Kabanata 5


"Pupunta sa taniman pero ang ganda-ganda!" Mataray na puna kay Aipha ni Fifer habang nananalamin siya sa whole body mirror nila sa may salas. "Nalipat na pala ang Makati dito sa probinsya natin, ano? Ang kati-kati dito!"

Pinalo niya ng suklay si Fifer sa braso. "Tumigil ka nga, Fifer. Kailan ba ako naging pangit?"

"Sabagay." Humahagikgik na sagot ng kaibigan.

"Aipha, anak?" Narinig ni Aipha na tumatawag ang ina. Mabilis niyang tinungo ito sa kuwarto nito. Nakita niyang nagpupumilit itong tumayo. Hindi na kaya ng ina ang mag-isang kumilos. Mabilis ang paghina nito dahil sa sakit sa bato, hindi pa regular ang dialysis na natatanggap kaya lalong nanghihina.

"May lakad ka ba? Ang ganda mo ah. Pupuntahan mo ba ang Daddy mo? Sabihin mo sa kanya gusto ko siyang makausap."

"Nay.." May himig ng pag-awat sa boses ni Aipha.

"Kamukhang-kamukha kita noon. Ganyan din ako kaganda, kaya nga kahit may anak na ako ay niligiwan pa rin ako ng Daddy mo. Binigyan ka niya ng ama sa katauhan niya."

Aipha snorted. Kinuha niya ang isang basong tubig sa sidetable ng ina at pinainom ito.

"Hindi niya ako itinuring na anak, Nay. Siguro noong panahong iyon ay gustong-gusto ka pa kaya pinapakisamahan ako pero simula noong ipagpalit ka--"

"Hindi niya ako ipinagpalit!" Tumaas ang boses ng kanyang Nanay. "Ayaw sa akin ng pamilya niya. Hindi raw kami bagay dahil may anak na ako at binata siya. S-siguro, siguro kung wala pa akong anak--"

"Ito na naman po tayo. Kung wala kang anak, Nay, walang mag-aalaga sa iyo ngayon."

"Siguro ay hindi rin ako iniwan ni Terrence."

Isinara na ni Aipha ang bibig. Ayaw na niyang patulan ang ina. Simula nang naratay ito sa karamdaman ay naging bugnutin na. Iniisip na ang tanging paraan para makaahon silang dalawa sa kalagayang iyon ay ang balikan ito ni Governor Terrence Umali.

"Suklayan mo ako. Gusto ko ng ganyang ayos ng buhok. Lagyan mo ako ng lipstick at pabanguhan mo ako. Baka puntahan ako ni Terrence ngayong alam na niya ang kalagayan ko."

"Nay.."

"Sige na!" Asik nito.

Wala siyang nagawa kundi kunin ang maliit niyang make-up kit. Sinuklayan niya ang buhok ng ina at kinulot iyon. Kahit wala pa itong ligo ay nilagyan niya rin ng powder, kilay at pulang lipstick, ang paborito nito.

"Gusto ko maging maganda ulit. Magandang-maganda.."

Pakiramdam ni Aipha ay nananalamin siya sa katauhan ng ina, at ang repleksyon ng salamin ay siya- thirty years from now. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng emosyon sa dibdib. It was a sad reflection. Alam niyang hindi nalalayo sa ina ang kanyang magiging kapalaran. Malungkot at mag-isa.

Her tears rolled down one by one. Ang kanyang ina naman ay napipikit na dahil sa gaan ng kanyang kamay sa pagme-make up. Naramdaman niya na lang na may nagpunas ng luha niya. Ang masasabing nagulat siya ay kulang, napanganga talaga siya.

Nasa gilid niya si Mayor Fergus Tiangco. Pinisil nito ang kanyang balikat at saka iniabot ang panyo. Sumenyas ito na lalabas muna.

"Nay, nariyan na po ang kasama kong pupunta sa taniman."

Hindi sumagot ang ina. Inihiga niya ito ng maayos at saka kinumutan. Hinalikan niya ito sa noo bago nilabas si Mayor Fergus sa kanilang salas. Nakita niyang mayroong juice at sandwich na naroon sa maliit nilang lamesita na malamang ay inihain ni Fifer. Kinakain na ito ng binata.

"Are you okay?" Napatayo agad ang binata nang makita siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Oo naman." Ngumiti kaagad siya. "Wala namang magbabago sa sitwasyon kung hindi ako okay. Ma-stress lang ang beauty ko."

Tiniyak ng binata kung ayos lang silang umalis ngayong araw kaya pinanatag niya ito na walang problema. Sinalubong sila ni Ipe nang lumabas sila ng bahay, sa likod at sa harapan ng sasakyan ni Fergus ay mayroong dalawang malalaking sasakyan na kulay itim din. Ito ang kadalasang convoy ng Mayor.

Binuksan ni Ipe ang pinto sa likuran ng driver at pinauna siya ni Mayor Fergus na sumakay. Tinakbo naman ni Ipe ang driver seat nang makaupo na sila. May isa pa itong kasama sa passenger seat. Naka-polo barong ang mga lalaki.

"They will be gone when we're at the farm. Sorry if they make you uncomfortable. This is not my ideal date but.." Nagkibit-balikat ito at tiningnan ang bodyguard. Natawa siya.

"Hindi naman ito date, Mayor! Huwag mo ngang sinasakyan ang mga biro ko, ikaw rin!"

Naiiling habang natatawa ang Mayor. Siya naman ang hindi mapakali. "Noong isang araw, hindi mo kasama ang bodyguards mo, bakit ngayon kasama mo? Mayroon ka bang threat?"

"Mag-aalala ka ba kapag sinabi kong meron akong threat?"

"Hindi, siyempre bababa ako ng sasakyan mo, madamay pa ako." Seryosong sabi niya. Humalakhak muli ang Mayor. "Hala ang benta ng joke ko. Hindi nga, seryoso, Mayor. Meron nga?"

"Not directly. Noong bago pa lang akong nanunungkulan, sinabi nilang hindi ako pupwedeng umapak sa ibang bayan ng Loreta dahil hanggang Gigantes lang ang proteksyon ko. Kaya naman kapag naroon ako sa bayan ko, hindi mahigpit ang seguridad ko dahil mahigpit naman ang mga checkpoint papasok ng Gigantes."

Napatango-tango siya. "Pero pumunta ka sa bahay noong isang gabi. Hindi mo sila kasama. Labas na kami ng Gigantes."

"Alam ko, kaya nga napagalitan ako nitong si Ipe." Napahawak sa batok si Fergus na parang nahihiya.

"May balak ka bang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon?" Interesado si Aipha na malaman iyon. Kung siya ang tatanungin, ayaw na sana niyang tumakbo ang Mayor dahil mukhang mapanganib nga para rito, pero anong magagawa niya kung hindi naman siya ang First Lady.

"I still have no plans. Hindi ko gusto ang kongreso o senado dahil nakaupo lang roon. Of course, mahalaga ang pag-gawa ng batas pero mas gustong ko ang public service immersion. Gusto kong makasalamuha ang mga tao at alamin ang mga hinaing ng mga ito. It is only when you look closely that you will see the bigger picture."

Gustong pumalakpak ni Aipha sa mga naririnig. Dati-rati ay pinapanood niya lang ito sa interviews pero iba na ngayon. Up close and personal.

Mga kwarenta minutos rin ang inabot ng byahe patungo sa dulong baranggay ng Dercan, ang Baranggay Tinsoy. Sa kalsada pa lang ay marami nang punong ng cocoa at cacao ang nakatanim pero doon sila magtutungo sa kanyang suki. Si Aling Flor. Byuda na ito at nakilala naman nila ni Fifer noong naghahanap sila ng supplier ng cocoa para isangkap sa champorado noong simbang gabi nung nakaraang pasko, nagbebenta silang dalawa sa labas ng simbahan. Nagsabi na rin siya rito na pupunta ang Mayor ng Baranggay Gigantes kaya tuwang-tuwa naman ang matanda. Naghanda rin daw ng kaunting salu-salo.

Ang sinabing kaunting salu-salo ay hindi totoo. Dahil nang dumating sila sa taniman nito ay mayroon nang malawak na lamesa na mayroong lechong biik sa gitna. Sa palibot ay dahon ng saging na nilagyan ng umuusok na kanin, mayroong iba't ibang klaseng isda, hipon, alimasag, itlog, kamatis at mangga.

Naroon ang limang anak ni Aling Flor at ilang katiwala sa taniman.

"Aipha!" Salubong sa kanya ng matanda na halatang aligaga sa paghahanda. "Pasensya ka na't narito rin ang mga tauhan ko. Di bale at hahayaan ko kayong mamitas ng cocoa pagkatapos niyong kumain. Idolong-idolo ng mga anak ko si Mayor kaya tiniyak nilang malinis at ligtas ang buong farm ko."

"Hindi na ho sana kayo nag-abala pa." Sabi ni Mayor Fergus bago pa man siya makasagot.

Ipinakilala ni Aling Flor ang sarili pati na rin ang mga anak nito na una-unahan na humiling ng litrato. Maya-maya pa ay pinagsaluhan na nila ang pananghalian. Inabutan niya ng kubyertos ang Mayor pero tumanggi ito. Kahit hirap ay nakipagsabayan din ito sa pagkakamay.

"Naku, bagay na bagay kayo ni Aipha, Mayor!" Hindi napigilan ni Aling Flor ang magkomento nang abutan sila nito ng leche flan. Pinanlakihan niya ng mata ang matanda.

"Aling Flor naman."

"Bakit hindi? Kayo ni Fifer ang pinakamagandang nakilala ko." Giit pa nito.

Huminga siya ng malalim at nginitian na lang ang Mayor. "Hindi naman ako ang nababagay kay Mayor. Huwag kang makulit, Aling Flor. Baka mas may pag-asa pa ang anak mong si Lily." Tukoy niya sa dalagitang anak ni Aling Flor na halos mahimatay kanina nang lalapit kay Mayor Fergus.

"Bakit naman hindi tayo bagay?" Titig na titig si Mayor Fergus sa kanya nang itanong nito iyon. Malakas niya itong siniko sa tiyan, halos maubo tuloy ito.

"Huwag ka ngang pa-fall, Mayor. Marupok pa ako sa pulboron kung hindi mo naitatanong!"

Nagtawanan ang lahat maliban kay Mayor Fergus na nanatili ang titig sa kanya. Hindi niya ipinahalata ang pagkailang. Iyon ang titig na gustong makamtan ng kahit sinong humahanga sa binata, kahit siya. Kaya lang ay ang katotohanan ng kanyang pakay ang pumipigil sa kanyang nag-uumapaw na kilig.

---

Tirik na tirik ang araw pero hindi mainit sa Cocoa Farm. Nag-eenjoy rin si Fergus sa kadaldalan ni Aipha na panay ang kuwento sa mga karanasan nito sa taniman. She looked beautiful in her flowery dress. Bumagay iyon sa morena nitong kutis. The way her nose wrinkled when she's being kissed by the sun is beyond perfect. Nanghinayang siya na hindi niya dinala ang kanyang camera. Aipha could be a perfect subject.

Kaya hindi niya maunawaan ang insecurity nito. Kahit madalas itong nagpapatawa, alam niyang mayroon itong bitbit na negatibong pakiramdam. He really thought Aipha is beautiful, no matter if she was made. Her outlook in life, her funny antics and her kindness made her more attractive.

"Mayor, umaambon! Doon tayo sa kubo." Bitbit ni Aipha ang isang basket ng pinaglagyan nila ng cacao fruit. Mayroon din siyang dala, ipinipilit pa nga ni Aipha na bitbitin ang lahat. Kahit sabihin pa na dati itong lalaki, babaeng babae ang tingin niya. She's so tiny and pretty.

Ipinagpag niya ang bahagyang patak ng tubig sa buhok.

"My gulay, mini ulan." Kumportableng umupo si Aipha kubo na naroon sa dulong bahagi ng taniman. Nakangiti pa rin ito kahit panay patak ng ulan ang balat nito. He immediately grabbed his handkerchief and handed it to Aipha.

"Naks, ang gentleman. Mag-paulan ka roon, para dumami ka pa. Hindi ba ganoon daw yun?"

"Bakit mo naman gugustuhing dumami ako?" Natatawa niyang tanong.

"Ito naman si Mayor, masyadong pa-humble. Siyempre gusto kong dumami ang gwapo, matalino at mabait na kagaya mo para yung isa, gagawin kong boyfriend.

"Kailangan pa bang dumami ako para mangyari iyon?" He asked.

"Sasagutin mo ako?" Balik-tanong ni Aipha.

"Marami namang gwapo, matalino at mabait sa mundo, Aipha. Hindi na kailangang dagdagan para magka-boyfriend ka." He bantered.

"Ah, gusto ko sana iyong ikaw." She shrugged. Muli siyang natawa, tumawa rin ang sekretarya kasabay niya. Hindi niya alam kung kailan matatapos ang amusement niya kay Aipha. Tuwing nagbibiro ito patungkol sa 'feelings' nito sa kanya ay umiinit ang mukha niya imbes na magalit, mainis o mailang.

"Can I invite you to my place later?" Nang mapawi ang tawanan ay bigla niyang nasabi.

Aipha coughed, then there was silence. He felt uneasy, nervous, even. Dapat ay kaswal lang ang kanyang pagtatanong, hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nagkamali siya. Bago pa niya bawiin ay sumagot na si Aipha.

"Sige. Magpapaturo ka sigurong gumawa ng hot chocolate, ano?"

Napatango na lang siya kahit ang totoo, hindi niya alam kung bakit nga niya gustong dalhin si Aipha sa kanyang bahay. 

💋💋💋💋

Ang sipag ko, wag sana mausog. Haha! Votes and comments please!

Facebook Page 👉 Makiwander

Facebook Group 👉 Wanderlandia

Instagram 👉 Wandermaki

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top