Kabanata 4


Sa isang pribadong rancho na pinatayuan ng restaurant na open sa publiko dinala ni Fergus si Aipha. It was his favorite. His Grandfather used to own it before his father, aunts & uncles sold it to a family friend. Hindi na kasi naasikaso iyon ng kanyang pamilya na piniling mag-retire sa ibang bansa kagaya ng kanyang mga magulang.

"Wow!" Napasinghap si Aipha sa kanyang tabi. She was scanning the overlooking view of the ranch. "Ang ganda! Meron palang ganito sa Loreta?"

"Yes. It used to be ours. A symbol of my grandfather's love to my Lola. Hindi na nga lang naalagaan nang mawala ang dalawa so my family decided to sell it."

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Aipha. "Sayang naman."

"Sayang? Bakit sayang?" He asked.

"Ang mga ganitong simbolo, hindi dapat ibinebenta. May mga bagay na mas mahalaga kaysa sa property value." Humawak ito sa puting harang na kahoy at tinanaw ang mas malayo pang mga ilaw sa probinsya ng Loreta.

"Gaya ng?"

"Love." Hinarap siya ng sekretarya. The breeze blew Aipha's long hair gently and her eyes reflected the city lights. Fergus is not sure why the word 'love' sounded sweet coming from Aipha's lips. Napakurap-kurap siya.

"Para namang walang puso ang mga nagbenta nito. Hindi man lang inalala ang sentimental value." Himutok pa nito.

"I must admit, you are right. Wala nga silang puso. Sa pamilya ko, importante ang pera, kapangyarihan, business."

"Kaya ganoon ka rin."

"You think so?"

"You seem kind whenever I watch your interviews. Though you are not the warmest person I know. Magkaiba naman ang pagiging mabuti sa pagiging malambing. At least, mabuti ka, sapat na iyon."

"Obviously, you share too much warmth. Mukhang kapag tumakbo kang Mayor, matatalo mo ako." He started to get comfortable talking to Aipha. Magaan naman itong kausap, palabiro pero pupwede ring magseryoso. She has a power to make other people comfortable around her. Parang hindi ito judgemental. Maybe because she experienced being judged because of her life choices and she doesn't want others to feel judgement.

By reservation ang restaurant sa rancho. Ngayong gabi ay silang dalawa lang ni Aipha ang naroon. Lumapit sila sa round table nang nakahanda na ang mga pagkain. Aipha was very appreciative. Lahat ay pinupuri at binabati nito. She uttered numerous 'thank yous' on every server that came at their table.

"About earlier, I am sorry. I didn't mean it." Nagpatiuna na si Fergus ng pakay. He really wanted to apologize tomorrow. Napaaga lang dahil nakita niya si Aipha sa daan niya patungo sa rancho kaya isinabay na niya sa kanyang dinner.

Ngumiti si Aipha, may kakaibang alon siyang naramdaman sa tiyan sa ngiting iyon. "Nauunawaan naman kita, huwag kang mag-alala, bukas ay magba-back out ako sa pagvo-volunteer."

"No, please don't do that. Masaya ako na nagvolunteer ka. We need more volunteers, actually."

"Volunteers na hindi makakapag-impluwensiya ng masama sa mga bata. Mayor, alam kong hindi ka kumportable na isang kagaya ko ang magtuturo sa mga bata kaya hindi naman masama ang loob ko na mag-back out. Nirerespeto ko ang preference mo. Ipinilit ko na nga na ang isang kagaya ko ang maging sekretarya mo."

"Which I don't regret, Aipha. I like you." Kagaya kanina ay hindi naman niya napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "I like you as my secretary. Magaling ka, maasikaso at mabait."

Titig na titig si Aipha na biglang napahawak sa dibdib, "Teka, Mayor. Nahulog yata ako. Ang sarap pakinggan."

"P-please don't do that." Nag-init na naman ang kanyang pisngi. Hindi niya matandaang mahiyain siya pero hindi siya sanay sa ganitong klaseng usapan kung saan bukas siya at ang kausap niya sa nararamdaman.

"Biro lang! Bakit kasi parang nako-constipate ka magsabi ng totoo?" Tamad na sumandal si Aipha sa upuan nito. "Maigsi lang ang buhay. Sabihin mo sa tao kung ano ang nararamdaman mong positibo. Maganda siya, gwapo siya, mabait siya, sabihin mo kung thankful ka o kung masaya ka. Wala namang mawawala sa atin kung nakakapagpasaya tayo ng tao."

"So napasaya kita ngayon?" Balik tanong niya.

"Medj! Maganda ba ako sa paningin mo, Mayor?" Pilyang giit nito. Natawa lamang siya. This is Aipha. Mapagbiro, masayahin at positibo. At oo, maganda nga ito, sobra, pero hindi niya kayang sabihin ang mga salita. Mabuti na lang at humawak ito sa tiyan at sinabing nabusog siya ng husto. Napagsalamat sa kanya sa masarap na pagkain.

Nang lumalalim na ang gabi at napakarami na nilang napagkwentuhan, siya na mismo ang nag-ayang umuwi. Nahihiya siyang isipin na masyado siyang nag-enjoy sa company ng sekretarya. Parang wala tuloy siyang kaibigan.

"Salamat sa pagdadala mo sa akin dito, Mayor ha. Sabi sa akin nung isang waitress kanina noong nag-CR ako, first time mo raw magdala ng kasama rito?"

"Yes." Pag-amin niya. "Laking Maynila ako at kung gusto kong mag-unwind, dito ako pumupunta. I feel closer to home."

"Ay, ayaw mo sa province?"

"Hindi naman sa ganoon pero minsan hinahanap ko ang liwanag na meron sa Maynila. Pakiramdam ko ang layo ko roon sa mundong nakasanayan ko. Somehow, kahit ako ang Mayor ng Gigantes, I feel that this place is my workplace, hindi ang tahanan."

"Ganoon ba? Hindi ako maka-relate. Dito na kasi ako lumaki. Pero kung gusto mong ma-explore ang Loreta, sabihan mo lang ako, marami akong alam na lugar na makakapagpasaya sa iyo. Bigyan mo naman kami ng second chance para mapanatag ka rin dito."

"Okay, I will keep that in mind."

Inihatid niya si Aipha sa bahay nito. May isang babaeng nag-aabang sa labas ng pintuan na panay ang tapik sa binti na parang nilalamok at hindi mapakali.

"Naku, nakalimutan kong i-message si Beks. Masyado akong nag-enjoy sa dinner natin." Bulong sa sarili ni Aipha.

Dali-daling bumaba ng sasakyan si Aipha nang huminto ito sa tapat ng kanilang gate. Simple ang tahanan nila Aipha. Isang bungalow house na maraming halaman sa harap. Tipikal na bahay sa probinsya.

"Beks, sorry! Naubos ang load ko. Kumusta ang Nanay?" Nilingon siya ni Aipha. "Pasok ka muna, Mayor. Wala lang kaming kape pero may hot chocolate dito. Iyon ang perfect kong gawin kaysa kape."

Imbes na tumanggi ay natagpuan niya ang sariling sumusunod kay Aipha at sa kaibigan nito na natutulala sa kanya. 'Di hamak ang tangkad ng kaibigan ni Fifer kay Aipha pero maganda rin ito, maputi at may kamukhang artista. Isa ring transwoman, naisip niya. Hindi kagaya ni Aipha ay may hint ng panlalaking tinig ang boses nito kung magsalita.

"I-ikaw pala si Mayor. Naku, ang gwapo mo naman pala talaga sa true to life." Papuri nito sa kanya. "Sana ay naalagaan ka nitong kaibigan ko."

Abala naman si Aipha sa kusina, maya-maya pa ay naaamoy niya na ang tsokolateng inihahanda nito.

"Oo, maalaga siya."

"Expert ang kaibigan ko riyan. Noong lasinggera ang Nanay niya, siya na ang nag-aalaga, hanggang sa magkasakit sa bato, siya pa rin."

"May sakit ang nanay niya?"

"Oo, si Nanay Cel kasi pasaway. Si Aipha na ang nag-alaga sa kanilang mag-ina noon pa man kaya very motherly ang kaibigan kong iyan. Huwag ka nga lang maniniwala kapag nagpresinta siyang paliguan ka, gusto lang 'non maka-score." Humalakhak ng husto si Fifer. Ganoon din siya.

"Ano na naman ang sinasabi mo?" May dala nang tray na may tatlong tasa si Aipha. "Diyan ko namana ang pagiging matabil ko, Mayor pero mas malala itong si Fifer. Marami na kasing naging boyfriend yan." Kumportableng tumabi sa kanya si Aipha at saka inabot ang tasa.

"Hm, 'wag mo ngang idahilan na hindi ka pa nagkakaboyfriend, Aipha. Hindi mo ako maloloko riyan. Mas bakla ka pa sa akin."

He took a sip of Aipha's hot chocolate. He liked the taste. It tasted better than his morning coffee.

"Paborito ko iyan, ako mismo ang gumagawa. Dito sa bayan namin may mga taniman ng mga cocoa. Tuwing mauubos, pumupunta ako sa taniman para bumili."

"It is good. Hindi ko alam na mayroong ganitong produkto ang bayan ng Dercan."

"Marami ka pa talagang hindi alam sa probinsya ng Loreta. Hayaan mo at ipapasyal kita kung libre ka."

"Ay, aggressive. Nag-yayaya ng date si Bakla." Side comment ni Fifer. Siniko naman ito agad ni Aipha. Mabilis itong tumayo bitbit ang tasa ng hot chocolate nito. "Sabi ko nga aalis na ako. I-check ko lang si Nanay Cel. Goodnight, Mayor!"

Hindi na namalayan ni Fergus ang oras. Ang alam niya ay iyon ang unang beses niyang nasiyahan sa pananatili niya sa probinsya. It feels like home after being away for so long and Aipha must take the credit for it.

---

Maganda ang gising ni Aipha nang pumasok siya sa munisipyo. Hindi lang iyon, nagdala pa siya ng tablea para ipaggawa ng hot chocolate drink ang kanyang mga kasamahan sa trabaho. Bumili pa ng mainit na pandesal si Boy, ang kanilang messenger, para iterno sa inihanda niya.

Bago mag-alarm ang bell ng munisipyo ay nakita niyang papasok na ng opisina si Mayor Fergus. Kagat-kagat niya pa ang pandesal nang inunahan niya itong pumasok sa Mayor's office para ihanda ang kape nito. Just in time before he gets in, handa na rin ang mainit na kape gaya ng gusto nito.

"Good morning, Mayor!" She greeted. Ngumiti naman ang Mayor pabalik. Her heart made a sommersault because of that smile. Nag-blush pa yata siya! Para itago iyon ay itinapat niya ang malaking tasa ng hot chocolate sa bibig niya at sa isang pisngi naman niya ay iyong pandesal.

"What's that?"

"Hm.." Inalis niya ang tasa, "hot chocolate. Naalala kong ipagdala sila kasi lagi kong ipinagmamalaki ang tablea ng bayan namin. May mga orders na nga sila sa akin."

"Where's mine?"

Hindi siya agad nakasagot. "Gusto mo ba? Meron pa roon sa kitchen."

"I'll ditch the coffee. I want your hot chocolate." Sambit nito. Pumitik muli ang kanyang puso. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kanya.

Nagmamadali niyang iniwanan si Mayor Fergus para magtungo sa kusina at kumuha ng isang tasa ng tsokolate. Nagpasalamat ito nang dalhin niya ito dito.

"Hm.. I would prefer this every morning." Sabi ng Mayor nang inumin nito ang hot chocolate.

"Sige, Mayor, dadalhan kita ulit bukas."

"And night. Siguro ay dapat samahan mo na ako sa taniman ng cocoa."

Hindi alam ni Aipha kung matutuwa siya sa ideya o tatanggihan niya ang Mayor. Maaaring bukas na ito sa pakikipagkaibigan sa kanya pero mukhang siya naman ang umaatras. Naalala na naman kasi niya ang chaka niyang stepfather na kamag-anak yata ni Chuckie.

"Kailan ka ba pupwede?" Bigla niyang tanong.

"How about tomorrow?"

"Hindi ka ba busy?"

"I wouldn't ask if I am. Ikaw, busy ka ba?"

Malapad siyang ngumiti, "Para sa iyo? Hindi naman." Maarte niyang hinawi ang buhok.

"So it's a date?"

"A date?" Ulit niya.

"Not date, date." Pagtatama ni Mayor Fergus dahil sa panunukso niya dito.

She looked at him maliciously, natawa ang Mayor. It was so hearty that she almost froze.

"Fine, a date. Can I have a date with you on Saturday, Aipha?"

Alam niyang pinatulan lang nito ang panunukso niya, pinigilan niyang ngumiti pero lumabas ang mga ngipin niya sa kilig.

"Sure." Nagniningning ang mata niyang sabi.


💋💋💋💋

Salamat sa paghihintay at pagbabasa! Votes and comments please!

Facebook Page 👉 Makiwander

Facebook Group 👉 Wanderlandia

Instagram 👉 Wandermaki

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top