Chapter 5

Come Again?

"Good morning too, Mr. Nathaniel...?" Ginaya ko rin siya pero napatigil lang sa pagsasalita nang hindi ko matukoy kung ano ang kan'yang apilyedo kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.

Bigla naman siyang napatawa ng mahina bago siya nagsalita na hindi ko naman inaasahan sa kan'ya agad.

"Vargas... if you don't know my surname, it's Vargas," nakangiting puna niya sa 'kin.

"Nathaniel Vargas. Beautiful," usal ko. Huli ko lang na-realize kung ano ang naiusal ko sa kan'ya pero itinikom ko na rin lang ang bibig ko.

The embarassment I feel inside of me now is too much to handle. Nakakahiya talaga! Bakit ko ba nasabi 'yon?

Pero hindi ko rin naman maitatanggi na bagay at maganda naman talaga pakinggan ang buong pangalan niya pero sana na lang pala sa isip ko na lang siya pinuri at baka wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.

He just chuckled again. That manly chuckle of him even made my cheeks got reddened. Damn it!

"I could hear your inner monologues. Anyway, 'eto nga pala 'yong wallet mo," pag-iiba kaagad niya sa usapan na ipinagpapasalamat ko.

Buti na lang talaga at marunong siyang makiramdam sa nakakahiyang moment na 'to.

Nakita ko naman siyang may kinapa sa kan'yang bulsa at kinuha 'yon saka inilahad niya sa 'kin 'yong wallet ko na malugod ko namang tinanggap.

I smiled and beamed at him. "Thank you talaga rito. Mabuti na lang talaga at ikaw pa ang nakapulot sa wallet ko, kung hindi ay baka matagal na ako namo-mroblema sa paghahanap nito," sinserong pasasalamat ko.

"No worries, Natalia. Alam kong napakahalaga ng wallet mong iyan kaya pinulot ko kaagad ng nahulog 'yan," aniya at binigyan ako ng sinserong ngiti.

Tumango at ngumiti naman ako pabalik sa kan'ya. Pagkatapos niyon ay namutawi na ang katahimikan sa pagitan namin ngayon habang nakatitig kami sa isa't isa.

Hanggang sa mabalik ako sa ulirat at umuna akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya dahil nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng init sa magkabilang pisngi ko. Napasulyap pa ako sa kan'ya kung ano ang naging reaksiyon niya sa matagal na pagtitigan naming dalawa at maging gano'n siya ay pansin ko ang pamumula sa kan'yang magkabilang tainga at pag-iwas din ng tingin saka ko narinig ang kan'yang konting pagtikhim.

"So... uh... I supposed we could get some lemonade in a nearby lemonade store... if you want to join me?" Siya na ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya malaki ang pagpapasalamat ko do'n.

Nakakahiyang tumanggi at dapat ako na lang sana ang magyaya sa kan'ya dahil sa kan'yang mabuting ginawa sa wallet ko at may utang na rin ako ng loob sa kan'ya. But, since he insisted it and he wants a person to join him, then so be it.

'Saka, na-miss ko rin naman uminom ng lemonade kaya gora na ako. May sobrang pera naman ako sa wallet ko at sa dinala ko rin ngayon kaya may ibabayad talaga ako.

While we're on our way to a nearby lemonade store, he began to ask me random stuffs, except on my personal life. Salamat na lang talaga at nakilala ko ang isang taong katulad niya na marunong umintindi, maingat na nagtatanong at sensitibo rin sa maaaring maramdaman ng tao kapag nagtatanong siya ng mga bagay na 'yon.

"So, Natalia—"

"Just call me 'Tali' na lang, Nathaniel. Ang haba kasi ng pangalan ko, sorry," natatawang pagputol ko ng pagsasalita niya.

"Hmm, okay. Might as well call me 'Than' or 'Than-Than' since those two are my only nicknames for those who are close to me but it's up to you if you want to create a new nickname for me, I won't mind," natatawa rin niyang saad.

Sinabi niyang pumapayag siyang tawagin ko siya sa kan'yang dalawang nickname kahit sa mga ka-close lang niya iyon p'wede siyang tawaging gano'n. Pero ang shunga naman kung tatawagin ko siya either sa dalawang nickname na binigay niya sa 'kin ngunit hindi pa naman kami close sa isa't isa. Magbibigay na lang ako ng bagong nickname para sa kan'ya, mas mabuti pa 'yon.

"Ganito na lang, 'Nath' na lang ang itatawag ko sa 'yo at kapag feel ko nang close na tayo ay 'saka ko lang itatawag ang mga binigay mong nickname sa 'kin, 'di ba?" Taas-baba-kilay kong suhestiyon.

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap niya ako. "'Di pa ba tayo close sa lagay natin ngayon?" Biglaang tanong niya kaya napatigil na rin ako sa paglalakad at tinignan siya.

"Hindi 'pa'. Kailan nga lang tayo nagkakilala tapos maging magka-close na tayo ngayong araw? Ikatatlo na natin 'tong personal na pagme-meet up kaya imposible pa para sa 'kin na maging magka-close na tayo ng ganoon kadali," pagpapaliwanag ko. Maingat ko iyong ipinaliwanag sa kan'ya ang punto ko.

Hindi kalaunan ay marahan naman siyang napatango at nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya gano'n din ako.

"Nandito na tayo," anunsiyo ni Nath nang marating na namin ang malapit na lemonade store.

Bumili kami ng tig-isang lemonade. Medyo nagtalo pa kami dahil sa pagbabayad no'n kasi ipinagpilitan talaga niyang siya na ang magbabayad ngunit kaya ko namang bayaran 'yong akin kaysa may natitira pa akong pera rito. Hanggang sa nagpatalo na lang ako at siya na ang nagbayad para sa dalawang lemonade namin. Libre raw kasi talaga niya.

Nakakahiya, may utang na loob na naman ako sa kan'ya tuloy. Ngunit hindi ko naman maitatanggi na mas mabuti na siguro 'yon, pagbibigyan ko na lang siya sa kan'yang gustong mangyari.

Umupo kami sa katabing bench ng store na 'yon at doon kami sabay na uminom ng lemonade naming dalawa. Pagkatapos kong sumipsip ay tumingin-tingin ako sa paligid.

Hanggang sa napadpad ang tingin ko sa isang batang babaeng pulubi na may katulad din na porma ng ilong na mayroon ako.

Nag-iisa lamang siyang nakaupo sa isang karton na sigurado akong higaan niya at kumain ng pagkain na sigurado rin akong sa basurahan niya kinuha.

Ngunit habang kumakain siya ay may tumabig sa kan'ya dahilan para ang pagkain na kinakain niya ay napunta sa sahig. A bunch of girl friends I think is at her age too were the ones behind of what happened earlier.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng pagkulo ng dugo ko sa pagtingin lamang doon. Dahil naranasan ko na rin ang tinutukso at nilalait na katulad ng sitwasyon ngayon sa batang pulubi na iyon.

Before I could even think twice, I immediately went towards them.

"Leave. Her. Alone," mariin kong saad.

Mukha yatang natakot ang mga batang babaeng ito kaya mabilis silang tumakbo papalayo. Nang mawala na sila ay 'saka lamang ako kumalma at tinignan ang batang ito. Yumuko ako at pinantayan ko ang mukha nito sa pagkakayuko ko.

"May ginawa ba silang masama sa 'yo, bata?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wala naman po, ate," mahinang tugon niya kaya napangiti naman ako.

"Sa iyo na ito, masarap 'yan," nakangiting usal ko habang ibinibigay ko sa kan'ya ang lemonade na hawak ko.

"Talaga po? Akin na po ito?" Her eyes are sparkling.

"Oo, kaya hawakan mo na," tugon ko.

"Salamat po, ate ganda!" pasasalamat niya at bigla na lang akong niyakap na nakapagpatigil sa 'kin. Ngunit kalaunan naman ay ginantihan ko siya ng yakap, walang problema sa 'kin kung gaano siya kadungis o may amoy basta ba't masaya siya ay okay na ako.

At sa hindi rin malamang dahilan ay parang nasa cloud nine ako dahil sa kan'yang sinabi na 'ate ganda'. For the first time in my life, ngayon ko lang ulit tinanggap ang puri niyang 'maganda' ako.

Pagkatapos ng yakap ay maingat na kinuha niya ang lemonade mula sa 'kin at saka niya iyon sinimulang inumin.

Habang hinimas-himas ko ang buhok niya ay naisipan kong tanungin siya tungkol sa pagsabi niya sa 'kin na 'ate ganda' kanina.

"Maganda ba talaga ako sa paningin mo, bata?" Tanong ko.

Tumigil siya sa pag-inom ng lemonade at tinignan ako saka tumango-tango habang may ngiti sa labi.

"Eh, paano kung sabihin ko sa 'yo na itong parte sa mukha ko..." tinuro ko pa ang ilong ko bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "...ay hindi pala totoo sa paningin mo? Masasabi mo pa bang maganda pa rin ako kung sasabihin ko sa 'yong pango ito?" Hindi-mapigilang tanong ko.

"Alam ko po na gan'yan na ang ilong mo, ate ganda. Kahit naman po gan'yan ang ilong niyo, maganda pa rin naman kayo eh. Wala pong diperensiya ang ilong po ninyo, ang mga humusga lang po talaga sa inyo ang may diperensiya sa utak. Hindi nila nakikita ang totoong kagandahan mula po sa 'yo, ate ganda. Maganda ka na sa kaloob-looban mo, mas maganda ka pa sa labas na anyo mo po. Parehas rin po pala tayong ganito ang ilong pero wala akong pakialam sa mga taong humuhusga po sa 'kin, katulad na lang kanina nang may humusga sa 'kin, pero hindi ko sila pinansin at dinirinig lang ang kanilang mga pinagsasabi sa 'kin na sigurado naman po akong walang katuturan. Salamat po talaga rito sa binigay mo sa 'kin, ate ganda. Masarap nga!" Mahabang salaysay niya.

Masarap pakinggan ang mga pinagsasabi niya sa 'kin at may punto naman talaga pero bahagi naman siguro sa buhay ng isang tao abg magkaroon ng insekuridad sa sarili, 'di ba?

"Ako nga pala si Natalia, Ate Tali na lang ang itawag mo sa 'kin. Ano nga pala ang pangalan mo, bata?" Tanong ko.

"Shenary po ang pangalan ko, Ate Tali, pero Shen-shen na lang po ang itawag niyo sa 'kin," aniya.

"It's nice to see you, Shen-shen. Sana magkita tayo ulit sa susunod. Good bye na," paalam ko.

"Sana nga po, ate ganda. Good bye rin po!" pagpapaalam din niya pabalik sa 'kin.

Nang makatayo ako ay tatalikod na sana ako nang manlaki ang mga mata ko dahil nandito na pala sa harapan ko si Nath. Nakangiti siya nang salubungin ko siya.

"Kanina ka pa ba d'yan?" Tanong ko. Nahiya naman ako bigla dahil mukhang kanina pa siya naghihintay. Tumango naman siya at nagsalita.

"You're beautiful and unique for who you are, Tali. Always remember that. Plus bonus pa na napakabait mong tao, sino'ng hindi ang magkakagusto sa 'yo sa lagay na 'yan?" tuloy-tuloy na pahayag niya.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin dahil namumula na naman ang mga pisngi ko. Kanina pa talaga 'tong lalaking 'to sa pagpapamula ng pisngi ko.

"Babalik ulit ako sa store," sabi ko na lang at dumiretso ako ulit sa lemonade store at bumili. Ngayon naman ay ako na talaga ang nagbayad sa 'king lemonade.

Pagkatapos ay umupo ako sa bench na inuupuan namin kanina ni Nath. Nakaupo na rin si Nath sa bench na inuupuan ko ngayon.

Nang matapos kami ay roon ko na naisipan na magpaalam na sa kan'ya para bumalik sa ospital. Paniguradong naghihintay na sila mama ro'n.

"Babalik na ulit ako sa ospital, Nath. Salamat nito," paalam ko nang makatayo na ako.

"Salamat din dahil pinagbigyan mo ako para rito," aniya at iniangat ang lemonade niya.

"Good bye, Nath," paalam ko ulit.

"Teka, magkikita pa naman tayo ulit, 'di ba?" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko nang akma akong lumakad na papalayo.

"C-Come again?" Paglilinaw ko.

Nadi-distract ako sa sinabi niya at maging sa paghawak niya sa palapulsuhan ko.

"I hope to see you again after this meet up, Tali," nakangiting pag-uulit niya.

Bago pa ako makalayo ulit ay nagsalita ulit siya.

"Good bye, beautiful."

\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top