abducted under daylight...

Dio's POV

"Good morning Fira, Santorini, Greece!" Narinig kong sigaw ni Thea mula sa labas.

"Thea! Thea!" Biglang tumili si Art. "Nabulag na ata ako!"

"Gusto mo bang sapakin kita, Art? Porke't puti lahat ng nakikita mo, bulag na agad? Di ba pwedeng nasa pinakamagandang Fira, Santorini, Greece ka lang?!" Nilakasan ni Thea ang pagbitaw ng mga katagang Fira, Santorini, at Greece.

"Eh?!" Pangalawang beses nang tumili si Art. "Ang ganda pala pag umaga, no?!"

I groaned and clung onto the pillow under my head.

"Tumahimik nga kayo!" sigaw naman ni Chase mula sa itaas ng kwarto namin ni Kara. "Ang aga-aga!"

"Ambobo mo, Chase!"

"Mas gago ka! Ang ingay-ingay mo!"

"Everyone shut the fuck up!"

Great, I thought. Mukhang mapapalayas kami sa lugar na'to nang wala sa oras.

We just arrived here last night. Mabuti nalang talaga at nag-early dinner kami dahil pagkarating namin, nagsibagsakan na kami sa sari-sarili naming mga higaan.

We rented three two-story buildings that stood along Fira's stone pathway. Each building had two suites, one on the first floor and one on the second floor. We had a vacant room, of course, an extra suite, sapagka't hindi namin inasahan na maaga palang uuwi sina Kaye at Matilda.

Fira is the capital of Santorini. The place is full of tourists and abundant with life, even at night, which is why we chose to stay here.

It's also located on top of a cliff, which means we're going to get a view of the sky above and around us, no matter where we are in Fira.

"Dio..."

Kumunot ang aking noo pagkatapos maramdaman ang isang kamay na humawak sa aking mukha.

"I know you're awake," she whispered.

Iminulat ang aking mga mata. "Who wouldn't? Ang ingay ng mga kasama natin."

"Hmm." She smiled, and closed her eyes. "I love hearing their voices in the morning. It makes me remember our days in the Academy," she said, her thumb lightly encircling the side of my cheek. "When we still used to live together."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Yeah," I remembered. "When we used to almost die everyday..."

"Good morning, Cesia!" Muli na naman naming narinig ang matinis na boses ni Art. "Nakakain ka na ng breakfast?" 

"Hindi pa?" aniya. "Eh di same tayo! Wahahaha!"

Pumikit ako at napangiti. "They're even louder than the last time I remembered."

"Hoy may nakita akong cafe du'n!" sigaw ni Thea. "Du'n sa dulo!"

"We should get up," ani Kara at naunang bumangon. "If we don't want to miss breakfast."

I rolled on my back and stared at the ceiling.

"Kara," sambit ko. "No one's going to take this away from us, right?" Nilingon ko siya. "I still couldn't believe we were able to make it this far... after everything that's happened."

Araw-araw nalang, sa tuwing nagigising ako, iniisip ko pa ring panaginip lang lahat ng 'to... na hindi totoo ang buhay ko ngayon, at gawa-gawa lang ni Chaos ang realidad na'to para linlangin ako, para paasahin ako.

Nang sa gano'n, masasaktan ako nang todo, sa sandaling bawiin niya lahat.

"Hey..." Nakakunot ang kanyang noo nang maupo sa tabi ko. "We fought for this." She rested her palm on my chest. "All we had to go through, every pain, doubt, fear... lead us here."

"Because it's what we deserve," dugtong niya. "Remember that."

Inangat ko ang aking sarili at umupo sa higaan.

"Here." Inabot niya sa'kin ang mga damit ko.

Tinanggap ko ito at nginitian siya. "I love you."

She kissed me on the lips. "I love you, too."

See? Kaya nagdadalawang-isip ako kung totoo ba itong nangyayari sa'kin.

It was just too good to be true.

Tumayo na ako at nagsimulang magbihis. "Strange," puna ko. "Nami-miss ko na rin yung Academy."

But I wasn't surprised.

The Academy, was my home . It helped me grow, taught me how to stand firm, and conquer my fears... and finally, led me to my one true home.

A home I am able and willing to protect, after years of studying and training. A home, where I can apply everything I learned within and outside the Academy's walls.

"You ready to go out?" Kara tightened the braid on her hair.

I stopped folding the end of my sleeves after she turned around to face me. She wore a beautiful pastel green dress.

"Not your usual blouse and jeans?" tanong ko.

"I feel like wearing a sundress today," sagot niya. "The sky's clearer than usual."

Pagkatapos, ipinakita niya sa'kin ang puting cardigan na nasa kamay niya. "I'm pairing it with this."

Natawa ako nang mahina at nagpatuloy sa pagtupi ng sleeves ko. "Whatever you feel like wearing, babe."




Cesia's POV

"Cesia!"

Kakalingon ko pa nga lang kay Thea at narinig ko na ang tunog ng shutter nung camera niya.

"Thea naman ih! Ako rin!" reklamo ni Art. 

"Okay, okay." Itinapat niya ang camera kina Art at Cal na magkatabing nakaupo. "Sama ko na rin si Cal."

"Cal!" Tumili si Art. "Picture daw tayo!"

"Artemia." Humilig si Cal sa kanya at bumulong, "You know I do not like my portraits taken."

"Smile!"

Dahil sa sinabi ni Thea, ngumiti nang malapad si Art. Bahagya namang lumingon si Cal sa camera, suot pa rin ang pangkaraniwan niyang blangkong ekspresyon.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Mayamaya'y naramdaman ko ang isang pares ng mga matang nakatuon sa'kin, kaya inilipat ko ang aking atensyon sa kabilang table at ipiniling nang kaunti ang aking ulo para salubungin ang tingin ni Trev na nakaharap sa'kin.

Kasama niya sina Kara, Chase, Dio at Ria na abala sa pag-uusap.

Naramdaman kong gumalaw ang phone ko na nakapatong sa hita ko.

Palihim akong napangiti nang makita ang pangalan niya sa screen.

Kinuha ko ito at binuksan yung message niya.

'Remind me why we're not on the same table.'

Natawa ako nang marahan.

'Limang upuan lang kasi ang meron sa bawat table,' sagot ko.

Sinulyapan ko siya na katulad ko, ay nakayuko din.

Ilang sandali pa'y nakatanggap na naman ako ng mensahe mula sa kanya.

'Let's go out.'

Napakurap-kurap ako. 

'Ngayon na?'

'Yes.'

Inangat ko ang aking ulo at isa-isang tinignan yung mga kasama ko.

"Go," ani Seht na nakapangalumbaba habang umiinom ng kape. "We'll be fine."

Lumiwanag ang aking mukha.

"Just be back before dinner, alright?"

Kinuha ko ang puting tote bag na nakasandal sa paanan ko. "Thank you, Seht."

Nginitian niya ako. "Have fun."

Tumayo ako, at nalamang nakaalis na pala si Trev sa kinauupuan niya. Lumabas ako ng café at natagpuan siyang nakapamulsa habang nakamasid sa isang grupo ng mga turista na naghihiyawan sa tuwa.

"Daughter of Aphrodite," mahina niyang sambit.

"Son of Zeus."

Pagkatapos, bigla nalang siyang tumawa. "I actually don't know where we're going." Nilingon niya ako. "I just wanted to spend time with you."

"Trev!"

"I heard their frozen yoghurt tastes good, though." Hindi maipagkakailang ikinatuwa niya ang reaksyon ko. "I hope you didn't finish your breakfast or if you did, there's still room for dessert?"

Napailing ako at marahan siyang tinulak. "Tara na nga."

"Ah." May naalala ako. "Trev, pwede bang dumaan tayo mamaya sa mga souvenir shops?"

"Aren't you supposed to buy souvenirs on our last day?"

Napatigil ako.

Oo nga no?

"Eh di magtitingin-tingin lang tayo." Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Tsaka, baka kailangan ko rin bumili ng mga bagong damit."

"Konti lang kasi yung nadala ko," pagpapaliwanag ko. "Ano sa tingin mo?"

"Come to think of it, I might just have to buy a few things for myself too," aniya.

"Talaga?" usisa ko. "Katulad ng ano?"

"A pen," sagot naman niya. "I forgot to bring one and I need to sign some papers."

Sinimangutan ko siya.

Akala ko pa naman sabay kaming magsho-shopping...

"Yun lang ba?" tanong ko.

"For now."

Nagsimula na akong mag-isip-isip ng mga bibilhin, nang mahagilap ng aking mga mata ang dalawang lalaki. Pareho silang nakaitim at bahagyang nakatago sa likod ng nagkukumpulan na stalls.

Huminto ako at yumuko.

"Cesia?"

Iniba ko ang kulay ng aking mga mata, at pinakinggan ang bawat tibok ng mga pusong nakapalibot sa'kin, dinadama ang kabuuan ng kapaligiran.

Mabilis kong inangat ang aking ulo nang makarinig kami ng sigaw.

Tumakbo kami sa direksyon ng pinanggagalingan at nakita ang nagkukumpulang mga tao sa gilid ng daan.

"Excuse me," pilit kong pumasok sa gitna ng mga taong walang tigil ang pagdagsa.

Sa gitna, natagpuan ko ang isang matandang lalaki na nakahilata at duguan ang buong katawan. Lumuhod ako sa tabi niya at sinuri nang maayos yung kalagayan niya.

May ilang saksak siyang natamo sa tagiliran at sa likod niya.

"Trev." Tumayo ako pagkatapos makita kung ano ang nangyari sa kanya. "Trev- may mga kasama siya."

"Isang babae at dalawang mga batang lalaki," nag-aalala kong tugon. "Wala sila rito."

Umikot siya sa kinatatayuan niya. "They couldn't have gone far," sabi niya, bago muli akong tignan. "You think you can call the others?"

Tumango-tango ako.

"Good." Tuluyan na ngang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. "I'll be the first to look for them."

Nang iwan na ako ni Trev ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Seht.

'Cesia?'

'Seht, kailangan niyong pumunta rito-' Dumako ang aking tingin sa leeg ng lalaki kung saan nakasabit ang pamilyar na simbolo. Hugis bilog ito at yari sa pilak.

"Gamma," bulong ko.

'Where are you? Cesia?'

Napaatras ako. 

Isa siyang alumni ng Academy.

Ibig sabihin, posibleng hindi rin mga ordinaryong tao yung nawawala niyang mga kasama, pati na yung dumukot sa kanila.

Narinig kong suminghap ang matandang lalaki kaya yumuko ulit ako sa tabi niya.

"Hi." Kinuha ko ang nanginginig niyang kamay.

Tinignan niya lang ako nang luhaan ang mga mata. Bumukas ang kanyang bibig, na para bang may gusto siyang sabihin, ngunit walang salita na lumabas. Sa halip, lumabas ang dugo mula sa sulok ng kanyang bibig at mabagal na tumakbo hanggang sa kanyang leeg.

Nakatingala siya sa kalangitan, habang nakahawak sa kamay ko.

'Huwag,' sabi ko sa sarili, humihiling na naririnig ako ni Thanatos. 'Huwag muna.'

Napailing ako nang makita ang unti-unting pagkahiwalay ng realidad mula sa kanyang mga mata. Bahagya siyang pumikit, at ramdam ko... ramdam ko kung paano niya nilabanan ang umuudyok sa kanyang antok. Pinipilit niya pa ring magising, gaano man kabigat ang mga mata niya.

Nginitian ko siya, at sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha sa lupa.

Humilig ako malapit sa kanya at bumulong, "Huwag kang sumakay sa bangka ni Charon..." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "At kung si Thanatos ang makikita mo, sabihin mo, magkakilala tayo, at sa Elysium... sa Elysium ang totoong destinasyon mo."

Nilunok ko ang namumuong sakit sa aking lalamunan.

"I-Inaantok ka na..." Itinukod ko ang isa kong kamay sa tabi ng ulo niya at yumuko. "Kaya matulog ka na..."

Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha, nang baguhin ko ang kulay ng aking mga mata at ipinaalala sa kanya ang bawat sandali ng buhay niya kung saan siya pinakamasaya...




Art's POV

Kumakain ako ng fries habang tumatakbo papunta kay Cesia na ewan ko rin kung nasaan. Basta sinusundan ko lang yung iba, maliban kay Chase na hindi na namin kasama kasi ginamit na niya yung ability niya para mauna.

Mula sa malayo natatanaw ko ang mga tao na nagkakagulo. Mayroon ding mga pulis na sumisigaw sa kanila at tinutulak sila papalayo sa gitna.

Bumagal ang aking takbo, hanggang sa huminto na nga ako.

Nilapitan kami ni Chase na gulong-gulo ang buhok.

"Where's Cesia?" tanong ni Kara.

Umiling si Chase. "Hindi ko siya mahanap."

Nag-uusap-usap sila tungkol sa nangyari. Mula sa sulok ng aking mga mata, may napansin ako kaya dahan-dahan akong lumayo sa kanila at umalis sa eksena.

Bitbit ang french fries, sinundan ko ang dalawang lalaki na nakaitim.

Umakyat ako sa puting hagdan, at lumiko. Tapos akyat na naman, at liko, hanggang sa makarating kami sa isang makitid na daan, malayo sa gitna ng Fira.

Huminto sila at gano'n din ang ginawa ko.

Kumuha ako ng isang french fry habang nakatuon lang sa likod nila. Pagkatapos, dahan-dahan silang umikot upang harapin ako.

Lumiwanag ang aking mga mata nang maaninagan ko ang mga mukha nila.

"Oh!" Dinuro ko sila. "Kayo nga yung nag-kidnap sa'min dati sa Athens!"

"Hello! hello!" Kumaway ako. "Do you remember me?"

Ilang sandali pa'y yumuko ako nang may naramdaman akong gumalaw sa likuran ko. Umikot ako nang nakaunat ang isang paa at sinipa ang balakang ng isa pang lalaki na nakaitim.

Tumayo ako at tinignan ang kutsilyo na nabitawan niya nang matumba siya.

Hindi ko binalingan ng tingin ang yabag ng mga paa na papalakas at patungo sa kinatatayuan ko. Nang huminto ito ay saka lang ako gumalaw at siniko sa mukha ang lalaking tumakbo. 

Pinigilan ko ang kamay niyang may hawak ng dagger at pinihit ito. Hindi ko siya binigyan ng segundo na umiyak sa sakit dahil agad ko siyang hinatak at tinuhod ang sikmura niya. Binitawan ko siya, sabay patid sa tiyan niya.

Tinignan ko ang french fries na nasa kabilang kamay ko at binilang ito.

"Nice," puna ko.

Nagawa kong gawin lahat 'yun gamit lang ang isang kamay.

"French fries?" alok ko sa tatlong lalaki na nakapalibot sa'kin at unti-unting lumalapit.

Humakbang ako patagilid at bahagyang humilig nang sabay-sabay silang gumalaw. Yumuko ako at gamit ang aking palad, marahas kong tinulak paangat ang baba ng isa sa kanila dahilan na mapaatras siya.

"Wew." Umikot ako nang dumaan sa tagiliran ko ang kutsilyo. Tinignan ko ang lalaking may hawak nito at nginitian siya, bago ko hampasin ang lalamunan niya gamit ang gilid ng kamay ko.

Binilang ko ulit ang french fries ko at napasinghap nang malamang kompleto pa rin ang mga ito.

"Iiiiihh-" Tumili ako, pero mabilis itong naputol dahil nahagilap ng mga mata ko ang kinang ng blade na patungo sa aking mukha. Umatras ako, at pinakita sa lalaki yung french fries na dala-dala ko. "Charan!"

Napasigaw siya sa inis at muling ipinahilig ang dagger sa harap ko.

"Luh," bulong ko bago yumuko. Ramdam ko ang panginginit ng palad ko, hanggang sa lumiwanag ito nang kaunti.

Gamit ang dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa puluhan nito, isasaksak na sana ng lalaki ang kutsilyo sa ibabaw ng ulo ko, nang iangat ko ang aking tingin sa kanya.

Napasigaw siya sa matinding silaw ng aking mga mata, at sa sandaling iyon, tumayo ako at hinawakan ang braso niya. Narinig kong sumagitsit ang balat niya nang dapuan ng kamay ko. Diniin ko ang pagkakahawak sa kanyang hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagkasunog ng balat niya sa ilalim ng palad ko.

Umangat ang isang sulok ng labi ko nang pilit niyang kumawala sa'kin. Sumigaw siya, nag-iiyak, habang nagpapadyak sa sakit.

Sinulyapan ko ang dalawa na nasa likod niya.

Lalong lumiwanag ang mga mata ko, gayundin ang araw na kalalabas lang mula sa pagtatago sa likod ko.

Hindi ko tinatanggal ang aking tingin sa kanila nang iangat ko ang nangingitim na braso ng kasama nila, bago ito pakawalan.

Nakarinig ako ng tunog ng pagsaksak kaya bahagya akong napalingon sa likod at nakita ang isang lalaki.

"Huh." Kumunot ang aking noo. "May isa pa pala..."

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin sa dagger na nakabaon sa tagiliran ko. Pinalipot ko ang aking mga darili sa puluhan nito at hinatak ito.

Napatitig ako sa sugat kong mabagal sumarado.

Sinuri ko ang dagger na nasa kamay ko.

"Wolfsbane..." bulong ko.

Isa sa mga lason na may kakayahang hadlangan o pabagalin ang kapangyarihan naming maghilom ng sugat.

Nabitawan ko ang kutsilyo nang bigla akong hinatak sa buhok ng nakasaksak sa'kin. May ibinulong siya sa'kin na hindi ko naintindihan, bago ako itapon sa lupa.

Binalewala ko ang hapdi na nanggagaling sa buto ko at nagtangkang tumayo. Tuluyan na ngang nahulog ang french fries mula sa kamay ko sa sandaling natagpuan ko ang isa sa kanila na nasa harap ko.

Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ang pagdiin niya ng kutsilyo sa tiyan ko. Hinatak niya ito at sa pangalawang pagkakataon ay sinaksak ako.

Tila hindi pa kuntento, ipinihit niya ang kanyang kamay at itinulak ang sarili niya sa'kin.

Hinawakan ko ang balikat niya. "Pag hindi niyo pinalitan yung french fries ko pagkagising ko..."

Ngumiti ako.

"Susunugin ko pati kaluluwa niyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top