Prologue
Starting Point
Beautiful.
Confident.
That's my biggest goal I really want to fulfill all along in my life.
Noon, gusto ko pa ngang ipagmalaki ang sarili ko sa iba kapag nakalabas na ako dahil sabi ng mommy ko, maganda ako.
Pero nawala na lang ng parang bula 'yong ipagmamalaki ko noong nakalabas ako ng bahay dahil sa mga batang nakaaligid sa 'kin. Doon paunti-unting natitibag ang pagkakaroon ko ng confidence at self-esteem na ginawa ko para sa aking sarili.
Masasakit na mga salita ang mga binibitiwan nila sa 'kin at dahil doon sa aking munting ilong.
Pango.
'Yan ang parating sinasabi ng mga nakakasalamuha kong mga kaedad ko pagkatapos ng kanilang pang-aasar sa akin.
Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili. Na . . . hindi totoo 'yong mga sinasabi nila. Na . . . naiinggit lang sila sa 'kin. Na . . . maganda rin naman ako sabi ng mommy ko.
Pero . . . hindi ko magawa dahil kapag papatulan ko sila, mas masahol pa ang gagawin nila sa akin kaysa sa mga masasakit na salitang binibitawan nila sa 'kin . . . sa ilong ko.
Wala na sanang problema eh. Pero, nang dahil sa sariling ilong ko, nagbago ang pananaw ko sa aking sarili.
"Ah, pango! Tali, pango! Tali, pango!" They chanted all over and over again as they are laughing while surrounding me. Tinuturo nila ako habang tumatawa at inaasar.
Dapat nasa classroom na ako ngayon kung hindi ko lang sila nakabangga. Magmula no'ng nagsimula na akong mag-aral sa labas ng bahay ay ganito na palagi ang routine ko.
Palagi na silang ganito sa akin pero hinahayaan ko lang 'yon. Natatakot akong magka-guidance kapag pinatulan ko sila at ayaw kong malaman nila mommy at daddy na binu-bully ako ng mga classmates ko dahil ayaw kong mag-aalala sila ng masyado sa 'kin.
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla na naman nila akong pinasalampak sa sahig kaya napaupo ulit ako. Ang sakit ng pang-upo ko.
"'Wag kang lalapit sa 'min! Nakakadiri ka! Hindi ka nababagay rito! Pangit at pango ka na nga, lampa pa! Ewwie!" A kid exclaimed. Tumawa at gumaya naman ang ilan.
Nanatili lamang akong tahimik habang tinatanggap ang mga sinasabi niya sa 'kin.
"Kaya siguro pina-homeschooled ka lang noon dahil ikinakahiya ka rin siguro ng mga parents mo dahil sa mukha mong pangit at ilong mong pango!" At, bigla na lamang ulit silang tumawa ng malakas.
Huminga ako ng malalim kahit nagsisimula nang umiinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko.
"Pango..." tawag ng babaeng bata ulit sa 'kin. Binansagan na nila akong "pango" dahil 'yon naman talaga ang dapat na i-describe sa ilong na mayroon ako.
Inangat ko ang tingin ko sa kan'ya pero bigla na lang niya akong dinuro-duro sa noo ko at pinitik pa kaya napangiwi ako ng mahina.
"Sa susunod, 'wag mo na akong banggain. 'Pag ginawa mo pa 'yon ulit, sila na ang bahala sa 'yo," pekeng ngiting saad nito.
Hindi ako nagsalita pero unti-unti ang tumatango-tango. Dinuro pa muna niya ako ulit bago niya ako iwanan.
Pero bago sumunod ang mga kasamahan niya sa kan'ya ay itinapon nila ang mga bolang papel sa 'kin at tumatawang iniwan na nila ako sa isang sulok.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay roon bumuhos ng tuluyan ang pinipigilan kong pumatak na mga luha.
Maganda nga ba talaga ako katulad ng palaging sinasabi sa 'kin ni mommy at daddy o kasinungalingan lang ba 'yon?
Kasi kung totoong maganda ako, hindi dapat ganito ang trato nila sa 'kin ngayon at sa halip ay maging magkaibigan pa kami ng mga classmates ko.
Pumunta at pumasok ako sa isang CR at tinignan ang sarili ko mula sa salamin. Tinitigan ko ang sarili kong ilong.
It's not pointy.
It's not perfect.
And, it's not well-toned.
Nanghina ako dahil sa sariling pangde-describe sa ilong ko.
Lumayo ako sa salamin at napasandal sa pader saka ako humihikbing napaupo at yumuko.
Totoo nga talaga ang kanilang parating sinasabi sa 'kin.
Na, pangit naman talaga ako.
Na . . . pango talaga ako.
That is the time I started having insecurities for myself . . . especially, to my own nose.
\▪︎~▪︎\
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top