Chapter 7
Back in a Week
Nahigit ko ang sariling hininga nang biglang sabihin iyon ni Nath. Lumayo ako mula kay Teo kasi paniguradong mababangasan ko na 'yong pinsan kong 'yon dahil aasarin na naman ako no'n kahit kausap ko pa itong dahilan kung bakit inaasar ako ng ugok kong pinsan ngayon.
Pero lintik lang talaga ang walang ganti. Babawi din ako kaagad sa pang-aasar ng Teo na 'yon sa 'kin.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Y-You're... welcome?" Maingat na sagot ko.
Tumawa naman siya ng mahina bigla sa kabilang linya kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.
Iyon naman dapat ang sasabihin ko pabalik sa kan'ya pagkatapos niya 'kong pasalamatan ng gano'n ka heartwarming na appreciation message, 'di ba?
Tinampal-tampal ko naman ng mahina ang aking magkabilang pisngi para maulirat ako. Nakakaramdam kasi ako bigla ng mali, the way he talks at me and his tone.
Napabuntonghininga naman ako bigla at sinadya ko iyong iparinig sa kan'ya.
"May... May problema ka ba?" Tanong ko.
Bigla na lang nagkaroon ng mahabang namumutawing katahimikan sa kabilang linya kaya tinignan ko ang cellphone ko kung napatay ba ang tawag pero kitang-kita ko pa rin na nasa call pa rin ako at pati na rin siya kaya napakunot ako sa noo ko.
"Nath? Ayos ka lang ba d'yan?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
Rinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga.
[Yeah... anyway, consider what I've said as a compliment. Napakabait mo kasing tao kaya deserve mong makatanggap ng gano'ng mensahe. By the way, 'yong sinabi ko sa 'yo kanina, ako ang naglikha no'n as a simple appreciation message for you and...] na-intrigue naman ako sa 'and' niya. Pabitin naman kasi eh.
"And?" Hindi naman sa paga-assume pero parang gano'n na nga.
[...nevermind. May you find light and peace by my message written just for you. Good night and sweet dreams, Tali!] pag-iiba niya sa usapan at nagpaalam kaagad.
So, tumawag lang siya para sabihin 'yong mensahe na 'yon na para sa 'kin din naman?
Masakit naman pala mag-assume ng kahit konti.
"Good night and sweet dreams, too, Nath," pagpapaalam ko rin bago niya in-end ang tawag.
Nang ibinulsa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko ay pagharap ko naman, may nakaabang na pala sa 'king isang tsismoso.
"Ano na naman ba, Teo? Tsismoso mo rin eh, 'no?" Napairap ako sa napakatigas ng ulo na pinsan kong 'to.
"'Yan ba 'yong 'Nath' na inaasar ko sa 'yo, ate?" Taas-babang-kilay na tanong niya. Mangungutya na naman panigurado 'to eh.
"Ano sa tingin mo? Tsismoso ka naman pagdating sa mga ganitong bagay, 'di ba?" Tanong ko.
"Eh, sinabi ko bang tsismoso talaga ako sa mga ganitong bagay, ate? Ikaw na naman nagfo-formulate ng mga bagong words na hindi naman talaga totoo, eh," paninisi niya sa 'kin.
"So, ako pa talaga ang mali?" Hindi-makapaniwalang bulalas ko.
"Yup!" He said, popping the 'p' and as a matter-of-factly.
Tumango-tango naman ako na parang sang-ayon ako sa sinabi niya kahit hindi naman saka ko kinuha ang cellphone sa bulsa ko at parang nagpi-pindot ng caller para tawagin ang taong makakapagpatahimik sa kan'ya.
"Hello, Evangel?" Kunwari ay pagtatawag ko sa pangalan ng P.A. ko. Tinignan ko ang pinsan ko at kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang panlalaki ng kan'yang magkabilang mata at gusto kong mapahagalpak sa tawa dahil sa mukha niyang ang reaksiyon ay parang natatae na ewan.
"May sasabihin sana ako sa 'yo." Pagkasabi ko no'n ay gumitla ang kan'yang noo. Uto-uto naman pala 'to eh.
"Kilala mo naman si Teo, 'di ba? 'Yong pinsan ko? Oo, siya 'yon. Eh kasi may gusto—"
"'Wag, ate! Sinasabi ko sa 'yo, 'wag!" Biglang sigaw ni Teo dahilan para mapatingin ang dumaraan na nurse sa 'ming dalawa. Humingi ako ng paumanhin sa nurse bago nagpatuloy ito sa paglalakad at lumalayo na ang bulto ng katawan nito.
Nang mawala na ito sa paningin naming dalawa ay tinignan ko ulit si Teo at gano'n na lang ang pagpipigil ko ng tawa dahil sa hindi-maipintang mukha niya, pinukolan pa niya ako ng masamang tingin.
As a sign of defeat, I put my phone back to my pocket. Nakita ko naman sa kan'yang mukha na nakahinga siya ng maluwag.
"Salamat naman at may kakaunti ka pa ring awa sa 'kin, ate," aniya.
"That's what you get from teasing over me, Teo. Kaya dapat sa susunod, 'wag mo nang uulitin ang mga sinabi mo sa 'kin kanina," sabi ko. Tumango naman siya ng makailang beses at parang nanunumpang nangako sa 'kin na hindi na 'yon mauulit.
"At, hindi ko naman talaga kayang gawin 'yong ginawa ko kanina sa 'yo tungkol sa pagtatawag ko kuno kay Evangel. Biro lang 'yon kasi gusto ko lang makaganti dahil sa mga pang-aasar mo rin sa 'kin na wala namang kabuluhan," dagdag ko pa.
Masama na naman ang tingin na iginawad niya sa 'kin pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Ate naman eh!" Kamot-ulong sabi niya habang napipikon siyang nakatingin sa 'kin.
Tumawa lamang ako at pumasok na ulit sa silid. Hay, ang sarap talaga asarin ng pinsan kong iyon.
Tiklop pala talaga si Mateo Morse Diaz sa isang Felize Evangel Balberona na P.A. ko eh.
\▪︎~▪︎\
Labis ang pasasalamat ko sa Diyos ng ma-discharge na si mama at kitang-kita ko na talagang medyo magaling na siya.
Nang makauwi na kami sa amin ay labis ko ring pinagsasabihan si mama tungkol sa dapat at hindi dapat gawin para sa kalusugan niya.
"Tama na muna kakasabi mo ng gan'yan sa 'kin, 'nak. Alam ko na ang mga ginagawa ko, 'wala ka nang dapat ipag-alala sa 'kin," nakangiting sabi niya.
Napabuntonghininga ako. "Basta, take your meds at pagaling ka ng tuluyan, 'ma, ha? Dahil ipapasyal kita sa mga napuntahan ko ng mga lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na rin," pagpangako ko.
"P'wede naman sigurong kasali kami ni mama sa mga pupuntahan niyong destinasyon kasi kami ang nag-alaga ni tita no'ng wala ka pa, 'diba?" Pagsali ni Teo sa usapan naming mag-ina.
Siniko naman siya ng kan'yang ina at sinermonan. "Maghunos-dili ka naman, anak. Jusko, matuto kang lumugar at rumespeto. Kitang nag-uusap pa si ate at si pamangks eh."
Napakamot naman sa ulo si Teo habang sinisermonan siya ni tita kaya napatawa kaming dalawa ni nanay sa kan'ya.
"Kitang lahat naman po ang pupunta sa mga sinasabi kong mga destinasyon kaya 'wag ka nang mag-alala pa, insan, saka tinatrabaho ko na ang passport at visa niyo," nakangiting pahayag ko.
"Ayown naman pala eh!" Masayang kantyaw ni Teo bilang tugon sa sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka, mag-usap muna tayo sa labas. Halika na," saad ni tita atsaka siya dahan-dahang hinila.
"Basta, pangako 'yan ate, ha?" Patanong pang sigaw ni Teo bago sila tuluyang nakalabas ng bahay.
Napailing-iling na lang kaming dalawa ni mama pagkalabas nila.
"'Nak..." tawag ni mama mayamaya.
"Yes, 'Ma?" Tugon ko kasabay nang pagharap ko sa kan'ya.
Hinawakan naman niya ang magkabilang kamay ko sa magkabilang kamay niya at hinigpitan ang kapit doon.
"Kumusta na ang lagay mo sa pagmo-model mo roon?" Tanong naman niya.
"Maayos naman, 'Ma. Hindi naman masyadong mahigpit ang manager namin doon," sagot ko na may ngiti. Pero hindi ko alam kung peke ba 'yon o hilam lang. Lies.
Tumango-tango naman si mama at hinawi ang natitirang buhok sa mukha ko saka ako biglang niyakap ng mahigpit. Nagulat man ay ginantihan ko rin siya ng yakap.
We stayed like that for a minute before a call interrupted us.
Humiwalay ako sa yakap ni mama at in-excuse na sasagutin ko lang itong tawag na 'yon. Si Evangel ang tumatawag.
"Hello, Evangel. 'Napatawag ka?" Tanong ko kaagad pagkasagot ko ng tawag.
[Just listen to as I say, Tali. Hindi ka muna dapat magpapakita sa publiko nang hindi naka-mask o kung ano pa man at walang magbabantay sa 'yo, okay?] Namo-mroblemang saad nito.
"Bakit? Teka, ano bang nangyayari?" Natutulirong tanong ko.
[Paparazzis are chasing after you!] Saad nito.
"W-What?" Hindi-makapaniwalang bulalas ko.
[May nakita kasi ang isang random reporter na may kasama kang lalaki. Palagi mo raw itong kinakasama. At, pinagkaka-isyuhan ka na ngayon at ng kasama mong lalaki!] Aniya.
"O-Okay, I'll be more careful now. Eh, kumusta naman si manager d'yan? Hindi ba galit?" Maingat na tanong ko. Knowing our manager, he is such a short-tempered CEO.
[Hindi naman gano'n kagalit... pero sobra-sobrang galit naman. In fact, natukoy na niya na isang piloto ang kinakasama mo. Hinahanap ka na no'n at pinapabalik ka na.] She said, toning frantic.
"Pababalikin niya ako? Magpapaalam na naman ako kila mama eh kakagaling niya lang?" Mahinang tanong ko.
[Wala nang pakialam ngayon si manager, basta bumalik ka na raw rito, bukas na bukas din. Bad mood na bad mood siya at kapag hindi ka pa bumalik rito, mas maba-bad mood lang siya at pati ako madamay sa ka-bad mood-an niya!]
"Okay, babalik na ako d'yan bukas. Mag-iingat na ako rito, salamat sa paalala. Bye," pagpapaalam ko.
[Bye, ingat ka.] Paalam din niya at pinatay na ang tawag.
Mukhang magdadahilan na naman ako kila mama para lang makabalik kaagad ako bukas kompanya.
\▪︎~▪︎\
Sa kamalas-malasan nga naman at dito pa sa airport, aksidenteng nahulog ang cap ko at may nakakita sa 'kin kaya nakakarinig na ako ng mga malalakas na ingay at flash ng mga camera kaya mabilis kong kinuha ang cap ko at mabilis na tumakbo pero may nabangga akong tao kaya napasalampak ako sa sahig.
Namalayan ko na lang na pinagkakaguluhan na ako ng mga paparazzi.
"Miss Zaragoza, boyfriend mo ba ang kinakasama mo?"
"Miss, Zaragoza, sino ang lalaking iyon?"
"Miss Zaragoza, ano ang kinalaman mo sa lalaking iyon?"
Puro na lang 'Miss Zaragoza' ang naririnig ko na may kasunod pang mga tanong at sumasabay pa ang nagkikislapang mga camera sa paligid ko.
Pero bigla na lang may tumakip sa 'kin kaya napaangat ako ng tingin.
Ang siyang tumakip sa 'kin ay siyang dahilan kung bakit ako napapaligiran ngayon ng mga paparazzi.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang napakaseryosong awra. Umigting pa ang kan'yang panga.
Habang nakatitig ako sa kan'ya ay hindi ko namalayan na nakalayo na pala kami sa mga paparazzi at nakaupo na ako, pati na rin siya.
"Ayos ka lang?" Three words from him and my heart fasten in pace.
I think . . . I have accidentally like him without me noticing it.
\▪︎~▪︎\
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top