Kabanata 17
A/N: Magandang umaga!
----
"Naku, may buhat si Mayor na dalaga, sana all talaga!" Sambit ng bading na emcee. "Deserve naman dahil mukhang loyalista itong si Ate. Kulang na lang yata pati sapatos may mukha ni Mayor!"
Nanginginig ang tuhod ni Aipha nang ibaba siya ni Fergus, gusto na niyang lisanin ang stage nang bigla siyang hilahin ng host sa pinakagitna.
"Dito ka lang, Ate. Iinterviewhin muna kita. Pupwede mo bang tanggalin ang mask mo para naman makita ka namin? At saka bakit ka ba naka-shades, naliliwanagan ka ba sa buwan? Gabing-gabi na, mataas na ang tirik ng buwan!"
Naghagikgikan ang mga nanonood. Umiling siya. Hindi niya gustong maexpose sa mga tao, lalo na kay Fergus sa ganitong pagkakataon.
"Sige na. Mayor, mukhang dapat ay ikaw ang magtanggal ng mask at shades para hindi makaangal." Suhestyon ng host. Nagtilian ang mga tao. Maraming 'Sana All' pa rin ang isinisigaw pero ang iba ay kinikilig. Siya yata ay maiihi na sa pantalon.
Hinawakan siya sa balikat ni Fergus. Tunaw na tunaw na siya sa ngiti ng binata na sumasakay naman sa tukso ng kanyang mga nasasakupan. Iniharap siya ni Fergus sa sarili. Marahang inabot ang suot niyang shades. Panay ang tili ng host na para bang mahihimatay. Dahan-dahang inalis ni Fergus ang shades, para namang lalabas ang kanyang puso. Mariin siyang napapikit nang maalis na ang kanyang disguise. Nagmamadali si Fergus sa pag-alis ng kanyang mask na parang may gustong madiskubre.
"Aipha?" Nagtatakang sambit ni Fergus.
"H-hi.."
"Ay ang ganda ni Ate! Bakit naman nagtatago ka sa mask? Gusto mo palit tayo ng mukha kasi ako dapat yata ang nagtatakip ng mukha!" Nasa pagitan pala nilang dalawa ang host na naghihintay din na matanggal ang kanyang takip.
Nagtawanan ang mga tao. "Anong pangalan mo, 'Te?"
Tipid na umiling si Fergus na seryosong nakatingin sa kanya pero hindi niya iyon pinakinggan.
"Aipha."
Umugong sa buong munisipyo ng bulung-bulungan. Mukhang tama nga ang takot niya, hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga tao. Napayuko siya ng husto.
"Surprise." Nagsalita sa mikropono si Fergus. "Si Aipha. Kailan lang ay bumalik siya pero bago pa man siya umalis ay magkaayos na kami. I mean, who am I not to forgive? Kayo rin. It is all in the past, nakapagsimula na si Aipha at pinili niyang suportahan ako ngayon. Let's give her a round of applause."
Unti-unti ay nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba ay sumigaw pa nga. Sinenyasan ni Fergus si Ipe na agad siyang inalalayan pababa ng stage.
Natapos ang campaign rally nang lumilipad ang isip ni Aipha. Binulungan siya ni Ipe na kakausapin daw siya ni Fergus. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ang alam niya lang ay hihingi siya ng tawad. Isang speech na minemorya niya sa mga taon na lumipas.
Nadatnan niya si Fergus na naroon sa opisinang dati ay silang dalawa ang madalas magkasalo. Memories overwhelmed her. However, the gorgeous Mayor stood tall near the glass window. May hawak itong kopita na may lamang alak.
"Bakit ka bumalik?"
"Sinabi ko naman sa iyo, hihingi ako ng tawad.."
"At sinabi ko ring ayaw na kitang makita, Aipha. And how stupid and reckless of you to show up on a campaign rally? You could have been mobbed!"
"Pero ang sinabi mo ay magkaayos tayo—"
"Sinabi ko lang iyon para hindi ka saktan ng mga supporters ko."
"S-supporter mo rin naman ako. Ako nga ang isa sa nagtatahi ng t-shirts mo."
"What?"
Tumango siya at naglakad papalapit kay Fergus.
"Kumusta ka na?"
"Don't check on me as if we were close friends, Aipha. Huwag ka nang pupunta sa mga kampanya ko."
Napalabi si Aipha, "Galit ka pa rin.."
"Just don't show up! Mahirap ba iyong gawin?!" Malakas na angil ni Fergus
Tumango si Aipha kasabay ng pagpatak ng masaganang luha.
"Uuwi na ako, Mayor. Goodluck po."
Mabagal siyang naglakad papalapit sa may pinto nang marinig niya ang malakas na buntonghininga ni Fergus.
"Paano ka uuwi?"
Nagkibit-balikat lamang siya.
"Magpahatid ka na kay Ipe."
Umiling lamang siya. "Salamat na lang, Mayor."
Narinig niya pa ang mahinang mura ni Fergus nang lumabas siya sa pinto.
---
Namumugto ang mata ni Aipha nang magising kinabukasan. Mabigat ang kanyang loob sa mga sinabi ni Fergus.
"Makapagpalayas naman siya sakin parang sa kanya ang earth. Nabili niya ba ang mundo?" Hinagpis niya kay Fifer.
"Eh ikaw naman kasi, bakit nandun ka? Padisguise disguise ka pa, failed naman. Buti nga at wala ka sa balita, baka umandar na naman ang radar ng amain mo, kung mapano ka pa."
Ngumuso siya, "gusto ko lang naman siyang suportahan. Masama ba iyon?"
"Oo, para kang obsessed lovesick teenager. Maganda ka pa naman pero ang creepy mo." Napalabi si Aipha sa turan ng kaibigan.
Nagpalipas ng buong araw si Aipha sa bukirin ng pamilya ni Reden. Nahihiya siyang magpakita kina Jane sa patahian pero nagsabi naman siya ng maayos na magpapahinga muna siya. Sumama siya sa pagtatanim ng palay at tumulong sa Nanay ni Reden na maghanda ng pananghalian ng mga magsasaka.
Nang mag-uuwian na ay nagpresinta siyang maglakad na lamang ng dalawang kilometro mula sa bukid hanggang sa kanilang bahay para makapag-ehersisyo na rin siya. Kahit di-sang ayon ay napapayag na rin niya si Nanay Remy. Papadilim na kasi at wala na masyadong daraan sa bukirin kapag ganoong oras. Nagdahilan siyang may poste naman kung gabi at mabilis naman siyang maglakad.
Inabot na siya ng dilim at nakarating na rin siya sa mga bahayan. Hindi na siya masyadong nagmadali nang napansin niyang may sumusunod sa kanyang sasakyan. Binilisan niya ang kanyang lakad, humarurot ng bahagya ang sasakyan sa kanyang likuran.
Kahit nakatsinelas lang ay hindi nagdalawang isip si Aipha na tumakbo ng mabilis, nag-isang sulyap pa siya sa sasakyan sa kanyang likuran pero nakita niyang bumuwelta na ito papalayo sa kanya.
Sino kaya yun? Bulong ni Aipha sa isip.
Nang makakita ng eskinita ay pumasok siya roon nang may kaba. Kung saan-saan siya lumusot hanggang sa palagay niya ay hindi na siya masusundan kaya lang ay naliligaw na rin siya. Mabuti at may nadatnan siyang isang pamilya na naghahapunan sa bakuran. Itinuro sa kanya ang daan papauwi nang hindi dumaraan sa kalsada. Mas madilim nga lang ang ruta na iyon at liblib. Mabilis ang kabog ng puso niya pero binura niya ang isiping may susunod sa kanya.
Wala na sa kapangyarihan si Ter. Hindi na siya nito masasaktan. Walang sumusunod sa kanya. Praning lang siya. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kanilang tahanan. Nagtaka lamang siya sa mga sasakyan na nakaparada sa labas. Nabigla siya nang makita si Fergus na nakaupo sa kanilang sofa, kausap ng kanyang ina.
"Pupwede ba kitang makausap, Aipha?" Tumayo agad ang binata nang makita siya.
Tumango siya at inaya si Fergus doon sa kanilang garden.
"Pinag-isipan kong mabuti ang mga nasabi ko sa iyo at sa tingin ko, naging unfair ako kagabi." Panimula nito.
Mayabang siyang nagtaas ng noo. "Talaga."
"I think I will need your support on my campaign."
"Nakikinig ako.." Pinagkrus niya ang braso sa dibdib.
"Kung gusto mong sumuporta sa akin, bukas ang headquarters ko. However, you should follow my terms."
"Gaya ng?"
"You will camp in."
"Titira ako sa headquarters mo?"
"Kasama ng iba pang campaign managers. Bawal lumabas ng headquarters kapag oras ng trabaho. You will only use my service vans when going out, with my bodyguards as well. Limitado ang bisita. Bawal magreklamo."
"Bakit parang ang higpit?"
"Akala ko ba willing ka?"
Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Nagtatanong lang naman, kailan ako magsisimula?"
"Tonight. Since you need to camp in, Fifer and Nanay Polly will, too. Nakausap ko na, pumayag naman sila. Sa sobrang dami kasi ng trabaho baka hindi ka na nila makita. I have houses in my compound, naroon din ang headquarters ko. You will be provided with food and everything that you need."
"Galante." Bulong niya.
"That's how I take care of my employees. Isa pa, tatlong buwan lang ito, Aipha. 'Pag tapos na ang lahat ay hindi na tayo muling magkikita."
Mabilis ang pangyayari, nagpaalam siya kay Reden na hindi man lang siya tinanong kung bakit ganun ang kanyang desisyon. Si Fergus na rin kasi ang kumausap dito bago pa siya dumating.
Walang pagtutol na maririnig kay Fifer o kay Nanay Polly nang binabaybay nila ang daan na matagal na niyang hindi napuntahan. Ang hacienda ng mga Tiangco. Nagtataka niyang sinulyapan ang mga kasama. Tahimik si Fifer at si Nanay Polly na nakamasid din lang sa dinaraanan.
"Nay, okay lang bang makasama kayo? Pupwede naman kayo manatili kina Reden. Bayad naman tayo ng upa roon."
"Hindi na, Aipha. Nakausap ako ni Mayor at ito ang desisyon ko. Mas gusto kong makasama ka sa huling sandali ko. Ayaw ko rin namang pigilan ang kagustuhan mong suportahan ang Mayor na pinapaniwalaan mo."
"Ikaw, Fifer?"
"Ha? Naku, walang problema. Sasama rin ang sa kampanya. Sabi ni Mayor, pwede rin daw ako. Sayang naman ang anda."
Bago dumating sa main mansion, tumigil sila sa isang lodge na napapalibutan sa likod ng maliliit na villa na gawa sa kawayan. Maliwanag ang ilaw sa lodge at may mga tao na matatanawan na abala doon sa may bintana. May malamlam na ilaw naman doon sa bamboo villa. Sa gitna ay mayroong swimming pool na napapalibutan ng halaman. Tila resort nga ang buong lugar.
"Bonggacious. May swimming pool pa, Baks. Ang taray!"
"Wala pang ganito dati." Napangiti si Aipha kay Fifer.
"Saan kayo naglalandian dati ni Mayor?" Bulong ng kaibigan sa kanya habang bumababa sila sa van.
"Fifer!" Sita niya sa kaibigan. Sumusunod sila sa dalawang bodyguard na may bitbit na gamit patungo sa isa sa mga villa. Lumalangitngit ang kawayan na nakatanim sa paligid, dinadaanan iyon ng hangin. Maliliit na bato naman ang kanilang nilalakaran. May ilang mga lumalabas sa ibang Villa at tinitingnan siya. Nakasuot iyon ng t-shirt na may nakalagay na 'Tiangco'.
Nang gabing iyon ay nagpahinga na sina Aipha pero hindi siya makatulog. Kinuha niya ang cellphone. Hinanap niya ang pinakaiingatang text message exchange nila ni Fergus. Ang huli pa ay ang matatamis nilang palitan ng mensahe. Nagbakasakali siyang magpadala ng mensahe ng gabing iyon.
'Salamat, Mayor. Pagta-trabahuhan kong mabuti ang pagkakataong ibinigay mo.'
Pumikit na si Aipha pagkatapos 'non. Nagising siya bandang alas-tres ng madaling araw nang tumunog ang kanyang cellphone.
'Welcome.' Tipid na sagot sa kanya ni Fergus na nagpangiti sa kanya ng husto.
---
Hindi biro ang campaign period. Halos lahat ay abala para manguna ang kandidatong sinusuportahan. Kanya-kanyang coverage ang bawat 'team' Tiangco. Bawat isa ay may bayan na pinagtutuunan ng pansin. Sa bawat bayan ay mayroong campaign managers. Si Vito ang nagpaplano ng lahat. Mula sa schedule ng paglalagay ng posters, pag-ikot ng truck na may campaign jingle, pangunguna sa maliliit na 'talks' tungkol sa plataporma ni Mayor, at TV, radio and social media advertisements.
Si Aipha ang na-assign sa sorting ng posters at flyers na ibibigay sa bawat campaign managers. Suot-suot niya ang paborito niyang t-shirt na may mukha ni Fergus. Siya lang ang mayroong ganon dahil casual clothes lang ang suot ng naroon sa headquarters.
"Mamayang gabi ay may kampaya ang partido ni Mayor sa Dercan, sinong sasama para mabilang ang sasakyan na kakailanganin?" Tanong ni Vito.
"Ako!" Mabilis na nagtaas ng kamay si Aipha. Saglit na natulala si Vito pagkatapos ay tipid na tumango.
Hindi alintana ni Aipha na naiilang ang ilang mga kasamahan sa presensya niya at kahit pa ang pinakamadaling trabaho ang napunta sa kanya, gusto niyang makasuporta kay Fergus, pakiramdam niya kasi ay mababawasan ang atraso niya kapag nagiging useful siya sa kampanya nito.
"Guys, lunch na. Dumating na ang delivery." Dumungaw si Kira sa may pintuan, nagmamadaling nagsi-tayuan ang mga kasamahan pwera si Aipha. Bukod sa wala pa ring pumapansin sa kanya sa nakalipas na apat na oras na naroon siya sa headquarters, hindi pa rin siya nagugutom.
Inabala niya ang sarili sa paghahanap ng maaari pang gawin. Inayos niya ang snacks para sa kampanya sa gabi sa bayan ng Dercan. Nagsort din siya ng mga t-shirts at caps na susuotin mamaya ng volunteer.
Ilang sandali pa ay bumalik na ang kanyang mga kasamahan. Bumalik sa kani-kaniyang trabaho ang mga ito. Siya naman ay bumalik sa pagbibilang ng posters at flyers.
"May nakakita ba sa inyo ng dossier ng action plan for this week?" Tumayo si Hector, ang campaign leader.
Hindi siya umimik at nagpatuloy sa ginagawa samantalang naghanap naman ang kasamahan niya kaya bahagyang umingay. Maya-maya pa ay kinalabit siya ni Hazel.
"Nasa iyo ba?"
"Ha?"
"Yung dossier. Ikaw lang naman ang naiwan dito kanina." Mataray na nagpamewang si Hazel sa kanya.
"Wala."
"Wala raw." Napailing si Hazel. "Hindi ba ikaw iyong nagtraydor kay Mayor?"
"Hazel.." Pumagitan si Hector sa kanilang dalawa.
"Ako nga. Ako rin naman ang nagsiwalat ng katotohanan."
"Nagmamalaki ka pa. Ano bang ginagawa mo rito?"
"Hazel, tumigil ka na." Awat ni Johnny. "Siyempre ginagamit din siya ni Mayor para magmukhang mapagkumbaba ang Mayor natin. May hatak din kahit papaano ang pagsali niya sa grupo."
Natahimik ang lahat. Kahit siya ay wala na ring masabi.
"E-eto na. Natabunan lang pala ng mga papel ang dossier." Basag ni Hector sa katahimikan.
Bumalik ang lahat sa trabaho. Wala man lang humingi ng dispensa kay Aipha pero hindi niya alintana iyon. Ang mahalaga ay nakakapagtrabaho pa rin siya at nakakapagsilbi kay Fergus.
♁☆♁☆♁☆♁☆
How to thank me for writing free stories:
1. VOTE and COMMENT.
2. Please follow the following accounts:
WATTPAD: @Makiwander
Facebook Page: Makiwander
Facebook Account (Public): Mari Kris Ogang
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
3. Don't hate, spread love! Silently leave the story if it is not for you. Your opinion matters but this is free stuff, huwag mag-amok :)
4. Buy my published books if you can afford it :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top