SPECIAL CHAPTER 3

Special chapter 3: Marriage proposal

ISANG malakas na sampal ang binitawan ko kay Maria Conrad. Nanggigigil ako sa kanya. Siya ang pinili kong maging ina ng magiging anak ng asawa ng best friend ko.

Siya na alam kong wala siyang gagawin at ibabalak na masama sa pamilya ni Xena. Kasi ang paniniwala ko sa kanya ay hindi siya ang tipong babae na mang-aahas ng asawa. Pero nagkamali ako. Mas malala pa siya sa mga ahas na iyon.

Nagpabuntis pa siya!

"Wala akong pakialam kung buntis ka, Maria Conrad. Ang kontrata ay kontrata! Aanakan ka lang ng asawa ng kaibigan ko! Hindi ang mang-ahas ka sa asawa niya! If I know ay ikaw ang unang lumandi sa kanya, 'no?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Gusto ko siyang sabunutan!

Namutla siya at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pangingilid ng mga luha niya. Mukhang natakot siya sa akin kaya bahagya pa siyang napaatras.

"Babantayan ko ang bawat kilos mo, Maria Conrad. Hindi pa tayo tapos," pagbabanta ko sa kanya saka ko siya iniwan doon.

"Water?" Alok sa akin ni Red at mabilis ko itong kinuha. Tinungga ko ang bottled water at nang maubos ko ang laman nito ay itinapon ko lang sa basurahan ng mansion ng kaibigan ko.

"Umalis na tayo rito," sabi ko.

PAG-UWI ko sa mansion namin ay napansin ko ang isang batang lalaking nasa may gate namin. Kumunot ang aking noo.

Bumaba ako sa sasakyan ko at napatingin sa paligid. Nasaan ba ang parents nito? Pinapabayaan nila, eh ang bata-bata pa...

Nakaputing shirt ito at shorts. Nakahawak sa gate namin na hanggang baywang ko lang ang taas. Bagong lipat lang kami nina Jinsen at Jinsel sa village na ito.

Lumipat na kami rito at matagal na palang binili ng asawa ang mansion na ito. Hindi niya lang sinabi sa akin.

"Hi," pagkuha ko ng atensyon sa kanya at gulat na tiningnan niya ako.

Pero baka ako ang mas nagulat nang makita ko na ang hitsura niya. Ang guwapong bata naman nito... Kung hindi ko lang kilala ang lalaking kamukha nito ay pagkakamalan ko silang mag-ama.

Seryoso lang akong tiningnan ng bata pero kalaunan ay ngumiti siya sa akin.

"You're bago po, right?" sabi niya at itinuro niya sa akin ang mansion namin.

"I want to be friend with your son, named Jinsel, hmm?" inosenteng sabi niya. Nangunot ang noo ko.

"Paano mo nalaman, little boy?" nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pisilin ang pisngi niya. Hindi naman siya kumibo.

"My father..." sagot niya, mas lalo akong naguluhan. Sino'ng ama naman niya ang tinutukoy niya? Hindi ko kilala.

Pero nasagot ang katanungan ko sa isip ko nang makita ko ang nagmamadaling lalaki na lumabas mula sa gate na nasa kabila namin. Our neighbor. Parang hihimatayin pa ito.

"Raizen, didn't I tell you to ask a permission to me, when you go out?" the man asked his son. Hindi niya ito kinakausap na parang hindi niya nagustuhan ang paglabas nito ng hindi nagpapaalam sa kanya. He's soft...

He ignored me and focused his attention on the boy. So, he's the father of this kid? How did this one have a child? As far as I know he has no wife? And he don't have a family of your own yet?

But it was impossible for him to adopt because they looked alike. Baliw lang ang hindi sila pagkakamalan na mag-ama.

"I'm sorry, Dada..." hinging paumanhin naman sa kanya ng anak niya.

Sa tingin ko ay hindi naglalayo ang edad nila ni Jinsel. Pero anak ba talaga ito ni Aizen?

Binuhat niya ang bata at ngayon niya lang ako napansin. Hindi man lang nagulat nang makita ako. Parang inaasahan na talaga niya ako.

"Oh, hayan na pala ang Tita Hersey mo, Rai."

"Hi..." bati ng anak niya sa akin at kumaway pa.

"Kailan ka pa nagkaroon ng anak?" gulat na tanong ko kay Aizen. Ngumisi siya sa akin at binalingan niya ng tingin ang anak niya.

"Answer her, Rai..."

"When I was born..." Umawang ang labi ko sa sinagot ng anak niya...

"Pilosopo, may pinagmamanahan talaga. No wonder na anak mo nga siya," umiiling na sabi ko.

"Rai, iyong isa pang sagot," pangungulit niya sa anak niya.

"When he adopted me," honest na sagot ng anak niya. Nalukot ang tungki ng ilong ni Aizen. Inampon? Hindi niya totoong anak? Impossible...

"Rai, hindi iyon..."

"When he started to flirt my Mom, then he impregnate her then tada... That's when he started to be a father to me." Gusto kong suntukin si Aizen dahil sa mga kalokohan na tinuturo niya sa anak niya.

Pero ang hinayupak, tumawa lang nang malakas at mukhang masaya talaga. Feeling proud din sa sinabi ng kanyang anak.

"Kung anu-ano ang itinuturo mo sa anak mo, Aizen," sabi ko at pinanliitan ko pa siya ng mga mata.

"Introduce yourself, my son."

"I'm Raizen Zhaixer... Los Dias... I'm his adaptive son, that's why I have him as my father," seryosong sabi ng anak niya. Nagugulat talaga ako sa lumalabas mula sa bibig nito.

"Rai, you're my son... Not adaptive..."

"Uhm, yeah?" walang ganang sabi lang ng kanyang anak.

"Kiss your Tita Hersey," utos niya at lumapit siya sa amin. Humalik naman sa pisngi ko si Raizen at ngumiti siya sa akin.

"Nice to finally meet you," sabi niya. Ang pagiging sweet niya ay namana sa kanyang ama.

Pero totoo ba'ng ampon lang siya? Imposible naman... Hindi talaga ako maniniwala sa kalokohan ng isang ito...

"He's a smart kid, Hersey. That's why he found out about my adoption, but that's not what matters to me. I loved him and I treated him like a real son," nakangiting sabi niya at napatingin sa kanya si Raizen. Umalog ang balikat nito at sumubsob sa leeg ng Daddy niya.

"Pero iyakin lang pagdating sa akin," natatawang sabi niya at marahan na hinagod niya ang likuran nito.

"Huwag mo nga akong pinagloloko, Aizen. Hindi mo ampon ang batang 'yan. Sino ang maniniwala sa 'yo, eh kamukhang-kamukha mo 'yan?" nakataas na kilay na saad ko sa kanya.

"Yeah... Maliit na version ko... Pero totoong inampon ko siya... Sa pangangalaga mismo ng Mommy mo, sa orphanage niyo," sabi niya at namilog ang mga mata ko sa nalaman.

Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ni Aizen dahil una kong nakita ang maliit na version niya?! Doon pa mismo sa orphanage kung saan si Mommy ang nagma-manage nito?

"Sa lahat ng mga batang inalagaan ng Mommy mo at mga tauhan niya, si Rai lang ang naiiba... It was his first birthday nang una ko siyang makita," kuwento niya. Tila bumalik siya sa nakaraan na iyon dahil halatang masaya siya.

"Inampon mo siya dahil kamukha mo lang?" tanong ko. Umiling naman siya sa akin at inayos ang pagkarga niya sa bata.

"Hindi. May naramdaman lang ako na kakaiba... Parang...lukso ng dugo? Aloof ang batang ito, eh... Mapili sa mga tao kahit ang bata-bata pa pero nang binuhat ko siya ay nagpaubaya siya at titig na titig sa mukha ko. Naguwapuhan yata ang anak ko sa akin," sabi niya at doon lang siya tiningnan ng anak niya.

"Dada..." tawag nito sa kanya at kunot na kunot ang noo ni Rai.

Pinunasan ni Aizen ang mga luha niya sa pisngi at mahinang humalakhak na naman siya.

"I fell in love with him at first sight, Hersey. I feel like...he's my son," sabi niya, nasa boses niya ang umaasa na sana nga ay anak na niya ang batang ito.

"Baka anak mo? Hindi mo lang matandaan na may nabuntis ka palang babae?" tanong ko. Umiling na naman siya sa akin.

"I only loved one woman, Hersey... But she didn't get pregnant because I was with her until her last breath. Also... I don't even know how it happened that our two bloods became a match. Call me crazy because we did a DNA test and the result came out 99.9 percent positive na mag-ama nga kami," sabi niya at nasa mukha pa rin niya ang hindi makapaniwala na positive ang lumabas na resulta.

Nakagugulat nga ang bagay na iyon.

"How did it happen?" I asked him curiously.

"Isang babae rin ang puwede kong nabuntis..." usal niya at tinakpan pa niya ang magkabilang tainga ni Raizen.

"Sino?"

"But I don't want to believe it. What's important to me is that Raizen is with me. Because I might hate her when I find out that she's Rai's mother at iniwan niya lang sa ere ang bata... Ayoko ng magalit pa sa kanya, Hersey... Ayoko ng dagdagan pa ang pananakit ko sa kanya..."

Magtatanong pa sana ako kung sino ba ang tinutukoy niyang babae nang marinig ko ang boses ni Jinsel. Kasama niya ang Daddy niya.

Nasa bahay lang ito at nagpapahinga pa lang bago siya bumalik sa trabaho niya.

"Rai, hindi ba gusto mo siyang maging playmate?" Aizen asked his son.

Sinulyapan ng bata ang anak ko at inosente naman siyang tiningnan nito. Ibinaba siya ng Daddy niya at hindi ko man lang nakita ang pagiging mahiyain niya. Feeling close din ang anak ni Aizen. Manang-mana sa kanya.

"Hello, I'm Raizen Zhaixer. Just call me, Raiz. Don't call me Rai, only Dada has the right to call me that, are we clear?" sabi nito at naglahad pa ng kamay.

Humalakhak na naman ang magaling niyang ama. Tuwang-tuwa talaga siya sa anak niya.

"Jinsel Grel," tipid na sabi lang ng anak ko at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Alam kong magiging matalik na magkaibigan ang dalawang ito," sabi ni Aizen.

"So, bahay niyo 'yan?" tanong ng asawa ko sa kanya. Tumango siya.

Tiningnan ko ang mansion. Ang laki rin nito at alam kong walang-wala ang loob nito.

"Asawa na talaga ang kulang," komento pa ni Jinsel.

Inaya namin sina Aizen at Rai-- oh, bawal nga raw tawagin siyang Rai, dahil ang Dada niya lang ang puwedeng tumawag sa kanya ng ganoon. Raiz na lang.

Inimbitahan pa namin sila na kumain na lang ng dinner dito at bago sila bumalik sa bahay nila. Mabilis na naging close ang dalawang bata. Hindi naman kasi nagkaroon ng kaibigan si Jinsel dahil sa naging problema namin noon at alam ko pati si Raiz dahil aloof daw ito, ang sabi ng Dada niya.

"Hindi ba sabi ko sa 'yo ay huwag ka nang magmamaneho pa ng kotse mo? Honey, buntis ka," pangangaral na naman sa akin ni Jinsen. Hindi ko siya sinagot.

Humiga lang ako sa kama dahil tinatamad na naman ako ngayon. I want to sleep...

"Huwag kang matulog," sabi niya, "Hersey..." tunog na nagbabantang sabi niya. I rolled my eyes.

Simula nang tinanggap ko nga siya ulit sa buhay ko at pinatawad. Heto at bumabalik kami sa dati, nakatutuwa dahil nararamdaman ko na wala ng gap sa pagitan namin. Na parang walang pagsubok at problema ang dumating sa buhay namin.

Hindi katangahan ang muling tanggapin mo ang isang tao sa buhay mo. Depende rin pa rin sa atin at saka lang tayo magdedesisyon kung nararamdaman natin na sincere naman sila at handang gawin ang lahat makuha lang ulit ang loob mo at kapatawaran. Kahit gaano ka pa nasaktan ng mahal mo ay mas matimbang pa rin ang pagmamahal mo sa kanya. Kaya nagagawa mo siyang patawarin...

Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. Nakangiti niya akong tinitigan.

"May iuutos ako sa 'yo, honey," malambing na sabi niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Huwag mo akong uutusan, Jinsen. Nakita mo ba'ng malaki na itong tiyan ko?" nakataas na saad ko. Ngumiti naman siya.

"Eh, ilang beses din kitang pinagsabihan na bawal ka ng magmaneho?" laban niya sa akin.

"Two months pa naman ito," katwiran ko.

"Magpapakuha lang ako ng T-shirt sa walk-in closet natin, hon..." paglalambing niya sa akin at umupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.

"Nasaan na ba si Jinsel?" tanong ko.

"Sige na..." Sumimangot lang ako at inalalayan naman niya ako para makabangon.

Naglakad ako palapit sa isang pintuan kung saan nandoon ang walk-in closet namin. Inuutusan pa niya ako pero heto siya at sinamahan pa ako. Siya pa ang nagbukas ng pintuan para sa akin at unang bumungad sa akin ang nakasimangot naming anak na nakaupo sa single sofa. May hawak siyang...

"Bakit ang tagal niyo po?" tanong ni Jinsel sa amin. Hindi ko naman inakala na nandito siya pero ang nakasulat sa placard...

"Will you marry my Dad?"

Nilingon ko ang asawa ko na malapad na ang ngiti niya. Kinuha niya ang kamay ko at isa-isa niyang isinuot sa akin ang dalawang singsing na ibinigay ko noon sa anak namin at ang isa pa na bago...

"Jinsen..."

"Marry me, again, honey..." sabi niya, nasa boses niya ang muntik ng mabasag at mabilis na namula ang mga mata niya.

Lumapit sa amin si Jinsel at hawak-hawak pa rin niya ang placard. Buntis ako kaya mabilis akong naging emotional.

"Ayos naman sa akin ang maging buo tayo at magkasama na... Hindi na kailangan pa ang magpakasal ulit tayo, honey..." sabi ko at nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Any moment ay mahuhulog na iyon.

"Pero gusto ko na hindi ko na mapapako pa ang pangako ko sa 'yo na hinding-hindi na kita sasaktan pa, Hersey... Na muli akong mangangako sa 'yo..." Hinawakan niya ang mukha ko at masuyong hinalikan ang noo ko.

"Please, marry me again..." Tumango ako at nakita ko ang pagdausdos ng mga luha niya...

"Thank you, honey... I love you... I love you, so much..."

"I love you, too..."

"Wait..."

Natawa kami pareho nang sumingit sa gitna namin si Jinsel bago pa man ako mahalikan ng Daddy niya.

Hindi ko inaasahan na muli niya akong aalukin ng kasal. Hindi ko naman naisip iyon noong mapagtanto ko na nasira ang pangako niya sa akin. Kaya muli niya akong pakakasalan...

Hinding-hindi ko ipagkakait sa kanya ang bagay na iyon...

Mahal ko siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top