CHAPTER 32
Chapter 32: Jail & Free
NAGISING ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko at tumambad sa aking paningin ang nag-aalalang mukha ng Mommy ko. Ilang beses akong napakurap bago ako mahigpit na niyakap ng ina ko.
Mabigat pa rin sa dibdib at ramdam ko pa rin ang pagguhit ng sakit sa puso ko. Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko.
"Ang baby ko... W-What happened, Hersey? A-Are you okay?" umiiyak na tanong niya sa akin.
Niyakap ko siya pabalik at sumubsob sa dibdib ni Mommy at doon nagsimula akong umiyak. Marahan na hagod sa likuran ko at masuyong paghaplos sa buhok ko. Para akong batang hinihele ng kanyang ina sa mga oras na ito. Yumugyog ang balikat ko. Naalala ko na naman ang isang bangungot na dumating na naman sa buhay ko sa pangalawang beses.
"Hersey, anak ko..."
"Si J-Jinsel...Mommy... Ang a-anak ko, Mommy..." sumbong ko sa Mommy ko.
"What happened, darling? What happened?" malambing na tanong niya sa akin.
"It's all my fault, Mom... A-Ang bagal-bagal ko, Mommy... It's my fault when my baby...my baby..."
"Shh...anak... Nandito na si Mommy. Hindi kita iiwan dito, stop crying na. Magiging okay ang anak mo, ang apo ko. Shh..."
"B-Bakit nangyayari ito sa amin, M-Mommy? Bakit tila p-pinaparusahan ako, Mom? Bakit palagi na lamang... g-ganito? A-Ayaw ba Niya...akong maging masaya, Mommy? Pagod na pagod na po ako... palagi na lamang ganito, Mom... Ako na lang sana...ako na lang ang sinaktan Niya... hindi ang anak ko... Sa akin na lang sana nangyari iyon... Tatanggapin ko pa rin, Mommy..."
"N-No, darling. Walang may kasalanan. Everything has a reason, baby. Hindi ka Niya pinaparusahan. Walang nananakit sa inyong magpamilya, anak ko... Ito lang...ito lang ang nakatadhana na mangyari sa inyo but you can fight this, again, darling. Your son will be fine..." pag-aalo sa akin ni Mommy at sumasabay sa paghikbi ko.
"N-Nasasaktan po ako na m-makitang ganoon ang anak ko, Mommy... Ang sakit p-pong makita..."
"Nagpapahinga pa ho ang kapatid ko, Tita." Boses iyon ng kapatid kong si Jerhen at nakarinig kami pareho na tilang nagmamadaling footsteps palapit sa kinaroroonan namin.
Napahiwalay ako kay Mommy at hindi ko inaasahan ang malakas na sampal na dadapo sa pisngi ko. Namanhid ang aking pisngi.
"This is all your fault, Hersey! I already told you that stay away from them! Tingnan mo ang ginawa mo! Pati ang apo ko ay nadamay ng dahil lang sa 'yo!" umiiyak na sigaw ng mother-in-law ko sa akin. Punong-puno ng galit. Pero...bakit ako ang sinisisi niya?
"You don't have a right to hurt my daughter, Sharmaine! Hindi mo lang basta apo si Jinsel! He's my grandson, too! And don't ever say that words again in front of my face! Dahil sa ating lahat... Wala sa 'yo, sa asawa mo, maski sa akin ang may mas karapatan dito dahil ang anak ko pa rin ang ina ni Jinsel!" sigaw ni Mommy sa ina ng asawa ko at humarang pa siya sa pagitan namin ng mother-in-law ko.
"Tatayo lang tayo sa likuran nila to comfort and support them! And stop hurting my daughter! Oo, alam ko ang pakiramdam kung nasa bingit ng kamatayan ang mga anak natin pero wala ka pa ring karapatan na sabihin iyon sa anak ko na ipinapalayo mo naman siya sa mag-ama niya! You're such a selfish person, Sharmaine! Hindi na kita kilala dahil sa bagong pag-uugali mong iyan! Saan napunta ang kaibigan kong si Sharmaine?!" sigaw pa ni Mommy na nakapagpatulala sa kausap niya.
"Sinabihan ko na siya na lumayo na muna sa m-mag-ama niya... Alam niya ang kalagayan ng anak ko! Pero tingnan mo ang ginawa niya? Pati ang apo natin nadamay!" Napasinghap ako nang lumipad ang palad ni Mommy at dumapo iyon sa pisngi ni Mommy Sharmaine. Dahilan kung bakit lumakas ang paghikbi nito.
"Kung makapagsalita ka ay para namang sinaktan ng anak ko ang sarili niyang anak?! Kung sisisihin mo siya ay akala mo naman ginusto niyang mangyari ang lahat ng ito?! Sharmaine! Are you blind or you're just dumb? Wake up and open your eyes! Ang dami na ng sinakripisyo ng anak ko... Ang dami na niyang pinagdaanan... Can you please stop saying that goddamn words na ipalalayo mo na naman siya sa pamilya niya! Hinayaan natin ang mga bata na magpakasal dahil mahal nila ang isa't isa at simula nang ikasal sila, nagsimula ng bagong pamilya ay labas na tayo sa sarili nilang desisyon! Hindi na dapat tayo dumidikta sa kanila! May sarili ng pag-iisip at desisyon ang mga bata... Naaksidente lang ang anak mo at nawalan ng memorya kaya hindi na niya napaninindigan na hindi niya sasaktan ang anak ko katulad ng pinangako niyang aalagaan niya at mamahalin si Hersey... But what happened, Sharmaine?"
"Stop...kasalanan pa rin niya!"
"Tigilan mo ang anak ko, Sharmaine! Ikaw, nagbago 'yang pag-uugali mo dahil sa pagsama-sama mo sa mag-inang Alfred na iyon! Psychology ang mga babaeng iyon, Sharmaine... Kaya sa halip na tulungan nila ang anak niyong makaalala ay nilalason lang nila ang utak ng anak mo! Na maging ikaw rin!"
"Mom, stop it," marahan na sabi ni Jerhen at nilapitan na niya si Mommy na susugod na naman siya sa mother-in-law ko.
Ang pag-iyak, ang malakas na boses lang nila ang maririnig sa loob. Niyakap lang ng kapatid ko si Mommy para pakalmahin. Mas lalo lang akong naiiyak dahil nag-aaway na sila.
Tapos nagulat pa ako sa nalaman ko na psychology ang mag-inang Alfred na iyon? Kaya ba ganoon na lamang si Jinsen kung minsan? Nakakaalala pero minsan ay mas pinapaniwalaan niya ang mga sinasabi sa kanya ng babaeng iyon.
Tama ngang nilalason lang ang utak niya dahil kay Sarina.
"Huwag niyo ng saktan ang anak ko! She sacrificed a lot!" hagulgol na sigaw ni Mommy at napahawak siya sa dibdib niya.
"Masyado ng magulo, hindi ba?" tanong ni Mommy kay Mommy Sharmaine at tahimik na siyang umiiyak habang nakatakip ang palad niya sa bibig niya.
"Dalawang taon din iyon, Sharmaine... Kung ikaw naman ang nasa sa sitwasyon niya... Ano ba ang mararamdaman mo? O kaya naman paano kung ako ang Mommy ni Jinsen? Of course, sasabihin ko pa rin sa'yo na layuan mo na muna ang anak ko alang-alang sa kalagayan niya! Mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko sa mga oras na ito!"
"Please, Mom... Tama na po..." umiiyak na suway ko sa kanya dahil pulang-pula na siya dahil sa malakas na pagsigaw niya. Nagtaas baba ang dibdib niya at maraming luha sa kanyang pisngi.
"Nagkamali ba ako ng desisyon na ibigay ko ang kamay ng aking anak sa anak niyo, Sharmaine? Nagkamali ba ako sa pasyang ibinigay ko ang buong tiwala ko sa inyo para sa anak ko? Nangako kayo...hindi iiyak at masasaktan ang anak ko sa poder ng anak niyo!" muling sigaw ng aking ina.
"Mom, stop..." Tumayo ako para lapitan siya.
Pati sila, nadadamay rin sa problemang ito na kami lang dapat ni Jinsen ang magkaharap.
"But look what happened?! Lumalabas na kasalanan ng anak ko ang lahat!"
"Just bare with my son, please... Iyon lang naman ang hinihingi namin..."
"But you're too much, Tita. Hindi niyo po tinitingnan kung sino ang mas naaapektuhan... My sister, she doesn't deserve this... Everything, Tita, and what you did to my sister is a selfish decision. Your son marry my sister, and what I mean to say... Si Ate Hersey po ang magdedesisyon kung ano'ng gagawin niya kay Kuya Jinsen. She's the wife, and she know what the best for her family," kalmadong sabi naman ng kapatid ko na pareho na kaming niyayakap ni Mommy.
Hindi na rin niya napigilan ang opinyon niya dahil sa problemang pareho naming kinakaharap.
"Hindi niyo ako naiintindihan..." sabi niya.
"No, Tita... Ikaw ang hindi po namin maintindihan... Bakit ginagawa niyo po ito? Bakit pinagpipilitan po niyo ang bagay na ito? Para saan po? Para lang po ba sa kalagayan ni Kuya Jinsen? Para lamang ba sa anak niyo, Tita? Paano naman po ang Ate ko? Paano naman po siya? Isasakripisyo niyo lamang po siya? Hanggang kailan niyo po ba sasaktan si Ate Hersey? Tita, masakit na po sa parte niya ang kalimutan siya ng sarili niyang asawa. Nasaktan na po siya, dobleng sakit na ang lumayo at dumistansya siya mula sa mag-ama niya. Tapos ngayon ay sinisisi niyo siya sa nangyari sa pamangkin ko? Sa tingin niyo po ba, Tita... Kaya ba niyang saktan si Jinsel?" Mas lalong naiyak si Mommy Sharmaine sa sinabi ng kapatid ko.
"Kung ganito naman po pala ang mangyayari sa Ate ko, Tita... Mas mainam po na sa amin na muna si Ate Hersey. Babawiin na namin po siya, mula sa inyo," seryosong sabi ni Jerhen. Kahit malamig ang boses niya ay nandoon pa rin ang paggalang niya sa ina ni Jinsen.
"At kung makakaalala na po si Kuya Jinsen... Bukas po ang tahanan namin para sa kanya pero hindi po kami makakasigurado kung pati ang puso ni Ate Hersey ay bukas din sa pagtanggap ng kapatawaran mula sa inyo..."
Bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong pulis sa loob. Kasabay na itinaas ng nasa gitna ang papel, ang arrest warrant.
Tila umikot na naman ang paningin ko at ang hirap na intindihin ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko.
Isa lang ang napagtanto ko ay totoong nagsampa nga ng kaso ang asawa ko laban sa akin.
Nakakuha na raw sila ng statement mula kay Sarina. Na ako ang nagtulak sa dalawa dahilan na nahulog sila sa hagdanan.
Sino ang maniniwala sa kasinungalingan na ipinaratang nila sa akin? Maski ang mga in-laws ko ay walang naniniwala. Si Jinsen, ang asawa ko lang ang sarado ang utak na ayaw makinig sa paliwanag nila. Na wala akong kinalaman sa pagkahulog nina Sarina at ang anak ko.
24 hours ay saka pa lang daw mag-oobserba ang mga pulis dahil sa pangyayaring iyon. Nakuhanan na rin ako ng statement tungkol doon.
Kumuha ng abogado sina Mommy at Jerhen. Pero hindi naman natuloy ang pagsampa nila ng kaso nang dumating ang father-in-law ko.
Hindi humarap sa amin si Jinsen. Kaya ang parents niya lang ang nag-ayos ng lahat. Hindi rin nagsampa ng kaso ang mga Alfred dahil kay Daddy.
"Hindi ako pabor sa desisyong pinili ng asawa ko, honestly speaking," ani Daddy. Napayuko si Mommy Sharmaine dahil sa sinabi ng asawa niya.
"I love my son, yes. But I can't keep my son away from his wife. Because I know and I believe it's still Hersey who can help to remember Jinsel's memories. My mouth remained closed because my daughter-in-law has agreed. If I were given the chance to turn back the times when everything was fine. I will obstruct your Mommy for her decision to stay away from your family, anak," marahan at kalmadong sabi ni Daddy sa akin. May pag-iingat na pinunasan pa niya ang luha sa pisngi ko.
"You're part of our family and I treat you like my own daughter, the moment you married my son. I am sorry for the messed up, hija. Hindi lang ang Mommy mo ang nabigo, me as well, nabigo rin ako kasi hindi namin natupad ang ipinangako namin sa Mommy mo, sa late father mo, even Jerhen, na hinding-hindi ka namin sasaktan... Hersey, being your second father it's my pleasure... But if you tired to fight and face this problem and everything... Let the fate continue... giving you a hard time. Dahil alam ko darating pa rin ang araw na magiging masaya ka pa rin. Just please, huwag mong isipin ang hiwalayan ang anak ko... Wala pa siyang naaalala, Hersey at kung dumating man ang araw na iyon... He'll regret everything he did to you..." mahabang sabi ni Daddy at niyakap niya ako nang mahigpit.
Si Daddy, parang si Jinsen lang. Magkapareho ang pag-uugali nilang dalawa at sa katauhan lang niya ay naramdaman ko ulit ang magkaroon ng pangalawang ama.
"Everything will be fine..." he whispered and I felt relief...
Sana po... Sana po ay magiging maayos din ang lahat. Sana po ay babalik ang kahapon na masaya pa kami ng pamilya ko.
Na sana matapos na itong paghihirap ko... Masyado ng mabigat sa balikat na tila pati ang mundo ay dala-dala ko. Masyado ng masakit sa puso ko na tila paulit-ulit na sinaksak ng maraming patalim, kasabay ng pagbuhos ng tila alcohol.
Pero alam ko... didibdibin ko ang mga katagang lumabas mula sa bibig ng asawa ko... Sino ba ang hindi masasaktan?
Kahit wala siyang naaalala... may parte sa puso ko na gusto ko na ring sukuan siya. Dahil pagod na ako sa lahat...
Pagod na pagod na ako...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top