Chapter 6

Tease

Hanggang sa makabalik ako sa ospital ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang huling sinabi ni Nath sa 'kin.

'Good bye, beautiful.'

As in, totoo nga bang 'beautiful' ang kan'yang sinabi at hindi ako namali ng dinig lang?

Sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ay bigla na lang akong nakaramdam ng parang mga bulate sa loob ng tiyan ko. Is this what is called 'butterflies in my tummy'? Nag-iinit rin ang aking magkabilang pisngi kasabay no'n.

Normal pa ba 'to?

Bakit ko ba 'to nararamdaman ngayon eh ikatatlo pa nga lang naming pagme-meet up ngayong araw eh?

To think na ang nasa isip ko pa ngayon sa kan'ya ay hindi ko pa ico-consider na maging kaibigan ko dahil hindi pa naman kami close! Kaswal lang dapat ang pag-uusap namin kanina pero biniyan ko na lang bigla ng malisya ang kan'yang itinanong sa 'kin kanina.

'Sino'ng hindi ang magkakagusto sa 'yo sa lagay na 'yan?'

Hindi dapat ako mag-assume sa tanong niyang iyon. T'saka normal naman siguro 'yong pagkakatanong niya ng gano'n.

Hindi naman niya sinabing gusto niya ako, 'di ba?

"Sino ba 'yan, ate, at gan'yan kalalim ang iniisip mo para hindi mo 'ko pansinin?"

"Ay, Nath!" Napasigaw na lang ako bigla dahil sa pagsulpot ng boses na 'yon ni Teo.

Napaharap ako kaagad kay Teo at nang makita ko ang nakakunot niyang noo ay napatakip ako sa bibig ko kahit late na ang pagpipigil ko sa pagsabi ng pangalang 'yon.

"Sinong Nath 'yan ate, ha? 'Oy, ayiee. Kaya pala nawala ka magdamag kasi may kinikita ka na palang lalaki," taas-babang kilay na tukso sa 'kin ni Teo.

"Hindi iyon 'yon, Teo. Nagulat lang ako dahil sa biglaang pagsulpot mo d'yan. T'saka kung anu-ano na mga sinasabi mo d'yan, e, wala naman 'yang katotohanan. Magtigil ka nga!" Sita ko at inirapan siya.

"Oooh, si ate oh, if I know pinagtatanggol mo 'yong sinabi mong 'Nath' para hindi kayo mabubulgar na may something sa inyong dalawa, 'no? Tell me I'm right, right?" Patuloy na panunukso niya.

"Eh, gusto mo yatang batukan ko 'yang ulo mo at nang maalog ko 'yan ng maayos para hindi na magiging gan'yang kaluwag ang turnilyo mo? Oh, gusto mo?" Asik ko at aambang babatukan siya kahit hindi ko naman talaga siya babatukan.

Nanggigigil na kasi ako sa binatang 'to, kung anu-ano na ang mga sinasabi. Wala namang pruweba.

Inilagan naman niya iyon at binelatan lamang niya ako.

"'Di ba sinabi ko naman sa 'yo, ate, na darating talaga ang panahon na ikaw na naman ang talo ngayon. Bumawi lang ako dahil sa mga panunukso mo sa 'kin noong mga nakaraang araw," binelatan na naman niya ako.

"Aba't itong batang ito, oh. Eh, totoo naman talaga na may gusto ka sa PA ko. Kalokang 'to," ganti ko.

"Sino nga kasi 'yong 'Nath' na sinasabi mo, Ate Tali? Isusumbong talaga kita kay tita kapag 'di mo pa ako sinagot," banta pa nito.

"At ano namang dahilan ang sasabihin mo kay mama?" Paghahamon ko sa kan'ya.

"E 'di, marunong ka nang magtago ng sikreto kapag usapang love life mo na," mabilis naman na sagot niya.

"Subukan mo lang at isusumbong ko rin kay tita na may nagugustuhan ka na," banta ko rin. Aba, hindi dapat ako magpapatalo, 'no!

Nakita ko naman siyang napakamot siya sa kan'yang ulo habang binabawi niya ang kan'yang sinabi sa 'kin kanina bilang banta kunwari.

"Sabi ko nga, 'wag na lang. 'Di ka naman mabiro, ate. Siyempre, 'di 'yon totoo, 'no!" Nag-peace sign pa ang loko.

Inismiran ko siya sabay irap at papasok na sana ako pabalik sa room nang pinatigil na naman ako ni Teo.

"Ano na naman? 'Di ka pa ba tapos?" Tanong ko, nababagot.

"Sabihin mo na kasi kung sino 'yong tinawag mong 'Nath'," pagpupumilit pa niya.

"Hindi ko alam kung saan ka nagmana sa kakulitan mo. Oo na, oo na, sasabihin ko na. Last na talaga 'to at kung magkukulit ka na naman sa 'kin tungkol nito, babatukan na talaga kita. Wala akong sinasanto kahit ikaw pa ang pinsan ko," paalala ko sa kan'ya.

"Pramis! 'Di na ako mangungulit sa 'yo ulit tungkol nito. Curious lang ako kung sino 'yong 'Nath' na tinawag mo," kamot-ulong sabi niya.

"Siya 'yong lalaki na nagsauli ng wallet ko at kilala ko lang," sagot ko. 'Yon lang ang sinabi ko dahil pribadong tao si Nath.

Kahit palaging nakangiti si Nath at parang carefree siya ay lowkey lang siya at hindi masyadong pinapasabi ang kan'yang pribadong buhay.

Bakit ko nalaman 'yan lahat?

Eh, kwi-nento ba naman niya sa 'kin kung ano siyang klaseng uri ng tao. 'Di pala siya masyadong sociolite.

Pero nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit niya sinabi 'yon sa 'kin. Eh, kasi sino ba naman ako? Kakakilala pa nga lamang namin eh.

Ibig bang sabihin komportable na ba siya sa 'kin na kausap? Parang kaibigan na ang turing niya sa 'kin dahil doon.

Samantalang ako, hindi pa rin ako sigurado kung kaibigan na rin ba ang turing ko sa kan'ya. Oo, komportable na ako sa kan'ya pero ang hirap magtiwala lalo na't naranasan ko na rin ang taong katulad niya noon.

'Yon pala, nagpe-pekean lang 'yong taong 'yon na maging kaibigan ko at ano'ng rason niya? 'Di nito gusto ang pagkakahulma ng ilong ko. Nagsimula na rin doon ang pagkakaroon ko ng trust issues at mas lumala sa bawat araw na lumilipas.

Gusto ko munang makasiguro kung ano nga ba talaga sa buhay ko si Nath. Totoo ba ang pinapakita niyang ugali o nagpe-pekean din ba katulad sa naging 'kaibigan' ko noon?

"Oh, ayan ka na naman, ate eh. Iniisip mo pa rin ba 'yong Nath na 'yan kaya 'di mo na naman ako pinapansin?" Nakangusong pagkuha ng pansin ni Teo sa 'kin.

"May gusto ka ba sa Nath na 'yan, ate 'no? Aminin mo," paninimula na naman niya sa panunukso sa 'kin.

Sa hindi malamang dahilan ay nag-init na lang bigla ang magkabilang pisngi ko kaya tinapik-tapik ko 'yon.

"Wala, 'no!" Sagot ko.

"Duda ako d'yan, ate. May patapik-tapik  ka pang nalalaman d'yan sa pisngi mo. So, may gusto ka nga sa Nath na 'yan? Ayiee," aniya at nagsimula nang sumundot-sundot ang kan'yang mga daliri sa tagiliran ko.

"Magtigil ka nga, Teo! Papasok na ako, bahala ka na sa buhay mo. Sasabihin ko kay Evangel na may gusto ka sa kan'ya," pairap na saad ko at dali-daling pumasok sa room.

Pagkapasok ko galing sa room ay gising na si mama habang kausap siya si tita. Napabaling lamang ang kanilang tingin sa 'kin nang pumasok ako.

Lumapit ako at nagmano kay tita at kay mama bago naman pumasok si Teo habang masama ang tingin sa 'kin.

At the back of my mind, I'm literally laughing at his expression.

"Ano 'yang tingin na 'yan, Teo, 'nak?" Tanong ni tita.

"'Ma, 'Ta, may lalaki nang kinikita si Ate Tali—" mabilis kong tinakpan ang kan'yang bibig para hindi malaman nina mama at tita ang tungkol kay Nath.

Pahamak talaga itong loko na 'to!

"Ano?" Sabay na tanong nina mama at tita.

"Ah, wala 'yon, 'Ma, 'Ta. May pribadong ibabalita lang itong si Teo sa 'kin pero mukhang hindi niya yata kayo nakita kaya sinabi niya kaagad. Mabuti na lang at naagapan ko kaagad. Private matters po ito. Sige po, mag-uusap lang po kami," magalang na pagpapaliwanag ko at kinurot kaagad sa tagiliran si Teo habang tinatakpan ko pa rin ang bibig niya.

Nang bitiwan ko ang kan'yang bibig ay sabay kaming masamang nagkatinginan.

"Muntik na ako ro'n. Ano'ng kalokohan ang sinasabi mo kanina?" Pangse-sermon ko na sa kan'ya.

"Quits lang tayo, ate," sa halip ay sagot niya.

"Aba't talagang loko—" naputol ang sasabihin ko sana kay Teo nang biglang  mag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad 'yon at sinagot ang tawag habang inilalayo ang sarili ko sa pinsan ko.

Si Teo naman ay nagngising aso na ngayon habang may kausap ako sa telepono. Inirapan ko lang siya.

Si Nath ang tumatawag. Na naman.

"Hello, Nath. 'Napatawag ka?"

[Hello, Tali. I just wanted to say thank you for bringing out the joy in me, Tali. I'm grateful I met you and you are the first person who made me feel comfortable towards someone again.]

\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top