CHAPTER 44

Chapter 44: Rejection

"I'M sorry... I'm not coming with you. Please, don't force me..."

"J-Jinsel... What are you talking about?" nagugulat na tanong ko sa kanya.

"Let's go, babe. Bigyan natin sila ng privacy... Jinsel, baby..." I ignored Sarina.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay lumapit sa kanya si Jinsen at pumuwesto ito sa likuran niya para maitulak siya sa wheelchair niya. Ibinaling ko ang buong atensyon ko sa anak ko.

"Jinsel... Ano'ng..."

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko nang pilit siyang lumalayo sa akin. Nasaktan ako dahil parang iniiwasan niya ako. Nasasaktan ako sa ginagawa niyang ito sa akin. Bakit parang nagbago siya?

Ano'ng mayroon? Ano'ng nangyayari?

"Jinsel, w-what's wrong, baby? B-Bakit n-nagbago ang isip mo? What happened? B-Bakit biglang ayaw mo na?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. Nagawa kong lumuhod sa harapan niya kahit na kumikirot ang sugat ko pero ininda ko pa rin iyon dahil gusto kong malaman ang totoo kung bakit nagbago ang isip ng anak ko.

Kung bakit biglang ayaw na niyang sumama sa akin. Nasaan na ang binitawan niyang pangako sa akin na pipiliin pa rin niya ako? Na sasama pa rin siya sa akin?

Na mas gugustuhin niya ang sumama sa akin at iwan ang Daddy niya?

"Jinsel... Sagutin m-mo ako, baby... Bakit ayaw mo ng sumama kay Mommy? Bakit ayaw mo na bigla?" naluluhang tanong ko sa kanya. Niyugyog ko pa ang kanyang mga balikat upang sagutin ako.

"I'm tired, Mommy..." mahinang sagot niya. Hindi ko matukoy kung saan siya napapagod.

Sa paghihintay ba sa akin? Sa mga pangyayari na ito o pagod na siya sa pagtakas namin na hindi natutuloy?

"Jinsel..." sambit ko sa kanyang pangalan.

"A-Ayoko na pong ganito tayo palagi, Mommy... At ayoko na pong sumama sa 'yo..." Parang patalim lang ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya.

Sumikip ang dibdib ko at hindi makapaniwalang tinitigan ko ang anak ko. Bakit sinasabi niya ito sa akin?

Puro na lang bakit at ang hirap tanggapin ang mga isinasagot niya sa akin. Ang hirap paniwalaan, eh...

"You promised me na sasama ka kay Mommy... No matter what... You promised me that you will choose me before you choose your father... But why...why you suddenly change, baby? M-May nagawa ba si Mommy na hindi mo nagustuhan? M-May nagawa ba ako?" Umiling siya sa tanong kong iyon. Kumislap ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha. Nagtaas baba ang kanyang dibdib at parang nahihirapan siyang huminga.

"What is it, son? What? Dahil ba... dahil ba pareho tayong nabigo na hindi tayo agad nakaalis? Dahil ba roon? Babalik ako ulit dito... kukunin ulit kita at aalis na tayo..."

"No... Don't do that, again... Hindi na ako sasama sa 'yo, Mommy... Please... Dito na lang po ako... H-Hintayin na lang natin si Daddy na makaalala, Mom. Please... Dito na lang po ako..." nakikiusap na sabi niya at tuluyang nahulog ang mga luha ko sa aking pisngi.

Ang hirap iproseso ang mga sinabi niya sa akin. Parang hindi ko agad naintindihan. Tinanggihan niya ako... Hindi na raw siya sasama sa akin. Bakit?

"Ang sabi mo... Sasama ka sa akin," umiiyak na sabi ko sa kanya. Marahan na hinila ko ang kamay niya at yumakap sa maliit na katawan niya.

"Jinsel... S-Sinasaktan mo lang si Mommy..."

"A-Ayoko pong mapahamak ka pa, Mommy... Nakita kita... I saw you fighting with bad guys...and I don't want to witness that again... Please, Mom... Don't do that again..."

Nag-aalala ba siya ng dahil lang doon? Ayaw niya lang ba ang makita ako na nasa peligro ang buhay ko? Iyon lang ba ang dahilan niya?

Iyon lang ba? Dahil handa akong maging maingat sa pagkatakas naming muli... Marami akong mga tauhan na puwedeng magbantay sa amin sa pag-alis namin...

"Please, son... Mommy can fight... Kaya ni Mommy ang sarili niya, sumama ka na sa akin... Sumama ka na sa akin, baby... Puwede kong utusan ang mga tauhan ni Mommy para makaalis na tayo rito ng hindi tayo nahuhuli nino man..." pangungumbinsi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pamamasa ng damit ko sa balikat dahil doon nakabaon ang mukha niya.

"I'm sorry, Mommy... I'm s-so sorry, Mommy... I can't be with you... Let me stay with Daddy po... Let me... Okay na po sa akin ang m-makita kang nasa m-malayo ka, Mommy... Please, don't ever try to escape with me... Just go, Mommy..."

Yumugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko. Ang sakit sa puso... Mabigat sa dibdib ang tanggihan ka ng sarili mong anak...

Hindi ko inaasahan ang mangyayari ito sa akin... Ang hindi ka na kayang paniwalaan pa ng mahal mo sa buhay... Ang anak mo na siya na lang ang dahilan para ipagpatuloy ang buhay mo na sobrang bigat na...

Hindi ko naisip na darating pa ang araw na ito na tatanggihan ako ng anak ko... Na makasama ko siya...

"J-Jinsel... B-Bakit ayaw mo ng makasama si Mommy? Hindi mo na ba ako love? Ayaw mo na bang makita si Mommy?" tanong ko at hinawakan ko ang mukha niya. Basang-basa na ang pisngi niya dahil sa sunud-sunod na pagbuhos ng mga luha niya. Namumula ang mga kilay niya at ilong.

"I'm sorry po... I'm sorry... I'm s-sorry, Mommy," paulit-ulit na sambit niya.

"Jinsel, ayaw mo na ba talaga? Ayaw mo na kay Mommy?" humihikbing tanong ko sa kanya. Mabilis siyang umiling.

"I love you, Mom... I love you, so much and God's know I want to be with you...but not now, Mom... I can't, I can't... Hindi ko kayang nakikitang napapahamak ka pa just because of me, Mommy..." basag ang boses na sabi niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"May tumatakot ba sa 'yo, Jinsel? Si Sarina ba? Siya ba ang nananakot sa 'yo, anak ko?" seryoso tanong ko at halos mandilim ang paningin ko na posible ang naisip ko.

Tinatakot niya ang anak ko... Kaya ako tinatanggihan ngayon ni Jinsel dahil may taong kumausap sa kanya...

Tatayo na sana ako pero mabilis na yumakap siya sa akin at pinipigilan ako.

"W-Wala po, Mommy... Gusto ko lang na maging safe ka, Mommy... Please... W-Wala pong nananakot sa akin... Wala po..."

"Trust me, Jinsel... I can handle this... Makakaalis tayo this time... Hindi tayo mahuhuli... Please, sumama ka na sa akin... Sumama ka na sa akin, baby ko... Please, Jinsel... N-Nakikiusap si Mommy... Sasama ka..." Tanging pag-iling ang ginawa niya at hindi niya binawi ang sinabi niyang hindi na siya sasama sa akin.

Sa halip binigyan niya ako ng finality na mananatili siya sa piling ng Daddy niya at hinding-hindi na siya sasama sa akin.

Mas lalong nadurog ang puso ko at wala akong nagawa... Nagsimulang namanhid ang puso ko...at parang nawala na ako sa huwisyo.

Inilayo siya ni Sarina sa akin at nakatulala lang ako. Hanggang sa hinatid ako ni Jinsen palabas.

Hindi ko nagawang saktan si Sarina kahit gustong-gusto ko pa... May nag-uudyok din sa akin na huwag siyang gagalawin...

Pero dahil kating-kati ang mga palad kong manakit ay ang asawa ko ang pinuntirya ko.

Malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Bago pa niya ako matitigan ay muling dumapo ito sa kaliwang pisngi niya.

Hindi siya umimik... Hindi niya ako pinigilan na saktan siya nang paulit-ulit. Nagawa kong hampasin ang dibdib niya kahit alam kong puwedeng bumuka na naman ang tahi ko. Pero iyong sakit na iyon ay hindi ko man lang maramdaman.

"Kasalanan mo ito! Kasalanan mo ang lahat ng ito, Jinsen! Sasama sana sa akin ang anak mo! Pero pati ay nilalason ng babaeng iyon! Ikaw ang may kasalanan na ito!" sigaw ko sa kanya.

Lahat ng sama ng loob ko, sakit at hinanakit ay inilabas ko sa pamamagitan ng pananakit ko rin sa kanya.

Hindi ko na halos mabilang pa kung ilang ulit kong pinaghahampas ng mga kamay ko ang dibdib niya. Ang magkabilang pisngi niya ay namumula na dahil wala ring tigil ang pagdapo ng mga palad ko sa kanya...

"Sa lahat ng ginawa ko... Sa sakripisyo ko para sa inyo... Ito lang ang babalik sa akin, Jinsen? S-Sama ng loob?!" may hinanakit na sumbat ko sa kanya.

"Wala akong ginawa kundi ang panatilihin na maging maayos ang pamilyang ito...pero napapagod na ako... Napapagod na ako, Jinsen... Nakakapagod ang ipaglaban ang pamilyang masyado ng malaki ang pagkasira nito..." nanghihinang saad ko at tinitigilan ko na ang pananakit sa kanya. Dahil wala namang nangyayari.

Hindi rin naman siya nasasaktan sa ginawa ko. Kahit dumugo pa ang labi niya ay hindi ko pa rin nakita na nasaktan siya...

"What... What are you talking about, Hersey?" gulat na tanong niya sa akin.

Humakbang ako paatras at mabilis na hinawakan niya ang siko ko para lang huminto ako sa ginagawa kong paglayo mula sa kanya.

"Sa loob ng dalawang taon na iyon... Jinsen... Wala akong ginawa kundi ang magpaubaya...ang dumistansya... Ang isakripisyo ang sarili kong kasiyahan... Nanatili ako sa madilim na lugar... Ilang taon kong iningatan at minahal ang relasyon na iyon... Pero nakakapagod na... Nakakapagod lang... Nakakapagod din pala... Ayoko na ring magpatuloy pa, Jinsen... Ayoko na... Ang sakit niyong mahalin..." umiiyak na sabi ko at may panibago na namang mga luha ang nahulog mula sa aking mga mata.

Humagulgol ako at walang ginawang iba ang asawa ko kundi ang bitawan ako. Natulala siya at parang napako na sa kinatatayuan niya. Pinanonood niya lang ako sa malakas na pag-iyak ko.

Nakita ko ang pagsilip ng anak ko sa may pintuan. Tila gusto niyang lumapit sa akin pero may pumipigil... May pumipigil lang sa kanya...

Nakikita ko ang pag-iyak niya... Hindi ko siya susukuan... Kukunin ko pa rin siya... Babalik pa rin ako rito... Babalik ako at isasama ko siya sa pag-alis ko.

Siya na lang ang mayroon sa akin at hindi ko hahayaan na pati siya ay mawawala sa akin. Hindi ko na kaya...

"Hersey..."

Mabigat man sa dibdib... Pinunasan ko ang mga luha ko at taas noo ko siyang tinitigan.

"Mas mabuting wala ka na ngang naaalala pa, Jinsen... Dahil alam kong... mararanasan mo rin ang nangyayari sa akin sa mga oras na ito... Mas mabuting... kalimutan mo na ng tuluyan ang mga iyon... Huwag kang mag-alala... Ito na ang huling pagkikita natin..." Dahil babalik ako rito para kunin sa 'yo ang anak natin.

Isasama ko siya... Isasama ko siya at hindi na kami babalik pa...

Tinalikuran ko siya at 'saktong may huminto na sasakyan. Bumukas ang pintuan sa backseat at sumilip si Red.

"Get in," malamig na sabi niya.

Humakbang ako para lang marinig ko ang malakas na pag-iyak ng anak ko... Babalik naman ako, baby... Babalik si Mommy para dalhin ka na sa malayong lugar... Aalis na tayo at tuluyan na nating iiwan ang Daddy mo...

Sinabi ko na sa 'yo noon na magagawa kong sukuan ang Daddy mo pero hindi ikaw.

Nang makasakay na ako sa kotse ni Red ay nanlalabo na ang mga mata ko.

"Is she alright, Red?" nakikinig ko pa na tanong ng boses lalaki. Siya siguro ang nagmamaneho sa sasakyan.

"Don't bother to ask me that. It's obvious that she's not fine, idiot," narinig ko pang tugon ni Red.

"I have a name, Red. Don't call me that..."

"Shut up. Just drive and hurry up..." Iyon lang ang huling narinig ko na pag-uusap nila at tuluyan akong nilalamon ng kadiliman...

I JUST woke up from a familiar room again. Nabigla pa ako nang makita ko ang mukha ni Miamor.

What... Hindi ba't nalason siya? Ayos lang ba siya?

"Good morning, Hersey dear," nakangiting bati pa niya sa akin.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nasiyahan pa siya sa ginawa ko. Tumayo siya at umikot-ikot pa.

"What's happening?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"I'm fine na, dear. No need to worry about... And you're tulog sa loob ng tatlong araw kaya wala hindi ka na updated sa mga nangyayari sa ating paligid," she stated.

Nabigla ako... Paanong...tatlong araw akong tulog? Shet!

"Miamor..."

"Don't. Magpahinga ka lang diyan. Pagod na pagod na ang katawan mo, Hersey. Maawa ka naman sa sarili mo."

"Ang anak ko, Miamor..." saad ko nang maalala ko ang anak ko...

Ang pangre-reject niya sa akin na hindi na siya sasama...

"Just take a rest muna... Ibalato mo na sa akin si Sarina Alfred kasi sa 'yo naman si Maria Conrad..."

"But my son..." pangungulit ko.

"I'll help you na kunin ang anak mo sa mansion niyo... Trust your future president, Hersey... Nasa NEWS na pala ako... Alam na ng mamamayan na I'm one of the presidential candidate!" masayang sigaw niya. Umawang ang labi ko sa ginawa niya.

But I wanna see my son...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top