Kabanata 19
A/N: Hellowiii!!
"Mayor, baka naman pwedeng makahingi diyan ng isang kanta!" Nagkantyawan na ang mga nanonood nang mas lumalalim pa ang gabi. Napakamot ng batok si Fergus, suot pa rin ang kanyang cap at leather jacket, hindi pa rin nito inaalis ang zipper gaya ng bilin ni Aipha.
Tila nangangarap naman si Aipha habang tinititigan niya mula sa kanyang puwesto ang mamula-mulang kutis ng Mayor. Hindi niya alam kung bakit ang pagiging mabango ay nasa itsura na rin ng tao. He looks so fine and perfect. Kung wala nga lang gulo ang nangyari sa kanilang pagitan, ito pa rin ang kanyang dream guy. Kaya lang ay imposible na iyon, nangangarap na lang siya na mas tumaas pa ang posisyon nito sa gobyerno para mas maraming matulungan.
Tumingin sa kanya si Fergus, mukhang nanghihingi ng saklolo dahil sa hiling ng supporter nito. Hindi niya alam kung bakit tila may magnet ang paa niya na lumapit sa Mayor at inabutan ito ng tissue at tubig. Kinuha niya pa ang mikropono mula rito.
"Ano po bang kanta ang gusto niyo? Naku, baka pupwedeng ako na lang, kung hindi niyo ho naitatanong, huwag niyo na lang tanungin." Mahinang tumawa ang mga tao. Ang totoo ay kinakabahan siya. Hindi rin siya marunong kumanta.
Bumulong sa kanya si Fergus. Naghatid iyon sa kanya ng kakaibang kiliti.
"Ano ang paborito mong kanta?" He asked in whisper. Amoy niya ang mabangong hininga nito na humaplos sa kanyang pisngi.
"Hindi ako kumakanta." Napangiwi siya.
"Then why did you get the mic?"
"h-hindi ko alam. Hindi na bale, kakanta na lang ako."
Nag-abot ng cellphone ang mamang nagrerequest na kinuha naman agad niya. Nakuha niya ang gusto nitong kantahin nila.
"Theme song namin 'yan ni Misis.. Kakamatay niya lang noong isang buwan. Sayang nga, gustong-gusto pa naman niya si Mayor Fergus."
"Ganon po ba? Sige po," alam niya ang kanta dahil luma na iyon at panahon pa yata ng Mama niya.
"Always daw ng Atlantic Star. Music." Confident pa niyang sambit sa DJ. Maya maya ay tumugtog na ang intro, nagsimula na siyang magpanic. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang kanta.
'Girl you are to me..
All that a woman should be.
And I dedicate my life
To you always...'
Natulala si Aipha nang marinig ang boses ni Fergus, swabe iyon at maganda sa pandinig. Nagkibit-balikat si Fergus noong siya na ang kakanta. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha, humakbang si Fergus ng isa para makalapit sa kanya at banayad na hinaplos ang kanyang likod.
'A love like yours is rare..
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way..
For always...'
Wala sa tono ang pagkanta niya pero ngiting-ngiti si Fergus na para bang nakarinig ng boses ng isang Songbird.
'And we both know, that our love will grow,
And forever it will be, you and me...'
Nagpatuloy sila sa pag-kanta. Tuwang-tuwa naman ang mga tao, sobra naman ang pag-iinit ng pisngi niya dahil sa pagiging sintunado. Kung alam niya lang na maganda ang boses ni Fergus ay hindi na siya nakialam pa.
Panay ang kasiyahan ng Team Tiangco pagkatapos ng kampanya, naroon na sila sa headquarters at nagsasauli ng mga ginamit na props sa stage. Tinutukso na siya ng mga kasamahan dahil sa lakas ng kanyang loob.
"Para kay Mayor yun. Akala ko kailangan niya ng tulong." Nahihiya niyang sabi.
"Naku, Aipha, buti na lang maganda ka talaga." Alvin said.
Pumasok si Fergus na may bitbit din na crate. "I like her voice, actually. I find it cute. Besides, she's more than a pretty face for me." Dire-diretsong komento nito. Natahimik ang lahat, ang iba ay natigilan pa sa pagkilos. Kinailangan pang tumikhim ni Hector para mawala ang awkwardness at bumalik sa normal ang lahat.
"Mayor, akala namin nagpapahinga na kayo?" Tanong ni Hector.
"Tutulong na lang ako para mas mabilis. Patapos na naman tayo hindi ba? I can turn off the lights before leaving."
Isa-isang nagsialisan ang mga empleyado ni Fergus hanggang sa naiwan na lang sila ni Aipha.
"Hindi ka pa magpapahinga?" Tanong ni Aipha kay Fergus.
"Ihahatid na kita sa villa niyo."
"Mga sampung hakbang naroon na ako."
"'E di may sampung hakbang pa ako para makasama ka."
"Hala, kalurkey! Bakit ka ba bumabanat ng ganyan!" Mahinang napatili si Aipha. "Pinag-tsi-tsismisan na tayo ng mga tao mo!" Pinatay ni Aipha ang ilaw at saka sinumulang maglakad papalabas ng backdoor kung saan naman naka-konekta ang mga villas. Natanawan niya pa ang ilang empleyado na nagsasara ng pinto ng kanilang villa at saka nag-gu-goodnight sa kanila ni Fergus.
Nang tumapat sila sa villa nila ni Fifer at Polly, mahihinang katok ang ginawa ni Aipha sa gawa sa kawayan na sliding door. Napangiwi siya nang ilang subok na siya ay wala pa ring nagbubukas.
Kumatok siyang muli, "Bakla imposibleng tulog ka na, pagbuksan mo na ako kundi sasamain ka sa akin."
Imbes na sagot mula kay Fifer ay nakarinig sila ni Fergus ng napakalakas na hilik mula sa loob ng villa.
"Mukhang tulog na sila ah. Mahimbing na yata." Sambit ni Fergus.
Nagpalinga-linga si Aipha, saan naman siya matutulog? Mayroong rattan sofa set sa labas ng villa pero ayaw naman niyang maging midnight snack ng mga lamok.
"Do you want to stay at my place? I am, well, alone." Marahang suhestyon ni Fergus na para bang tinatantya siya.
"At saka medyo nagugutom din ako, baka gusto mo akong sabayan?"
Bumuka ang bibig ni Aipha pero muli ring sumara iyon.
"Don't worry of not wearing my face tonight, you'll have the authentic one."
"Ay grabe, ang assuming mo roon." Sita niya pero ngumiti lang ang lalaki na parang inaakit pa siya. Ang marupok na bahagi kay Aipha ay sinasabing sumama na siya, at ang isang boses—hinanap niya ang isang boses na kokontra sa kanya pero walang bumulong. Sasama siya o sasama siya, iyon lang ang pagpipilian.
Ang ending ay sumama nga siya kay Fergus. Sumama siya hanggang sa silid nito na nagbalik sa kanya ng napakaraming alaala. Wala kasing ipinagbago ang silid nito, maayos at kasingbango ng nakatira. Dumiretso si Fergus sa kusina. Naglabas doon ng lulutuin pagkatapos ay papasok sana ito sa silid nito pero huminto at tiningnan siya.
"Shower?" Tanong nito. Mabilis siyang umiling at napakapit pa sa kanyang damit.
"Shower alone, I mean. Hahanap lang ako ng damit na maaari mong suotin."
"A-ah.." Natawa siya sa sarili. Ano nga ba ang iniisip niya? Sabay silang maliligo ni Fergus. Bakit naman... hindi?
Binigyan siya ni Fergus ng terno pajamas na kulay blue pero alam niyang masyadong malaki ang pang-ibaba. She chose the polo blouse and wore it as a dress. Nang lumabas siya ay nakaligo na rin si Fergus dahil nakaboxers na lang ito at walang pang-itaas. Mukhang ginamit nito ang banyo sa may kusina. Abala ang binata sa pagsasalang ng steak.
"Gusto mo ako na dyan?" Alok niya pero umiling ang binata.
"Matagal na kitang hindi naipagluluto."
Nagpangalumbaba si Aipha sa bar counter habang pinagmamasdan si Fergus.
"Bakit parang ang bait mo sa akin ngayon? Gusto mo akong tikman, no?"
Nanlaki ang mata ni Fergus. "W-what are you talking about?"
Nagkibit balikat siya habang nakapangalumbaba pa rin. "Hindi ba ganoon naman ang mga lalaki kapag mabait. May gustong makuha."
"Ibahin mo ako, Aipha." Mayabang na sambit ni Fergus. Tumaas ang kilay niya.
"Talaga? Hindi ka maaakit kahit alam mong babae na ako."
"Are you hungry?" Pag-iiba ng usapan ng binata.
Lumapit siya kay Fergus. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at yumakap siya mula sa likod nito. Naamoy niya ang nakaakit na pabango ng binata. Pumikit siya at ninamnam ang sandali, ang sarap pala ng ganoon, pero hindi pupwedeng ganoon lagi kaya naman nagbilang siya, bibitiw na siya sa bilang na tatlo.
"Isa, dalawa, tat---"
Napadilat siya nang angkinin ni Fergus ang kanyang labi. Napasinghap siya nang buhatin siya nito sa bar counter habang akyat baba na hinahaplos ang binti niya. Paakyat ng paakyat ang kamay ng binata hanggang sa mahawakan nito ang kanyang underwear sa ilalim ng suot na pantulog. Napaungol siya sa mainit na haplos ng binata at ang masarap na halik nito.
"Fergus..."
"Alam mo palang marupok ako, then what are you trying to get yourself into, Aipha?" sambit nito sa kanyang mga labi.
His fingers reached for her lady part and caressed it gently. She felt her folds thickening to the sensation as she pushed herself against Fergus hands. Ang bilis ng epekto sa kanya ng binata. Para bang matagal siyang pinagkaitan ng kasabikan niya rito.
"Naughty, Aipha." Inalis ni Fergus ang butones ng kanyang damit at siya naman ay binaba ang boxers nito. He ravaged her swollen breast while his palm circled on her womb as he immediately moved his hand to trace her bud. Without a warning, she felt his digits pushed inside her mound. Napasinghap siya, napaungol at pilit na pinagsisiklop ang binti pero hindi siya hinayaan ni Fergus. Ipinatong pa nga ang magkabilang binti nya sa balikat nito at lumuhod sa kanyang harapan.
Mas napalakas ang kanyang sigaw nang ang mainit na hangin mula sa labi ni Fergus ay dumampi sa kanyang pagkababae. He was tasting her and she couldn't think of being shy because of the delicious sensation she felt. She was pulling his hair but he didn't mind until she felt the familiar frenzy that she felt more than a year ago. The hot gush of lust escaped her vagina and she got almost blinded by the white light of orgasmic explosion.
Tinabig ni Fergus ang lahat ng balakid sa bar counter at ipinahiga siya roon. She got a view of his man steel- hard, huge and ready. He massage her folds and pointed his shaft in it. He was biting his lips, lost In the horizon of sweet sexual longing. He pushed inside her roughly, as if he hungered for so long. Aipha welcomed him with moans and groans that encouranged him to fck her harder.
Pawisan sila habang pinagsasaluhan ang mainit na sandali. Kumapit si Aipha ng mahigpit sa kung ano mang makakapitan, nanunuyo ang lalamunan sa matinding sigaw at ungol, paulit-ulit na sambit ng pangalan.
Hindi nagtagal ay muling inabot ng panlalambot ng tuhod at panginging ng kalamnan si Aipha. She came, again, and not so behind, Fergus came. She felt the scorching, velvety juices from Fergus on her womb. Traces of sweat fell on her naked body.
Nakangiti silang naghawak kamay nang makabawi, binuhat siya ni Fergus patungo sa kama at pinagpahinga sandali hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
---
Pinanliliitan ng mata si Aipha ni Fifer, tapos na ang maghapon at ngayon lang sila nagkaroon ng panahon na magkwentuhan ng kaibigan.
"Walang nangyari? Natulog lang kayo? Ikaw talaga, bakla ka ha. Hindi ako naniniwala sa'yo! Sa tikas ng hombre, imposibleng hindi ka nagpakita ng motibo."
Natawa si Aipha. Oo nga't hindi siya nakatiis at nagpakita rin siya ng motibo pero wala pang tatlong segundo ay sinunggaban na agad siya ni Fergus. Sino ngayon ang may kasalanan sa kanilang dalawa?
"At aattend ka lang ng kampanya, naka-full make up. Ang harot! Ano na ang score?"
"Score? Hmmm. Sabihin na nating nasarapan siya.."
"Nasarapan?" Parang naglalaway na tanong ni Fifer.
"Oo, sa almusal kanina. Hindi ba, ang sarap ng homemade chicken tocino ko?"
Sinabunutan siya ni Fifer pero binawi niya ang buhok na matagal niyang inayos. Tiniyak niyang pantay ang pagkakalagay niya ng lipstick at ang pagkakakulot ng kanyang mahabang buhok bago nagpaalam sa kanyang ina at kay Fifer.
Naghihintay na si Fergus sa labas ng villa nila nang lumabas siya. Sabay silang nagtungo sa bayan ng San Leonardo para sa kampanya. Sa biyahe ay tahimik sila pero naramdaman niyang hinanap ni Fergus ang kanyang kamay at masuyong hinaplos. Nagkatinginan silang dalawa. Naalala na naman niya ang kanilang usapan pagkatapos ng kanilang pagniniig.
(Flashback)
"Mas makakabuting manahimik na lang tayo." Si Aipha ang naunang nagsalita nang magising siya ng madaling araw, gsing pa rin ang binata at abala ito sa cellphone. "Hindi na maaari itong maulit.
Natawa si Fergus, "hindi ba dapat ay ako ang nagsasabi niyan?"
"Ikaw ang lider ng bayan pero hindi ikaw ang lider ng buhay ko."
"Wow. What a statement. Okay." Nakangiting tumango si Fergus. "Whatever you say, Madame."
Hinampas niya sa balikat si Fergus, "Bakit parang hindi ka seryoso?"
"Huh? Seryoso ako."
"Hndi. Hindi ka seryoso." Tinalikuran niya si Fergus. "Ayoko lang na pagpiyestahan ka. At saka wala naman itong ibig sabihin."
"Hindi ba dapat may ibig sabihin ito?"
"Wala."
"Okay, sabi mo 'e. Isa pa ngang walang ibig sabihin diyan..." At hindi na nila naituloy ang usapan dahil sinunggaban siyang muli ni Fergus.
Napakaraming tao na naman ang sumalubong sa kanila sa bayan ng San Leonardo. Isa na roon ang dating Mayor ng bayan na si Mayor David Guzman.
"Mayor Tiangco.." Maligayang pagbati ng matandang Mayor. "I heard you are getting married. Kailan ba kayo dadalaw ni Lilo sa bahay ko para ipadala ang imbitasyon? Magtatampo ako kung hindi ako ninong, ha?"
Parang may nagbuhol sa sikmura ni Aipha. Nang akbayan si Mayor ni Mayor David habang nakikipagkwentuhan ay nagpaiwan na siya. Pakiramdam niya ay humina ang tainga niya. Naiwanan na siya sa dagat ng mga tao sa kampanya.
"Aipha!" May tumawag sa kanya mula sa kung saan. Nakita niya si Jane na nakasuot rin ng t-shirt ni Mayor Fergus.
"Jane! Anong ginagawa niyo rito?" Lumapit siya sa kaibigan na nakasakay sa jeep ng asawa nito. Binili iyon para sa kampanya.
"Siyempre, support kay Mayor at saka bisperas ng fiesta dito sa San Leonardo. Taga rito si Paeng. Diyan mismo sa likod ng munisipyo. Halika at pakainin muna kita ng masarap na Tiim na Manok ni Nanay Rosing, iyong byenan ko."
Sinilip ni Aipha ang direksyon ni Fergus pero nawala na rin to sa dagat ng mga tao. Sumama na lang siya kay Jane sa bahay ng biyenan nito at pinaghandaan naman siya ng mga kaanak ni Paeng. Marami-rami siyang nakain dahil sa sarp ng luto nang mga ito.
"Jane, ipatikim mo riyan sa kaibigan mo ang flavored lambanog. Ay napakasarap, parang juice!" Wika ni Nanay Rosing habang ibinababa ang pitsel na may kulay asul na likido.
Sinalinan siya ni Jane, "Uy, konti lang ha, baka pagalitan ka ni Mayor Fergus."
Napasimangot si Aipha sa sinabi ni Jane. At bakit naman magagalit si Fergus sa kanya kung iinom siya kung ikakasal na naman pala ito? At teka nga, bakit siya affected, sabi naman niya ay 'wala lang iyon'? Pero ang walanghiyang iyon, ginawa na naman pala siyang kabit! Galit niyang ibinigsak ang baso pagkatapos ay natakam sa lambanog, nagsalin siya ng isa, at ng isa pa.
"Diyan ka muna, tutulong muna ako kay Nanay. Hinay lang, Aipha." Paalala sa kanya ni Jane.
Hindi siya nakinig kay Jane, naubos niya ang isang pitsel na lambanog. Nang balikan siya ni Jane ay init na init ang pakiramdam ni Aipha.
"Hala.." Napasinghap si Jane, "pulang-pula ka!"
"Cute ko 'no?" Humagikgik si Aipha. Hindi mapigilan ang sariling bibig.
"Oo, cute ka pero halika na at lagot ako kay Mayor. Paeng!!!" Tinawag ni Jane ang asawa para humingi ng tulong. Binitbit siya ng mag-asawa pabalik sa jeep ni Paeng, pinaalis muna ng mga ito ang mga namamahinga si jeep. Nakaharap siya sa stage at narinig na tinawag na si Fergus. Parang may sariling isip ang mga paa niya na lumapit sa stage. Hindi niya nga alam kung paano siya nakarating doon.
Nakita na lang ni Aipha ang sarili na inaagawan ng mikropono si Fergus at sinasabing, "Kakanta ako, kakanta ako!"
Nagtawanan ang mga tao pero pilit siyang pinipigilan si Fergus.
"Anong ginagawa mo?" Bulong sa kanya ng Mayor. Nakahilig siya sa katgawan nito at sinasalo ng binata ang buong bigat niya. Nasisilaw siya sa ilaw sa stage kaya pumikit na lang siya.
"Kakanta ako." Giit niya.
Nagkantyawan ang mga tao, "Pakantahin!" Sigaw pa ng mga ito. Pilit na ngumiti si Fergus sa mga tao at iniabot sa kanta ang mic. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at bumirit kaagad.
"Ikakasal ka naaa... Iiwan na akong nag-iisa....." Hindi pa niya naitutuloy ang susunod na linya ay bumaliktad na ang kanyang sikmura at ang kinain niya sa pistahan ay naibuga niya lahat kay Fergus.
Kadiliman ang sumunod na naalala ni Aipha.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1 VOTE AND COMMENT
2.Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published book if you can afford it :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top