CHAPTER 33

Chapter 33: Secret visit

"WHERE'S Hersey?!" Napatingin ako sa babaeng malalaki ang bawat hakbang para lamang makalapit sa akin at iilan sa mga bodyguard niya ang kasama niya. Na nasa likuran niya, including her assistant.

Kinakabahan pa ako kung kasama niya ba si Xena. Ayokong malaman niya ang nangyayari sa akin ngayon. Kakaiba iyon kung makaganti. Hindi iyon nananakit ng physical pero sisirain lang no'n ang buhay mo.

"Oh, my God! Ayos ka lang ba, dear?" tanong niya sa akin sa nag-aalalang boses. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko na tila sinusuri niya kung may sugat o pasa ba ako roon.

"Your eyes are red na," sabi pa niya.

Binitiwan niya rin ako nang makita na wala naman akong natamong sugat at hinarap ko ang pamilya ko.

"Puwede na po kayong umuwi, Mom, Dad..." sabi ko. Nag-iwas nang tingin sa akin si Mommy Sharmaine. Si Dad ay ngumiti lang sa akin.

"Jerhen, iuwi mo na muna si Mommy sa condo mo," sabi ko sa kapatid ko. May condo siya rito sa Manila.

"How about you, darling? Aren't you going to rest, baby?" malambing na tanong sa akin ni Mommy. Umiling ako.

"Papaano po ako makakatulog gayong nasa hospital pa po ang a-anak ko? Nasa sa critical condition pa..." naluluhang sabi ko. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Miamor sa likod ko, na tila kino-comfort niya ako.

"Don't worry about my grandson, anak. He will fight for us, especially for you. Marami tayong mahuhusay na doctor sa hospital at hinding-hindi naman pababayaan ng asawa mo ang anak niyo," Daddy said.

Kahit sinabi pa niya na maraming mahuhusay na doctor, o kahit doctor pa ang asawa ko ay hindi nabawasan ang takot at kaba ko para kay Jinsel.

Hindi pa rin maglalaho ang takot ko gayong nasa critical condition pa siya. Ang bata pa niya... I took a deep breath.

"Hindi rin po ako makakapagpahinga kung hindi ko nakikita ang anak ko, Daddy... Hindi po ako sanay na siya ang nakaratay sa hospital bed... Na siya ang naka-confine sa hospital... Masyado pong mabigat sa dibdib, Daddy..."  malungkot na sabi ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Alright," sumusukong saad niya. Bago sila tumalikod sa amin ay saglit pa na niyakap niya ako. Si Mommy naman ay diretsong lumabas. Masama pa rin ang loob niya sa akin. Dahil ako ang sinisisi niya sa isang bagay na hindi ko naman ginustong mangyari.

Walang ina ang gustong masaktan ang sarili niyang anak...

Lumapit na rin sa akin ang Mommy ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Basta you need to rest, baby?" Tumango ako bilang tugon sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Kung puwede lang kunin ang sakit na 'yan, buong puso kong aakuin ang lahat ng hinanakit mo, Hersey... Mahal na mahal kita..."

Pagkatapos akong yakapin ni Mommy at ang kapatid ko naman ang yumakap sa akin. Napasubsob ako sa leeg niya.

"You'll be fine, Ate Hersey... Kaya mo ito, please... Don't give up easily. Huwag kang magpakita ng kahinaan mo. Hindi 'yan gugustuhin ng pamangkin ko at sa 'yo siya kukuha ng lakas para lumaban... Please, fight for your son, too, Ate..." Tumango-tango ako.

"Mag-ingat ka, Ate."

"ALAM mo, Hersey?" daldal ni Miamor sa akin habang lulan na kami ng sasakyan niya at papunta na kami sa hospital.

Sana lang makapasok pa ako. Sana lang ay hindi tinupad ni Jinsen na ipa-blocklist ako. Kasi baka hindi na ako pagbibigyan pa ng pagkakataon na makita ang anak ko...

Gustong-gusto ko siyang makita. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita.

"Iuntog na lamang natin ang ulo ng asawa mo para isang bagsakan na lang din na babalik ang alaala niya," dugtong niya. Hindi ko siya pinansin pero tahimik na pinapakinggan ko pa rin siya.

"Tapos kapag nagising siya, mag-asawang sampal ang ibibigay mo sa kanya."

Pareho kaming nasa backseat, may sarili siyang driver at ang assistant niya ay nasa passenger seat. May sariling mundo na naman ang isa pero kanina napapansin ko ang matagal na pagsulyap niya sa akin. Mahirap pa rin basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Muli akong napabuntong-hininga.

Pinikit ko ang mga mata ko para lamang lumitaw ang mga imaheng bumasag sa puso ko.

"Napaka-tragic naman talaga ng life mo, Hersey... Sa mga nakilala ko ay sa 'yo ang mas complicated. But you're strong naman. You can do this. Ngayon ka pa na susuko gayong ang dami mo nang pinagdaanan?" pagbibigay lakas loob niya sa akin at malakas na tinapik pa niya ang kanang balikat ko. Umawang ang labi ko sa gulat.

"Muntik ka ng makulong sa loob ng 24 hours. Kung hindi lang pala dahil sa father-in-law mo," sabi pa niya.

Ngayon lang siya naging madaldal. Tahimik siyang tao, bagay na ikinasaya ko kasi ganoon din ako. Mas gusto ko iyong tahimik kasi gumagaan ang bigat sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang problema.

"Please, don't tell this to my best friend. Mag-aalala lang iyon sa akin. Ayokong madagdagan pa ang problema niya," sabi ko.

Best friend ko si Xena, kaya sa mga ganitong pagkakataon din ay dapat kami ang magkasama at kino-comfort ang isa't isa. Pero katulad ko ay complicated din naman ang buhay niya. Lalo pa na...magkakaanak na ang asawa niya sa ibang babae.

Makakaya ko pa itong problema at pagsubok na paulit-ulit na dumating sa buhay ko. Kaya mas mabuting sa akin na lamang ito at saka...nandiyan pa si Miamor. She's a good friend naman.

"Dinner, Hersey?" Sa sinabi niya ay napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya at nakita ko ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa mga poste at building sa Metro Manila.

Ni hindi ko namalayan na pagabi na pala...

"Hersey?"

I skipped my breakfast, lunch...at kung hindi pinaalala sa akin ni Miamor ang dinner ay baka hanggang ngayon ay lutang pa rin ako. But honestly, hindi ko naramdaman ang gutom.

Ni hindi ako nakaligo at hindi nakapagpalit man lang ng damit ko. Ito pa rin ang suot kong shirt at pajama ng asawa ko kaninang umaga. Ang coat lang ni Cyan ang suot ko at kahit iyong panyapak ko... Nakalimutan ko kanina kung hindi lang ako binilhan ng kapatid ko ng sapatos. Pagkatapos akong arestuhin ng mga pulis sa hospital.

"I wanna see my son first, Miamor..." sagot ko.

"Alright, dear... And please, pahinga ka muna, ha? Ipahinga mo na muna ang sarili mo, Hersey... Pagod ka na, eh... Ang puso mo..."

"Tama ka... Kailangan ko na ngang magpahinga... ngayon ko nga lang din naramdaman ang sobrang pagod... Pero hindi pa rin ako susuko... Kukunin ko ang anak ko, Miamor..."

"Okay..."

Pagkarating namin sa hospital at ang akala ko ay hindi na ako papasukin pa ng mga security. Sila rin naman ang nag-aalangan na idampot ako kanina. Dahil kilala nila kung sino ako.

Nang nasa tapat na namin sila ay mabilis silang yumuko. May katandaan na rin naman ang iba.

"Patawad po sa ginawa namin sa inyo kanina, Ma'am," hinging paumanhin nila sa akin. Tanging pagtango lang ang nagawa ko dahil hindi ko na naman mahanap ang boses ko.

Hindi nila sinunod na isulat ang pangalan ko sa blocklist ng hospital dahil alam nila, isa na ako sa may-ari ng hospital dahil asawa ko si Jinsen.

"Hersey..." Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Si Cyan lang pala.

Mabilis na nakalapit siya sa amin, "Bakit nagpunta ka pa rito? Inaayos ko ang gulo na ginawa ng Alfred na iyon, Hersey. Tinanong ko na ang mga kasambahay niyo kung may nakakita ba sa nangyari kaninang umaga. Pero wala."

Napabuntunghininga na lamang ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Isa lang ang paraan para malinis na ang pangalan mo, Hersey. Inurong naman ng father-in-law mo ang sinampang kaso laban sa 'yo ng gago mong asawa."

"You're so harsh naman. Love pa kaya ni Hersey ang husband niya," singit ni Miamor. Nagsalubong lang ang mga kilay ni Cyan bago ibinalik ulit ang tingin sa akin.

"Ang anak mo, Hersey. Siya lang ang makakatulong sa 'yo..."

"Nasa critical condition pa ang anak ko, Cyan... Hindi ko alam kung kailan siya magigising," problemadong sabi ko. Nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko.

"Magigising pa rin siya, Hersey. Trust him," aniya at hinagod pa ang likod ko.

"Nakabantay sa labas ng ICU si Jinsen. Hindi ka hahayaan no'n na makapasok at may limitasyon ang bisita ng anak mo..."

"M-May paraan ba, Cyan? Gusto ko talagang makita ang anak ko... Tulungan mo naman ako, please... Gusto ko siyang makita..." nagmamakaawang sabi ko. Tumango siya sa akin.

"I'll call my bodyguards," narinig kong sabi ni Miamor.

Nakaalalay sa akin si Cyan habang naglalakad kami sa hallway ng hospital at patungo sa ICU.

"Si Sarina, iyong paa niya lang ang napuruhan," ani Cyan. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Kung gusto niyang magpagulong-gulong sa hagdanan ay sana huwag na niyang idamay pa ang inosenteng bata. Sampahan mo ng kaso, Hersey. Hindi puwedeng hindi," malamig na sabi ni Miamor.

"Saka na kung may makuha na tayong sapat na ebidensiya na nagpapatunay na siya talaga ang may kasalanan," Cyan uttered.

"In that case. The baby boy need to wake up, soon, Hersey..." Napatango ako.

"Magising lang siya ay sapat na sa akin... Magising lang ang anak ko..."

"Malakas na bata ang anak mo, Hersey..."

Bago kami pumasok sa ICU ay pinuntahan pa namin si Dr. Sergio. Nasa isang silid siya kung saan konektado ang ICU ng anak ko. Tamang inoobserbahan nga nila ang kalagayan ni Jinsel.

"Ako na lang ang bahala sa asawa mo. But Mrs. Montallana, ten minutes lang..."

"Puwede bang mas matagal?" nag-aalalang tanong ko. Napakaikli para sa akin ang ten minutes lang. Puwede bang gawin niyang fifteen or 20 minutes lang?

Parang hindi pa sapat para sa akin. Gusto ko pang makasama ng mas matagal ang anak ko...

"Fifteen minutes, Mrs. Montallana. Bagong opera pa lang ang anak mo and we can't risk his life. Mahigpit kami sa bisita ng pasyente, lalo pa na apat na taon pa lamang ang anak niyo," sabi niya. Tumango lang ako.

"Thank you, thank you, so much..."

"Don't mention it," sabi niya.

Ibinigay sa akin ni Cyan ang hospital gown na susuotin ko para makapasok na ako sa ICU.

Tinulungan ako ni Miamor na isuot ang mga iyon at huling sinuot ko ang surgical facemask.

Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko nang nasa tapat na kami ng pintuan.

"Hersey, come on... Masasayang ang oras mo, dear. Fifteen minutes lang ang mayroon ka. You need to get inside..."

Pinihit ko pabukas ang doorknob at ang narinig ko agad ay ang tunog ng monitor na nakakabit sa anak ko.

Dahan-dahan akong naglakad at sumikip ang dibdib ko nang tuluyan ko nang makita si Jinsel. Nakaratay sa hospital bed. May benda siya sa ulo niya at cotton bonnet na white. May oxygen mask at ang maliit na palapulsuhan ng anak ko ay may dextrose.

May kung ano na naman ang bumara sa lalamunan. Lumuhod ako sa gilid ng kama niya at pinakatitigan ko ang maamong mukha ng anak ko...

"M-My baby... Jinsel...I'm here na... Nandito na si M-Mommy, anak ko... Nandito na ako..." sambit ko at mabilis na nabasag ang boses ko.

Sa nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang nanlalamig at maliit niyang kamay. Dinala ko iyon sa pisngi ko at hinalikan kahit na may harang sa bibig ko.

"W-Wake up na, baby ko... L-Love na love ka ni Mommy... Please, don't leave me, Jinsel... Don't leave me, anak ko... Lumaban ka... Lumaban ka, lumaban ka..." paulit-ulit na sabi ko.

Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko na mabilis kong pinunasan iyon para lamang huwag mag-ulap ang mga mata ko at nang makita ko pa nang malinaw ang aking anak.

"I'm sorry... H-Hindi ka naprotektahan ni Mommy... Nahuli ako, baby... I'm too... late to save you, Jinsel... Ang bagal-bagal ni Mommy... Mommy is so pagong to save you, na-late siya..." umiiyak na sabi ko at hinaplos ko na rin ang pisngi niya. May mga galos at pasa roon.

"Huwag mong... iiwan si Mommy... Kailangan pa kita... Kailangan pa kita, Jinsel... M-Magkakasama pa tayo, hindi ba? Nangako si Mommy... N-Nangako ako na...uuwi na ako sa mansion natin... Gumising ka na, baby ko... H-Hindi ko...h-hindi ko kayang nakikita kang ganyan... H-Hindi sanay si Mommy... Ako na lang sana... Ako na lang sana... Handa akong akuin ang sakit na 'yan, anak..."

Akala ko ay gagaan ang bigat sa dibdib ko kung tuluyan ko nang makikita ang anak ko. Pero mas dumoble lang ang sakit...

"You don't deserve this, baby... You don't... Wake up... Wake up na... Maghihintay ako... Maghihintay akong magising ka, Jinsel... Iwan na natin si Daddy... Iwan na natin siya... Sasama ka na sa akin... Aalis na tayo rito, baby... Aalis na tayo..." humihikbing sabi ko pa rin at kasabay na narinig ko ang hudyat na natapos na ang fifteen minutes.

Parang kapapasok ko lang sa loob ay napakabilis naman lumipas ang ilang minuto...

Tumayo ako. Mabigat sa dibdib ko ang lumabas. Gusto ko pang manatili. Gusto ko siyang samahan...

Tinanggal ko ang facemask ko at maingat na hinalikan ko ang nakabendang ulo ng anak ko.

"I love you, so much, baby... Mommy loves you... Wake up, Jinsel... I love you, please... fight for me..." sa huling pagkakataon ay muli kong hinalikan ang kamay niya saka mabibigat ang hakbang ko na umalis doon.

Paglabas ko ay si Aizen na ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. Mabilis na hinila niya ako at mahigpit ang yakap niya sa akin.

Humarang sa likuran ko si Miamor at kasabay no'n ang nagmamadaling footsteps ng taong tila tumatakbo...

"What...what happened to my son, Sergio?!"

Kinapos ako nang hangin nang marinig ko ang boses ng asawa ko. M-May...may nangyari ba sa anak ko pagkatapos kong lumabas mula sa ICU?

Oh, God..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top