CHAPTER 3
Chapter 3: Medical Mission
"KAMUSTA ka, Ate?" tanong ng kapatid ko, habang sakay na kami ng sasakyan at tinutungo ang mansion namin kung saan na alam kong excited na naghihintay ang nanay namin doon.
Parang na-picture out ko na ang reaction ni Mommy. Masaya talaga iyon kung magkakasama-sama kami. Sayang lang at hindi na kami kompleto. Pero alam kong masaya na rin naman si Daddy ngayon.
"Fine," maikling sagot ko.
"Eh, ang pamangkin ko?" muling tanong niya sa akin. Ang daming tanong nito, ha.
Ang pamangkin niya ang tinutukoy niya ay anak namin ni Jinsen. Si Jinsel Arsey, na three years old na. Kahit magkahiwalay kami ay hindi naman kami nawalan ng communication sa isa't-isa.
Matalinong bata ang anak ko kaya nililhim niya lang sa Daddy niya ang tungkol sa akin at kinikilala pa rin naman niya akong ina. Na isa pa hawak ko ang babysitter niya. Empleyado ko iyon, eh. Madalas pa rin akong tumatawag upang makausap ko ang anak ko.
Kahit hindi ako maaalala ng asawa ko ay hindi ko naman na hahayaan na pati ang anak ko ay makakalimutan ako kung sino ako sa buhay nilang mag-ama.
Ang alam lang ni Jinsen na baka sinabi ng lintang kabit niya, na may babae lang siyang inanakan at naging selfish daw ako. Na iniwan ko lang daw sa asawa ko ang anak namin, dahil hindi ko raw ito mahal. Na wala naman daw akong pakialam sa bata.
Wala akong pakialam kung na-brainwash na siya ng babaeng iyon.
"He's fine," sagot ko at nagkibit-balikat pa.
"Kasama pa rin ang asawa mong may amnesia? Naku, Ate paano mo natitiis iyon?" curious na tanong niya sa akin. Binalingan ko siya at sinimangutan.
"Ang alin?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Ang tiisin ang anak mo. Ang lumayo ka sa 'yong mag-ama," saad niya.
"Hanggang kaya ko pang magtiis," sagot ko. Napapailing na lamang siya.
"Napaka-martyr nito," mahinang bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Kaya ayoko ng magmahal pa, eh," sabi niya.
"Kaya pala may babae sa condo mo kanina, eh 'no?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko iyon babae, Ate. Ayoko sa kanya, 'no. Hindi ko iyon type. Isa pa na strict ang Kuya no'n."
"Takot mo lang do'n," dugtong ko.
"Oo nga--ay hindi, ah! Wala naman kasi akong ginagawa sa kapatid niya!" defensive na sambit niya.
A few minutes later, we reached our home at nasa gate pa lang kami ay sumalubong na sa amin si Mommy.
"Finally! My babies are here na!" masayang sabi ni Mommy. Una niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Kasunod ay ang kapatid ko na may balak pa yatang umiwas kay Mommy.
Dahil ayaw niyang bini-baby pa rin siya ng ina namin. Nakakahiya na raw kung may makakakita pa sa kanila.
"Mommy naman, eh!" reklamo nito. Yakap-yakap ni Mommy ang braso namin nang pumasok kami sa loob.
"Bonding time!" masiglang sabi pa ni Mom.
"Minday! Dalhan mo kami rito ng meryenda!"
"Opo, Madam! Welcome home, Hersey!" Nginitian ko na lamang si Ate Minday bilang tugon.
Umupo kami sa mahabang sofa at hindi talaga kami pinakawalan ni Mommy. Wala namang nagawa si Jerhen kundi ang mag-stay.
"Itong kapatid mo, anak. Madalang na itong umuwi, eh!" tunog sumbong na wika ni Mommy at napasulyap ako sa kapatid ko.
"Don't worry, Mom. Sinabi ko na kay Jerhen na mag-stay na siya rito," saad ko at mabilis na nag-react siya.
"Pero Ate! Malapit lang sa condo ko ang university namin!" reklamo niya. I smirked at him.
"Ano ngayon? Hindi rin naman ito kalayuan sa mansion, ah? Graduating ka na, Jerhen. After your graduation ay sisimulan na kitang turuan sa paghawak ng kompanya natin. At aalis ka na sa puder ni Mommy. Kaya pagbigyan mo na si Mom at mag-stay ka na rito," sabi ko sa kanya. Narinig naman namin ang pagsinghot ni Mommy. Mukhang iiyak na naman ito, eh.
"Oo nga naman, baby Jerhen. Ayaw mo ba akong makasama? Aalis ka na rin naman after your graduation," nakangusong sambit ng ina namin. May tumulong luha sa pisngi niya kaya inalo na siya ng kapatid ko.
"Sige na nga po, Mom. Mag-stay na ako rito. Pero Mom, sumama ka na sa amin ni Ate pumunta sa Manila. Doon na po tayo manirahan," suggestion ni Jerhen kay mommy. As if sasama ito sa amin.
"P-Pero ayokong iwanan ang mansion natin. N-Nandito ang alaala ng Daddy niyo," dahilan nito kaya natahimik kaming dalawa ni Jerhen. 'Yan ang rason niya kaya hinayaan ko na lamang sa nais niya.
"Mom, matagal na pong wala si Dad at alam naman natin na maayos na ang kalagayan niya roon. Huwag mo naman pong ikulong ang sarili niyo rito, Mommy," tila maiiyak na sabi pa ng kapatid ko.
"But I don't want to." Sa huli ay walang nagawa si Jerhen. He can't force our mother na sumama sa amin sa Manila. Ayaw niya dahil kay Daddy. Kaya bagsak ang balikat ng kapatid ko.
"Nandito na po ang meryenda niyo, Madam," sabi ng kasambahay ni Mommy.
At dahil miss na miss daw kami ng nanay namin ay nauwi kami sa movie marathon at buong magdamag na magkasama.
Nagising ako ay nasa loob na ako ng kuwarto ko. 11AM na ako nagising at
talagang napuyat ako.
Naligo ako kaagad at pagkatapos ay inayos ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng itim na shirt at puting maong na shorts.
Nasa bahay lang din naman ako, eh. Kaya iyon lang ang sinuot ko. Nag-leave lang ako ng one week saka ako babalik sa Manila.
"Nasaan po sina Mom at Jerhen?" tanong ko sa kasambahay naming si Ate Minday. Matagal na siyang naninilbihan dito sa mansion. Buhay pa si Dad.
"Nasa foundation niyo, Hersey. Dumating ang mga doctor mula sa Manila may medical mission, eh. Pinapasabi ng Mommy mo na sumunod ka raw doon. Saka dumaan ka raw sa resto niyo. Hindi pa raw kasi nade-deliver ang mga pagkain para sa mga doctor at mga bata," pahayag ni Ate Minday.
Foundation iyon, pinatayo ni Dad at iyon na ang pinagkaka-abalahan ni Mommy. Isa raw iyon sa alaala ni Dad kaya patuloy pa rin binibigyang suporta ni Mommy ang mga bata at maging senior na pinabayaan na ng mga sarili nilang anak.
"Nasaan po ba si Jerhen? Bakit hindi po ang kapatid ko ang inutusan ni Mommy?" nagtatakang tanong ko kay Ate Minday.
"Pumasok sa paaralan niya ang kapatid mo," sagot niya sa akin at ibinigay sa akin ang tinempla niyang kape na mabilis na kinuha ko.
"Saturday po ngayon, Ate."
"Graduating na ang kapatid mo, Hersey. Kaya busy iyon, eh."
"Uuwi naman daw ba siya rito? Babawiin ko talaga 'yang condo niya at bike niya. Makikita niya," nagbabantang sabi ko at simimsim ng kape. Masarap sa lalamunan.
"Uuwi naman daw. Eh, nandito ka."
"Gusto mo ng heavy breakfast?" tanong sa akin ni Ate Minday. Umiling ako.
"Sandwich na lamang po, Ate."
"Pansin ko na pumapayat ka, Hersey. Naku hayaan mo na ang asawa mo. Babalik din ang alaala no'n," saad niya at ngumiti ako.
"Maghihigante po ako kung babalik na ang memories niya, Ate. Hintayin niya kamo," natatawang sabi ko at pati si Ate Minday ay nahawa na rin sa tawa ko.
Pero hindi ko nakain nang maayos ang sandwich ko dahil tumawag si mommy sa akin. Gutom na raw ang mga tauhan nila. Tsk.
Nagsuot lang ako ng sandal at nagpahatid sa restaurant ni Mommy. Sariling negosyo ni Mommy ang restaurant niya na naimana pa niya mula sa parents niya. Si Mom lang ang nagha-handle nito. 'Di hamak na mas maraming negosyo si Dad kaya kami ni Jerhen ang hahawak no'n. Ang anak ko ang magmamana nito balang araw.
Pagkarating ko sa resto ay lumapit ako sa isang truck. Mukhang ready na at ako na lang yata ang hinihintay roon.
"Good morning po, Ma'am Hersey!" bati sa akin ng manager ng resto. Ngumiti lang ako.
"Ready na po ba?" tanong ko. Nasa truck na nga lahat ang mga pagkain na ide-deliver.
"Opo, Ma'am Hersey. Ang kaso po ay walang magmamaneho ng truck. Naka-leave po ang driver natin, ma'am. Iyong mga riders po natin ay kasalukuyan ding naghahatid ng mga in-order ng customer natin at baka po ay matagalan bago sila makabalik," problemadong saad nito. Tumango ako. Kaya naman pala, pinapasunod ako ni Mommy.
"Ako na po ang bahala," sabi ko at sumakay na ako sa driver's seat. Nahirapan pa ako dahil masyadong mataas.
"Sasama po ang tatlong waiters natin, ma'am. Para mag-asikaso po roon."
"No problem," sagot ko at sumakay ang dalawa sa likod. Nasa tabi ko naman ang isa na mukhang nahihiya sa presensiya ko.
Sino ba ang hindi mahihiya? Kung naging instant driver mo pa ang anak ng boss mo?
At dahil tirik na tirik ang araw at nagsuot ako ng shades.
"Lead the way, okay? Medyo nakalimutan ko kasi ang daan patungo roon, eh," sabi ko sa katabi ko.
"Sige po, ma'am," naiilang na sagot niya at nagmaniobra na ako ng sasakyan.
Hindi naman kami naligaw kasi alam naman niya ang daan.
Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas narating na namin ang foundation.
May tatlong malaking tent doon at marami rin ang mga tao. Ang isang tent naman ay roon ang mga bata na sinusuri ng mga doctor, ang pangalawa ay ang mga seniors. Lastly ay kung saan yata kakain ang lahat.
May mga mamahalin ding sasakyan ang naka-park sa paligid.
Bumaba ako ng mai-park ko na ng maayos ang truck. Natanggal ko ng wala sa oras nang mahagip ng mata ko ang asawa ko.
Oh, darn it! Ang Montallana hospital pa ang...oh! Si Mommy ang may pakana nito!
Binalik ko ang shades ko nang lumingon sa side ko si Jinsen saka ko hinanap ang Mommy ko.
Kung minamalas ka nga naman, eh. Nandoon si Mommy sa puwesto ng asawa ko.
Wala akong balak na lumapit sa kanila pero tinawag ako ng magaling kong ina.
A big words, NO CHOICE. I walked towards them at umupo sa bakanteng chair malayo sa kanila.
"Anak naman, dito ka dali! Nandito ang asa--si Dr. Jinsen!" Humalukipkip lamang ako pero hindi nagpatinag ang ina ko. Lumapit siya sa akin at hinila ako.
"This is my daughter, Dr. Jinsen. She's beautiful, isn't she?" pakilla ni mommy sa akin. Alam ko na gumagawa siya ng ways para maalala ako ng asawa ko na isang taon kong hindi sinubukan.
Dahil bakit pa? Eh, makita niya lang ako ay sumasakit na ang ulo niya. Mawawalan na siya kaagad nang malay.
"Indeed, Madam," sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Salamat naman at dito sa Cebu niyo piniling ibigay ang serbisyo niyo," nakangiting sabi pa ni mommy.
"Sa Palawan po talaga, Ma'am, eh. Pero mukha pong excited si Dr. Jinsen na rito na lamang ang medical mission namin. Naka-sched---"
"Shut up, Dr. Sergio," malamig na sabi ni Jinsen sa kasama niyang doctor at siniko pa niya ito.
"No worries, Madam. Masaya po kaming magbigay ng serbisyo sa inyo. Lalo pa po na kayo ang founder ng orphanage na ito," saad pa niya.
Inabala ko ang sarili ko sa hawak kong cellphone pero nakikinig pa rin ako sa pinag-uusapan nila. Ramdam ko ang isang pares ng mga mata na nakatitig sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
"Pitong doctor at tatlong nurse kayo rito, 'no? Kaya sa mansion na kayong tumuloy. Marami kaming guestroom doon."
Gusto kong sumabat! Ayoko sa suggestion ni Mommy! Ayokong doon manatili---
"Okay lang sa 'yo, 'di ba anak?" baling na tanong sa akin ni Mommy.
Napatingin ako sa asawa ko. Gusto ko siyang iripan dahil mukhang gusto niya rin ang suggestion ng mother-in-law niya. Kung alam niya lang!
"Nakakahiya po," labas sa ilong na sabi niya. Bahagyang tumaas ang kilay ko.
"May hotel po, Mom. Puwede silang mag-stay roon at ako na po ang magbabayad ng bills nila," suggestion ko pero hindi nagpatinag ang ina ko.
Sa huli ay wala akong nagawa.
Nang mag-break time na silang lahat at nagkanya-kanyang kain ay pumasok ako sa orphanage.
Tinawagan ko ang babysitter ng anak ko.
"Kamusta po ang anak ko?" bungad na tanong ko kaagad.
"Okay n--"
"Is that Mom?! Akin na po! Want makipag-usap ni Jinsel!" rinig kong masiglang saad ng anak ko. Napatawa ako. Three years old pa lamang siya pero matatas ng magsalita.
"Hello, Mom?"
"Hi, baby."
"Si Mommy nga! Mom, when mo po ba i-visit si Jinsel? Miss na miss na kita, Mommy! Ayaw na po ni Jinsel kay Sarina," sumbong nito sa akin. Ang lintang kabit iyon ng asawa ko.
"Maybe next week, baby. Nasa Cebu kasi si Mommy, eh. Bibisita ako pagkauwi ko, okay?" malambing na sabi ko sa kanya.
"Okay po, Mom. Love na love ka po ni Jinsel."
"I love you too, baby..."
"Sino po ang kausap ng anak ko? Pakibigay po ang cellphone kay Jinsel." Nagulat ako nang marinig ko si Jinsen na nagsalita.
"Mom! Is that Dad?!"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Takot ako mahuli.
"Jinsel? Sinong Mom?!"
Nagsalubong ang mga mata namin ng asawa ko. Salubong ang kilay niya habang nasa tainga niya rin ang phone niya.
"Daddy!" rinig kong tawag ni Jinsel sa Daddy niya.
"Jinsel, kinausap ka pa rin ba ng babaeng iyon?"
Wait. Sino ang tinutukoy niyang babae?
"Po, Dad? Sino po?" inosenteng tanong ng anak ko.
"Ang Mommy mo. May communication ka pa rin sa kanya?" may himig na galit na tanong ni Jinsen sa anak ko. I want to punch him. Really hard.
"W-Wala po, Dad!" defensive na sagot ni Jinsen.
"Natututo ka ng magsinungaling sa akin, Jinsel? Alam ko na kinakausap ka ng Mommy mo, Jinsel."
Pake naman niya? At bakit nakatingin pa rin siya sa akin.
"Daddy..."
Siraulo... Umiiyak na ang anak ko!
"Dad, I miss my Mom!"
"Papupuntahin ko ang Mama Sarina mo riyan. Kalimutan mo na ang Mommy mo, Jinsel. Iniwan ka na niya. Hindi natin siya kailangan." Parang sinuntok ang puso ko sa sinabi niya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at naibaba ko na ito.
Nakalimutan na nga niya ako. Eh gusto pa niya na kalimutan din ako ng anak ko?! At Mama Sarina?!
"Tell your Dad na kukunin kita, Jinsel. Magsama kamo sila ng lintang kabit niya," saad ko. Hindi ko na naisip na puwedeng malaman ni Jinsen kung sino ako.
Hindi naman siya masyadong malapit sa akin at pabulong ko lang iyon sinabi.
"Sabihin mo rin na asshole ang Daddy mo, baby."
"Dad, magsama po raw kayo ng lintang kabit mo saka... Sabi ni Mommy, a-asshole ka raw..." nag-aalangang sabi ng anak ko. Tumaas ang sulok ng labi ko.
"See, baby?! Bad influence lang siya sa 'yo. Kung anu-ano ang tinuturo sa 'yo! Ibigay mo sa akin ang cellphone number niya at ako ang kakausap sa kanya. Kung pera ang gusto niya ay ibibigay ko sa kanya," malamig na sabi niya. Natutuwa ako dahil frustated na siya.
"Sabihin mo, baby. Ligawan mo muna si Mommy."
"Ligawan mo raw po si Mommy, Dad."
"What?!"
Pinatay ko na ang phone ko. Gusto kong tumawa but not in front of my husband.
Mama Sarina, ha? Tarantadong Jinsen!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top