Kabanata 13
A/N: Hindi po ito April fools. Hindi talaga ako nagpa-sapi sa mga Tiktoker ngayong ECQ.
---
"What a cheap scandal, Fergus!" Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Fergus, ika-isang linggo na walang tigil si Fergus sa pagtatrabaho ng kinakasangkutang kontrobersya.
"Ma, what are you doing here?" Napatayo si Fergus. Siya man ay napatayo rin. The woman is in her late fifties, absent nga lang ang wrinkles nito sa balat. Maliit ang katawan nito, morena at parehas ang mata nang kay Fergus, deep-set pero bakas ang awtoridad. She was lightly made up, but it is enough to see her radiant natural beauty. Her simple white plaid dress and pearls worked like magic.
Kasunod ng babae ang isang pusa, na palagay niya ay iyong alaga ni—
"Lilo." Napabulong si Fergus.
"That's so unfair, Ferg. I know that you are an active volunteer in my Dad's environmental projects. Mas masipag ka pa nga sa akin magtanim ng puno." Yumakap si Lilo kay Fergus na agad na napatingin sa kanya. Tumango lamang siya at tumalikod para kumuha ng kape para sa mga bisita.
Everyone's settled when Aipha came back. Kalmado na ang ina ni Fergus pero nagmumwestra ito na tila masakit ang ulo.
"I don't know how to say this to your Dad, Fergus. I mean, babalik na naman tayo sa tanong kung bakit ka pumasok sa politika. The most that you can do is at least have a graceful exit. Hindi ganitong puro kontrobersya."
"My Dad too was surprised. A dumpsite. He expected so much from you. Remember the water filtration project you financed at Halcon, Dad was a fan. I explained to him that he should remember that you are also an earth advocate, you will not do something like that. I mean, you are the type of guy who will push the zero-waste or 100% recycling than encouraging people to throw more waste."
"So we thought about it. Lilo and I, I mean General Harold Villarica is a known environment activist since 1980. What if we get this straight by announcing your engagement with Lilo?"
Hindi napigilan ni Aipha ang masamid.
"Mom. That's unfair. Wala na kami ni Lilo."
"That's because she doesn't want to get distracted with her masters."
"Auntie." Namumula ang pisngi ni Lilo, "I told you not to share Fergus and I's private conversation the last time he went to Manila."
"Tayo-tayo lang naman." Humagikgik ang ina ni Fergus.
Parang may kumirot sa damdamin ni Aipha pero ibinaling niya na lang ang atensyon sa pagbabasa ng circular memo tungkol sa gagawing rally sa susunod na araw.
"I mean, yeah. You proposed to me when I was sick, 'di ba? I mean, I am overly dramatic but you know how I really feel, right? Ferg, I am on it. I mean we can tell the world that I, the daughter of an environment activist is your fiancee, so it is impossible that you will approve any project like that. We will back it up that I am currently doing a research about biodegradable plastics at school and let's tell them that you are part of it. Let's make the boat sail for now, Fergus."
Sa pagkakataong iyon ay tumayo na si Aipha.
"Excuse me po. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan kayo."
Hindi alam ni Aipha kung gaano siya katagal naghintay sa labas bago lumabas si Fergus kasama ang ina at si Lilo.
"Aipha, we will have a dinner at our house, do you want to join?" Anyaya ni Fergus sa kanya. Mabilis siyang umiling.
"Kukunin ko lang ang bag ko, Mayor." Mabilis siyang pumasok sa opisina at inayos ang kanyang mga gamit sa lamesa. Naramdaman niya ang mahigpit na yakap sa kanya ni Fergus.
"Aipha, it is not how you think it is."
Pilit siyang kumawala sa hawak ni Fergus pero matatag ang binata.
"Tama naman sila. Mas maganda ang solusyon ni Lilo. Makakatulong sa iyo." Puno nang dismaya ang boses ni Aipha, hindi kay Fergus kundi sa sarili. Heto siya, patay na patay sa Mayor pero ang totoo ay siya ang anay dito samantalang si Lilo ang tagapagligtas. At para saan ang galit na nararamdaman niya kay Fergus? Wala siyang karapatang makaramdam ng kahit ano dahil bago pa siya linlangin ng binata ay nauna na siya sa panlilinlang dito.
"Mahal.. Ikaw ang mahal ko. And I will not do my mother's suggestion. Malaki na ako. Hindi ko kailangang magtago sa palda ng isang babae para malusutan ko ang problemang ito."
"Tumigil ka na, Mayor. Hinihintay ka na nila." Pagbabalewala niya sa paliwanag nito.
"Aipha, please listen to me. Hindi ko iyon gagawin. Ipapakilala kita bilang girlfriend ko pagkatapos ng lahat ng ito."
"Ano ba? Hindi! Hindi mo gagawin iyan. Gusto mo ba ng isa pang kahihiyan? Alam mo ang itatawag nila sa iyo? Bakla. Bisexual. Hindi na matatapos ang problema mo."
"A-anong gusto mong gawin ko?" Hawak ni Fergus ang magkabila niyang pulso.
"Ginamit mo lang naman ako para pagtakpan ang nararamdaman mo kay Lilo, hindi ba?"
"Then come with me. Ipapakilala na kita ngayon."
Matigas na umiling si Aipha. "Tumigil ka na, Mayor. Tama na. Sila ang magsasagip sa iyo, hindi ako. Ayaw mong bitiwan ang ginagawa mo, hindi ba? Then, lumayo ka. Lumayo ka na sa akin."
"Aipha.." Fergus desperately called. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Alam niyang sa oras na iyon, tinapos niya na.
---
"Okay na rin iyon, Baks. Alam mo, hindi natin maiintindihan ang mayayaman na iyan. Parang si Nanay, jinowa pero iba ang pinakasalan. Huwag kang maging ganyan, 'Day. Masakit. Sa sobrang sakit, naging sakit sa bato ni Nanay." Bottoms-up ang baso ni Fifer sa iniinom nitong gin. Ganon din ang ginawa ni Aipha habang tuloy sa pag-ilaw ang pinagmamasdan niyang cellphone.
Alam niyang oras pa rin ng dinner ni Fergus kasama ang ina at si Lilo pero panay ang text sa kanya ng binata.
"Sa una lang yan masakit. Dumaan na ako riyan. Kapag mahirap ka, wala kang time mag-emote, madadapa pero bangon agad, parang Beauty Queen. Huwag kang magbabad sa heartbreak. Tiisin mo. Para rin naman sa kanya ang ginagawa mo.
Magdamag laman ng isip ni Aipha si Fergus. Ang kirot ng kaalamang nagpropose pala ito kay Lilo nang matagal itong nawala at malamang ay ginamit lamang siya nito para maka-move on. Hindi siya nagtangkang basahin ang mensahe ni Fergus at binura niya lang lahat iyon bago matulog.
Sinalubong pa rin si Aipha ng mga nagwewelga pagpasok niya sa munispyo. Lahat ay kinakalampag si Mayor na bumaba sa pwesto. Hindi pa rin kasi naipapatigil ang operasyon ng dumpsite dahil ang sabi ng kumpanya ay sasampahan nila ng breach of contract si Fergus dahil nakapirma ito sa agreement.
Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kanya ang mga bulaklak sa table niya at si Fergus na nakapikit sa swivel chair nito. Lukot ang damit at bakas ang puyat sa mukha. Napadilat ito nang gumawa siya ng ingay.
"Mahal. Natanggap mo ba ang mga text ko kagabi? Nakatulog ka ba ng maayos? Naisip ko nagtatampo ka sa akin kaya baka hindi ka rin nakatulog. Gusto mo bang mag-date tayo mamaya?" Sunod-sunod na tanong ni Fergus.
Tinigasan ni Aipha ang anyo, napatulala si Fergus nang kunin niya ang bulaklak at itapon ito sa basurahan.
"Aipha.." Nabigla si Fergus pero ngumiti pa rin sa kanya ito. "H-hindi mo ba gusto? Anong gusto mo? Tell me.. I also want to know, marami pa tayong hindi alam sa isa't isa. What about an out of town kahit over the weekend lang. Boracay? La Union? Temptation Island. Kahit saan mo gusto."
"Wala akong gusto, Mayor. Pupwede ba? Huwag ka ngang masyadong mababaw. Sex lang ang gusto mo sa akin, hindi ba? Pupwede mo iyong makuha kahit kanino. O gusto mo talaga sa isang bakla? Nababaliw ka na ba?"
"S-siguro nga." Kumuyom ang kamao nito. "Dahil sa kabila ng mga problema na kinakaharap ko, ikaw lang ang hindi nagpatulog sa akin kakaisip ko."
"Mag-focus ka sa trabaho, Mayor. Baka kahit pagtatrabaho rito sa munispyo ay iwanan ko na rin kung hindi mo seseryosohin. Ikukuha lang kita ng kape."
Walang imikan sa loob ng Office of the Mayor maghapon. Kahit sinusubukan ni Fergus na kausapin siya sa pamamagitan ng email ay hindi niya iyon sinasagot.
"Fergus, can't the contractor just stop the dumpsite? Lalo lang lumalala ang galit ng mga tao. May mga dumating na basura galing sa kalapit probinsya, even that were contracted by the dumpsite to throw their garbage to us. Sila pa talaga ang naunang magtapon." Pumasok si Vito sa loob ng opisina, ang tanging boses na narinig niya matapos ang pagtatalo nila ni Fergus.
"Breach of contract iyon, Vito. Kailangan kong hanapin ang may pakana ng lahat ng ito para makagalaw ako."
"May leads ka na ba?"
"May hinala ako pero sinisigurado ko pa. Mahirap mambintang."
Tumikhim si Aipha at inayos ang kanyang mga gamit. Papauwi na pala siya. Hindi niya namalayan ang oras dahil minamanhid niya ang sarili sa paligid ni Fergus.
"I want to drink. Throw a party at your house. "
Napangisi si Vito, "Madali lang iyan."
"Tonight."
Napawi ang ngiti nito, "Ngayon talaga?"
"Call in some girls. I want to get laid." Napatingin si Aipha kay Fergus na nakatingin din pala sa kanya. Umirap lang siya rito kahit ang totoo ay nagngingitngit ang damdamin niya.
Wala sa sariling idinial niya ang extension number ni Reden na agad namang sumagot.
"Reden, sabay na tayong umuwi. Daanan mo ako rito mamaya."
'Aba, ikaw na ang nagyaya. Sige. Kita-kits.'
Napatingin siya sa direksyon ni Fergus at nag-aalab ang mga mata nito sa kanya.
"Let's go, Vito. Para makarami."
Makarami pala, huh? Umikot ang mga mata niya.
Sa isang simpleng restaurant sa bayan siya dinala ni Reden sakay ng lumang Altis nito. Malayong-malayo sa karangyaang pinaparanas sa kanya ni Fergus. Mga masasarap na lutong ulam ang nakahanda at mainit na kanin.
"Kumain ka lang ng marami, Aipha. Bihira lang ito, bukas ikaw naman ang manlilibre." Nakangiting sambit ni Reden.
"Naku, wala nang bukas." Biro niya. "Salamat, Reden, ha. Ang bait mo sa akin."
"Oo naman. Isa pa, alam kong stressed ka ngayon dahil sa kontrobersya ng Mayor. Ang bilis talagang magbago ng ihip ng hangin, ano? Isang dungis lang, limot na agad ang ganda at linis ng buong damit."
"Naniniwala ka ba?"
Ngumiti si Reden at umiling, "Kahit na mainit ang dugo sa akin ni Mayor, alam kong hindi naman iyon totoo. Malas lang niya at marami siyang kalaban. Kain na tayo."
Masaya silang naghapunan ni Reden. Kahit papaano ay nabawasan din ang bigat ng kanyang nararamdaman. Inihatid siya ni Reden papauwi kaya naman hindi na siya nahirapan. Tumunog ang kanyang cellphone pagkalipas ng ilang sandali.
'Hope you enjoyed your date.'
Ramdam ni Aipha ang hinanakit ni Fergus sa bawat letra. Hindi niya iyon pinatulan. Isa pa, tiyak naman na nag-eenjoy ito sa kanlungan ng kung sino-sinong magaganda at sexy na mga babae.
Nagkuwentuhan sila sandali ni Fifer bago siya maghanda matulog. Tumunog muli ang kanyang cellphone habang inaayos niya ang kanyang higaan. Litrato iyon ni Fergus at ng isang babaeng mestiza na magkadikit na magkadikit ang pisngi. Halatang lasing na ang binata dahil namumula na ang mukha nito.
'I am having fun =)'
"Mukha nga." Angil niya sa cellphone at saka binura ang imahe. Hindi tuloy siya nakatulog. Mas dumami ang iniisip niya na ginagawa ni Fergus ngayong gabi.
Maaga tuloy siya nagising. Sa pang-umagang balita ay bumungad sa kanya ang litrato ni Fergus sa telebisyon na nagpaparty at kasama ang kung sino-sinong babae. Mas lalo itong binatikos dahil sa gitna ng problema ay nagsasaya pa ito. Napailing na lamang siya dahil mukhang galak na galak ang binata.
Pinatay ni Fifer ang TV. "Bawal ka magalit, walang kayo."
"Hindi ako nagagalit. Iniisip ko lang kung gaano siya kairesponsable sa gitna ng kontrobersya—"
"Na ikaw ang nagdala. Hay naku, Baks. Huwag mo nang ika-stress si Mayor. Kung ako sa iyo ay humanap ka na lang ng ibang trabaho para makalayo ka na riyan."
Nadatnan ni Aipha si Fergus na nakaupo sa swivel chair ng nakatingala, palagay niya ay tulog. Nakasuot ito ng aviators at kagaya kahapon ay gusot gusot ang polo nito.
"Aren't you even jealous?"
Nagulat pa siya nang magsalita ang binata. Napahawak siya sa dibdib.
"T*ngina. Selos na selos ako kagabi pero ikaw wala ka man lang naramdaman? Ang lupit mo, Aipha. Ganyan ka ba talaga?"
"Uminom ka ng kape para matanggal ang hangover mo. Hindi ka dapat nagpapakita ng ganyan ang itsura dito. May rally pa riyan sa labas, wala ka na ba talagang pakialam?"
"Sa'yo meron. 'Di ba sinabi ko naman sa iyo na huwag mo akong iiwan para maayos ako? Bakit mo ako iniiwan sa ere?"
"Hindi mo alam ang gusto mo, Fergus. Hindi mo alam ang kailangan mo. Kalimutan mo na lang ako. Ako ang malas sa buhay mo, hindi mo ba nakikita? Isa pa, hindi rin ako seryoso sa iyo. Hindi ba laro lang naman ito nag-umpisa?"
"Oo, Aipha. 'Yun nga lang, sineryoso ko. Ng sobra."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top