalaw ang kamay niya. "That's what I thought."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top