Glutathione, Eyeliner atbp.

Short update lang

Anyways enjoy na lang, pinagpuyatan ko ito

Dedicated to @ThatsMyDerp I really like your stories noona, keep up the good work and still waiting for Lay's story

--------------------------------

Chapter 2:

Wala kaming practice ngayon para sa comeback namin kaya dumiretso ako sa parmasiya (pharmacy) para bilhin yung gluta na only hope ko.

Nagsuot ako ng facemask baka makita nila na bumibili ako ng gluta ni Vicky Belo.

"San lakad mo?" Sabi ni kyung habang sinusuot ko yung sapatos ko

"Pupunta ako bibili ng gluta" sabi ko

Kumunot ng noo si Kyungsoo "Talaga bang pangarap mong bilhin yun?" Tanong niya

"Oo limited edition lang yun eh kaya kailangan kong bilhin at baka mawalan pa ako"

"Eh kung yun nga ang gusto mo edi papabayaan na kita" sabi naman niya sa akin

Hinug ko naman siya at nanlaki yung mga mata pero parang mga pakwan na eh haha

"Kai bitawan mo ako baka tawagin na din kitang negro diyan" pagbabanta niya sa akin

"Ito naman oh" ngayon naman pinisil ko yung ilong niya

"JONGGIINN!!!" Sigaw ni Kyungsoo at namumula yung mga pisngi niya at yung tenga niya.

"Oo na pupunta na ako" nagpaalam ako sa kanya saka umalis palabas.

Naglakad na lang ako kasi di naman kalayuan yung parmasiya kaya para naring exercise ko yun kahit na payat na ako.

------------------

"Sir, bakit ang itim niyo? pero ang pogi niyo" gigil na sabi ng pharmacist na babae habang tinititigan ako, argh yoko na gusto ko ng pumuti.

"Di ba pwedeng gawin mo na lang yang trabaho mo?" Sabi ko naman sa kanya

"Oo nga naman, gawin mo na yung trabaho mo" pag-sang ayon naman sa akin nung lalaki niyang kasama, manager niya ata

"Uhmm, sorry sir at sorry din manager" sabi naman nung babaeng pharmacist at yumuko ito at nag-sorry siya.

Inabot niya sa akin yung binili kong gluta medyo mahal pero malaki naman yun kaya wala ng problema iyon kahit mahal.

Pagdating ko sa dorm nadatnan ko silang nanonood ng horror movie. si tao, nakatakip yung mga mata niya gamit yung kamay niya pero May maliit na butas doon, tss nagtakip pa. Si Lay at Jongdae hyung naman nakatulog sa may sahig samantala yung HunHan at ChanBaek magka-akbay tapos yung natirang mga miyembro ay simple lang na nanonood.

"Andito ka na pala neg" sabi ni Kris hyung

"Pakyu hyung" sabi ko naman, muli tinignan ulit ako ni kyung, mukhang may bente akong kurot mamaya ah.

Di ko na lang pinansin si Kris at umupo sa tabi ni kyung, binulungan ako ni kyung "Humanda ka mamaya" at tumuloy na lang sa panonood.

"Ano yan pagkain?" Tanong sa akin ni Xiumin hyung sabay turo niya sa paper bag

"Hindi to pagkain" sabi ko naman

Pero bigla na lang hinablot ni Umin hyung yung paper bag at nilabas yung glutang binili.

Nakita naman ng iba at nagsimula na naman silang tumawa maliban dun sa mga tulog

"Theryotho ka ba talaga hyung" sabi ni Sehun

Kinuha ko naman kay Umin hyung yung gluta

"Eh paki niyo ba" sabi ko naman

Inakbayan naman ako ni Suho hyung "Grabe gumastos ka ng 100 para lang sa gluta, c'mon men" sabi niya

"Tss pakialam niyo ba, it's my life kaya wag kayo" sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

---------------------------------

Directions:
Take it two times a day apply Gluta 2500 after taking a bath...

Sa ngayon binabasa ko yung nasa likod ng glutathione na binili ko medyo napakahaba at mapadugo ka na sa sobrang dami ng English nito.

Sa unang instruction, kailangan kong maligo. kaya dumiretso ako sa banyo, sa halip na sumayaw ako dun, nag-iisip ako kung ano yung magiging kalabasan nung gluta sa akin.

Baekhyun's POV

"Yeol, nakita mo yung eyeliner ko?" sa ngayon hinahanap ko yung eyeliner ko, kanina pa naiirita yung iba kasi sa sobrang gulo kong kakahanap dun.

"Bakit mo pa hinahanap yun pwede ka naman bumili ulit" sabi ni Tao

"Eh kasi nga bigay sa akin yun ni Taeyeon" sabi ko

"Lagi na lang din ba si Taeyeon noona, Bakit ako?" Sabi naman ni yeol sa akin.

Binatukan ko siya ng malakas " Gago ka ba? Wag mo nga akong gayahin, friends kami ni Taeyeon hindi kagaya sa'yo ni Dara noona" sabi ko naman

"Uyyy, selos si baek kay dara noona" pang-aasar naman sa akin ni Chen

"Pakialam ko, walang forever bitter ako" sabi ko sa kanila.

"Sino si Dara?" Tanong ni Lay

Kumunot naman kaming lahat ng noo dahil sa sinabi niya.

"Lay hyung, tinopakan ka ba nung bata ka? O thadyang may ulyanin ka?" sabi naman ni Thehun

"San na naman nanggaling iyan, kay Ingrid?" Tanong ni kyung sa akin

Lumaki na naman yung mata ni Luhan hyung tsaka naman dumiretso ito sa kusina

"Oo magbestfriend kami pagdating sa kabitteran" proud kong sabi

Tinuloy ko na lang yung paghahanap ko sa eyeliner ko "Titigil ka ba diyan?" Naiiritang sabi ni Kris hyung

"Hindi ako titigil hangga't di ko iyon nahahanap" sabi ko

"Nasa banyo yata dun sa kwarto nina kyung at negro" sabi ni Suho

"O sige thank you" sabi ko at dumiretso sa kwarto nina negro, kumatok ako pero walang sumagot binuksan ko yung pinto pero hindi pala Naka-lock heol

Dumiretso ako dun sa banyo at Hindi din Naka-lock pero nung binuksan ko yun

I saw something black and rather lively...

END OF POV

Kim Jongin's POV

Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si baek na nanlaki ang mga mata niya at tulalang-tulala

"AAAAAHHHHHHH!!!! MY EYES, MY VIRGIN EYES!!!!" sigaw niya sabay takip niya sa mga mata niya, eh paano kasi hubo't hubad ako at nakalimutan ko yung twalya sa closet kaya kailangan kong kunin yun kaya fully naked ako.

Tangna nakita niya yung mga ano ko, yung manliness ko, Shet lagot ako kay Chanyeol nito.

Nagsidatingan yung iba pero di parin nakalagay sa akin yung twalya at tanging mga kamay ko lang yung nagmimistulang pangtakip nito.

Agad naman nilang nakita...

"Ay putang ina" sabi ni Kris at lumayo ito palabas ng banyo

"Oh shit" sabi naman ni Chen

"Embutidong sunog ba iyan?" Sabi ni Lay

Inalalayan naman ni Yeol si baek na naluluha pero " ay tangna "

"Holy thet" sabi naman ni Sehun

"Taena naman umalis na kayo" ginamit ko yung isa kong kamay para paalisin sila at tanging isa na lang ang prumoprotekta dito.
"Kyung, paabot nga ng twalya" sabi ko sa kanya.

Sinara ko yung pinto at hinintay si kyung na kunin yung twalya

"Oh eto, sa susunod kasi matuto kang mag-lock yan tuloy di na virgin yung mata ni baek, eh kung kami nga nina Suho sanay na dahil nahuhuli ka namin na sumayaw pero si baek di kasama dun, sa susunod ulit ha? Wag mo ng kalimutan yung twalya" Sabi ni kyung.

Kinuha ko yung twalya at sinuot kaagad iyon at lumabas.

"Oh namumula ka hahaha" sabi ni kyung

"Ha?!" Hinawakan ko yung pisngi ko oo nga mainit taena first time lang ito. dahil siguro sa kahihiyan

"Cute talaga ng Jongin ko" sabi niya sabay abot sa akin nung gluta na binili ko

"Eh mas cute ka eh" sabi ko naman sabay kurot sa pisngi niya

Kinurot naman ako ni kyung sa tagiliran "eto para dun sa pagmura mo haha" sabi niya

"Sorry boss" tumawa na lang kami at lumabas siya sa kwarto ako naman nagsuot kaagad at ginamit yung gluta.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila na para bang walang nangyari sa kanila maliban kay Baekhyun na nakatakip ngayon gamit yung mga tuhod niya.

"Oh nandito na si Negro Kai" sabi ni Jongdae

Tinignan ko siya ng masama at bumalik na lang sa panonood.

Tumabi ako kay Baekhyun at inakbayan siya

[uyy nauuso na ang JongBaek]

"Uyyssstt sorry na, promise ko sa susunod maglolock na ako" sabi ko

Tinaas naman niya yung ulo niya at nakita kong namumutla siya at maluha-luha.

" Tangna mo kasi di marunong mag-lock tuloy di na virgin yung mata ko pasalamat ka hindi yung puri ko yung di na virgin"

"Kakatapos mo lang makita yung ano ko, naging malibog ka na, ganyan pala yung effect pag nakakakita ka ng ano basta iyon" sabi ko

Sinuntok naman ako ni Yeol dahil dun

"Taena mo rin noh? Na-trauma na nga si baek, dadagdagan mo pa tss" sabi naman ni Yeol at tumingin na lang sa tv.

"Parang di naman umepektib yung gluta mo?" Sabi ni Jongdae

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa Katangahan niya.

"Hindi mo naman alam na kalalalagay ko lang, katangahan happens" sabi ko naman

Natawa naman silang lahat, kailan pa ako naging palatawa? Halos nawawaleyan nga sila pag ako ang nag-joke.

"Sino kayo?" Sabi ni Lay

Tinignan namin si Lay ng masama at napakunot na lang siya ng noo

"LAY?!" sigaw ni Sehun

------------------------------------

Lame lame UD pero natawa ako dun sa POV ni Baekhyun, naging malibog siya dahil nakita niya yung a ni Kai hahaha byuntae xD

Yung ibang di nakakita, matagal na nilang nakita at nahuli nilang sumasayaw si Kai sa banyo.

Please pakibasa po yung 'Manly Thoughts'

Votes and Comments please, need some inspiration :-)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top