CHAPTER 6

Chapter 6: Her rights

"NAPAKALAKING tarantado mo naman!" sigaw ko sa kanya at humalakhak lang siya.

Sa tindi nang pagtawa niya ay sumandal pa siya sa likod ng inuupuan niya at napahawak pa sa tiyan niya.

Gusto ko siyang suntukin.

"I'm just kidding, Ma'am. I'm not like that. That's not true, na I let my mens raped her. Hindi ako masamang tao. Binibiro lang kita dahil masyado kang seryoso but the truth is, ay gumagawa lang ako ng paraan para mabawi siya ulit. That's it. So, are you in?" tanong niya at sinamaan ko lang siya nang tingin.

O baka totoo naman? At binabawi niya lang.

"Siguraduhin mo lang, ha! Dahil kung totoo 'yang pinagsasabi mo ay ako pa mismo ang magpapakulong sa 'yo! Makikita mo!" sabi ko sa kanya at dinuro ko pa ang dibdib niya na marahan niya lang ibinaba.

"All right, Ma'am. I'll pick you up later?"

Umiling ako dahil ayokong sunduin niya ako. Hindi kami close.

"May sarili akong sasakyan," sagot ko.

"Alright, then. See you later," usal niya at tumayo pa siya.

Pagkalabas niya mula sa opisina ko ay tumayo naman ako at tinawag si Xeld.

"Ano po 'yon, Ma'am?" tanong sa akin ni Xeld.

"Sasama ka ba?"

"Gusto niyo po ba ng kasama, Ma'am?" sa halip ay iyon ang itinanong niya sa akin.

"Kung gusto mo lang naman na sumama," sagot ko at tumango lang siya.

"Sige po."

Bumalik ulit ako sa trabaho ko. Five pa lang ng hapon ay naghanda na ako.  Hindi ko na kailangan pang umuwi dahil may mga damit ako sa opisina ko.

Nagpalit lang ako ng dark blue crop top at black fitted pants naman. 3 inches ang taas ng heels ko. Naglagay lang ako ng kaunting make up at red lipstick.

Ang buhok ko na hinayaan ko lang nakalugay sa likod ko. Saka ko inabot ang sling bag ko.

"You ready, Xeld?" tanong ko sa secretary ko nang makalabas ako at nakita kong naghahanda na rin siya.

Malinis na ang table niya. Ganyan siya kalinis at maaasahan sa trabaho. Kaya gustong-gustong ko siya, eh.

"Puwede po bang sasaglit lang ako, Ma'am? Kailangan ko po kasing umuwi ng maaga. Wala sa bahay ang nanay ko." Tinanguan ko na lang siya bilang tugon.

Dumiretso kami sa parking at sumakay sa kotse ko. Sa Club House kami pupunta dahil doon gaganapin ang birthday ng Los Diaz na iyon. Kilala ko ang owner ng club na iyon at wala pa siya sa bansa.

Ilang minuto lang ang nakalipas at narating na namin ang club. Agad na kaming bumaba ni Xeld at napako naman ang mga mata ko sa pamilyar na sasakyan sa tabi lang ng kotse ko.

"Oh, great. Nandito ang asawa ko," nakangising sabi ko.

Ano naman kaya ang ginagawa niya sa lugar na ito? Eh, hindi naman siya umiinom ng alak.

"Let's go, Xeld. Saan ba natin makikita si Los Diaz?" tanong ko.

Bumungad sa amin ni Xeld ang malakas na music ni DJ at ang maiingay na boses ng mga customer. Wala namang ilegal na ginagawa rito dahil kilala ko nga ang owner.

"Nandoon po yata, Ma'am oh," sagot sa akin ni Xeld at may itinuro sa isang banda.

Tumaas ang kilay ko nang makita kung sino ang kasama niya roon. Magkakilala ba sila? Kasama pa niya si Sarina.

Walang emosyon at taas noo akong lumapit sa kinaroroonan nila. Nasa likod ko lang si Xeld.

"Good evening," formal na bati ko sa kanila.

Dalawang lalaki at tatlong babae ang kasama ni Los Diaz na hindi ko naman kilala. Maliban sa dalawang taong ito. Ang asawa ko at ang lintang kabit niya.

Pinasadahan ko nang tingin si Sarina. Crop top din ang suot niya at mini-skirt pababa. Sobrang taas ng heels niya. In fairness, mukha siyang tao ngayon.

Si Jinsen, sky blue na long sleeves na naka-fold hanggang siko niya ang sleeves na suot niya. Dark blue pants at makintab pa sa sahig ang suot niyang black shoes.

Inirapan ko siya ng makitang nakatingin siya sa akin pero bumaba lang ang tingin ko sa braso niya na may lintang nakakapit doon.

"Hersey, good evening," Los Diaz greeted me back at tumayo pa siya para alalayan kami ni Xeld na umupo sa tabi niya.

Guwapong-guwapo siya sa suot niyang polo-shirt at puting pants.

"This is Hersey J-nea, guys. Hersey, my friends." Napaka-boring talaga ng isang ito. Iyon lang ang pakilala niya.

Kanya-kanyang bati naman ang mga kaibigan niya at hinintay kong magsalita ang dalawa.

"Hello, Hersey. I'm Sarina Alfred, nice meeting you," friendly na pakilala ni Sarina sa akin. Napaka-plastic at gusto kong sumuka. Tss.

Magkatapat lang kami ng inuupuan at sa nasa tabi pa niya ang asawa ko. Prenteng nakasandal din sa headrest at parang hindi naman siya interesado na makilala ako o wala lang sa kanya ang makita ako rito.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Ayokong hawakan ang kamay mo. Grr. Madumi 'yan, eh.

Pero para hindi siya mapahiya ay tinanggap ko iyon pero agad ko ring binitawan.

"Hersey, she's the CEO of L. Angency Company and Security Angency. Kilala mo siya, right Doctor Jinsen?" Gusto kong sikuhin si Los Diaz.

Bakit niya pa tinatanong ang lalaking ito? Eh, halatang hindi niya ako kilala! Dahil sa amnesia niya.

Tumingin sa akin si Jinsen na akala mo ay tinatamad pa na bigyan ako ng atensyon. Parang wala lang sa kanya ang tingnan ako.

"I don't know her, sorry," malamig na sagot niya. Kumuyom ang kamao ko sa ilalim ng table at hayon na naman ang pamilyar na pakiramdam.

Darn it, paulit-ulit akong nasasaktan.

Sumunod pa ang tingin ko sa braso niya na umakbay kay Sarina at ang lintang kabit naman ay palihim na nginisihan ako. Nagawa pa niyang humilig sa dibdib nito.

Parang sinasabi nito na nanalo siya.

"Hindi ka ba komportable rito? Nag-booking naman ako ng VIP room pero mas gusto raw nila ang open para masaya."

"I'm fine. Just give me a drink," sabi ko.

"Okay. What do you want to drink, Hersey?" Ako lang ba o sadyang namali lang ako sa pagkakarinig ng boses niya? Bakit sobrang lambing ng boses niya?

"Anything," maikling sagot ko at madalas kong sulyapan ang dalawa na naglalandian na.

"Okay, how about you Ms. Krayt?" tanong niya sa secretary ko na kanina pa tahimik.

"Just a juice, Sir," magalang na sagot ni Xeld kay Los Diaz.

"All right."

May tinawag lang si Los Diaz na waiter at nag-order ng maiinum.

Nang dumating ang drinks namin ay agad ko na itong kinuha at uminom. Panaka-naka pa rin akong nakatingin kay Jinsen na hindi na ako binigyan pang pansin.

See? Nasa iisang lugar na kami at mahirap pa rin kunin ang atensyon niya. Nakatutok sa girlfriend niyang kabit.

Hindi ako tinatablan ng alak kaya nanatiling strong ang pose ko kahit mukhang inaantok na ako.

Kami lang ni Xeld ang tahimik buong party ni Los Diaz hanggang sa nagpaalam na nga si Xeld at ako na lang ang naiwan kasama sila.

Marami na rin ang nainom ni Los Diaz pero mukhang hindi pa siya tipsy.

"Excuse me," ani ko at tumayo.

"Where are you going, Hersey?" tanong sa akin ni Los Diaz.

"Washroom," tipid na sagot ko at tumalikod na.

Tinungo ko ang washroom at pumasok sa isang cubicle para magbawas ng tubig sa katawan.

Mariin na pinikit ko ang mga mata ko at nilalabanan ang antok ko. Hindi ako nalalasing agad pero madali akong antukin.

Nawala lang ang yata ang antok ko nang marinig ko ang boses ni Sarina.

"Nag-propose na sa akin ang boyfriend ko, Jean. Ang sweet niya, 'no?" Pumintig ang sentido ko sa narinig.

Si Jinsen? Nag-propose sa kanya? Kailan iyon?

Nanatili ako sa loob ng cubicle kahit tapos na ako. Gusto ko lang marinig ang sasabihin pa ng lintang kabit na ito.

"Kailan? Wow, excited ako!"

Kung hindi ako nagkakamali, ang babaeng kasama niya ay iyong kaibigan din ni Los Diaz.

"Invited ako sa kasal niyo, ah!"

"Sure! Hindi na rin ako makakapaghintay na magamit ang surname niya!" Pinitik ko ang buhok kong nakatabi sa mukha ko at tumaas ang kilay ko.

Halatang hindi ka na makapaghintay, dear. Excited much, eh?

"Pero sure ka ba na ang babaeng kasama ni Aizen ang asawa ni Jinsen? Talagang hindi siya natatandaan ng asawa niya, 'no? Balewala lang sa kanya ang presensiya nito." Tsismosa.

"Ex-wife! Ex-wife na niya iyon. Sasabihin ko rin kay Jinsen na sa akin talaga si Jinsel. Na ako talaga ang ina ng anak ko o kaya naman sasabihin ko na patay na talaga ang Mommy ni Jinsel."

Hindi ko na natiis pa ang sinabi niya kaya lumabas na ako. May kalakasan ko pang isinara ang pintuan kaya pareho silang nagulat.

Namutla silang dalawa nang makita ako.

"What did you say, Sarina?" walang emosyon na tanong ko sa kanya at unti-unti akong lumapit sa kanila.

Akmang aalis na sana ang isa nang hablutin ko ang maikli niyang buhok. Dumaing siya sa sakit at impit na tumili pero hindi man lang makalaban sa akin. Ang weak nito.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo," mariing utos ko kay Sarina.

"Na patay ka na..." sagot niya at malakas na tumama ang palad ko sa pisngi niya.

"Ang kapal ng face mo, ha? Linta ka na at kabit pa. Ngayon mang-aangkin ka ng anak ng iba? Kinuha mo na nga ang asawa ko sa akin tapos ngayon may balak ka pang angkinin ang anak ko? Magpabuntis ka na lang sa ibang lalaki katulad ng madalas mong ginagawa noon," malamig na sabi ko sa kanya. Punong-puno ng insulto.

Magsasalita pa sana siya nang muli ko siyang sampalin. Hindi rin nakawala sa kamay ko ang kaibigan niya at pilit na tinatanggal nito ang kamay ko sa buhok niya pero mas hinihigpitan ko ang pagkakasabunot ko rito.

"Hindi pa ako tapos magsalita!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

Marahas na hinawakan ko ang kamay niya kung saan makikita ang pinagmamayabang niyang singsing.

Oh, mukhang expensive nga at malaki ang diamonds.

"Nag-propose na siya? Masaya kung ganoon," nakangising sabi ko at tinulak ko ang kaibigan niya. Sa lakas no'n ay bumagsak siya sa trashbin at dumaing na naman.

Nanatili pa ang mga babae na kakalabas lang mula sa cubicle at ang iba ay hindi na pumasok nang makita ang eksena sa loob ng banyo.

Binuksan ko ang pintuan ng isang cubicle at hinila roon si Sarina.

"What are you doing?!" she asked me. Halata sa boses ang takot.

Mahinang tumawa ako.

"Para worth it naman ang pagkakabili niyan sa 'yo. Kaya dapat gawin natin ito," usal ko at hinila ko ulit ang kamay niya na pilit niyang binabawi mula sa akin pero hindi niya magawa.

"W-What?! What---ahh! Oh, my God!" hysterical na sigaw niya nang ilublob ko ang kamay niya sa loob ng inidoro.

Para akong demonyo na tawang-tawa dahil sa reaction niya.

"Let me go! Jinsen! Jinsen!" I rolled my eyes nang tawagin niya ang asawa ko.

"Pasalamat ka sa akin ay hindi 'yang pagmumukha mo ang nilublob ko riyan. Nasa daliri mo kasi ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito," nanunuyang sabi ko at iyak lang siya nang iyak.

"Hindi pa kami hiwalay ng asawa ko. Kaya ako pa rin ang legal at nasa akin ang rights, bitch."

Nang marahas na gumagalaw siya at sinabunutan ko ang buhok niya.

"Dear, huwag mo akong kalabanin dahil masisira lang ang buhay mo na ang asawa ko pa ang nagpapasaya sa 'yo," I added.

Nabitawan ko lang siya nang marinig ko ang boses ni Jinsen at kumakatok pa sa pintuan na sakto sa cubicle namin.

Hindi ako takot na mahuli na ginagawa ko ito sa babae niya pero baka magtaka siya kung bakit ko nga binu-bully ang babaeng ito.

Pero sa mga sinabi ko ay sana wala siyang narinig...

"Babe? Sarina, are you there? Why are you crying? Sarina... Answer me, babe!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top