CHAPTER 38
Chapter 38: Ambush & Failed to escape
"THAT'S good to hear, dear. Kumbaga ay ikaw ang cure ng anak mo," Miamor stated and I nodded my head, dahil sang-ayon ako sa sinabi niya.
Kahit na ayaw ni Jinsel na makausap ang Daddy niya ay alam kong may pangamba sa puso niya lalo na na-trauma siya dahil sa nangyari sa kanya.
At ako lang ang may kayang pabalikin ang diwa ng anak ko.
"Saan na kayo pupunta niyan? Aalis na talaga kayo? Iiwan mo ang asawa mo, Hersey?" tanong sa akin ni Miamor. Namimilog pa ang mga mata niya.
"Yes, at hindi ko maipapangako kung makakabalik kami ni Jinsel after four days. Uuwi naman kami pero baka matagalan din," saad ko.
Hindi ko gustong umuwi ng apat na araw lang kaming mawawala ni Jinsel. Gusto ko na matagal-tagal muna na babalik kami. Pero iyon ang hiniling ng anak ko at hindi ko siya dapat biguin.
Nangako ako.. nangako ako sa kanya. Ang pangako ko ay hindi napapako.
"Paano na ang isasampa mong kaso against sa ex-girlfriend ng asawa mo?" tanong naman sa akin ni Cyan. Napakaseryoso ng boses niya.
"Hindi tayo matutulungan ng anak ko, Cyan. I think, umaatake ang anxiety ni Jinsel sa tuwing nakikita niya si Sarina. Doon magsisimula ang pagkatulala niya. Ayokong maranasan at makita pa iyon na nangyayari sa anak ko. Please, spare my child. May ibang paraan pa naman, Cyan. Huwag niyo ng gawin na witness ang anak ko. He was traumatized," mahabang paliwanag ko.
Natatakot na akong makitang nagkakaganoon pa ang anak ko. Nanghihina siya at parang nahihirapan siyang huminga. Nagiging blangko ang mukha niya at walang buhay ang mga mata niya.
Ako ang mauunang mamamatay kung makikita ko na naman siya na ganoon.
"Alright. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makakuha ng matibay na ibedensya."
"Salamat, Cyan," nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya. He tapped my right shoulder.
"It's not bad to be selfish sometimes, Hersey. Choose what makes you happy too. Hayaan mong mabaliw ang asawa mo sa kahahanap sa inyong mag-ina," nakangising sabi niya. I chuckled. I like that.
"That's bad. Mahal pa rin naman niya kahit papaano ang hubby niya, Mister," Miamor commented. Cyan just shrugged his shoulders.
"Where are you going?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Si Xena, nasa magkabilang baywang niya ang dalawa niyang kamay. Nakataas din ang isa niyang kilay.
"May nangyayari ba sa 'yo ng hindi ko nalalaman, Hersey? May itinatago ka ba sa amin?" malamig na tanong niya sa akin.
Umiling ako, "Wala naman, Maria Xena," sagot ko at ngumiti. Hindi man lang bumaba ang kilay niya at parang hindi siya naniniwala sa kasinungalingan ko.
Hindi talaga siya maniniwala kung alam niyang nagsisinungaling ako. Pero alam kong hindi rin niya ako pangungunahan sa magiging desisyon ko.
"Aalis lang daw sila ng apat na tulog, her son said that," singit ni Miamor at pinaandar niya ang upuan niyang may gulong.
Nasa office niya kaming lahat at nagpaalam na si Cyan na lalabas na raw siya. Ang assistant ni Miamor ay nasa labas din.
Ngayon nga lang din na pumunta si Xena tapos iyon pa ang naabutan niyang pinag-uusapan namin.
Tumaas ang sulok ng mga labi niya at umupo sa katapat kong sofa.
"Apat na tulog lang? Bakit hindi mo gawing apat na taon?" suhestiyon niya.
"Hindi puwede, eh. Kailangan nilang umuwi, ASAP. Dahil sa Daddy ng anak niya." Si Miamor na naman ang sumagot. Kahit na kailan talaga ang senator na ito ay palaging sumisingit sa usapan namin.
Napatayo kaming dalawa ni Xena nang lumapit sa amin si Miamor na muling isinuot niya ang coat niya at inayos ang nagulo niyang buhok. Kung ganito ang gesture niya ay senyales na may pupuntahan na naman kami.
"May pupuntahan pala tayo. Si Xena na lang ang isasama ko, dear. Maiwan ka na, Hersey," sabi niya sa akin. Nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit? Bakit si Xena lang ang isasama mo? Bodyguard mo rin ako," ani ko at pinagdiinan ko talaga ang word na bodyguard.
"Baka mahuli ka sa pagtakas niyo mamayang 12 midnight, Hersey. Si Xena lang ang isasama ko at nandiyan naman ang assistant ko. Mas mabuting umuwi ka na lang nang maaga para maghanda ng mga gamit niyong mag-ina o kaya naman dalawin mo roon ang anak mo," mahabang saad niya. Pinagtatabuyan pa yata ako nito.
I shook my head, "I'll come with you. Hindi problema sa akin ang pag-ayos ng mga gamit namin. Makakabili kami ng bagong damit sa lugar na pupuntahan namin at saka..." ani ko at tiningnan ko ang relo kong pambisig.
Maaga pa naman... Lunch time pa lamang ngayon at hindi naman ako mahuhuli sa oras. Makakarating ako nang mas maaga pa.
"May oras pa ako, Miamor," giit ko.
"Mahuhuli ka, Hersey. Sinasabi ko sa 'yo. Kapag na-disappoint mo ang anak mo ay hindi ka na no'n papansinin pa or worst thing ay kalilimutan ka na niya nang tuluyan," pananakot niya sa akin. Inaamin kong kinabahan ako sa sinabi niya.
Isa na iyon sa kinakatakutan ko. Pero naniniwala pa rin ako sa anak ko at alam kong hindi niya iyon gagawin sa akin. Dahil nangako siya sa akin.
Nangako siya na maging ako ay iingatan niya. Nangako siya na pipiliin pa rin niya ako.
"He's not like my husband, Miamor," I assured.
"Senator Miamor is right, Hersey. Just go home and prepare your things there," Xena uttered. Pati siya ay pinipilit ako.
"Just let me be. This is my last day if it happens," I said.
They both sighed.
"It's up to you, Hersey," Miamor surrendered.
Paglabas namin mula sa office niya ay agad nang napatayo ang assistant niya. Never kaming nag-usap niyan dahil palagi siyang tahimik at... misteryo...
"Where are we going this time?" Xena asked her.
"May ka-deal lang ako, later," sagot ni Miamor.
Iisang sasakyan lang kaming apat. Ang assistant ng senator ang nagmaneho ng kotse at sa tabi nito ang best friend kong si Xena.
Nasa backseat naman kami ni Miamor.
NANG makarating na kami sa location na pupuntahan namin ay pinigilan kami ni Hersey na makababa rin. Itinaas niya ang kamay niya. Lalo na sa akin. Nagbabanta ang mga mata niya sa akin.
"Maiwan ka, Hersey. Kami lang ng assistant ko ang lalabas," seryosong sabi niya pero hindi kami nakinig ni Xena at lumabas pa rin kaming dalawa.
Ang weird talaga ng senator na ito. Bodyguard niya kaming dalawa ni Xena tapos hindi na naman niya kami ipasasama sa kanya at ang assistant niya lang ang gusto niyang lumabas?
Alam ko naman na hindi lang basta-bastang assistant niya ang misteryosong babae na ito. Baka bodyguard niya rin.
"Haist! Ang kulit niyo!" asik niya sa amin at malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa isang maliit na kompanya. Mabilis na sumunod kami ni Hersey.
Nagsalubong ang mga kilay ni Xena nang sumenyas na naman si Miamor sa amin.
"Maiiwan kayong tatlo," saad niya.
Naging masunurin ang isa at naghanap ng mauupuan. Napapatingin sa amin ang mga empleyado. Lalong-lalo na humihinto kay Miamor, dahil siguro nakikilala nila ang anak ng presidente ng bansa at senator pa. Alam din nilang lahat na tatakbo rin ito as a president.
Isang maliit na firm lamang ito pero ano naman kaya ang plano ni Miamor sa kompanya na ito? Ano na naman kaya ang deal na iyon? Bibilhin niya ba ito?
Even though we are just her bodyguard, we don't mind her personality matters. All that matters to us is her safety because we both know that she is the only president na hindi magiging gahaman sa kapangyarihan na mayroon siya.
Ang kapangyarihan na tinutukoy ko ay ang posisyon niya bilang presidente.
"Ang weird talaga ng amo mo," komento ni Xena sa assistant ni Miamor. Natawa ako dahil iyon din ang sinabi ko noon sa babaeng ito.
Ni hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman kasi siya tinatawag ni Miamor sa pangalan niya. Tanging pagsenyas lang ang ginagawa ng isang ito pagdating sa kanya. At hindi rin naman kami nagtanong pa.
As usual ay hindi kumibo ang babae at nanatiling nakatutok sa dala nitong tab.
Inayos ko ang earpiece ko. Nakakonekta ito kay Miamor at baka iyon na ang inaayos ng kasama namin para marinig namin ang pinag-uusapan nila.
Kitang-kitang ko ang pagsalubong ng mga kilay nito at napatingin sa pintuan. Kung saan doon pumasok si Senator Miamor.
"She didn't use her earpiece," walang emosyon na saad niya.
Nagkatinginan kami ni Xena. Wala ring emosyon ang isang ito. Napatayo kaming tatlo nang makarinig kami nang malakas na pagsara ng pintuan at lumabas na si Miamor doon.
"Diretso ang lakad, walang hihinto at walang lilingon," agad na bungad niya sa amin.
Doon pa lang ay nakaramdam na ako ng kaba sa hindi malaman na dahilan.
Nagsisimula na ba ang magulong buhay naming lahat ng dahil lang sa senator na ito?
"What's the matter, Senator?" formal na tanong ni Xena. Hindi pinapahalata na may mangyayaring ano...
Naglakad nga kami nang diretso sa kotse namin kung saan nakaparada lang sa labas. Hindi niya sinagot si Xena.
"You're confusing us..." I commented.
Sinilip ko ang mukha ni Xena. Alam ko sa aming apat ay siya ang mas nakakaramdam ng panganib. Alam niya kung kailan siya susugurin ng kalaban niya. So, may mangyayari bang masama sa amin ngayon?
Nakita ko ang pasimpleng paghawak niya sa likuran niya. May sarili kaming baril, siyempre mahalaga iyon para sa amin.
"Hersey, walk straight, dear, and get ready," casual na sabi lang ni Miamor sa akin.
"Left and right?" her assistant asked, hindi ko alam kung kanino ba siya nagtatanong. Kay Miamor ba? Kay Xena o sa akin?
Napahinto ako nang makita ko ang pulang laser sa leeg ni Miamor. Kinabahan na ako agad kaya hindi na ako nakapag-isip pa nang maayos. Basta ko na lamang tinulak si Miamor.
"Shet!" mura niya nang madapa na siya sa sementadong sahig.
"Why did you do that?! I told y'all to walk straight! No one will stop and no one will look back!" she hissed.
"Mas uunahin mo ba ang mamatay kaysa gawin natin iyon?!" laban ko sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
Hinila siya pareho ng dalawa pero bago pa man kami makaalis doon ay may tumigil na isang sasakyan malapit sa amin, sa bandang kanan namin. Sabay kaming naghilaan na apat upang makaiwas dahil sunud-sunod ang pagputok ng baril sa direksyon namin.
Tila naging ulan ang bala sa paligid namin. Hinawakan ni Xena ang ulo ko para makayuko. Mahigpit naman ang hawak ko sa braso ng assistant ni Miamor habang si Xena ay akala mo isang bato ang katawan niya kung makaharang sa amin para lang hindi kami matamaan ng bala.
"Fvck!" malutong na mura ng katabi ko at namutla ako nang makita ko ang pag-agos ng dugo sa tagiliran niya.
"Yuko lang!" sigaw sa amin ni Xena.
Nakalabas na lahat ang mga baril namin pero hindi man lamang kami makaganti dahil wala silang tigil sa pagpapaputok sa amin. Nakabibingi ang ingay ng baril nila. Nakakikilabot ang makita na nahuhulog sa paanan namin ang mga bala habang nagtatago kami sa likod ng kotse. Masuwerte lang kami na hindi iyon tumatama sa amin.
Tunog ng nag-iingay na mga sasakyan na natatamaan ng bala, mga salamin na iniiwasan din namin dahil baka matamaan din kami nito.
"Fvck! Hide!" sigaw ni Xena at hinila na naman kami para makaikot sa kotse. Kami lang dalawa ang hinila niya dahil hawak ko naman ang isa naming kasama.
"May tama ka..." ani ko sa kanya.
Hinawakan ko iyon para huminto ang pagdudugo pero nagitla ako at impit na dumaing nang maramdaman ko ang pagdaplis ng isang bagay sa tainga ko at maging sa kanang braso ko. Narinig ko rin ang mahinang daing nang nasa kanan ko. Boses iyon ni Miamor. Hindi ko magawang lumingon dahil parang naparalisa ang katawan ko.
Saglit na tila nawalan ako nang pandinig, naging marahan ang pagkilos ng mga kasamahan ko.
Ni hindi ko maramdaman ang paghawak ng assistant ni Miamor sa mukha ko. Nagsasalita siya pero hindi ko siya marinig.
"Hersey! Hersey!" Isang tapik sa magkabilang pisngi ko ang nagpagising sa akin. Para akong nakatulog nang mahimbing na mulat ang mga mata.
Bumalik ang pandinig ko at walang kasing bilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nang paghapdi sa tainga at braso ko.
"Damn it!" sigaw ni Xena.
Natapos ang ingay ng bumalik ang diwa ko. Tumayo si Xena at tumakbo sa direksyon ng sasakyan na umaandar.
Nagpaputok siya ay diretso ang mga iyon sa gulong ng kotse.
Napahawak ako sa braso ko. Nadaplisan ako ng bala... Shet...
"Nasusuka ako," ani ko. Umikot ang paningin ko.
"Stay still!" sigaw na naman sa akin ng babaeng ito at hinawakan ang pisngi ko para lamang tapikin iyon.
Sobrang sakit at hapdi ng sugat ko at alam kong mawawalan ako nang malay...
"Hindi puwedeng sabay-sabay tayong mamamatay rito. Hindi pa nakaalis ang sniper. Hersey... Huwag ka munang mawalan ng malay. Sa tainga at braso ka lang natamaan at daplis pa!" sigaw niya. Ngayon lang siya nagsalita ng mahaba at Tagalog pa. Pupurihin ko na sana siya kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon pero namimigat talaga ang talukap ng mga mata ko.
Bumalik si Xena sa amin at siya ang umalalay na makasakay kami sa kotseng hindi naman namin pag-aari.
Si Xena ang nagmaneho dahil siya lang yata ang hindi natamaan ng bala at hindi ko alam kung paano niya nabuhay ang makina na iyon gayong wala siyang susi.
Napatingin ako sa kotseng nagpaputok kanina sa amin at nakahinto na lamang iyon. Umuusok pa.
"Lintik lang ang walang ganti," ang komento ni Xena. She killed them?
"Mamamatay na yata ako, dear." Napatingin ako kay Miamor. Nakahilig na siya sa headrest ng upuan niya at hawak ang bandang tiyan niya.
May tama rin siya, maging ang assistant niya... Ako... Si Xena lang talaga ang sinuwerte.
"Hindi puwede. Didiretso tayo sa hospital..."
"Huwag doon..." umiiling na sabi ni Miamor.
Mas napuruhan ang dalawa pero ako yata ang mauunang mawawalan nang malay.
"Hersey... Don't sleep... Pupuntahan mo pa ang anak mo..." ani Miamor pero hindi ko na talaga kaya...
Unti-unti nang nandilim ang paningin ko at wala na akong naririnig pa.
Kailangan ko nga magising mamaya... Please... Naghihintay na sa akin ang anak ko... Hindi puwedeng hindi ako makakarating.
"Hersey..." Narinig kong sambit nila sa pangalan ko bago ako kinain ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top