CHAPTER 48

Chapter 48: Ring

NANG makuha ko na ang cellphone ni Jinsel ay tinitigan ko pa ito. Sa pagkakaalala ko ay hindi ako ang bumili nito. Noon ay madalas niyang itago sa akin ang bagay na ito.

Dahil alam niyang pagbabawalan ko siya na gumamit nito dahil napakabata pa niya ero mapilit din ang anak ko. Tapos ang dahilan lang pala ay para matawagan niya ang Mommy niya. Hindi ko naman siya magawang pagalitan at that time.

"What's your password, son?" I asked him.

Ang bata-bata pa ay nilalagyan na ng password or rather say, passcode? May own privacy na siya, na akala ko ay lihim na itinatago sa cellphone niya.

"It's zero one and twenty one," he answered at pinindot ko na ang ibinigay niyang password ng cellphone niya. 0121.

"What's the meaning of 0121, baby?" tanong ko. Kasi sa halip na birthday niya ang ilagay rito ay ang 0121 pa... Malayo sa 1101, his birthday is November first.

"It's my Mom's birthday, Daddy." I nodded. January 21, ang birthday niya?

Dalawang numero lang ang nasa contact niya. Phone number ko ang isa at sa... Mommy HJ niya. Walang picture sa contact nito.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Itinapat ko sa tainga ko ang phone. Umaasa ako na sasagutin niya ang tawag dahil ang alam niya ay si Jinsel ang tumatawag sa kanya sa mga oras na ito.

Nginitian ko ang anak ko nang makita kong nakatingala siya sa akin habang nakadikit ang kanang pisngi niya sa dibdib ko. Naghihintay rin siya na sasagutin ng Mommy niya ang tawag.

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pag-ring nito sa kabilang linya. Gumagana pa...

I wonder what she is doing now? Where could she be? Alam na ba niya na may sakit ang anak niya?

Hinintay ko na lang na may sasagot sa kabilang linya pero ilang minuto ang nakalipas ay wala pa rin. Hindi niya sinasagot.

Ilang ulit ko ring sinubukan pero wala pa ring nangyayari. Nag-aalalang tiningnan ko ang anak ko. Nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Maybe she's busy, Jinsel... Let's call her later?" tanong ko.

Bumuntonghininga siya na akala mo ay may malaking problema siya na kahit parang ganoon naman talaga. Hindi sumasagot sa tawag ang Mommy niya. Hinahayaan lang ito na mag-ring.

"Okay po, Dad. Next time," matamlay na sabi niya.

I put his back in his bed and guide him to lay down. I put a blanket on him.

"Take a rest, maybe your Mom will answer later. I'll leave a message for her," I told him. He just nodded his head.

Nagtipa ako sa keyboard para mag-iwan na lang ng message.

"𝘈𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘢𝘭𝘭. 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘰𝘯 𝘸𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘵𝘢𝘭𝘬 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘰𝘳 𝘣𝘦𝘵𝘵𝘦𝘳 𝘺𝘦𝘵 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘷𝘪𝘴𝘪𝘵 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘢𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯. 𝘏𝘦'𝘴 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶." I hit the send button. Hoping she's the one to call just in case she's busy at this time.

Nakatulog ang anak ko at hindi ako umalis sa kuwarto niya. Binantay ko siya kahit na alam kong nasa ibaba pa si Sarina, na naghihintay rin na balikan ko.

Hindi ko rin inalis ang tingin ko sa phone na nasa mga kamay ko ngayon. Umaasa rin ako na sana may litrato siya pero wala.

Pictures lang ni Jinsel lahat. Parang...parang itinatago niya rin sa akin kung sino ba talaga siya. Mas lalo lang mananakit ang ulo ko nito.

Ilang ulit kong tinawagan ang phone niya pero tanging pag-ring lang mula sa kabilang linya ang naririnig ko.

Busy ba talaga siya o sinasadya niya lang hindi sagutin ang tawag?

"𝘖𝘶𝘳 𝘴𝘰𝘯 𝘪𝘴 𝘴𝘪𝘤𝘬. 𝘞𝘩𝘺 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘢𝘭𝘭? 𝘏𝘦 𝘸𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘵𝘢𝘭𝘬 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶."

Her inbox must have been filled with hundreds and any 'okay' reply I didn't receive anything. Darn it.

PERO hindi kami tumigil ng anak ko. Patuloy pa rin namin siya tinatawagan. Mas lalong naging matamlay si Jinsel ng hindi na talaga nito sinasagot ang tawag.

Gayon pa man ay hindi ako sumuko... Para ito sa anak ko. Para sa kasiyahan niya.

Gumaling na sa sakit si Jinsel at pilit na ibinabalik niya ang dating sigla niya pero hindi pa rin niya magawa, and he also missed his Tita Hersey.

Madalas ay naririnig ko na binabanggit niya ang Mommy niya at ang pangalan ni Hersey habang natutulog siya.

"𝘔𝘰𝘮𝘮𝘺... 𝘏𝘦𝘳𝘴𝘦𝘺..."

I feel sorry for my son... It seems like I just realized it now... I made a wrong decision again. Pero wala na... Heto na, kailangan ko nang panindigan pa.

Hindi ko na rin hinayaan pa si Jinsel na matulog nang mag-isa sa loob ng kuwarto niya. Sinasamahan ko na siya.

Dahil noong isang gabi ay hinanap ko siya sa kuwarto niya. Bago kasi ako natutulog ay tinitingnan ko pa kung mahimbing na ba ang tulog niya.

Sobra ang pag-aalala ko nang hindi ko siya madatnan sa kama niya. Ang akala ko sa mga oras na iyon ay nawala na naman siya sa akin. Na kinuha na naman siya ni...

Alam kong imposible ng mangyari pa iyon. Dahil hindi na talaga nagpakita pa sa amin si Hersey.

At nakita ko lang siya na nasa labas ng veranda niya. Nakaupo lang siya at walang imik.

Tila may hinihintay siya roon at hindi man lang pumasok sa kuwarto niya. Dala-dala pa niya ang dalawang music box niya. Kung hindi ko lang siguro narinig ang tunog ng musika ng laruan niya ay baka hindi ko siya makita roon. Baka makatulog pa siya roon. Lalo na malamig na sa gabi.

"Why are you here, son? Malamig na rito, Jinsel," nag-aalalang sabi ko at mabilis na pinangko ko siya.

Pumasok kami sa kuwarto niya at isinara ang sliding door nito. Maingat na ibinaba ko siya sa kama niya. Nanginginig siya sa lamig.

Umiiyak na naman siya siguro kaya nababasa ang pilikmata niya. May bakas ng luha rin ang kanyang pisngi.

Iyon ang gabi na unang natulog ako sa kuwarto niya para may makasama siya ay mabantayan ko na siya.

Nasa guestrooms din namamalagi si Sarina.

Iyong unti-unti ko nang binibigyan ng maganda at kompletong pamilya ang anak ko ay parang hindi pa sapat sa kanya. Tila may kulang pa at parang hindi siya masaya. Kahit naging mabait sa aming mag-ama si Sarina.

Pero iba pa rin ang hinahanap niya... Iba pa rin ang gusto niya.

"WHAT'S this, Jinsel? What are these papers?" malamig na tanong sa akin ni Daddy. Ipinakita niya sa akin ang mga papel na kabibigay ko lang din sa kanya.

"I want to contact my wife, Dad. I want to annual our marriage," seryosong sabi ko.

Jinger Elmor Montallana, my father is a retired Neurologist Doctor. He retired early because he knew I could run the hospital all by myself at malaki rin ang tiwala niya sa akin. Hindi dahil ay anak niya ako, kundi nakikita niya raw ang potential ko bilang doctor at kayang patakbuhin ng maayos ang hospital namin.

My father isn't the only one holding Montallana hospital. There are already a few branches of hospitals abroad but my cousins on Mommy's side were the ones who were running it until now.

My parents just returned from abroad and stayed here for good. Doctor din noon si Mommy.

Sinadya ko ring dalawin sila ni Mom kasama ang anak ko. Si Sarina naman ay may physical therapy siya at kasama niya ang Mommy niya.

"Jinger!" Mom shouted at Dad when he stood up. Daddy grabbed the collar of my longsleeve and was ready to punch me if Mom didn't just stand between us. Para pigilan niya si Dad sa ano man ang gawin nito sa akin.

"What are you doing, Jinger?! You're going to hurt your son?! Nag-iisip ka pa ba?!" umiiyak na sigaw ng Mommy ko kay Dad.

Nabitawan ako nito at halos habulin ko ang sarili kong hininga. Sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa collar ko kanina.

"This!" Dad shouted and he grabbed the papers from his table.

He tore them all up and threw them one by one on the floor. Ngayon ko lang nakita si Daddy na nagalit. Mabuting ama siya at hindi kailanman niya ako pinagtaasan ng boses. Ni hindi niya ako nasaktan noon. Ngayon lang...

Ngayon lang siya nagalit sa akin...

"Are you still thinking, Jinsel Grel?!" asik niya sa akin.

"Stop it, Jinger! Don't raise your voice at your son! You know his situation!" sigaw rin ni Mommy sa kanya. Hindi siya pinansin ni Dad at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nababasa ko rin sa mukha niya ang disappointment sa ginawa ko.

"You want to annul your marriage with your wife because you want to marry that woman?!" galit na galit na tanong sa akin ni Daddy. Namumula ang mukha at leeg niya, bumabakat ang ugat sa sentido niya...parang mapuputol pa.

Malakas na napasinghap si Mom dahil sa narinig at hindi makapaniwalang tiningnan niya rin ako.

"Ano'ng... ano'ng ibig sabihin nang sinabi ng Daddy mo, Jinsen? G-Gusto mong hiwalayan ang asawa mo?" umiiyak na tanong niya sa akin.

"I'm tired of everything, Mom... I just want that thing..." walang ganang sabi ko.

"Jinsen, I let your Mom do what she wanted... The one who will decide for you even though we know we are no longer the same story to enter... Because we both know that you can solve your problems with your wife. But your Mom loves you so much, she was worried about your amnesia, that even the happiness of someone else she sacrificed," mahabang saad sa akin ni Dad. Hindi ko siya maintindihan dahil hindi ko rin alam kung kaninong kasiyahan ba ng taong iyon ang isinakripisyo ni Mommy para lang sa akin.

At bakit nga ba ginawa iyon ng nanay ko? What's the reason and does that even matter anymore? Kailangan pa ba'ng sabihin sa akin ang mga bagay na iyon? What is the connection between me wanting to divorce my wife and file for annulment?

"I didn't raise you like that, either! I don't have a son that's stupid at nagiging bulag sa mga paligid niya!" sigaw pa niya at mas lalong napaiyak ang Mommy ko.

"B-Bawiin mo iyon, anak... Huwag mong gawin iyon... Please, huwag mong... hiwalayan ang asawa mo..." umiiling na saad ni Mommy sa akin.

"Pabor ka naman sa amin noon ni Sarina, hindi ba, Mom? Bakit ngayon... mukhang ayaw mo na sa kanya? Bakit hindi niyo na lang ako hayaan pa na magpakasal sa iba?" pagod na pagod na tanong ko sa kanya.

"Hindi mo siya mahal! Jinsen... Hindi mo naman siya mahal para pakasalan mo siya! Hinding-hindi matutuwa sa 'yo ang anak mo kapag nalaman niya ang bagay na ito!" sabi sa akin ni Mommy. I shook my head.

"Matatanggap pa rin niya ang desisyon ko, Mommy..."

"Jinsen, I know your son is so young but he is not like those kids who only know how to play! Your child thinks differently than the kids out there! Think about it, please... Please think, my son... Don't you ever do such a thing... Please..."

"Hindi ko alam kung saan kami nagkulang ng Mommy mo sa pagpapalaki sa 'yo, Jinsen. Matalino ka naman, para saan pa at naging tanyag na doctor ka? Pero bakit nagiging bobo ko sa lahat ng bagay?" walang buhay na tanong sa akin ni Daddy.

"Just tell her that I want a divorce. I want to meet her to discuss our marriage," mariin na sabi ko.

"Jinsel Grel!" Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng parents ko at malalaki ang mga hakbang ko na lumabas mula sa kuwarto nila.

Dumiretso ako sa living room kung saan nandoon ang anak ko na naglalaro. Binabantayan siya ng isa sa kasambahay ng parents ko. Hindi naman siya malikot, maliban sa restaurant na pinupuntahan namin.

Nakita kong nakaupo siya sa may sofa na hawak ang phone niya. Alam kong sinusubukan pa rin niyang tawagan ang Mommy niya.

Napatingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha. Hindi pa siya nakakapagsalita nang agad ko na siyang binuhat.

"Let's go home, son," sabi ko at yumakap na lang din siya sa leeg ko.

"Did something go wrong, Daddy?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Sinilip pa ang mukha ko.

I shook my head, "You told me... That your Mom...she loves me?" tanong ko na ikinatango niya.

"Yes po, Daddy..." mahinang sagot niya.

"Then let your Daddy force your Mom to show herself to us... Halatang pinagtataguan tayo ng Mommy mo," naiinitan na sabi ko at nagtatagis ang bagang ko.

Hindi ko naman iyon gusto pero sa tingin ko ay iyon lang ang bagay na puwedeng magpakita na siya sa amin.

Hindi rin naman sinasabi sa akin ng anak ko ang buong pangalan ng Mommy niya. Limited lang ang impormasyon na ibinibigay niya sa akin.

"What... What did you do this time, Dad?" tila kinakabahan na tanong niya sa akin.

"You didn't help me para hanapin ang Mommy mo. Maliban sa phone mo, Jinsel," sabi ko.

"What...what, Daddy? Paano mo po mapipilit si Mommy na magpakita sa atin?" interesadong tanong niya sa akin.

"I don't need someone else for us, from now on. I want your Mom and I'll cancel my engganyo with your Tita Sarina."

"Ano po?" Namilog ang mga mata na tanong niya.

"I want your Mom and I'll use the divorce papers para magpakita na siya sa atin..." nakangising sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top