CHAPTER 20
Chapter 20: Madness
KAHIT naguguluhan ako sa ikinikilos niya ay hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
Hindi rin naman siya nagtagal at bumukas ang pintuan. 'Saktong natapos na rin naman ako sa pagkain.
Akala ko ay hindi na siya babalik.
Napatayo ako nang makitang buhat-buhat na niya ang anak namin. Nakayakap ang maliliit na braso nito sa leeg niya at nakabaon ang mukha sa leeg ng daddy nito.
"Shh... Tahan na, anak. Why are you crying ba?" pag-aalo niya kay Jinsel na umaalog pa ang balikat nito. Kaya hinagod niya ang likod nito. Hindi ko naman naririnig ang paghikbi ni Jinsel pero alam kong umiiyak siya.
Umiiyak na naman siya sa ganitong oras... Alam ko na ako na naman ang dahilan.
"I just missed my Mommy..." Narinig kong sagot nito sa daddy niya. Napabuntunghininga si Jinsen dahil sa sinabi nito.
Tumingin sa akin si Jinsen at kinabahan pa ako sa kakaiba niyang pagtitig sa akin. Parang may nalalaman siya na ano. Pero ko pinahalata sa kanya na kinabahan ako sa paraan lang nang pagtitig niya sa akin.
"Shh, your Tita is still here," he said.
"Tita Sarina? Bumalik na po ba sa Manila si Tita Hersey, Daddy? I want to see her, again."
Ininguso ni Jinsen ang kama at kinunutan ko siya ng noo. Pero tinungo ko pa rin ang bed at umupo roon. Hinihintay na makalapit silang dalawa at nang nasa tapat ko na sila ay nagpumiglas pa si Jinsel dahil nahulaan niya na ibibigay siya ng Daddy niya sa kung sino man.
"No, Daddy!" umiiyak na sigaw niya. Natawa pa si Jinsen dahil ang neckline ng T-shirt niya ang hinila ni Jinsel, sobrang higpit no'n.
Niyakap ko ang maliit na katawan ng anak ko nang nasa lap ko na siya.
"Jinsel," sambit ko sa pangalan niya at doon lang siya napatingin sa akin. Unti-unti niyang binitawan ang damit ng daddy niya at nakita ko ang relief sa mata niya.
"Mommy?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya at napatingin kay Jinsen.
Naguguluhan na tiningnan niya rin ito. Saka siya napahawak sa ulo niya at impit na dumaing.
"J-Jinsen..."
"I-I'm fine,," sagot niya sa akin, eh muntik na nga siyang lumuhod diyan sa sahig.
Tapos narinig pa niya ang itinawag sa akin ni Jinsel. Sana naman ay huwag niyong pagdudahan o huwag siyang mag-isip nang kung anu-ano.
"I'm sorry. Madalas ay ganyan ang anak ko. Minsan na rin niya napagkamalan na mommy niya si Sarina," he reasoned out. I felt relief. Ayos lang sa akin kahit pagkamalan pa niya si Sarina na mommy niya. Alam kong hindi naman iyon sinasadya ng anak ko.
Tiningnan ko si Jinsel na nakayakap na sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Namumula ang mata niya dahil siguro sa pag-iyak pero wala ng luha.
"He's comfortable sa presensiya mo. Are you alright, now son?" he asked Jinsel.
Tiningnan siya ni Jinsel bago ibinalik ang tingin sa akin. Natawa ako sa ginawa niya. Parang takot siya na mawala ako, ah. Hindi naman ako aalis at nangako na ako hindi ko na siya pagtatabuyan pa.
"Opo, Daddy. She's here na," sagot niya at itinuro pa ako, ang lapad-lapad na ng ngiti ng anak ko.
"Bakit dito mo siya dinala? Bakit hindi sa suite ni Sarina?" I asked my husband.
Si Sarina ang girlfriend niya, ang naaalala niya pero bakit nga ba dinala niya rito si Jinsel? Sa halip na sa kabilang room kung nasaan din ang Alfred na iyon?
"Nakita ko siya kanina na lumabas sa room niya. Wala pa siya," sagot niya lang at hindi niya sinundan ang linta na iyon?
"Hindi mo siya sinundan?" nagtatakang tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi kung hahayaan niya lang iyon na umalis. Nagpaalam kaya sa kanya?
"Nope. Nagpaalam siya sa akin," sagot niya. Kaya naman pala. Tsk.
Kung nasa kuwarto niya siguro ang babaeng iyon ay roon niya dadalhin ang anak namin. Hindi sa akin. Grr.
"You need to sleep, guys." Hindi na nagpumiglas si Jinsel nang buhatin siya ng Daddy niya at dinala sa bed ko.
"May kuwarto kayong mag-ama, ha," sabi ko na kunwari ay hindi ko gusto na matutulog sila sa tabi ko.
"Can we sleep here po? With Daddy? Promise, behave lang po kami," ani ni Jinsel. Aw, he's so cute. Makikitulog na nga siya rito tapos isasama pa niya ang Daddy niya? Ang galing...
At mukhang favor iyon sa isang ito, eh. Dahil nakangiti lang siya at nagustuhan ang sinabi ng anak niya.
"Your Daddy is not allowed to sleep here," mariin na sabi ko pero may ngiti naman sa labi ko. Para hindi siya matakot sa akin. Isa iyon sa iniiwasan ko. Ang maging malamig at sungitan ang anak ko. Ayokong matakot siya at magtanim ng sama ng loob sa akin.
"Why not?" magkasabay na tanong nila sa akin at nagkatinginan pa sila.
"Why not po? He's going to behave naman po. Right, daddy? You'll behave? Wala kang gagawin kahit na ano sa kanya? Right po?" Aba...
"Yes, my boy. Convince her more. I wanna sleep beside her too, please," nakangising sabi pa niya. Ginagamit pa nito ang sarili niyang anak. Ang galing niyang mangumbinsi, ah.
"You heard that po? He'll behave na po. Let my Daddy stay with us, please."
"No," tanggi ko kahit alam kong pumapayag na ako.
"This is my room," sabi ko pa.
"Oh. Then, you can sleep na lang po sa room namin. You're allowed to sleep beside us, with Daddy." Hala, aba... Ayaw talagang magpatalo ang bata. Kung nasaan siya ay dapat nandoon din ang Daddy niya.
Hindi ba puwedeng siya lang mag-isa at iwanan na niya ang tukmol na ito? Nakangisi pa ang asawa ko at makikita ang amusement sa mata niya. Tuwang-tuwa, ha.
"I have a smart kid, right?" sabi niya at may kung ano'ng bagay naman ang humaplos sa puso ko. He's proud of it. Mahal na mahal niya ang anak namin kahit alam kong nakalimutan niya rin ito.
Thankful din ako na hindi siya nati-trigger kay Jinsel. Nalaman ko rin mula sa babysitter ng anak ko na hindi nahirapan si Jinsen sa anak niya dahil mabilis siyang napalapit dito. Kahit wala siyang naaalala ay alam niya raw na mahal niya ang bata. Na sa kanya raw ito. Alam niya at ramdam niya.
Kaya ako lang talaga ang lumayo. Dahil kung pati ang anak ko ang kasama niyang nakalimutan, na which is kasama talaga ay baka dobleng sakit ang mararamdaman ni Jinsel. Mas okay na rin siguro na ako lang ang lumayo at hindi siya kasama ko.
I shrugged my shoulder at tumabi nang higa sa kanya. Nanatiling nakaupo lang si Jinsen sa left side ng anak namin at nakatingin lang din siya sa amin. Parang lumalalim na naman ang iniisip nito. Memories na naman 'yan. Pinipilit na naman niyang makaalala.
"Come here, Daddy. Sleep ka na rin po," pag-aaya sa kanya ni Jinsel at tinapik-tapik pa nito ang kama na nasa tabi niya. So, that ay mapapagitnaan namin ang anak namin.
Walang salitang namutawi sa bibig niya at sinunod ang gusto ni Jinsel. Humiga na rin at palipat-lipat pa ang tingin niya sa amin. Mukhang may naaalala nga siya.
"Hindi na siya mukhang malungkot," he commented. Nakapikit na ang mata ni Jinsel at sa akin lang siya nakayakap.
"Thank you. Thank you for letting us," he said.
"Mag-thank you ka sa anak mo. Dahil sa kanya ay pati ikaw patutulugin ko rito," sabi ko. Ngumiti lang siya and he reached for my face. He slowly caressed it.
"Good night." I didn't respond at pumikit na rin ako.
"Good night, Mom, Dad..." Napadilat ako dahil sa binigkas na naman ng anak ko. Jinsel, naman. Nadulas ka na naman, anak ko.
Nakapikit pa siya at para lang siyang nananaginip. Kahit alam kong hindi pa malalim ang tulog niya.
"Good night, Jinsel."
"She wants you to be his Mom," he said. Of course dimwit, I'm her biological mother. Pss.
"Are you willing to have him as your son, too?" he asked me, he was serious when he said those words. I stared at him. Why did he asked me that?
"I have my son, too. How about you?" I asked him back.
"Yeah," maikling sagot niya lang at inirapan ko siya saka ako pumikit ulit.
Mabilis akong nakatulog nang gabing iyon dahil finally after a year ay nakatabi ko silang matulog sa gabi. I missed them, so much. Kaya naging mahimbing ang tulog ko. Thanks to them.
THE next day ay nagising ako na nakayakap na sa likuran ko si Jinsen at ang matigas niyang braso ang naging unan ko. I looked at my son. He's still sleeping at sobrang himbing pa. Hindi ko sinubukan na gumalaw kasi baka magising siya at maging ang daddy niya na lumipat pa ng higaan at sa tabi ko pa. Seryoso talaga siya sa cross the line niya.
"Good morning," narinig kong sabi niya at ang boses niya ay bagong gising pa talaga.
"The last time I check ay nasa tabi ka pa ng anak mo. Ano'ng ginagawa mo sa likod ko, hmm?" nagsusungit na tanong ko.
Marahan siyang gumalaw at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
"Huwag mo akong sungitan, early in the morning. Maganda ang araw ko ngayon, Hersey. Ngayon lang ako nakatulog nang maayos and thanks to you," sabi niya sa mahinang boses.
Ibig sabihin no'n ay palaging hindi maayos ang tulog niya? Bakit naman kaya?
"Good morning po," inaantok pa na sabi ni Jinsel at biglang bumangon. Humiga siya sa gitna namin kaya napilitan ang Daddy niya na magbigay ng space sa kanya. Nakasimangot pa.
"Morning. Did you sleep well, my boy?" he asked him.
"Yup, how about you po, Daddy?" Jinsel asked him back.
"Yup, same," sagot niya na ginaya lang ang sinabi ng anak niya.
"How about you po?" Ako naman ang binalingan niya.
"Fine sana," sabi ko at tiningnan si Jinsen.
"But your daddy ay hindi behave kagabi. Lumipat siya. Nag-take siya ng advantage sa akin habang tulog pa ako. You see, nasa tabi ko na siya," sumbong ko sa kanya at tiningnan ng anak ko si Jinsen.
"Daddy, I told you na behave ka lang. Hindi na tayo patutulugin niya next time," pangangaral niya sa Daddy niya na ikinatawa lang nito nang malakas.
"I'm sorry, son. I'll behave next time," sagot niya nang nakangiti.
"Oh, sorry to hurt your bubbles, boys. There's no next time na," umiiling na sa sabi ko at aba, pareho pang humaba ang nguso nilang dalawa.
After our little chit-chat ay lumabas na rin silang dalawa para bumalik sa room nila.
They invited me to eat breakfast with them. Sheems... Magagalit na naman si Sarina dear kapag nalaman niya ito. But hey, hindi pa ako nakakaganti.
Oo, puro revenge lang naman ang nasa isip ko.
I took a quick shower and after kong nag-ayos ng sarili ko ay lumabas na rin ako mula sa suite ko.
Naabutan ko ang mag-ama ko sa labas at mukha na namang problemado si Jinsen. May kausap siya sa cellphone at nakahilot sa sentido niya.
Lumapit sa akin ang anak ko at humawak sa kamay ko. Tinawag pa niya akong mommy na kami lang din ang makakarinig.
"Hi," I greeted him.
"Tita Sarina, bumalik po siya sa Manila without saying goodbye kay Daddy. That's why, he's mad," kuwento niya sa akin at inginuso pa niya ang daddy niya.
Nasa amin na ang atensiyon niya kahit may kausap pa siya mula sa kabilang linya.
"That's a good news, son. Ano naman kaya ang reason no'n at biglang umalis" natatawang sabi ko at hinila ko na siya. Iiwanan namin sana si Jinsen pero sumunod pa rin siya sa amin.
"I'll call you, again," sabi niya saka niya ibinaba ang tawag at ibinulsa ang phone niya sa pants niya.
Umiigting pa rin ang panga niya. Galit na galit? Papansin talaga ang isang iyon.
"We need to go back to Manila," he said.
"Go ahead. Hindi naman tayo sabay na pumunta rito," supladang sabi ko pero mabilis na umiling siya.
"Sasabay ka sa akin. That's final," seryosong sabi niya.
Alam ko na si Sarina Alfred lang naman ang inaalala niya kaya gusto na niyang bumalik kami. Aba, puntahan na niya kahit iwan na niya kami rito ng anak niya.
Huwag niya akong isama pabalik ng Manila. Eh, hindi naman kami magkasabay na pumunta rito.
"No, I want to stay here pa," sabi ko at seryoso rin ako.
"Then, we'll stay here," sabi pa niya.
This is a good news na dahil mas inuuna na niya ako. I mean, priority na ba niya ako more than that betch?
Sabagay sabi niya kaya ganoon niya ako tratuhin dahil sa kasinungalingan ng babaeng iyon. Kaya galit na galit siya sa akin dahil inakala niyang nag-cheat ako at sumama sa ibang lalaki kahit hindi naman totoo.
May kalalagyan talaga ang lintang kabit na 'yan sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top