Chapter 8
Paparazzi
"Tali? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Nath sa 'kin na nakapagpaulirat sa katauhan ko at sandaling katahimikan pa ang namutawi bago ko siya sinagot.
"Yeah, I'm fine," maikling sagot ko.
"'You sure?" Tanong pa ulit niya.
"Oo nga, may nabanggaan lang ako kaya ako napasalampak sa sahig. Wala namang ibang may nangyaring masama sa 'kin bukod sa maayos pa naman ang katawan ko at nakakalakad pa ako," prenteng pagpapaliwanag ko.
With that, he suddenly chuckled which made me stare at him again and my heart suddenly fasten its normal pace. Ang lakas na ng tama ko sa kan'ya. Gusto ko na nga talaga itong gwapong piloto na 'to.
"Maayos ka na nga base pa lang sa paliwanag mo sa 'kin," natatawa pa ring saad niya.
Nakitawa na rin ako para hindi niya ako mahalatang na-awkward-an ako habang katabi ko siya.
So, this is how it feels like when you like someone for the first time. Awkward but happy.
"Anyway, bakit ka nga pala nandito sa airport?" Tanong niya kalaunan.
"Obviously, pinapabalik na ako ng manager ko para ma-refrain ang ma-issue-ng rumor at makapaglabas na sila ng statement from my permission," sagot ko. Nagsisimula na naman akong mairita dahil sa nangyaring issue.
Mga walang hiya talaga itong paparazzi na 'to. Mga tsismosa't-tsismoso! Pinapaniwalaan na nila kaagad ang mga nakikita nila base sa mga actions ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga iyon totoo.
Dinamay pa si Nath sa mga walang kuwenta nilang rumors! Argh!
"Rumor? Anong rumor?" Ulit niya.
"The rumor between you and me as lovers, tsk," pasiring na saad ko.
Natahimik naman siya bigla kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa nag-aalalang boses.
"Oo, okay lang ako," sabi niya.
Napabuntonghininga ako at hinawakan ko ang kan'yang balikat para tapikin saka nagsalita.
"Don't worry, once na makabalik ako sa kompanya, gagawin ko ang lahat para lang mawala ang rumor na 'yon para hindi ka rin guluhin ng mga paparazzi na iyon. Ako na'ng bahala sa lahat," desididong salaysay ko.
"Gusto mong ikaw lang ang guguluhin nila? 'Yan ba ang gusto mong iparating, Tali?" Tanong niya.
"Ire-refrain ko lang 'yong akin pero sa 'yo ay iwawala ko para hindi ka na talaga nila guguluhin," sagot ko.
"Kapag guguluhin ka rin nila, walang saysay ang pagpapawala mo nang rumor nating dalawa dahil po-protektahan pa rin kita sa mga paparazzing iyon," seryosong saad niya.
Napatigil ako sa akmang pagsasalita. Hindi ko nga rin namalayan na kanina pa pala kami nakatitig ng malalim sa isa't isa.
Protect me?
"But, Nath—"
"No buts, kung hindi mo gustong po-protektahan kita laban sa mga panggugulo ng paparazzi, kailangan mo ring maglabas ng statement para sa iyo at hindi lang para sa 'kin," seryosong sabi niya.
I grimaced at what he said but he only stared intently into my eyes and made a smug look on his face before he ruffle my hair.
"Ang cute mo palang magseryoso," he chuckled after he complimented me.
Hindi na yata ako makakahinga ng maluwag dahil sa mga banat na lumalabas sa bibig ni Nath.
"I'll take it as a compliment, Nath," napapailing-iling na sambit ko bago marahang tumawa. Napatawa na rin siya dahil sa isinambit at reaksiyon ko.
While staring at his face, I thought of how I could confess to him that I like him. Naisipan ko ngayon na umamin na sa kan'ya para sa nararamdaman ko.
"Nath..." tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?" Tugon niya.
Pero bago ko pa maamin ang nararamdaman ko para sa kan'ya ay bumuntonghininga ako at pinigilan ang sarili saka nginitian siya ng malumanay.
"Thank you for saving me earlier. Marami na akong utang na loob sa 'yo," sabi ko na lang.
"No problem, Tali," aniya.
Hindi pa sa ngayon. Hindi pa p'wede. Hindi pa ito ang tamang oras para umamin. Hindi ngayon na hindi pa ako handang umamin. Hindi pa.
And, when everything is at the right time, then that is where I will confess my feelings for him.
\▪︎~▪︎\
Nang makarating na ako sa ibang airport na tinatapakan ko ay nakasalubong at inanyayahan ako ng bodyguard galing sa kompanya sa labas pa lang ng airport. Pinagbuksan ako ng pinto ng bodyguard kaya pumasok na ako at nakita si Evangel na seryosong nakatingin sa 'kin.
"Ang seryoso mo," nagtatakang usal ko habang abala sa paglalagay ng mga gamit ko sa ibaba.
Ngunit wala akong natanggap na tugon galing sa kan'ya kaya nang matapos ako sa pagbaba ng natitirang gamit ko ay akma na sana akong tignan siya ulit nang bigla na lamang niya akong dinakma para yakapin ng mahigpit.
"Na-miss kita, Tali girl!" Mahihimigan ang saya sa tono ng kan'yang boses kaya roon na ako gumanti sa kan'yang yakap.
Nang maghiwalay kami ng yakap ay nag-reklamo kaagad ako dahil sa higpit ng kan'yang yakap kani-kanina lang.
"Nakakasakal ang yakap mong 'yon, ah!" Reklamo ko.
Inirapan naman niya ako pero mayamaya lang ay nagkatinginan kami at bigla na lamang humahalakhak sa isa't isa.
Napatigil lang kami sa paghahalakhak nang may biglang tumikhim sa unahan namin. Ang bodyguard.
"Malapit na po tayo, Ma'am Zaragoza, Miss Balberona," ani ng bodyguard.
Tahimik naman kaming tumango. Tinignan ko pa ulit ang bodyguard bago bumulong kay Evangel.
"Who is he?" Tanong ko.
"New bodyguard. His name is Athan," sagot naman niya.
"Ah, okay," usal ko sabay napatango-tango.
"Gwapo siya 'no? Nakakaloka, parang bigla na lang ako nagkaroon ng malaking crush sa kan'ya, shocks!" Kinikilig na aniya.
"Hoy, tigil-tigilan mo 'yan. Baka may ma-broken hearted dahil d'yan," suway ko sa kan'ya.
"At sino naman ang mabo-broken hearted dahil lang sa wakas ay nagkaroon na ako ng crush?" Taas-kilay na tanong niya.
"Kilala mo 'yong pinsan ko, 'di ba?" Tanong ko sa kan'ya.
"Sino ro'n?" Takang tanong niya.
Napabuga ako ng marahas na hangin. Ang dali naman makalimot 'tong babaeng 'to.
Ayos lang 'yan, Teo. Kahit kinalimutan ka at nagkaroon ng crush ang crush mo, magiging okay pa rin ang lahat dahil p'wede ka pang magkaroon ng ibang crush at hindi na itong gaga kong P.A.
"Si Teo. Nakalimutan mo na ba ang makulit na pinsan kong iyon?"
"Ah, 'yong college student pa lang?"
"Oo, siya 'yon," sagot ko.
"Nakalimutan ko," kamot-ulong sabi niya.
"Palagi mo na lang siyang nakakalimutan, baka magtampo 'yon sa 'yo."
"Tss, bahala siyang magtampo d'yan. Ano ko ba siya? Eh, hindi ko naman siya boy friend at saka hindi ko naman siya crush dahil ang bata-bata niya pa," pasiring na anas niya.
Awts pain sa 'yo, insan.
"Hindi rin naman malayo ang agwat ng edad ninyong dalawa para sabihin mong ang bata-bata niya pa," natatawang pahayag ko.
"Eh, kahit na. Teka, may gusto ba sa 'kin ang Teo'ng iyon kaya ka nangungulit na magtanong sa 'kin ngayon?" aniya.
"Wala, nagtatanong lang ako sa 'yo dahil trip ko lang," natatawa ko pa ring usal.
"Ewan ko sa 'yo, Tali," napapailing-iling na usal niya.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa kompanya kaya naman ay mabilis akong pinagbuksan ng bodyguard na ang pangalan pala ay Athan kaya lumabas na ako at hinintay ko pa si Evangel.
Sabay kaming pumasok sa kompanya. Nang makapasok na kami, nakakarinig na ako ng mga nagbubulongan pero hindi ko na iyon pinagtuonan pa ng pansin at saka diri-diretso lang akong naglakad papunta sa opisina ni manager.
Nasa harap na ako ng pintuan nang bumuga ako ng marahas na hangin at kumapit ako kay Evangel na seryoso na ang awra.
"Kung sakali mang magalit ng husto sa 'yo si manager, nandito lang ako, Tali girl," anito at nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik saka marahan na binuksan ang doorknob ng pintuan at dahan-dahang pumasok sa opisina.
"Welcome back, Miss Zaragoza," bungad kaagad ng bati ni manager sa 'kin ang sumalubong sa 'min ni Evangel pagkapasok na pagkapasok pa lang sa opisina niya kahit hindi siya nakatingin sa 'min.
"Mabuti naman at bumalik ka na," mahinahon na sambit nito kahit mahihimigan na ang galit nitong boses.
"Sir, I'm here to—"
"I know what are you going to say. A statement, right?" Panghuhula nito.
Hindi ako nagsalita bagkus ay tumango lamang ako kaya akala ko mahinahon pa rin si manager nang bigla na lamang itong sigawan ako kaya napakapit na naman ako a braso ni Evangel.
"Rules are rules, Miss Zaragoza! No dating or even involve in a rumor like what just happened to you right now. How can you forget about that? Iyon ang nasa pinirmahan mong kontrata kaya bakit parang kinalimutan mo pa?" Galit na galit na salita nito.
"It's not what you think it is, sir—"
"Leave! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa ngayon. Ipapadala kita sa isang private hotel ng kakilala ko bukas na bukas din habang sini-settle ko ang dating rumor na ginawa mo at maglabas ng statement ukol dito. Kapag na-refrain na ang rumor, pababalikin na kita ulit, do you understand?" dumagundong ang boses na salaysay nito.
"But, sir—"
"Do you understand, Miss Zaragoza?" Tinignan niya ako ng mariin at ginamit na ang maawtoridad na boses nito kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa desisyon nito kahit labag man sa loob ko.
Dahil na rin sa takot kaya ako ako sumang-ayon ng wala sa oras. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si manager ngayon kaya natakot ako ng sobra dahil sa galit na ipinalabas niya sa 'kin.
Lumabas ako ng office na may hilam na ngiti kasabay si Evangel. Nagsalita si Evangel mayamaya.
"Tali girl, susundin mo pa rin ba si manager? Ang harsh naman no'n, parang walang pinagkaiba sa mga paparazzing lumalapit at nagtatanong sa 'yo sa dami nang mga inilabas niya sa 'yong mga tanong kanina na may halong galit, 'di ba?" aniya.
"Hayaan mo na, mawawala rin 'yang galit ni manager. I owe him an apology for the rumor I made. Nawalan ako ng oras para makahingi ng tawad sa kan'ya kanina kaya baka mas lalo siyang nagalit sa 'kin kanina." Napabuntonghininga na lamang ako.
"Tali girl naman. Eh, hindi mo naman talaga kasalanan 'yon. Kasalanan 'yon ng mga tsismosa't tsismosong paparazzi na ang daming alam sa buhay, parang bida-bida lang. Walanjo naman, bored na bored na ba sila sa mga buhay nila kaya pati ikaw ay pinagdiskitahan ka na sa private life mo? Tang ina nila, kainis!" Nasusuklam na pahayag niya.
"Halika na nga, sasamahan mo 'ko papunta sa condo ko para matulungan mo 'ko sa paghahanda ng mga kagamitan ko bago ako pupunta sa private hotel na sinasabi ng manager natin," napapailing-iling na saad ko at hinatak na kaagad siya para makapunta na sa condo unit ko.
Pero nang makarating na kami ro'n sa condo ko ay naaninagan ko ang pagkarami-raming paparazzi na naghihintay sa tapat ng hagdan kung nasaan ang direksyong papunta sa condo ko.
Bago pa kami makalayo sa mga paparazzi ay may nakakita na sa 'kin ng isa kaya sumigaw siya ng 'Miss Zaragoza' bago sila mabilis na tumatakbo papunta sa direksiyon namin ni Evangel kaya kinabahan kaagad ako.
Mabilis pa sa alas kuwatrong nakatakbo na ako dahil mabilis akong hinatak ni Evangel papunta sa ibang direksiyon ng lugar.
"Ang daming paparazzing humahabol sa 'tin, Tali girl!" Tili niya.
"Parang mga zombie!" Dagdag pa niya habang patuloy kami sa pagtakbo.
"Tumahimik ka nga, mas pinapalala mo lang ang sitwasyon!" Suway ko sa kan'ya kahit kinakapos na ako ng hininga dahil sa bilis ng pagtakbo at paghatak sa 'kin ni Evangel.
"Wala na bang other way para makapunta tayo sa condo mo?" Tanong niya.
"Hindi ko alam!" Sagot ko.
"Walang hangganan pala tayong magtatakbuhan nito eh! Tali girl naman eh!" inis na sabi niya.
"Sorry naman po, hindi ko naman kasi alam ang mga pasikot-sikot dito sa lugar na 'to dahil ibinigay lang sa 'kin 'to ni manager!" sarkastikong paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya.
Habang patuloy kami sa pagtakbo ay biglang may humaklit sa balikat ko kaya napatigil ako sa pagtakbo pati na rin si Evangel at tinago kami sa isang silid.
"Ano ba, bitiwan mo nga ako—" napatigil lamang ako sa pagpupumiglas nang humarap ako sa kan'ya.
Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya.
"Safe kayo rito sa loob ng condo ko, Tali," sabi nito.
"Nath?" Tawag ko sa pangalan ng taong humaklit sa 'kin para makapasok kami ni Evangel sa loob ng condo unit niya.
"Sabi ko naman sa 'yo na sa oras na nasa kapahamakan ka ay nand'yan ako para protektahan ka sa abot ng aking makakaya. 'Di ba, Tali?" Tumingin ako kay Nath bago tumingin kay Evangel na tinatakpan pa ang bibig. Kinikilig siguro 'to.
Hinawakan ko ang aking dibdib na parang may kumakawala n'on.
Shit, I'm really doomed because of my heart that automatically quickened its pace whenever he's near beside me.
Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan sa bawat oras at araw na nakalilipas.
\▪︎~▪︎\
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top