CHAPTER 18

Chapter 18: Secret relationship

"BECAUSE I'm jealous. I don't know why, that's how I feel when you're with another guy. I'm just annoyed..."

Napahinto ako sa sinabi niya. Posible pa ba ang bagay na iyon? Magseselos siya sa mga lalaking kasama ko, eh wala nga siyang maalala?

Paalalahanin niyo nga ako na muling puntahan si Dr. Sergio at nang maitanong ko naman ang tungkol sa jealous thingy ng asawa ko. Nagdududa na talaga ako sa kanya, eh.

"Ano naman sa 'yo kung may ibang lalaki akong kasama? Wala kang pakialam doon. I'll do anything I want, Dr. Montallana," pairap na sabi ko.

"Not in my watch, honey," bulong niya sa tainga ko kaya parang kinikiliti na naman ang batok ko. Siniko ko siya para lamang hawakan ang kamay ko at pinalibot niya iyon sa baywang niya.

"You're a fvcking cheater," I murmured pero narinig naman niya iyon. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

Siyempre hindi iyon para kay Sarina! Kundi para sa akin. Dahil sa ginawa niya with that bitch ay consider na cheater na si Jinsen. Hindi ba?

"Whatever. I'll face the consequence and I told you, I would be glad to cross the line just to taste your lips," he said in a husky voice. Malakas na tinampal ko ang dibdib niya pero parang wala lang iyon sa kanya dahil tumaas lang ang sulok ng labi niya.

"Ang lips ko lang ba ang habol mo?! Seriously, puwede mong halikan ang girlfriend mo kahit buong magdamag pa!" sigaw ko sa kanya. Kahit hindi ko gusto ang ideyang iyon. Dahil baka hindi lang halik ang gagawin nila buong magdamag. Higit pa roon.

Iiyak lang ako ng dugo kapag nalaman kong may nangyari sa kanila. Goodness, huwag naman sana. Dahil pareho ko silang kakalbuhin.

"Am I allowed to explore your body, honey?" Umawang ang labi ko sa tanong niyang iyon.

Nababaliw na talaga siya!

"Tigilan mo ako. I'm already married!" sabi ko at itinaas ko ang kamay kong may suot na wedding ring sa daliri ko. Dalawa pa iyon.

Matagal niya itong tinitigan saka siya tumingin sa akin, "It's beautiful. I like it," sabi niya lang at nagkibit-balikat.

Bumalik kami sa cottage dahil may naiwan pa raw na gamit doon.

"Where's Jinsel?" tanong ko sa kanya. He glanced at me. He took the paperbag at malamang sa akin iyon.

Mabilis na kinuha ko iyon from him. Kumuha pa siya ng malaking towel at ang akala ko ay sa kanya iyon, I mean baka nilalamig na rin siya o baka naman ayaw niyang maglakad ng half-naked habang pumupunta kami sa hotel, 'no?

Saka dapat kanina pa ako umalis dito at nang hindi ko na muna makita ang pagmumukha niya.

Tumalikod na ako ngunit bago pa ako makapaglakad nang maramdaman ko na agad ang malambot at mainit na bagay na bumalot sa nanlalamig kong katawan.

Kasabay nang pagbigat ng kanang balikat ko dahil sa pagkakaakbay niya sa akin.

"Sasamahan kita to check in," sabi niya lang at nagpatianod na rin ako. Hindi na nga siya nahiya na nakahubad siyang pumasok sa hotel, tss. Wala namang ikakahiya sa katawan niya dahil alaga iyon sa work-out.

Nang nasa receptionist na kami ay nag-agawan pa kami sa bills ko. Kung sino ba ang magbabayad.

"Stop it, may dala akong pera," suway ko sa kanya. Mahaba ang pasensiya ko when it comes to him pero parang mawawala na iyon dahil sa kakulitan niya.

"Charge ko na, Miss. Jinsen Montallana," giit pa rin niya sa babae. Nalilito na tuloy ang receptionist dahil nahihirapan na siyang pumili kung kaninong card ba ang kukunin niya.

"Pahiram na lang po ako ng ID niyo, Ma'am," magalang na pakiusap niya. Ibinigay ko naman sa kanya nang hindi ko iyon ipinapakita kay Jinsen.

"May LQ po ba kayong mag-asawa, Ma'am, Sir? Naku, Ma'am. Kailangang pag-usapan 'yan nang maayos." Umigkas ang isang kilay ko sa sinabi ng babae at hindi niya kinuha ang card ko kahit kanina pa iyon sa mukha niya.

Kay Jinsen ang kinuha niyang cards kaya napasimangot ako. Tapos ngumisi lang din sa akin ang asawa ko na parang sinasabi niya na siya ang nanalo.

"Thank you po. Enjoy your stay, Mister and Mrs. Montallana," nakangiting sabi ng babae sa amin. I ignored her last words at nagsimula na akong maglakad, habang nasa akin na ang key card ko.

"What's your room number?" he asked me but I didn't respond.

Sumunod pa rin siya sa akin kahit nasa tapat na ako ng pintuan ng hotel room ko.

"Alis na, sige na," pagtataboy ko sa kanya.

"Stop following me," I added. He chuckled.

"Mrs. Montallana, katabi lang po ng room mo ang suite namin ng anak ko," naaaliw na sabi niya sa akin.

"Stop calling me that."

"You're the one who told me about your surname. Join us for dinner. I'll wait for you," sabi niya saka siya naglakad sa pintuan ng suite nila ni Jinsel. Pero huminto lang din ang gago at tinignan ako.

"Get inside," malamig na sabi niya sa akin. I rolled my eyes.

Naligo agad ako at mabuti na lang ay may extra na damit sa cabinet ng bawat hotel room dito. Baka bukas na lang din ako na bibili ng maisusuot ko. Kung magtatagal ba sila rito.

After kung maligo ay nagbihis na ako at kinuha ko ang phone ko saka ako padapang lumundag sa malambot na kama. Basa pa ang buhok ko ay hindi ako nag-abalang suklayin ito.

Tatawagan ko si Aizen. Lagot ka sa akin.

Ilang ring lang ang narinig ko mula sa kabilang linya at agad na sinagot niya ang tawag ko.

"Who are you?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ang boses ni Aizen ang narinig ko mula sa kabilang linya. Dahil boses iyon ng isang babae.

"Where's Jinsen?" matapang na tanong ko rin pabalik sa kanya.

"Bitch, I'll asked you first kaya ako ang sagutin mo. Sino ka? At bakit mo tinatawagan si Zhaiker sa ganitong oras?" she asked me. Kahit over the phone pa iyon ay nararamdaman ko ang seryoso at lamig ng boses niya.

At muntik na rin akong mapamura nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya. Zhaiker, second name pala ng gunggong na iyon.

"Si Aizen ang gusto kong makausap at hindi ikaw, bitch," laban ko sa kanya. Aba, eh tinawag niya rin akong ganoon. Kaya gagantihan ko siya. Attitude, eh.

Hindi sumagot ang babae from the other line sa halip ay narinig ko ang pagsigaw niya, sa pangalan ni Aizen.

"Aizen Zhaiker! May babaeng naghahanap sa 'yo at puwede bang umalis ka na rito! Maaabutan ka ni Lervin!" Napakamot ako sa tainga ko at bahagya kong inilayo ang cellphone ko. Ang sakit, sobra naman siyang makasigaw.

"Matagal na nating ginagawa ito, ngayon pa ba ako matatakot?" Narinig kong bossy na tanong ni Aizen at ang malakas na sigawan na naman ang narinig ko sa background.

Akala ko ay hindi na nila papansinin ang tawag ko dahil iyong boses lang talaga ng babaeng iyon ang tanging naririnig ko.

"Hersey. I'm sorry kanina. Kailangan ko lang talagang bumalik dito. Okay ka lang ba riyan?" agad na tanong niya sa akin.

"I'm fine at sino ang babaeng kasama mo ngayon?" tanong ko.

"Nangangabit ka ba, Los Diaz?" I added.

"Honey, uuwi na ako ngayon sa mansion natin. Wait for me, how's our son?" lumalim ang gatla sa noo ko dahil sa sinabi niya. Ano na naman ba 'yan?

"I'll be leaving, Jill."

"Then fvcking leave! I don't need you here!"

Pinatay ko na lang ang tawag dahil mas naririndi lang ako sa boses nila. Ilang segundo ang nakalipas ay nag-ring ang phone ko at si Aizen na ang tumatawag. Hindi naman ako nagdalawang isip na sagutin iyon.

"I'm sorry about that, Hersey. I just need to pretend. But I failed dahil hindi ko man lang nakita ang selos sa mga mata niya," disappointed na sabi niya.

"Sino ba 'yan? Siya ba ang babaeng tinutukoy mo?" interesadong tanong ko sa kanya.

"Yeah and she thought that I'm a married man, now. Because I told her about that."

"Gago."

"I know right. Para hindi niya maramdaman na siya lang ang cheater at maging ako rin. Hindi niya ako papasukin sa buhay niya kapag hindi ko sinabi sa kanya na may pamilya na ako," sabi pa niya at parang achievements na niya iyon, sa himig pa lang ng boses niya. Tss. Baliw rin ang isang ito.

"Baka iba ang pinasukan mo, ha," biro ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Silly girl. Tawagan mo ako kapag nagkaproblema ka riyan. Darating agad ako," seryosong sabi niya saka siya nagpaalam sa akin.

Napatingin ako sa pintuan ng makarinig ako nang ingay roon. Siyempre maririnig talaga.

Umalis ako sa kama at lumapit sa pinto. May maliit na butas sa pintuan kaya sumilip ako at may naaninagan akong silhouette ng dalawang tao. Kung hindi lang sila maingay na dalawa sa labas ay hindi ko sila makikilala.

"Jinsen, this is my day! Bakit kailangan pang kasama ang babaeng iyon?! Hinayaan na kita kanina, ah!"

"She's alone at wala siyang makakasama sa dinner. Let her join us," narinig kong sabi ni Jinsen. Marahan lang ang boses niya at hindi malamig. Sinabi niya iyon kahit alam niyang magagalit sa kanya ang lintang kabit na 'yan.

"No!" Binuksan ko ang pintuan ng suite ko at nagulat pa silang dalawa nang makita ako.

"May LQ ba kayo, Sarina? Aba, kailangan'yan na pag-usapan nang masinsinan," kunwari ay concerned na sabi ko. Yeah, sumabat talaga ako.

"Hersey, let's go? S-Sumabay ka na sa amin sa dinner," sabi niya. Labag sa loob iyon. Ang plastic niya, ha. Kanina lang ay ayaw akong makasama. Haha. Gago talaga siya.

"Join us na po, Tita Hersey?" my son asked me. Wala akong pakels kung Tita ang tawag sa akin ng anak ko dahil nag-iingat din siya. Nagsisigawan pa sila sa harapan ng anak ko.

"Thank you, baby. But I'm full," tanggi ko.

"You didn't eat anything, Hersey," seryosong sabi sa akin ni Jinsen. Kung ako na ang kakausapin niya ay ganyan na ang boses niya! Tapos sa kabit niya? Ha! Hindi na lang ako magsasalita pa!

"I'm not hungry, I want to sleep na," sabi ko pa.

"We'll go first, babe. Let's go, Jinsel," pag-aaya ni Sarina sa anak ko. Lumingon pa sa akin si Jinsel at ngumiti lang din ako sa kanya.

Hindi ko na binalingan ang asawa ko at isinara ko na ang pintuan pero kumatok pa rin siya.

"Tara na. Hindi ka puwedeng matulog nang hindi ka kumakain, Hersey..." he said with authority pa.

"Hindi ako gutom," sabi ko, kahit nasa labas lang siya. Maririnig na naman niya ako, eh.

"Hersey."

"Huwag kang makulit. Magpapahinga na ako!" sigaw ko at bumalik sa kama.

Naba-badtrip lang ako sa pagmumukha nila. Hindi kasama ang anak ko, ah.

Hindi naman na nangulit pa si Jinsen at tumigil din siya sa kakakatok niya. Nagtulog-tulugan na lang ako.

Isang oras ang nakalipas ay may kumatok na naman sa pintuan ko. Hindi ko sana papansinin pero...

"Ma'am, room service po ito," narinig kong sabi nito sa labas.

Padabog na bumangon ako mula sa kama. Baka si Jinsen na naman 'yan.

"Hindi ako nagpa-room service. Ibalik mo na 'yan," sabi ko at sumilip lang ako.

"Hindi po puwede, Ma'am eh. Nabayaran na po ito," he reasoned out.

"Then, kainin mo na lang," sabi ko.

"Hindi pa rin po puwede, Ma'am eh. Doble po ang bayad dito," giit pa niya sa akin.

"Eh, 'di bukas ko na lang babayaran."

"Ma'am... Sayang po ang tips ko kay Sir," nagmamakaawang sabi sa akin ng lalaki.

Binuksan ko na lang ang pintuan at ang akala ko ay ang lalaki lang ito ang nasa labas pero nandiyan pala si Jinsen. Sabi ko na nga ba at siya ang may pakana nito.

Wala na akong choice kundi ang papasukin ang crew at pati si Jinsen ay pumasok na rin. Ang kulit ng lahi niya. Well, matagal ko nang alam iyon.

"Enjoy your meal po. Maraming salamat sa tips, Sir," nakangiting sabi niya at 1K ang ibinigay na tips ng asawa ko sa kanya. Kaya pala siya nasasayangan, eh.

"Let's eat, Hersey."

"Tapos ka nang kumain, ah," pagpapaalala ko sa kanya.

"Sasabayan kita," sabi niya at hinila ako.

May dalawang chair at table sa suite ko. Kaya hindi kami mahihirapan na kumain dito.

"Bakit ba ginagawa mo ito?" tanong ko at sinundan lang ang bawat galaw niya. Siya pa ang nag-abot sa akin ng spoon at inilagay iyon sa kamay ko.

"I need to take care of this secret relationship," he said and I stilled.

"What?"

"Secret relationship. Hindi puwedeng malaman ni Sarina ang tungkol dito."

"At ginawa mo pa akong little dirty secret mo?!" gulat na tanong ko at tinakpan niya ang bibig ko.

"Baka marinig ka ng anak ko. Nasa kabila lang siya, remember. For your safety naman ito dahil baka sugurin ka niya."

"Baka ako ang susugod sa kanya at sumagot ba ako ng oo sa 'yo para mag-agree sa cross the line mo?" nakataas na kilay na sabi ko.

"Hinalikan mo na ako and I consider na nag-yes ka na sa akin. And let me do this. Gusto kitang maalala even though every time na nakikita kita ay sumasakit lang ang ulo ko." Sumasakit na pala ang ulo niya dahil pinipilit niyang makakaalala kung sino ba talaga ako. Bakit ginigiit pa rin niya iyon?

"Baka magsisisi ka kung maaalala mo kung sino ba talaga ako sa buhay mo, Jinsen," sabi ko.

"Sarina told me that you're my ex-girlfriend and you left me because nabuntis ka ng ibang lalaki..."

What the fudge?! She did that?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top