Chapter 9

Shen-shen

Makalipas ang ilang oras na nandito kami sa loob ng condo ni Nath ay may nakapagsalita na rin sa amin sa wakas. Nakabibingi ang namumutawing katahimikan sa pagitan naming tatlo for the past minutes. It was Evangel the one who open up a conversation.

"So, ikaw pala ang lalaking dahilan kung bakit may ongoing rumor ngayon si Tali girl?" Nakataas ang kilay na tanong ni Evangel sa kan'ya.

"Yes and allow me to properly introduce to you who I am. I'm Nathaniel Vargas, I'm your friend's friend, I'm a twenty-six pilot—"

"Oo, alam ko nang piloto kaya 'wag mo nang ipangalandakan ang pagiging piloto mo. Pero, teka, twenty-six ka pa lang?" takang tanong ni Evangel.

"Yes, why? Is there something wrong with my age?" nalilito ring tanong ni Nath sa kan'ya.

"Wala naman, akala ko lang mga nasa twenty-three ka pa lang pero hindi pala lahat maba-base sa mukha, tsk, tsk, tsk," napapailing-iling na komento na lang ni Evangel kay Nath.

Tumingin naman sa 'kin si Evangel at pinanlakihan niya ako ng mga mata ng patago na parang sinasabi niya sa 'kin kung bakit naging kaibigan ko si Nath at kung saan ko napulot ang lalaking ito sa harapan namin ngayon.

"Nath, p'wede na ba kaming lumabas?" Tanong ko.

"Wait, tignan ko lang kung may paparazzi pa ba sa labas. Se-senyasan ko lang kayo kung wala na akong makitang tao sa labas pero kung hindi, hindi pa kayo p'wedeng lumabas," pahayag nito kaya napatango-tango ako.

Nginitian niya ako bago siya dahan-dahang pinagbuksan ang pinto at lumabas na.

Akma na sana akong uupo sa sofa nang mahagip kong nakatingin sa 'kin ng matiim si Evangel.

"Oh, anong tingin naman 'yan?" Tanong ko.

"Hindi mo naman sinabi sa 'kin na gano'n pala ka-gwapong piloto ang napulot mo sa kung saan-saan at naging kaibigan mo pa! Grabe!" Palahaw na lang niya bigla at lumapit sa 'kin saka niyugyog niya ang aking magkabilang balikat dahilan para mahilo ako ng kaunti.

"Ano ba, nahihilo na 'ko," reklamo ko kaya tumigil na siya sa pagyugyog sa 'king balikat pero nakangiti pa rin siya ng malaki habang nakatingin sa 'kin.

"What's his name again? Nathaniel Vargas? Grabe, pati sa pangalan, ang gwapong pakinggan. Sana all na lang talaga sa 'yo, Tali girl!" Kilig na kilig na puri niya kay Nath.

"Ewan ko sa 'yo, Evangel," pasiring na anas ko at inirapan ko lamang siya.

Sakto namang pagkairap ko ay bumukas ang pinto at pumasok si Nath sabay nagtama ang tingin naming dalawa.

"P'wede na kayong lumabas pero sasamahan ko kayo kung sakali mang bumalik ang mga paparazzing iyon," seryoso ngunit mahinahong saad niya.

Tumango ako at nagpasalamat sa kan'ya. "Thank you, Nath. I owe you a lot."

Nginitian lamang niya ako bago kami unti-unting lumabas sa condo niya habang hinawakan ko ang braso ni Evangel. Nakasunod lang sa 'min si Nath.

Sa wakas ay nakarating na kami sa condo ko kaya nang makapasok na si Evangel ay nanatili pa muna ako sa labas para makipag-usap kay Nath.

"Nath, I want to say something to you," usal ko.

"Yeah, what is it?" Tanong niyang naghihintay.

"You won't get a call or text from me starting tomorrow 'cause my manager prohibited it. You won't get to see me either. Hindi ako matutulog rito sa condo ko, roon ako matutulog sa isang private hotel na kakilala ni manager ang may-ari n'on," paalala ko.

"Ilang days kitang hindi makikita?" Mahinang tanong niya.

"Maybe, five days or one week? I don't really know. Pero kung mawawala ang rumor agad-agad, makakabalik na ako rito sa condo ko pero kung matagal pa ay matagal din ako makakabalik," paliwanag ko.

Nag isip-isip naman siya at bumuntonghininga bago siya nagsalita ulit.

"Okay, I guess I'll just wait for you to come back, then," aniya. Napansin kong parang naging malungkot ag tono ng boses niya pero baka guni-guni ko lamang iyon.

"Gusto mo bang bago ako umalis ay may mamamasyal tayo ngayong araw?" Pag-aaya ko.

Namamalikmata lang siguro ako nang parang nakita kong lumiwanag ang kan'yang mga mata dahil sa biglang sinabi ko.

"Ngayon ba kaagad?" aniya.

"Hmm-mm, para naman hindi masayang ang araw na ito," sagot ko.

"Sige, hintayin mo 'ko. Gusto mo bang gamitin natin ang kotse ko?" tanong niya.

"Kung ayos lang sa 'yo," nahihiyang saad ko.

"'Yon na lang nag gagamitin natin. Ako na rin ang bahalang magbiyahe," offer niya.

"Oh, siya, maghahanda na ako. See 'ya!"  Paalam ko at pumasok na sa condo ko.

Pagkapasok ko ay matamang nakatitig sa 'kin sa Evangel habang naghihintay pala sa 'kin.

"Bakit ang tagal mo sa labas? Na-meet mo na naman ba ang mga paparazzi? Nakipag-chase and run ka na naman ba sa kanila kasama ang gwapong pilotong iyon?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Hindi, saka mamaya na tayo maghahanda sa mga gamit ko dahil mamamasyal muna ako bago ako umalis," anunsiyo ko.

"Tapos, 'yong pilotong 'yon ang kasama mo? Aba, rito lang pala ako magdamag habang hinihintay ko kayo na makauwi galing sa pamamasyal niyo?" Reklamo niya.

"Oh, tapos ano? Aangal ka?" Natatawa kong tugon.

"Sino ba namang hindi aangal sa 'yo kung nandito lang ako palagi sa condo mo na mababagot maghintay sa date niyong dalawa?" Maktol niya.

"Ano'ng date? Hindi 'yon date, pamamasyal 'yon," angal ko.

"Sige lang, Tali. Deny lang hanggang sa mabisto kita na may gusto ka na pala sa kan'ya o kaya'y nagdi-date na pala kayo," napapailing-iling na saad niya.

"Whatever, Evangel. Maghahanda na ako para sa sinasabi mong date naming dalawa kahit hindi naman talaga," pasiring na anas ko at inirapan ko ulit siya katulad nang ginawa ko sa kan'ya sa condo ni Nath bago ako pumunta sa silid ko para magbihis.

Sa sinabing iyon ni Evangel ay hindi ko maiwasang isipin na isa itong date para sa 'ming dalawa ni Nath. Pero ipinilig ko na lang iyon sa ulo ko dahil imposibleng mangyari ang bagay na 'yon.

Baka kapag nalaman ni Nath ang totoong ako, aayawan na ako no'n. Pero kahit pa man insecure na insecure ako sa ilong ko ay hindi ko naisipan na ipa-rhinoplasty ito dahil ito naman talaga ang totoo kong ilong at walang makababago n'on.

Anyway, dates are for two people who likes each other. Nath and I are not one of them and will never be. Impossible.

\▪︎~▪︎\

May nakita akong lemonade store na nakapagpabalik sa 'kin ng memories noong nandoon pa ako sa probinsiya at may na-meet akong cute na batang babaeng nagngangalang Shen-shen.

Kailan ko kaya ulit makikita ang batang 'yon? Hindi ko maipagkakailang na-miss ko ang batang iyon dahil sa words of wisdom nito sa 'kin pagkatapos kong sabihin sa kan'ya ang insecurity ko sa ilong ko.

"One lemonade for you and one lemonade for me." Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Nath at ibinigay niya sa 'kin ang isang lemonade.

"Thanks, Nath," ani ko at nagsimula nang higupin ang lemonade na hawak-hawak ko na.

Pansin ko ring tumabi sa 'kin si Nath at hinigop din niya ang kan'yang lemonade.

"Naalala mo ang batang pulubi na 'yon, Tali?" Pagbubukas ni Nath ng usapan.

"Si Shen-shen ba? Oo naman, na-miss ko nga ang cute na batang iyon eh," nakangiti kong sagot habang inaalala ang mukha ng batang pulubi na 'yon.

"May ipapakita ako sa 'yo, teka lang," biglang saad niya at lumayo siya sa 'kin kaya kumunot naman ang noo ko.

Ano na naman kaya ang pakulo ng isang 'to at may ipapakita pa siya sa 'kin?

Nakita ko naman kaagad siya na pumapalapit sa 'kin habang may malaking ngiting nakapaskil sa kan'yang labi.

Namalayan ko na lang na may kasama pala ito na nakapagpalaki ng mga mata ko at gustong yumakap sa kasama niya.

"Ate ganda!" Tawag ng batang babaeng iyon. Si Shen-shen!

Mabilis na kumaripas ng takbo si Shen-shen at nang makalapit na siya sa 'kin ay niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Shen-shen," madamdaming tawag ko sa bata.

"Na-miss po kita, ate ganda!" Masayahing palahaw niya.

"Miss ka rin ni ate, Shen-shen," tugon ko habang nanatili pa rin kaming yakap-yakap sa isa't isa.

Tinignan ko naman si Nath na nakikita ko ring masayang-masaya siya sa pagkikita namin ulit ng batang ito.

I mouthed at him, "Thank you for always making me happy, Nath," before I closed my eyes and feel the warm hug that Shen-shen gave to me.

\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top