Chapter 3

Unknown Caller

Parang mahihimatay yata ako sa overwhelming na nararamdaman ko nang sabihin iyon ng pinsan ko tungkol kay mama.

Si mama? Nawalan ng malay? At, nasa ospital siya ngayon?

Hindi ako makapaniwala, the last time I checked my mother through a video call was when she was really okay. O, sa palagay ko lang iyon na maayos lang siya when in fact hindi naman talaga?

"Hey, what's the problem?" Tawag sa pansin ng lalaking 'to sa 'kin kaya napatingin ako sa kan'ya.

Kahit malabo na ang mata ko dahil sa pangingilid ng mga luha ay kitang-kita ko ang paglarawan ng pag-aalala sa mukha niya.

[Ate, kailangan ka namin ngayon dito, please.] My cousin begged before he ended the call himself.

Pagkatapos ng tawag ay napaupo ako at hinayaan ko pang magsink-in sa 'kin lahat ng mga natanggap kong balita galing sa pinsan ko.

Naramdaman kong may tumabi sa 'kin at hinagod ang likod ko. Sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang magpatakan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Si mama..." napahikbi ako kasabay ng pagsabi ko niyon.

"Shh, tahan na, magiging ayos lang 'yong mama mo," pagpapatahan no'ng 'Nathaniel' sa 'kin.

"K-Kailangan ko nang umalis, k-kailangan kong puntahan si mama sa probinsiya," usal ko at kahit napapahikbi pa rin ako ay pinigilan kong mapahikbi ulit at iwinaksi ang luha sa mga mata ko.

Pero bago ko pa man maitulak ang luggage ko ay tinawag ako ni Nathaniel kaya napatigil ako.

"Wait... sigurado ka na bang ayos ka na?" Tanong pa nito sa 'kin, nag-aalala talaga siya sa 'kin base na rin sa tono na ginamit niya para sa 'kin.

Tumango lamang ako at tinalikuran na ulit siya saka itinulak na ulit ang luggage ko.

Sakto namang kakarating lang ng eroplano na sasakyan ko patungo sa probinsiya kaya mabilis kaagad akong tumungo sa daan kung saan doon nakalugar ang eroplanong sasakyan ko.

Nang makapasok ako sa eroplano ay mabilis akong umupo sa may bakanteng upuan malapit sa bintana ng eroplano saka ako napa-buntonghininga.

Sana walang gaanong komplikasyon si mama dahil lang sa nawalan siya ng malay.

Nang mag-start na ang eroplano ay umayos ako ng upo. Mayamaya lang ay lumalalim na naman ang iniisip ko tungkol kay mama pero pinilit kong iwaksi iyon nang hindi ako lalamunin ng pago-overthink.

Hanggang sa lumipad ang isip ko patungkol sa lalaking nagngangalang Nathaniel at kung paano niya ako dinamayan kanina.

Sa hindi malamang kadahilanan ay gumaan ang pakiramdam ko sa kan'ya at hindi ko namalayan na napapangiti na ako. Mabuti na lang at hindi ako nakita ng mga tao na mag-isa akong ngumingiti kasi naka-face mask at naka-cap naman ako.

Nathaniel. Nice name.

Sana makita ko siya ulit para pasalamatan siya sa kan'yang ginawang pagdamay sa 'kin kanina.

To think na ang first impression ko sa kan'ya ay judgmental din katulad lang ng ibang mga taong nakakasalamuha ko at aasarin ako pero akala ko lang pala 'yon. Mabait naman pala siya.

Sa ngayon, sa isip ko na lang siya papasalamatan at sa susunod na lang ang pisikal na pagpapasalamat sa kan'ya.

Malaking bagay na 'yon sa 'kin kasi bigla na lang gumaan 'yong pakiramdam ko pagkatapos niya 'kong damayan patungkol sa sitwasyon ni mama ngayon sa probinsiya.

"Hello, ma'am. Do you need anything?" Tanong ng flight attendant sa 'kin.

Tumingin naman ako sa kan'ya saka nagsalita. "Just water, please. Thank you."

Tumango naman ang nakangiting flight attendant saka ibinigay sa 'kin ang hinihingi kong bote ng tubig na may laman kaya kinuha ko 'yon saka nagpasalamat ulit sa kan'ya.

"You're welcome, ma'am. Enjoy the flight," she replied before turning her back against me.

Low key kong ibinaba ang aking face mask at binuksan ang bote ng tubig bago ko iyon ininom.

Pagkatapos noon ay bumalik ako sa pagkakasandal sa headrest ng inuupuan ko ngayon nang itinaas ko ulit ang face mask.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

\▪︎~▪︎\

Naalimpungatan ako nang may boses akong naririnig. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay tumingin ako sa bintana at laking gulat ko na lang na nasa lupa na pala ang eroplanong sinakyan ko. Napahimbing yata 'yong tulog ko. 'Yong boses pala na narinig ko ay galing sa piloto.

Nang nakahanda na ang lahat sa akin ay roon na ako nagsimulang maglakad papalabas ng eroplano kasunod ng mahabang pila ng mga taong narito na papalabas na rin.

May sinabi pa sa 'kin ang mga flight attendant na naroon na sa labasan ng eroplano nang ako na ang lalabas pagkatapos ay bumaba na ako sa hagdan ng eroplano.

Nang makababa ako ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan iyon para makatawag sa pinsan ko kung ano na ang update sa kalagayan ni mama.

Alas singko na ng hapon nang nakarating ako rito sa probinsiya at kaninang alas diyes lang 'yong huling balita ko mula sa pinsan ko tungkol sa sitwasyon ni mama ngayon na nasa ospital kaya nag-aalala ako kung ano ang kalagayan ni mama ngayon.

Tatlong beses pang nag-ring bago sumagot ang nasa linya. Sa numero na ito ng pinsan ko ang tinawagan ko at hindi 'yong kay mama.

"Teo, kumusta na lagay ni mama d'yan?" Bungad ko kaagad habang patuloy ako sa paglalakad, nasa airport na ako at papalabas na ako.

[Medyo maayos na ang lagay ni tita ngayon, ate. Pero kanina ay hinahanap ka niya. Saan ka na ba ngayon, ate?] Sagot at pagkatapos ay tinanong niya naman ako.

"Papalabas na ako ng airport, malapit na 'ko. Saan ang ospital na naka-admit si mama?" Tanong ko ulit. Nakalimutan kong tanungin siya tungkol sa kung saang ospital naka-admit si mama.

[Sa Mandela Hospital, malapit lang 'yan d'yan sa airport na tinatapakan mo ngayon. Nasa Room 203 kami, ate.] Sagot naman ni Teo.

"Sige, sige. Pakibantayan si mama d'yan, ha? Ibababa ko na ang tawag. Bye," paalam ko bago ibinaba ang tawag saka ako nagmamadaling lumabas sa airport.

Nagpara kaagad ako ng taxi nang may makita akong taxi na paparating dito sa direksiyon kung nasaan ako. Huminto naman ang taxi kaya mabilis akong pumasok dala ang luggage ko.

"Saan po kayo, ma'am?" Tanong ni manong drayber.

"Sa Mandela Hospital po, manong," sagot ko kaya tumango si manong drayber at nag-drive na siya patungo sa ospital na 'yon.

Nang nasa Mandela Hospital na kami ay ibinigay ko ang saktong bayad kay manong saka ako lumabas dala-dala ang luggage ko.

Nang makapasok ako sa ospital ay alam kong may nakatingin talaga sa 'kin at nararamdaman kong nawe-weirduhan sila sa 'kin pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa Room 203 kung nasaan si mama katulad nang sinabi ni Teo sa 'kin.

Nang makita ko na ang Room 203 ay mabilis pa sa alas kuwatrong binuksan ko ang pintuan at bumungad sa 'kin ang nakapikit na si mama.

Sinara ko naman ang pintuan at inalis ang cap at face mask ko saka iyon inilagay sa okupadong mesa kasama ang nakatayong luggage na naroon.

Lumapit ako kay Teo at tumabi sa kan'ya nang pagkakaupo.

"Bago lang ba nakatulog si mama, Teo?" Tanong ko.

"Oo, ate. Kanina lang din ay palagi niyang tinatawag ang pangalan mo, hinahanap ka talaga niya," sabi niya at bumuntonghininga.

"Nasaan si tita?" Tanong ko ulit.

"Lumabas muna si nanay para may makakain kami," sagot naman niya ulit.

Napatango-tango naman ako bago ko napagdesisyonan na lumapit kay mama at umupo sa upuan malapit sa kan'ya.

Hinawakan ko naman ang isang kamay niya saka nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Kitang-kita ko ang pamumutla ni mama.

"'Ma, nandito na ako. Gising ka na mamaya, ha? Papaulanan talaga kita ng mga tanong kung bakit nandito ka ngayon sa ospital," nakangisi ngunit may halong pait nang sabihin ko iyon.

"Pagaling ka, 'Ma. Nandito lang ako sa tabi mo, 'di kita iiwanan, basta ba't magpapagaling ka," pahayag ko.

\▪︎~▪︎\

Nakatulog si Teo at si tita pagkatapos nang naging hapunan namin at pagkuwe-kuwentuhan at ako naman ay nanatiling gising habang binabantayan si mama.

Pero bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya nagtaka ako.
Si Evangel na naman ba 'to?

Pero nang makita ko kung sino ang tumatawag nang buksan at hawakan ko ang cellphone ko ay mas lalong nangunot ang noo ko. Numero lang ang nakalagay. It's an unknown caller.

Sino naman kaya 'to at bakit kaya ako ang napagkadiskitahan niyang tawagan ang numero ko?

Sinagot ko na lang 'yong tawag kahit hindi ko kilala kung sino ang tumatawag.

Pero bago pa ako makabati ay ito pa ang nagsimulang bumati sa 'kin na nakapagpagulat sa 'kin.

[Hi, Natalia?]

Na-realize ko kaagad kung sino ang tumawag sa 'kin base sa tinig nito.

Don't tell me si Nathaniel 'to?

Siya ba ang unknown caller ko?

At, paano niya nakuha ang phone number ko?

\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top