Kabanata 12


A/N: Unedited. R-18. Thank you for reading!

--

"Huwag mong pansinin iyon si Gov. Ang pangit naman 'non. Malaki pa ang tiyan." Pangkakalma ni Aipha sa nobyong si Fergus. Nasa bahay sila ni Fergus, sabay na naghahapunan.

"It is not about that. There's something about him that seems weird. Iba kung tingnan ka. Parang type ka."

Kianabahan si Aipha, napansin kaya ni Fergus na malapit ang koneksyon nila ni Gov?

"Ano namang weird doon? Bastos mo! Nakakaoffend." Umirap siya sa hangin para itago ang kaba.

"Hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Natawa si Fergus. "Ayoko nang may ibang nagkakagusto sa iyo."

"Malabo naman mangyari iyon."

Lumapit si Aipha kay Fergus at minasahe ang kanyang balikat saka maliliit na pinatakan ng halik ang mukha ng Mayor.

"Dito ka na lang matulog." Lambing sa kanya ni Fergus.

"Hindi pupwede. Nakakahiya kay Fifer. Mayroong gamutan ang Nanay sa madaling araw. Hindi pa ako umuwi kagabi."

Lumabi si Fergus, "Nakakaabala na ba ako sa iyo?"

"Huh? Paano nangyari yun e ikaw ang priority ko." Malambing niyang banat sa Mayor na ikinangiti naman nito.

"Masaya akong nandito ka, Aipha. Siguro ay nabaliw na ako kung hindi ka dumating."

"Kahit wala ako, alam kong makakayanan mo ito. Paano? Magpahinga ka na. Huwag ka na sumama sa paghatid sa akin."

Malayo pa lang sa bahay nila ay natanawan na ni Aipha ang hilera ng puting van malapit sa kanilang tahanan. Nakilala niya agad kung kanino iyon.

"Mang Gerry, dito niyo na lang po ako ibaba. Salamat po." Ilang bahay pa bago ang kanilang tahanan ay nagpababa na si Aipha sa driver ni Fergus, hindi naman ito tumutol. Hinintay niyang mawala ito sa paningin niya bago humakbang papalapit sa kanilang bahay.

"Overtime?" Mula sa dilim ay lumabas ang kanyang Daddy Ter. "Inihahatid ka pa ng sasakyan ng Mayor, ganoon ka na pala kalakas."

"Anong kailangan mo?"

Nagsindi ng sigarilyo ang Gobernador habang ang isa sa bodyguard nito ay may iniaabot na brown envelope.

"Ihalo mo iyan sa papipirmahan mo bukas kay Tiangco pagkatapos ay ibigay mo sa akin."

"Ano ito?"

"Kontrata ng landfill."

"I-ikaw ang may pakana ng protesta kanina?"

"Ang bagal mo kasing humanap ng butas sa Mayor na iyon. Iyan na lang ang magiging parte mo."

"P-paano kung ayoko?"

Tumigas ang anyo ng kanyang amain, "Puputulin ko ang sustento sa inyo ng Nanay mo. Tingin mo ay makakatakbo ka kay Tiangco kung isusumbong mo ako? Masyado nang malayo ang narating mo Aipha. Ilaglag mo ako sa Mayor, ilalaglag din kita."

"P-pero—"

"O baka naman hindi lang sustento ang gusto mong tapusin ko? Huwag mo akong susubukan, Aipha. Alam mo kung ano ang ibinibintang sa aking mga krimen, at alam kong alam mo rin, na totoo ang lahat nang iyon."

Binalot ng kaba si Aipha. Buong gabing laman ng isip niya ang banta ng amain. Pinag-iisipang mabuti ang gagawing hakbang.

"Bakla hindi ka natulog." Inihain ni Fifer sa kanyang harapan ang itlog at sinangag. "May sa dimunyu talaga iyang step-pudra mo. Tuwing pinupuntahan ka, para kang kinakabagan."

Malakas siyang napabuntong-hininga.

"Grabe, ang lalim naman ng hinga na iyon. Ano bang problema?"

"Binantaan ako ni Daddy. Ang sabi niya kung hindi daw ako susunod sa usapan, puputulin niya ang sustento kay Nanay."

"O? Keribels na iyon. May trabaho ka naman, Baks. Saka close naman na kayo ni Mayor. Matutulungan ka 'non kay Nanay."

Ginulo ni Aipha ang buhok. "Hindi iyon, pinagbantaan niya ang buhay namin ni Nanay. Alam mo naman kung gaano kasama ang Daddy. Sa tingin mo, may pakialam pa sa amin iyon?"

Biglang napaupo si Fifer sa kanyang harapan, "Naku Baks, ha. Mukhang seryoso na iyan."

"Alam ko. Ayokong gawin kay Mayor ito pero—"

"Pero naiisip mong gawin?" Napatingin sa malayo si Fifer. "Sabagay, maliit na bagay iyan kumpara sa buhay niyo ni Nanay. Isa pa, kung ganyan kadelikado ang pulitika, mabuti pa ngang ikaw na rin ang maging daan para mawala riyan si Mayor. Makaka-move on din siguro iyon kapag natalo sa eleksyon. Mayaman siya, gwapo, marami siyang pwedeng gawin, pero ikaw, Aipha, ito lang ang mundo mo. Maliit lang ang mundo mo." Sambit ni Fifer na ang tanging pag-asa na lang ay makakita ng magandang rason sa kasamaang pwedeng magawa ng kaibigan.

Bitbit ni Aipha ang dokumentong ibinigay ng Gobernador nang pumasok siya sa Munisipyo, mahigpit ang hawak niya roon. Buo na ang plano niya, itatambak niya ang kailangang pirmahan ni Fergus hanggang sa mapagod na itong magbasa at magtitiwalang na-review na iyon ng iba't ibang departamento pati na rin siya.

Kagaya ng dati, nauna siyang dumating sa munispyo. Wala pang sampung minuto ay dumating kaagad si Fergus, ini-lock ang pinto at ginawaran siya ng mainit na halik sa labi habang pinaglalakbay ang kamay nito sa kanyang katawan, binuhat siya nito at pinaubo sa low standard book case na malapit sa puwesto niya. He skillfully unbunttoned her dress shirt and popped out her right boob. His kiss lowered to her neck, down to her collarbone then to her breast, licking it slowly then sucking it hard, the thought of having her skin bruised by Fergus' insatiable lust for her made Aipha wet evenmore. His minty, after-shave scent is a plus. She's moaning quietly while rubbing her mound to his maleness.

Fergus unhooked her midi-skirt. Hinawakan niya ang kamay ng nobyo para pigilan. "I'll make it fast, okay? I miss you."

He picks out a foil inside his pocket ang unwrapped it. His manhood sprung free as he uncarefully wear the condom on it. Nagmamadali ring ibinaba ni Aipha ang kanyang panty. She was immediately filled and rocked with so much passion for sex. Parang may byaheng hinahabol habang unti-unting nanginginig ang kanyang katawan sa kanilang pag-iisa. Sa ilang sandali pa ay sabay silang nagpakawala ng kuntentong paghingal habang magkayakap ang kanilang katawan, kasabay 'non ang tunog ng bell ng munisipyo.

Abala sa buong maghapon ang Mayor. Mayroon pa ring pangilan-ngilan na nagrarally sa labas. Habang nagpipirma si Fergus ay tumunog ang landline sa tabi nito, tuloy pa rin siya sa pagpirma habang may kinakausap. Naisip ni Aipha na iyon na ang tamang pagkakataon. Lumapit siya sa Mayor bitbit ang isang kontrata ng security agency. Kalakip 'non ang kontratang gustong papirmahan ng Gobernador kay Fergus. Unang pahina lang ang binasa ni Fergus, ang mga sumunod ay pinirmahan na rin nito nang walang kahirap-hirap. Tipid na ngumiti si Aipha pagkatapos ay bumalik sa puwesto niya. Pasimple niyang ini-scan ang mga dokumento at saka itinago ang orihinal.

Ipinadala niya kay Ter ang lahat ng dokumento nang nakapikit. Sa isip niya ay humihingi ng tawad kay Fergus na malawak siyang nginitian nang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis na binura ni Aipha ang email niya para sa amain. Pagkatapos 'non ay naging tahimik na si Aipha. Uwian na nila at malambing siyang niyakap ni Fergus sa kanyang puwesto.

"Dinner?" Bulong nito sa kanyang tainga. Mabilis siyang tumayo at umiwas.

"H-hindi puwede. K-kailangan kasi ako ni Mama."

Tumaas ang dalawang kilay ni Fergus, "Am I being a bother to you now?"

Mabilis na umiling si Aipha, "H-hindi naman sa ganon—"

"Kidding." Mas malawak na ngumiti si Fergus at pinisil pa ang kanyang pisngi. "Of course. Ipapahatid na lang kita sa driver."

"Hindi na rin. May pupuntahan pa kami ni Fifer. Naghihintay na siya sa labas." Pagsisinungaling niya.

Pinagbigyan siya ni Fergus at hindi na pinilit pa. That's how relationship goes anyway, you give space. Napapikit si Aipha sa isiping pinagtataksilan niya ang nobyo. Pinapagalitan niya ang sarili at pinaalalahanan, 'Ito ang iyong pakay, hindi ba? Bakit ka nakokonsensya riyan?'

She just knew it. Fergus is just a girl's dream, including hers. Ipinahiram lang ng pagkakataon pero siya na rin ang nagdesisyon ng kapalaran nito sa politika. She will end it now.

"Good, good, good girl, Aipha."

Napataas ang balikat ni Aipha nang makitang nasa daraanan niya ang stepfather. Pinapalakpakan siya nito. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran.

"Anong ginagawa niyo rito?" Matigas na bulong niya. Inilahad naman ni Ter ang nakabukas na pintuan ng kulay puting van at pinatiuna siya nito. Sumunod naman kaagad ang amain at sumibad ang sasakyan nang nakaupo na sila.

"Akin na." Inilahad nito ang kamay. Matigas niyang iniabot ang brown envelope, ang orihinal na dokumentong may pirma ni Fergus.

"Kailangan ni Mama ng gamot, gatas at pambili ng masusustansyang gulay at prutas. Gusto kong nasa bahay na iyon bukas na bukas."

Hinalikan ni Ter ang brown envelope. "Easy. Huwag masyadong matapang ang dating mo. Alam mo namang pagkatapos kong mapabagsak si Fergus ay wala na rin akong kailangan sa iyo."

"Hindi ganyan ang usapan, Daddy. Tutugunan mo ang pangangailangan ni Mama."

"Alam ko. Alam ko kaya nga magpakabait ka." Inayos ni Ter ang kanyang buhok sa balikat. "Mamayang alas-siyete, lalabas na ito sa balita. Nakapuwesto na ang mga truck sa Morillo na handang maghukay na ng dumpsite."

Nakatutok ang mga mata ni Aipha sa local news habang binabalita ang pinirmahang kontrata ni Fergus na labag sa kagustuhan ng nasasakupan nito. Iba't ibang interview mula sa mamamayan ang ipinakita. Marami ang galit, mayroon ding umiiyak habang may bitbit na mallit na sanggol. Lahat sila ay nagtatanong kung paano na ang kanilang pangkabuhayan o ang kalusugan?

Nag-ring ang cellphone ni Aipha, napakagat labi siya nang makita ang pangalan ni Fergus doon. Naaawa siyang tiningnan ni Fifer, nagtatanong ang mga mata. Nagkibit-balikat siya. Pinili niyang puntahan ang silid ng Mama niya. Alam niya, tama ang kanyang naging desisyon. Hindi niya maaaring ipagpalit ang buhay nilang mag-ina sa political career ni Fergus. Wala silang kinalaman doon.

"Aipha." Mahinang tawag sa kanya ng kanyang ina. Lumapit siya dito nang hindi binubuksan ang ilaw. Naramdaman niya ang palad ng ina na dumampi sa kanyang pisngi na nagpalis ng kanyang luha.

"Hindi ako naging mabuting ina, hindi ba?"

"Ma, drama-rama sa hapon? Gabi na po." Biro niya

"Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit kailangan mong magdusa at pakisamahan ako?"

"Tama na nga, Mama. Matulog ka, mamaya pa ang gamot mo."

"Huwag kang gagaya sa akin. Patapon. Walang kinabukasan. Pagkatapos ng lahat ng bagyo, tatayo ka. Tumayo ka, Aipha. Maging matayog ka kapag wala na ako."

"Ano ba yan, Mama? Ikaw lang ang meron ako. Ilalaban kita hanggang kaya."

"Alam kong kahit anong hiling ko, ibibigay mo. Pupwede ba akong humiling na huwag mong sirain ang buhay mo, anak?"

Napakagat-labi siya. Maya maya ay tuluyan niyang naramdaman ang pagpunit ng puso at hirap sa paghinga, kasabay ng pagkabasa ng kanyang mukha sa sunod-sunod na mga luha. Sira na ang buhay niya. Gumawa na siya ng masama. Kumapit na rin siya sa patalim.

"Susubukan ko po, Mama."

Matutulog na si Aipha nang gabing iyon nang makita niya ang pag-ilaw ng cellphone. Isang beses lang tumawag si Fergus at mayroong tatlong mensahe sa kanya. Lahat iyon ay walang pagkabahala sa suliranin sa nasasakupan kundi pawang pangangamusta sa tonong masaya at malambing na himig.

"Hi Mahal. Nakauwi ka ba ng ligtas? Miss na kita."

"Kumain ka na ba? Kumain na ako, huwag kang mag-alala."

"Goodnight, Mahal. Excited na akong makita ka bukas."

Wala siyang sinagot kahit isa. Mas lalo lamang siyang nakonsensya. Kailangan niyang tiisin si Fergus at ngayon pa lang ay patayin na rin ang nararamdaman para dito.

---

'MAYOR TIANGCO, RESIGN!'

'BASURA SI TIANGCO!'

Iba't ibang plakard ang sumalubong kay Aipha, mas marami pa ito kaysa noong una. Halos sinakop na ng mamamayan ang buong open space ng munispyo. May nagsusunog pa ng effigy ng Mayor at galit na galit.

Dumating na rin ang convoy ng Mayor. Mas lalong umingay ang mga nagpo-protesta. Talagang seryoso ang mga iyon. Bumuo ng human barricade ang mga bodyguard ni Fergus. Panay ang 'Boo' ng mga mamamayan. They were literally pushing to get through Fergus. Halos buhatin naman ng mga bodyguard si Fergus papasok at sinarhan ang pinto ng munisipyo. Nakapasok si Aipha bago masarhan ang pinto ng tuluyan.

"Vito, kakausapin ko ang mga tao, hindi patas ang ibinibintang sa akin!" Apela ni Fergus sa campaign manager niya pero umiling lamang ito.

"Wait then attack. I always tell you that. Huwag kang magpasakop sa emosyon at galit, lalo ka lang magkakamali sa sasabihin niyan."

"Magkamali? Ano bang mali ang sasabihin ko? Inosente ako." Nagpumiglas si Fergus, nabitawan siya ng kanyang security at lumabas muli ito ng munispyo nang hindi siya napapansin.

Pinanood ni Aipha na tumayo si Fergus sa stage kung saan nagaganap ang Flag Ceremony. Umingay muli ang mga tao. Wala na siyang mikroponong ginamit bagkus ay itinaas niya ang kamay.

"Hindi totoo ang ibinibintang ninyo sa akin." Pasigaw na paliwanag nito. "Ako rin po ay biktima. I was deceived. Mayroong anay sa sistema at hindi ako---"

May nagmura mula roon sa mga taumbayan kasabay nang pagtama ng kung ano sa noo ni Fergus. Napatumba siya at napaupo sa stage, muli siyang tinakpan ng mga security niya at nabuhat papasok ng munisipyo.

Nagmadali si Aipha sa pagsunod kay Fergus. Dinala ito sa kanilang opisina nang mahilo-hilo at iniinda ang dugo sa ulo. Namutla si Aipha nang ihiga si Fergus sa sofa. Wala sa sariling kinuha sa bag ang maliit na emergency kit at nilapatan ng first aid si Fergus na napangiti nang makita siya.

"N-nandito ka na pala. Kumusta ang tulog mo?" Bati nito sa kanya.

Napangiwi si Aipha, nagkatinginan si Vito at ang mga bodyguards. Hindi napigilan ni Aipha ang emosyon na sumalubong sa kanya. She felt her chest hurst a lot.

"Bakit ako ang kinukumusta mo?" She cried like a baby. "May sugat ka? Bakit lumabas ka pa doon?" Hindi niya napigilang hampasin ang dibdib ni Fergus.

"Uhm. Gentlemen, let's go out first." Anyaya ni Vito sa mga bodyguard na mabilis na sumunod.

"Hey, Mahal. I am okay. Maliit na galos lang iyan. Nag-alala ka ba?" Malambing na tanong nito sa kanya. Lumuluha siyang tumango.

"M-mag-resign ka na kasi. Ano bang ginagawa mo at pinagsisiksikan mo ang mundo mo sa amin?" Pinunasan niya ang luha.

"Bakit ako magre-resign? Dito ko nakilala ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. Ikaw."

Aipha's heart hurts evenmore. Paano niya ba sasabihin na siya ang may kagagawan ng kaguluhan?

"Just promise you won't leave me, Aipha? Pagkatapos ng lahat ng ito, ipagsisigawan ko sa buong mundo na sa akin ka." His hopeful gaze made her weak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top