Chapter 10
Getting to Know
"Paano ka pala napunta rito, Shen-shen?" Nakangiting tanong ko habang ang bata nama'y abala sa pagsipsip sa kan'yang sariling lemonade na ibinili ko para sa kan'ya.
"'Di ba po sa malayong lugar po tayo nagkakilala? Nahanap po kasi ako ni Kuya Nath sa bahay-ampunan doon sa malayong lugar kahapon pa po tapos pinatuloy po niya ako sa bahay niya po at napakalaki po talaga ng bahay niya!" May galak sa tinig niya habang ikinikuwento na niya ang mga nangyari kahapon.
"'Di ba po, kuya? Malaki 'yong bahay niyo?" She exclaimed.
"Yes, baby girl. Pero hindi 'yon bahay, condo unit ang tawag do'n," pagtatama ni Nath.
"Ah, ang sosyal naman pong bigkasin!" Tugon nito kaya sabay naman kaming napatawa ni Nath.
"Gusto mo bang mamasyal tayo habang may oras pa, Shen?" Nakangiting paanyaya ko.
"Po? Opo! Gusto ko pa kayong magkasamang dalawa ni Kuya Nath!" Masayang-masayang tugon nito.
I ruffled Shen-shen's hair while smiling brightly at her. Nag-angat naman ako ng tingin kay Nath at nag-thank you ulit ako sa kan'ya. He also mouthed 'no worries' to me as a reply.
Matapos naman uminom ng lemonade si Shen-shen ay hinawakan ko naman ang kanang kamay niya at ang kabilang kamay naman niya ay hinawakan ni Nath.
Pinasakay kami ni Nath sa front seat, tatanggi na dapat sana ako nang sinabihan ako ni Shen-shen na rito niya talaga ako gustong umupo at gusto niyang umupo siya sa paanan ko kaya wala akong magawa kundi sundin ang gusto ni Shen-shen. I don't want to spoil her mood so I just let her do what she wants me to do.
Pagkarating naman namin sa mall at nang matapos mag-parking si Nath ay kinuha ko na ang mask ko at isinuot kaagad iyon. Baka biglang may sumulpot na namang paparazzi rito at ma-issue na naman kami ni Nath, or worse, kasama pa si Shen-shen. Pagkakaguluhan na naman kami ng mga 'yon.
Bago ko pa mahawakan ang knob ng pintuan ay bigla na lang iyong bumukas at doon ko lang napansin na nasa labas na pala si Nath at nasa harapan na namin ni Shen-shen. Kumurap-kurap naman ako bago ko pinaunang lumabas si Shen-shen at sumunod na ako.
Pagkalabas ko naman ay hinawakan ko ang pintuan ng kotse para magkaroon ng balance ang katawan ko pagkatapos kong sinubukang tumindig ng tuwid galing sa pagkakaupo ko sa front seat.
Pero nabigla ako nang may bumusina na ibang kotse na kaka-parking lang din katabi namin kaya nabitiwan ko ang pagkakahawak sa pintuan ng kotse at muntik na akong mawalan ng balanse nang sinalo ako ni Nath, ang kan'yang isang kamay ay nasa baywang ko at ang isa naman ay sa may balikat ko habang ako naman ay parehas na nakapatong sa dibdib niya.
"Are you alright, Tali?" nag-aalalang tanong ni Nath.
"Yes, I'm alright. Nagulat lang ako sa biglaang pagbusina ng kotse na katabi natin," natatawa kong saad at kumawala na sa kan'yang pagkakahawak.
That was so embarassing, Natalia! Sinalo ka pa ni Nath, gaga ka!
Napansin ko namang tumatawa si Shen-shen kaya napatingin kami ni Nath sa kan'ya.
Pagkatapos niyang tumawa ay malawak niya kaming nginitian at saka nagsalita. "Alam niyo, ate ganda at kuya Nath? Bagay po kayo sa isa't isa, ang cute po ninyo."
I frozed at the spot where Shen-shen pointed out that we are a match for each other. Like, saan iyon nakita ni Shen-shen? Eh, kahihiyan ko nga 'yong nangyari sa 'min ni Nath kanina eh.
"At, saan mo naman 'yan natutunan, Shen-shen, ha?" tanong ko sa kan'ya at nilapitan siya.
"Sa nakikita ko po minsan sa paligid. Mulat na po ako sa mga gan'yan, ate ganda," sagot naman niya.
Napailing-iling naman ako. "Halika na nga, kung anu-ano na lang ang pinagsasabi mo, Shen." Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Tali, ako na ang bahala kay Shen-shen. Bubuhatin ko na lang siya. Ang kulit pa naman ng batang 'to lalo pa't papasok tayo sa mall, maraming mga pwedeng laruin doon," suhestiyon ni Nath.
"Ayos lang ba 'yon sa 'yo, Nath?" tanong ko naman pagkatapos kong tumigil sa paglalakad.
"Yes, I'm fine with it. And, besides I already picked up Shen-shen a lot when she's with me. Medyo nasanay na ako," sagot naman niya. It made me feel relieved, knowing he's used to Shen-shen's weight, anyway.
"Okay, pero sabihin mo lang sa 'kin 'pag napagod ka na sa kakabuhat sa kan'ya, ah? Para makapagpahinga rin 'yang katawan mo," paalala ko. Tumango naman siya at nginitian ako ng marahan.
Binuhat naman kaagad niya si Shen-shen at sabay na kaming pumasok sa mall nang nakasuot na ako ng mask. Pumunta kami sa arcade kaya tuwang-tuwa naman si Shen-shen sa kan'yang nakita.
Nang mailapag ni Nath si Shen-shen ay patakbo namang pumasok ang bata sa loob ng arcade kaya natawa naman ako. Bumili naman ng maraming token si Nath para maraming paglalaruan ang bata habang nasa loob pa kami ng arcade.
Una namang sinubukan ni Shen-shen ang mini merry-go-round kaya kumuha ng token si Nath at isinilid iyon sa loob para gumana ang merry-go-round. Kontento na sana ako na hindi na ako sumali pero hinawakan ni Nath ang palapulsuhan ko at inanyaya niya ako na sumakay sa laruan, wala naman akong magawa kundi pumayag sa gusto niyang mangyari. Kaming tatlo na ngayon ang nasa merry-go-round at nagsimula na itong umikot-ikot, hindi naman gaanong mabilisan ang merry-go-round pero nag-enjoy naman kami dahil sa galak na mayroon sa mukha ni Shen-shen.
Pagkatapos naman ng merry-go-round ay sunod na sinubukan ni Shen-shen ang waltz game. Kailangan mong ipatong ang talampakan mo sa tiles para magkaroon ng tono or music, may parang computer din na nasa harapan para makapili ka ng gusto mong kanta at iga-guide ka kung anong tiles ang ipapatong mo gamit ang talampakan mo. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Shen-shen at mabilis siyang pumili ng kanta at nang matapos ay inanyaya niya kaming sumali kaya sumali na lang ako. Isa pa, gusto ko rin namang mag-enjoy rito sa loob ng arcade kaya sulitin ko na habang may oras pa rito.
May mga mali naman kaming napatong pero tumawa lang kaming tatlo at nagpatuloy na lang sa pagpapatong kahit mali-mali na talaga kami.
Sunod namang sinubukan ni Shen-shen ang claw machine kasi may nakita siyang plushie na octopus sa loob n'on kaya lumapit na siya roon. Isinilid naman ni Nath ang token at sinubukan ng bata na kuhanin ang gusto niyang plushie pero nahirapan siya dahil hindi niya nakuha. Sinubukan naman niya ulit pero ayaw talaga kaya sinubukan ko naman. Kumuha ako ng token mula kay Nath at isinilid iyon sa loob at sinubukan kong kuhanin ang plushie na gusto ni Shen-shen. Determinado naman akong kuhanin 'yon kaso nang malapit ko na dapat siyang makuha gamit ang claw ay bigla na lang itong dumulas at hindi ko na nakuha. Sinubukan ko naman ng tatlong beses pero mukhang bad luck talaga ako sa mga ganitong laro kaya napabuntonghininga ako.
Nalungkot naman si Shen-shen dahil doon. Nakita naman iyon ni Nath kaya yumuko siya sa bata at pinagaan ang loob nito kaya kahit papaano ay sumigla ulit ang mukha ni Shen-shen pero may bahid pa ring kalungkutan sa kan'ya.
"I'll try," tugon ni Nath at isinilid ang token sa loob at nagsimula na siyang sumubok sa pagkuha ng plushie octopus na gusto ng bata at determinado siyang makuha niya iyon. Nag-manifest naman ako na sana ay makuha na niya kaya nang sa ikalawang beses na niya sinubukan ay natuwa ako at napatalon naman sa tuwa si Shen-shen nang sa wakas ay nakuha talaga ni Nath ang plushie na gusto ng bata.
Kinuha naman iyon ni Nath at ibinigay sa bata na buong puso namang tinanggap at niyakap. I'm so soft for this child.
"Thank you, Kuya Nath. Thank you rin po, ate ganda!" pasasalamat ni Shen-shen at nilapitan niya kami para mayakap niya kaming dalawa.
"You're always welcome, Shen-shen," sabay naman naming tugon ni Nath habang nakatingin kami sa isa't isa nang may ngiti sa mga labi.
Pagkatapos naman namin sa arcade ay naisipan kong bilhan ng mga damit si Shen-shen as a gift. Napamahal na ako sa batang 'to kaya hindi pwedeng hindi ko siya bibilhan ng mga damit.
Pumasok naman kami ni Nath na buhat-buhat si Shen-shen sa isang cloth store para sa mga batang babae.
Pumili naman kaagad ako ng mga isusuot talaga ni Shen-shen at alam kong babagay sa kan'ya at pagkatapos no'n ay lumapit ako sa cashier para magbayad. Pagkatapos ko namang bayarin ang mga ibinili kong damit para sa bata ay bigla namang nagtanong sa 'kin ang saleslady.
"Para sa anak niyo po ba 'to, ma'am?" nakangiting aniya.
"Ah, hindi, para sa kaibigan kong bata," pagtatama ko at sa hindi malamang dahilan ay uminit ang pisngi ko.
"Ay, sorry, ma'am, akala ko po kasi anak niyo at asawa niyo po 'yon. Sorry po talaga," paghingi niya ng paumanhin kaya nginitian ko naman siya.
"It's okay. Akala mo lang naman 'yon," tugon ko na lang.
"Sige po, salamat sa pagbisita rito, ma'am." Tumango ulit ako at nginitian siya bago ako lumapit kay Nath.
"Halika na, napagod siguro 'tong si Shen-shen kaya nakatulog sa balikat ko," mahinang sabi naman niya kaya napatingin naman ako sa bata na natutulog.
Ang cute talaga ng batang 'to.
Nang makarating na kami sa kotse ay pinahiga ni Nath si Shen-shen sa passenger seat at pagkatapos no'n ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat ulit kaya pumasok na rin ako. Nang makapasok na rin si Nath sa driver's seat ay napatingin naman siya sa kakalapag ko lang na paper bag.
"Gift ko 'to para kay Shen-shen. A simple appreciation gift for her. Napamahal na ako sa batang 'yan kaya binilhan ko na lang siya ng mga damit na susuotin niya," I said with an explanation. I bet he's wondering why I bought this earlier at a cloth store.
"You never fail to make me amaze, Tali. You're softhearted and kind. You also appreciate other people just like that little girl sleeping on the passenger seat of my car. I bet you're also sentimental and you value even the simple things that has been a given to you, either as a gift or not. You're a wonderful person, Tali. Might as well connect to your inner self, know that you can appreciate yourself and be wonderful, just like how you are with other people," mahaba niyang pahayag.
I got teary-eyed because of what I heard from him. Gan'yan pala ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko man lang 'yon maramdaman sa sarili ko dahil punong-puno ako ng insecurities lalong-lalo na sa ilong ko.
"You know what, Nath? You're the first person that isn't my relatives or my mom to tell me who appreciates me. And, I'm grateful for that. I'm lucky we met," saad ko.
"It's an honor. Now I know why you got teary-eyed quickly," he joked.
Napatawa naman ako dahil sa biglaan niyang pagbiro kaya natawa na rin siya.
"I think we are already getting to know each other, might as well, sulitin na natin ang time para rito bago pa ako magpakalayo-layo dahil sa nonsense rumor na 'yon," saad ko.
"Game?" sabi ko.
"Game," tugon niya.
We started chit-chatting and laughing with each other as we are getting to know with ourselves. Slowly, Nath might be one of the person whom I could trust. But for now, I can't tell him about my nose. My insecurity about it just keeps getting worse.
\▪︎~▪︎\
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top