Chapter 2

Nathaniel

"Sino po ito?" Nakapikit pa ang mga mata habang tinatanong ko iyon nang mag-ring na lang bigla ang cellphone ko sa kasagsagan ng tulog ko.

[Tali girl, may sasabihin sana ako sa 'yo. Importante 'to kaya 'wag mo sanang ibababa.] Parang namo-mroblemang sagot ng katawagan ko. That's when I realized it was Evangel, my P.A.

"Sige lang," nakapikit pa ring saad ko.

[Eh kasi, no'ng pinaalam ko kay manager about sa uuwi ka sa pamilya mo sa probinsya ngayon dapat...] may nabababanaag akong pagdadalawang-isip sa tinig niya at sa pagbubuntonghininga niya.

"Ituloy mo lang, nakikinig ako," usal ko at humikab. Eh sa tumawag na lang kasi bigla itong P.A. ko sa ganitong oras. Alas kuwatro pa ng umaga!

[Eh... hindi pumayag kasi—] napabalikwas ako bigla sa pagbangon at nagmulat ako ng mga mata sa pagkagulat.

"Ano?!"

[Teka nga, patapusin mo nga muna ako.] aniya.

Medyo kumalma ako pero hindi ko na maramdaman ang antok dahil sa sinabi ni Evangel.

[Hindi ka na pinayagan kasi palagi ka na lang daw gan'yan, pulos dahilan na daw at hindi na niya kayang paniwalaan 'yon. T'saka importante itong naka-schedule sa 'yo this week. An important fashion event runway show at once in year lang ito mangyayari. Hindi naman kailangang ide-decline ni manager na lang 'yon ng basta-basta, importante iyon sa kan'ya.] Salaysay nito.

Napasinghap ako bago ulit nagsalita. "Paano na 'yan? Sinabihan ko na sila mama na pupunta ako sa kanila ngayon."

[Sabihin mo na lang na hindi ka matutuloy dahil may sudden schedules na urgent.]

Nag-isip-isip muna ako bago unti-unting sumang-ayon sa sinabi niya kahit labag sa loob ko.

"Oo na, kung 'di ko lang talaga manager 'yon ay baka matagal ko nang masapak 'yon. Mabuti na lang at 'di ako tinuruan ni mama na manapak na lang basta-basta ng mga taong walang modo," I said then rolled my eyes even though I know Evangel won't see it.

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. [Pero sabi naman ni manager, p'wede naman daw sa susunod na semana ka na lang umuwi sa probinsya basta sa ngayon hindi muna.]

"Oo na, oo na. Sige na, matutulog na ulit ako. Salamat sa pagbalita. Good bye," paalam ko.

[Good bye, Tali.] paalam din niya bago niya pinutol ang tawag.

Nang mailapag ko ang cellphone sa vanity table ay unti-unti akong bumalik sa pagkakahiga sa kama. Ngunit ang problema, hindi ko na talaga maramdaman sa sarili ko ang antok kaya tumitig na lang ako sa kisame at hindi ko na namamalayan na lumalim ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay.

Pero mas umuukilkil sa isipan ko 'yong nakakahiyang nangyaring insidente sa 'kin kahapon sa lalaking iyon.

Nakakahiya talagang nakita pa niya ang pinakatatagong parte ng mukha ko! Argh! Unang napansin pa talaga niya 'yon!

Sa kabilang banda naman ng isip ko ay kinuha ko ulit ang cellphone ko at ti-next na lang si mama na hindi ako matutuloy sa pagpunta sa probinsya kung nasaan sila.

Pagkatapos naman ay ibinalik ko na ulit ang cellphone ko sa vanity table at humahalukipkip na humiga patagilid. Pinilit ko ulit na makatulog at sa pagkakataon na ito ay nakatulog na nga talaga ako at ipinagpasalamat ko iyon.

\▪︎~▪︎\

"Tali, ready ka na ba? Magsisimula na, naghihintay na rin ang mga taong naroon, kasama na si manager," pagche-check up ni Evangel sa 'kin.

"Wait, 'yong pantakip sa ilong ko. Nasaan na 'yon?" Natatarantang saad ko kaya naman ay mabilis niya akong nilapitan para tulungan akong hanapin 'yong 'fake nose' ko.

Kung kailan kailangang-kailangan ko 'yon ngayon eh ngayon pa nawala sa paningin ko!

Hinanap-hanap ko iyon nang pinakita na sa 'kin ni Evangel sa wakas 'yong pantakip sa ilong ko kaya bahagya akong napakalma.

"Nakita ko lang sa ilalim ng inuupuan mo. Ingat-ingatan mo 'yan, Tali, ha? Naku, muntik na talaga," sermon niya sa 'kin.

"Sisiguraduhin ko na sa susunod. Muntik na nga talaga," pahayag ko at nagpakawala ng buntonghininga.

Tinulungan naman kaagad niya ako sa pag-aayos niyon bago kami unti-unting lumabas sa make-up at dressing room para pumunta sa runway kung saan ang main guesting ng event.

Nang magsimula na akong lumakad sa runway ay nagsisilabasan at nagkikislapan ang mga camera sa gilid ko. I tried my best not to smile.

Ganito ako palagi, kapag may mga camera sa harap ko o sa gilid ko habang nasa runway ay pinipigilan ko lang na mapangiti. I love being the center of attention, 'yon nga lang 'pag may takip 'yong ilong ko.

I wore a white mock neck and a red palazzo, also a blue ankle strap sandals. My hair is tied in a messy bun.

The purpose for this event is to show that even if women are not wearing extravagant dresses or ball gowns of that certain gatherings, they would look like a glamorous goddess even if it's just a simple outfit like I'm wearing right now. Ang sabi ni manager, may nag-suggest na magga-ganito sa lugar na ito at binigyan pa siya ng rason kung bakit na napapayag siya. Tapos importante ang mga ganitong klaseng mga pangyayari dahil kada isang taon lang nangyayari ito.

Funny that they praise this simple outfit on a beautiful face of a lady but not to the ones who have insecurities on theirselves. Mas pinapalala lang nila ang nararamdaman na insekuridad ng isang tao sa kaniyang sarili, imbes na puriin, hinuhusga pa.

'Yan ang nararamdaman ko noong una akong rumampa sa isang event din. Pagkatapos no'n ay pinaunlakan ako ng mga samu't-saring panghuhusga dahil lang sa namali ako ng tapak sa paglalakad ko sa runway at muntik na nila makita ang totoong ilong na mayroon ako. May nag 'boo' pa sa 'kin pagkatapos no'n kaya naging dahilan 'yon para mas lalong umusbong ang mararamdaman kong insekuridad sa sarili ko at sa ilong na mayroon ako.

Isa iyon sa mga pinakanakakahiyang pangyayari na naranasan ko sa buong buhay ko at ayaw ko na ulit pang mangyari iyon. Never again.

Huminga ako ng malalim bago tumalikod at nagsimula na namang maglakad patalikod at sumulpot na naman sa paglalakad ang kasamahan kong model din.

Sa totoo lang, wala akong ka-close sa kasamahan kong model. Noong una, gusto ko silang maging kaibigan kaso iniirapan lang nila ako at minsan pa nga parang may ibinubulong-bulong sila na parang ako 'yong pinag-uusapan o pinagdidiskusyonan nila. I have this gut feeling before that they gossip and judge me for who I am. Alam nila na may 'diperensiya' ako sa ilong ko kaya grabe sila makalait.

Matapos ang pagra-rampa sa runway ay dinaluhan kaagad ako ni Evangel. Ang bilis niyang makalapit sa 'kin. P.A. ko ngang tunay.

"Wala na bang nakaschedule na ibang runway event na kasama ako mamaya, Evs?" Tanong ko nang ayusin niya ang make-up ko.

"Wala naman pero bukas meron na naman. Basta maghanda ka na lang para sa iyong personal na mga gamit at ako na ang bahala sa iba mo pang gagamitin for the event," pahayag niya kaya tumango ako ng bahagya.

Minsan kahit gustong-gusto ko sa propesyon na mayroon ako ngayon, may pagkakataon talaga na gusto ko na lang bumigay sa pangarap kong ito, na hindi kinakaya, nawawalan ng inspirasyon at motibasyon para ipagpatuloy ito.

Nakakapagod din naman kasi, may strikto ka na ngang manager, sobrang hectic pa ng schedule mo.

Mabuti na lang at determinado pa rin ako at may natitira pang motibasyon at inspirasyon para ipagpatuloy ko ito. At dahil iyon kay mama.

Kaya nga gustong-gusto ko na ngang umuwi ngayong araw kaso hindi ako pinayagan ni manager at sa susunod pa na semana na lang daw ako uuwi sa probinsiya.

\▪︎~▪︎\

Matapos ang nakakapagod na semana na ginagawa ko as a model, finally, makakapunta na ako sa probinsiya.

Ngayon ay nasa airport na ako at naghihintay na lang sa benches na naroon para sa nakaschedule na flight sa 'kin. Naka-cap, shades, at face mask ako para walang makakita sa 'kin, lalong-lalo na sa mga paparazzi.

Pero patago naman akong nag-lipstick kaso mukhang may nakakakilala yata sa 'kin kasi may paparating na yapak ng mga paa rito sa direksiyon ko at binati ako kaya napapikit na lang ako ng mariin at mabilis na tinignan kung sino 'yon dahilan para manlaki ang mga mata ko ng bahagya.

It's the guy who I bumped at when I was on my way to my unit and accidentally saw my one and only own true nose.

"I knew it! It's nice to meet you again, miss," bati nito habang may ngiti sa labi nito habang nakatingin sa 'kin.

Tumango lamang ako ng tipid at bumalik na lang sa pagsuot ng face mask.

I heard him chuckle because of my sudden action. I didn't even know why my face suddenly got reddened because of his manly chuckle. Mabuti na lang at naka-face mask na ako at hindi na niya makita ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

"'Di namamansin? By the way, I'm Nathaniel. And, you are?" Pagpapakilala pa niya sa kan'yang sarili.

Tumingin naman ulit ako sa kan'ya at napatingin ako sa kan'yang suot. That's for a pilot, right? So, does that mean he's a pilot?

I sounded my best to be casual but I may sounded rude, too, because of the tone I'm using and the words I chose.

"It's none of your business." Pagkasabi ko niyon ay nag-ring ang cellphone sa paanan ko.

It's my mom who's calling so I immediately picked it up and answered the call. Pero hindi si mama ang bumungad pagkatawag ko.

[Ate Tali, si tita dinala sa ospital, biglang nawalan ng malay!] My mind literally went blank because of the sudden bad news that my cousin said.

\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top