CHAPTER 22
Chapter 22: Distance
"YEHEY!" he shouted happily when he run towards the sea.
"Be careful, Jinsel!" natatawang sigaw ni Jinsen.
Napangiti ako nang makitang nagpapahabol siya sa alon, na marahan na humahampas sa buhangin at kay ganda nitong tingnan. Maririnig ang malakas na tawa ng anak ko at parang niloloko niya lang ang alon sa ginagawa niya.
Seeing him happy is makes me happy too at kapag nakikita ko naman siya na umiiyak ay nasasaktan din ako. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Lalo na kung kaming mga magulang niya ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Tapos alam na niya ang pakiramdam kung paano masaktan. Sana lang ay hindi na niya iyon nararamdaman pa.
I can't promise though, but I'll try my best na hindi na mararanasan iyon ni Jinsel. I love him, so much. I love my son. He's my everything.
Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang kamay niyang dumulas sa baywang ko. Ngumiti siya sa akin at marahan na hinila niya ako. Tumaas ang kamay niya sa mukha ko at may pinunasan sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha ko.
Nadala lang ako sa emosyon ko lalo na kung involved ang anak ko.
"Did you miss your son, too?" he asked me, softly. I glanced at my son. He's still happy playing the waves.
Yes, kahit nakikita ko pa halos araw-araw ang anak ko ay namimiss ko pa rin siya. Wala yatang nagdaan na oras na hindi ko naiisip at namimiss ang anak ko.
I looked at him again and I nodded, "Yes. I missed him, so much," sagot ko at nabasag ang boses ko. Parang may bumara rin sa lalamunan ko at nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa mabibigat na paghinga ko.
Napapikit ako nang kinulong niya ako sa mga bisig niya at mahigpit na niyakap. Pero dumilat din ako nang makita ko ang anak ko.
God... Naaalala ko lang ang mga gabing wala ako sa tabi niya at naiisip na umiiyak siya ay parang isang kutsilyo na paulit-ulit na sumaksak iyon sa dibdib ko. Sobrang sakit.
"Where's your child? Puwede natin siyang kunin kung nasaan man siya," sabi niya at tumango ako.
"Sa tamang panahon. Kukunin ko rin siya. But I'm contented na makita lang siya from afar...at least."
"Okay."
Kumalas ako sa yakap ng asawa ko at sinalubong ko ang patakbong paglapit sa amin ni Jinsel.
Patalon na yumakap pa sa akin habang nakaluhod na ako sa buhangin at naghihintay na makalapit siya sa akin.
"I love you... I love you, so much, Jinsel and I'm sorry..." I whispered na sapat na upang marinig niya iyon. Lumuhod din si Jinsen at pareho niya kaming niyakap.
Hindi siya nagtanong o nagsalita kung bakit naging emotional ako at lalong-lalo na ang paghigpit nang yakap ko sa anak namin.
Isang taon din. Isang taon ko rin siyang tiniis.
DALAWANG araw lang kaming namalagi sa Boracay at kinabukasan ay umuwi rin kami sa Manila. May sarili kaming trabaho na kailangan asikasuhin.
At kahapon pa nangungulit si Senator Ferrara. Nalaman niya rin na pauwi na ang best friend kong si Xena. Excited daw kasi siyang makilala at maging bodyguard niya si Xena. Grr.
Sa buong biyahe namin ay walang ibang ginawa ang anak ko kundi ang yumakap sa akin at magpalambing. Tila nararamdaman at nahuhulaan na naman niya na magkakahiwalay na naman kami.
Pero hindi ko naman nakita sa mga mata niya ang lungkot. Hindi naman ganito dati si Jinsel. Hindi siya ganito na tila matured na mag-isip.
Naalala ko na mahilig siyang maglaro at ang mga toys niya na lamang ang nagpapasaya sa kanya, at ang magpalambing din siya sa amin.
Pero nang dahil sa problemang dumating sa pamilya namin, lalo na sa Daddy niya ay parang nag-iba siya.
Turning four years old na siya next next month pero tila unti-unting lumalawak ang imagination niya at matured ng mag-isip. Ayoko pang lumaki ng mabilis ang anak ko. Gusto ko pa siyang alagaan habang baby pa siya.
"Mommy..." mahinang sambit niya habang natutulog siya sa bisig ko. I smiled. Ako siguro ang nasa panaginip niya.
Napagod siguro siya sa mahabang biyahe namin kaya nakatulog siya. Habang si Jinsen naman ay kasalukuyang nagmamaneho. Nasa backseat kaming mag-ina at panaka-naka rin ang sulyap niya sa amin mula sa review mirror ng sasakyan niya.
Hindi ko akalain na makakasabay ko pala sila sa pag-uwi. Gayong ang kasama nila ay ang Sarina na iyon. Tapos heto...nagkaroon pa kami ng pagkakataon para makapag-bonding. Na matagal ko nang pinapangarap na muli ko silang makasama. Na sila lang dalawa, na walang Sarina sa buhay namin.
"Ang himbing nang tulog niya. Napagod siguro siya," nakangiting sabi ni Jinsen. Mahinang humalakhak ako.
"He is. Ang cute niya kapag tulog, 'no?" sabi ko habang tinititigan ko pa rin siya. Ganito ang hitsura ng Daddy niya kapag natutulog.
Kamukha niya kaya ang anak namin, namana lang sa akin ang abo nitong mga mata at kung paano rin makatitig sa isang tao. Napakalalim at parang hinihigop ka nito.
"Mana sa Daddy, eh," he stated. Walang halong pagbibiro iyon parang natural na sinabi niya lang pero inirapan ko siya sa review mirror. He just chuckled.
Hinalikan ko naman ang pisngi ng anak ko at ngiti-ngiting pinagmamasdan ko siya ulit.
Hours later ay nakarating na rin kami sa Manila at 'saktong 12PM pa. Lunch time. Bumili naman kami kanina ng pagkain para sa biyahe namin.
"Kumain muna tayo," ani Jinsen at hininto niya ang kotse niya sa tapat ng isang restaurant.
Naramdaman siguro ni Jinsel na huminto na ang sasakyan at humigpit ang yakap niya sa akin. Sinubsob pa niya ang mukha niya sa dibdib ko. Masuyong hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.
"Hindi ka ba gutom, baby?" I asked him. Alam kong gising na siya, eh.
Hinipan ko ang pilikmata niya at gumalaw-galaw naman ang talukap no'n. Kiniliti ko na siya at tuluyan na siyang napadilat.
Natawa siya sa ginawa ko at inalalayan ko siyang makaupo, "Lunch time na, baby," I told him.
Namumula pa ang mga mata niya dahil sa himbing nang tulog niya kanina at mabagal pa ang pagkurap niya. Napahikab pa siya at natawa na ako.
"You two, let's go," sabi ni Jinsen at hindi ko namalayan na nakababa na pala siya. Nakabukas na rin ang pintuan sa side ko.
Una kong ibinigay sa kanya si Jinsel na inalalayan niyang makababa at pagkatapos ay ako naman.
Buhat-buhat niya ang anak namin habang papasok kami sa loob ng resto. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng mga tao pero hindi ko na lang din na pinansin.
"I want fries and pizza, Dad."
"It's not healthy foods, baby. But sure. How about you, Hersey?"
"Hmm, anything," I replied.
"There... May vacant table po there," sabi ni Jinsel at pareho naming tiningnan ang itinuro niyang bakanteng table. Nakangiti pa ako no'n pero agad din siyang naglaho nang makita ko ang isang ginang na seryosong nakatingin sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakauwi na siya? Kailan pa?
Hindi lang siya ang nag-iisang nakaupo roon dahil kasama niya si Sarina at may isa pang ginang na nasa tabi rin niya.
"Mom?" sambit ni Jinsen.
Yes, ang ina ng asawa ko. My mother-in-law. Pero sa pagkakaalala ko ay nasa America ito with Dad. Pero ano'ng ginagawa niya rito? Nakauwi na pala siya? Kasama niya kaya si Daddy? My father-in-law.
Bago pa makalapit si Jinsen sa puwesto ng Mommy niya nang hinawakan ko na siya sa braso niya.
"Jinsen..."
"Hmm?"
"I'm sorry, I have to go. May...may emergency sa kompanya ko at kailangan ako roon," palusot ko agad at kinabahan pa ako na baka...
Tiningnan ko ang anak ko na nasa akin na ang atensiyon niya.
"I'm sorry," sambit ko lang saka ko sila tinalikuran.
"Hersey... Wait..."
Malalaki ang mga hakbang na umalis ako roon sa resto kahit ang bigat-bigat sa dibdib. Wala akong magawa this time. Hindi ko kayang piliin ang anak ko dahil nandiyan ang Lola niya.
Hindi naman against sa amin ang Mommy niya. Pero simula ng mawala ang alaala ng asawa ko ay sinabi niya rin sa akin na kailangan ko na munang lumayo at hayaan na muna si Jinsen.
Naalala ko ang araw na nagising ang asawa ko.
"Sensitive ang kalagayan ng anak ko, hija. Ikaw...ikaw ang nagti-trigger sa amnesia niya. I'm so sorry, alam kong mahirap para sa 'yo na gawin ito... But please, K-Kailangan mo na muna na lumayo... Lumayo sa kanya. Ayokong...ayokong bumalik sa comatose state ang anak ko, Hersey. Alam mong mahal na mahal ko siya at maging ikaw rin ay mahal mo siya. P-Pero nag-iisang anak ko lang si Jinsen, nag-iisang anak namin ng Daddy mo. But please, for his sake, gawin mo muna ang bagay na ito."
"Makakaalala na naman siya... Nakita mo naman ang nangyayari sa kanya sa tuwing nakikita ka niya, Hersey... Please..." nagmamakaawang sabi sa akin ng ina ni Jinsen. Ang mother-in-law ko. Halos lumuhod siya para lamang sumang-ayon ako sa ideya niya na huwag na muna akong magpapakita pa sa asawa ko.
Pero kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin iyon. Mahal na mahal ko si Jinsen. Halos wala nga akong tulog at maayos na pahinga habang natutulog siya. Tapos...ang lumayo ako sa kanya...
Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang iwan na ganoon ang sitwasyon niya... Ang kalagayan niya, hindi ko siya ipapaubaya sa iba dahil ako dapat ang nag-aalaga sa kanya. Ako ang asawa niya at alam ko na isa ako sa makakatulong sa kanya para bumalik ang alaala niya.
Pero tama siya, tama si Mommy. Mas mahihirapan lang si Jinsen kung ako ang kasama niya.
"Mommy... Mahal ko po siya, eh. Mahal na mahal ko po siya at parang hindi ko kaya..." umiiyak na sabi ko at mabilis na niyakap niya ako. Humagulgol din siya at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang sakit ng puso ko na maging ang pagkatao ko ay ganoon din.
Pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin...
"'Yong anak ko po, M-Mommy... Ang anak namin..."
"Sa kanya na muna ang apo ko, please. Hindi naman ito magtatagal, Hersey. Alam kong sa madaling panahon ay makakaalala pa rin siya..."
Pero umabot na ng isang taon, Mommy. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naaalala.
Ang alam niya lang tungkol sa akin ay ex-girlfriend niya at sumama sa ibang lalaki dahil nabuntis ako.
Paulit-ulit na lang nangyayari ang eksenang ito. Kaya sa huli ako na naman ang nagparaya. Ako na naman ang lumayo...
Dahil pagkatapos nang araw na iyon ay nakipagkita sa akin ang Mommy ni Jinsen.
Naiintindihan ko naman siya. Alam ko ang pakiramdam na makita ang anak mong nasasaktan at nagdurusa. Alam na alam ko ang pakiramdam kahit hindi siya magmakaawa sa akin at umiyak sa harapan ko.
Hindi lang ako nagdesisyon no'n. Pati ang Mommy ni Jinsen at oo isasama ko sana ang anak ko pero nagmakaawa sa akin si Mommy na sa kanila na muna si Jinsel.
Napahugot ako nang malalim na hininga at sumandal sa headrest ng swivel chair ko.
"Ang lalim no'n, ah. Hindi ko masisid," komento ni Miamor Ferrara kaya nasungitan ko na naman siya.
"Nasa Pilipinas na si Xena. Hmm. Sabihin mo agad sa kanya, dear. I can't wait to meet her,' she said. Hindi ako kumibo at nanatiling tiklop ang bibig ko.
Pinaglalaruan ko lang ang ballpen ko sa daliri ko at kunot-noong tinitigan ko lang din ang papel na hindi ko maintindihan dahil sa lalim ng pag-iisip ko.
"May bisita po kayo, Ma'am Hersey," narinig ko pang sabi ni Xeld pero parang wala sa sarili pa rin akong nakatitig sa papel. Paulit-ulit na binabasa iyon.
"Oh... Nice. I have to go, dear," paalam sa akin ni Miamor pero maging siya ay hindi ko binigyan pansin.
Ilang segundo ang nakalipas at parang kakaiba na ang atmosphere sa loob. Wala sa sariling nag-angat ako nang tingin at ganoon na lamang ang gulat ko sa nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.
"What... What are you doing here?" nauutal kong tanong sa kanya.
Seryoso at blangko lang ang emosyon niya. Bumaba ang tingin ko sa tuhod niya, or particular na sa likod no'n.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jinsel. Nakatago siya sa likod ng Daddy niya.
Napalunok ako. Ano'ng ginagawa nila rito?
Damn it. Ako itong kusang lumalayo sa kanila ay heto sila ang lumalapit sa akin.
Mariin na napapikit mata ako at muling bumuntong-hininga. Pero nawala ang bigat sa dibdib ko nang makita ko na sila.
Oh, goodness.
"Long time no see," seryosong sambit ni Jinsen at lumapit na silang dalawa sa akin.
Nagalit ba ang anak ko at bakit seryoso rin siyang nakatingin sa akin? Dalawang araw pa naman ang nakalipas, ah?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top