Chapter 11

Bahay-Ampunan

Napakunot naman ako ng noo dahil may yumuyogyog sa balikat ko kaya ang dahilan ay naalimpungatan ako. Inaninag ko pang mabuti ang paligid hanggang sa luminaw ito at napansin kong nasa isang kotse ako at doon ko lang napagtanto na ang gumigising pala sa 'kin ay si Shen-shen at ang nagmamay-ari sa kotseng tinulugan ko ay kay Nath.

Nakangiti pa silang dalawa sa sitwasyon ko kaya naman ay dahil sa hiya, biglang uminit ang mga pisngi ko.

"Mabuti naman po at gising ka na, ate ganda!" magiliw na saad ni Shen-shen.

"Saan pala tayo?" tanong ko nang inoobserbahan ko ang paligid na nakapalibot sa 'min at masasabi kong hindi tapaga ako pamilyar sa lugar na 'to.

"Kung saan po ako nakatira ngayon, ate!" sagot naman ni Shen-shen.

"Nasa bahay-ampunan tayo ni Shen-shen ngayon, Tali," pagkaklaro naman ni Nath sa naging sagot ni Shen-shen kanina.

"Ah, kaya pala hindi ako pamilyar sa lugar na 'to," sabi ko habang tumango-tango.

"Labas na po tayo, ate at kuya!" masayang sabi ng bata.

Natawa naman si Nath sa tonong ginamit ng bata at dagdag pa nito ang ekspresyon na pinapakita niya sa 'min ni Nath. Ang cute talaga ng batang 'to. Lumabas naman kami pagkatapos.

Umuna namang tumakbo si Shen-shen na parang may humahabol sa kan'ya at masayang-masaya ang bata kaya hinayaan naman namin siya habang kami naman ni Nath ay mabagal lang na naglalakad patungo sa entrada ng bahay-ampunan.

"Mukhang napasarap ang tulog mo kanina, ah?" panunukso naman niya.

"Napagod ako sa panginguwestyon mo sa 'kin habang nag-uusap tayo sa kotse mo kanina at habang tulog pa si Shen-shen," sagot ko naman para hindi halatang umiinit na naman ang magkabila kong mga pisngi dahil nakakaramdam na naman ako ng hiya.

He suddenly chuckled as a response and I felt my heart fluttering just because of it. It's a bit foreign of me to feel this way to him. It's just feels different. And, why does my heart just fluttered with the way he just chuckled?

"Tara na nga!" pasiring na anas ko at umuna nang maglakad sa kan'ya. At, nang malayo na siya sa tabi ko ay doon ko pinakawalan ang pagpigil ko ng hininga nang makaramdam ako ng kakaiba pagkatapos niyang tumawa ng bahagya sa 'kin kanina. And, it made me breathless all of a sudden.

I shook my head in disagreement with what I have thought about him. Hindi pwede, hindi dapat ako makampante, baka nga 'pag naging close na kami ta's sasabihin ko na sa kan'ya ang sikreto ko ay pagtawanan lang ako no'n kaya hangga't maaari, hindi muna ako masyadong magpapa-attach sa mala-anghel na lalaking iyon.

"Ate ganda, kuya pogi, halina po kayo, ipapakilala ko po kayo sa mga kaibigan at kalaro ko po!" Biglaan namang sumulpot sa harapan ko si Shen-shen at napangiti naman ako nang makita ko ang umaapaw na kasiyahan sa kan'yang mga mata. Tumango naman ako bilang tugon at nagpahila na lang ako sa bata nang hawakan niya ako sa kamay ko at lumapit din siya kay Nath at hinawakan din ang kamay niya at nagpahila din siya gaya ng sa 'kin.

Buti na lang din at kilala na si Nath sa mga sister sa bahay-ampunan na 'to kaya nakapasok naman kami.

Nang makarating na kami sa playground ng mga bata ay kita kong naghihintay na rin doon ang sa tingin ko'y mga kaibigan at kalaro ni Shen-shen.

"Guys, ito nga pala sina Ate Natalia at Kuya Nathaniel!" pakilala naman ni Shen-shen sa 'ming ng mga kaibigan niya.

"Kukupkupin ka na ba nila, Shen-shen? Ibig bang sabihin no'n, wala na kaming kaibigan at kalaro na katulad mo?" nagtatampong tanong ng isang lalaking bata kay Shen-shen.

"Hala, hindi naman, Caleb! Mga kaibigan ko rin sila, hindi nila ako kukupkupin, bumibisita lang sila rito. Galing kasi kami sa pamamasyal ta's gusto na ni Kuya Nathaniel na papauwiin na niya ako," paliwanag naman ni Shen-shen sa batang lalaking nagngangalang Caleb.

Kahit ang bata pa nila ay hindi ko maiwasan na ipag-match make sila. Ang cute kasi nilang tignan. Si Shen-shen na nagpapaliwanag ta's si Caleb na nagtatampo.

"Ang cute nilang dalawa, Nath," bulong ko sa kan'ya nang makalapit ako sa tabi niya.

"Yeah, they're really cute," pagsang-ayon naman ni Nath sa sinabi ko kaya mas lalo akong napangiti.

"Ah, okay, mabuti naman kung gano'n. Ate, kuya, gusto niyo bang sumali sa lalaruin namin?" pag-anyaya ni Caleb sa 'ming dalawa.

Napatingin kaming dalawa ni Nath at mukhang parehas kami ng iniisip kaya nang muli kaming humarap sa mga bata, lalong-lalo na sila Shen-shen at Caleb ay doon pa lang, alam kong papayag ako sa gusto nilang mangyari. Kaya ang ending, tumango ako.

I think it will be worth a shot. Baka nga, mas mag-enjoy pa ako sa lalaruin ng mga batang 'to na pakana ni Caleb.

"Taya-tayaan tayo. Kung sino 'yong hindi panalo ay siyang dadakip sa mga panalo at gagamitin natin ang bato-bato pick," pahayag ni Caleb nang sabihin niya ang mechanics. Nakinig naman ng husto ang mga bata.

Nagsimula naman silang mag-bato-bato pick hanggang sa kami na lang ang natira ni Nath na mag-bato-bato pick.

"Isang subok lang po, ate at kuya," paalala naman ni Caleb bago kami nagsimulang mag-bato-bato pick.

Papel ang pinakita sa mga palad ko at ang sa kan'ya naman ay isang gunting. Doon pa lang ay talo na siya kaya unti-unti na 'kong lumayo sa kan'ya. Isa si Nath sa dadakip.

Ang dadakip ay si Nath, si Caleb, at 'yong dalawang batang babae na kalaro rin nila.

"In 3, 2, 1, go!" sigaw ni Caleb at mabilis siyang tumakbo para dakipin si Shen-shen na mabilis rin nakatakbo.

Kaya naman ay tumakbo na rin ako ng mabilis dahil papalapit na rin sa 'kin si Nath. Nagtakbuhan pa rin kami ng nagtakbuhan at wala talagang nagpapatalo sa 'min hanggang sa kinakapos na ako sa paghinga kaya sinubukan kong suminghot ng hangin para bumalik ako sa regular na paghinga. Bumalik na dapat ako sa regular na paghinga ng may gumulat sa 'kin mula sa likuran nang yakapin ako nito mula sa likuran ko.

"Gotcha!" sigaw niya nang madakip na talaga niya ako. Natalo tuloy ako dahil sa kinapos ako ng paghinga.

"Uh, Nath?" tawag ko.

"Hmm?" tugon niya at ang lapit lang ng boses niya sa tainga ko. So, it sent shivers down my spine.

"Pwede mo na 'ko pakawalan, tapos na ang laro," sabi ko para mabalik na siya sa ulirat.

Nabalik din naman siya sa ulirat at natauhan saka pinakawalan naman niya ako kaagad.

Dumadagundong na naman ng mabilis ang puso ko dahil sa lapit ng katawan namin sa isa't isa.

"I think I owe you an apology. I'm sorry if I made you uncomfortable earlier. I'm really sorry, that won't happen again," sinsero at patuloy niyang pagpapaumanhin sa 'kin kaya parang may humaplos sa puso ko.

"It's okay, as long as you know that you're wrong. I accept your apology," pagtanggap ko naman sa paumanhin niya. Nararamdaman ko namang sinsero talaga siya at pinagsisihan niyang nagawa niya 'yon sa 'kin kaya marapat ko namang tanggapin ang kan'yang paumanhin.

"So, bati na tayo?" may galak sa tono ng tinig niya na nakapagpatawa sa 'kin.

Such a cutie.

"Kailan pa tayo nag-away? Palagi naman tayong bati," natatawa kong pagtatama.

Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon sa sinabi ko.

\▪︎~▪︎\

"Salamat sa paghatid sa 'kin, Nath," pasasalamat ko nang makarating na kami sa condo ko.

"No worries, Tali," aniya.

Nanatili naman kaming nakatayo habang nagpapakiramdaman sa isa't isa hanggang sa siya na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Hindi ka pa ba papasok? Hihintayin muna kita rito hanggang sa makapasok ka na, baka may mga paparazzi na namang umaaligid sa 'yo," saad naman niya.

"Ah, oo nga pala, una na 'ko, ah? Salamat kaagad sa pagbabantay. Good bye, Nath," paalam ko at tumango naman siya ng nakangiti bago ko siya tinalikuran at pumasok na.

"Good bye, Tali," paalam naman nito nang marinig ko iyon bago ako nakarinig ng yapak ng mga paa papalayo sa condo ko.

Napahawak naman ako sa dibdib kung saan doon bumundol-bundol ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig niyon at napasandal na lang ako sa pinto bilang suporta.

Akala ko ay ako lang ang mag-isa rito sa condo ko nang makarinig ako ng ingay ng isang personal assistant.

"And, where have you been, Madame Zaragoza? Bakit ngayon ka lang nakauwi? Gusto mo sigurong ma-hot topic sa mga dating rumor ng mga pesteng paparazzi na 'yon, ano? Bukas na bukas din, ipapalipat ka na ni manager ng pansamantalang tirahan para humupa ang walang kwentang rumor na 'yon na wala naman talagang katotohanan dahil nga 'rumor'. Just a heads up, baka kasi 'di ka pa nakapagpaalam ng maayos sa gwapong piloto na 'yon." Putak ng putak si Evangel kaya nawala na rin ang lakas ng pintig ng puso ko.

Hay nako, nasira na naman ang pagmo-moment ko dahil sa putak ng aking pinakamamahal na PA.


Pakitahimik nga ng bunganga nito, Teo.


\▪︎~▪︎\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top