CHAPTER 16

Chapter 16: Left behind

PAGLABAS ko sa banyo ay bumalik ako agad sa cottage pero hindi pa man ako nakakalapit nang may humarang na sa akin.

Blangkong tiningnan ko lang ang lalaki at tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't block my way, idiot," malamig na sabi ko at siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.

"Miss, I'm not in the mood to talk with you, and I'm not blocking your way. I'm looking for someone," malamig ding sabi niya sa akin. May hinahanap lang siya pero bakit siya nakaharang sa dinaraanan ko?

"Whatever, dimwit," sabi ko at nilagpasan siya pero isang babaeng matangkad na naman ang humarang sa akin.

Kapag sinabi kong matangkad ay mas matangkad pa kaysa sa akin. Pero ang cool ng tindig niya dahil para siyang sundalo. Maikli ang buhok niya at wala ring emosyon ang maganda niyang mukha. She's so damn beautiful.

"I'm sorry," formal na paumanhin pa niya sa akin at sumunod siya sa lalaking iyon kanina. Bakit ko nasabing sumunod siya? Eh, halatang iyong lalaki nga ang sinusundan niya. Tss.

Nang makabalik ako sa cottage ay nakita kong nakahiga na sa mahabang upuan si Aizen. Iyong puting kurtina ay sumasayaw pa dahil sa simoy ng hangin.

"Nasaan na sila?" tanong ko sa kanya. Wala na kasi roon ang tatlo. Oh, nag-jetski nga sila pero sana man lang makita ko sila kahit nasa malayo lang.

Marami naman ang sumasakay ng jetski pero hindi sila lumalayo.

"I don't know," sagot niya sa akin tapos pinasadahan pa ako nang tingin mula ulo hanggang paa tapos sumipol pa siya.

Kaya hinampas ko siya sa braso niya. Half-naked lang siya at ginawa niyang unan ang suit niya. Wala akong pakialam sa abs niya, ha.

"Ang bastos mo!" sigaw ko.

"Hon, ina-appreciate ko lang ang blessings," sabi niya kaya muli ko siyang hinampas. Blessing!

"Aw! Masakit na. Sige na, hanapin mo na ang magpamilya na iyon," aniya.

"But who you ka mamaya sa kanya. Revealing ang suot mo ngayon. Nah, na, na," he said and he even shook his head.

I mentally looked at my see-through dress. Siguro sinasadya ito ni Sarina, na ito ang ibinigay niya sa akin na dress na hanggang kalahati lang ng legs ko ang haba. Mabuti at sleeves lang ito at natatakpan pa nito ang dibdib ko. Hindi ang bikini, malamang.

Ibinaba ko pa ang laylayan ng dress, umaasang humaba pa iyon. Tinapon ko rin sa face niya ang dala kong paperbag na hindi naman niya ininda kahit natamaan pa siya. Tuwang-tuwa talaga siya kapag inaasar ako.

"Good luck, hon," he said with amusement. I rolled my eyes at hinanap ko na ang tatlong iyon.

Saan naman kaya sila nagpunta? Magje-jetski lang naman sila pero bakit lalayo pa sa puwesto nila kanina?

Because the frustration I felt ay napasipa ako sa buhangin not knowing na may tao pala sa unahan ko at couple pa. Nanlaki ang mga mata ko.

"That shet!" sigaw ng lalaki kaya bago pa ako maabutan ay kumaripas na ako nang takbo. Natawa na lang din ako sa huli.

Huminto ako sa isang maliit na stage at mukhang may kumakanta roon. Apat na lalaki ang nasa entablado at katatapos lang din nila sa pagkanta.

Saka mukhang nagbebenta rin sila ng iba't ibang instrumento roon. Napatingin ako sa hawak nilang guitar. Gusto ko ring mag-rant, I mean kumanta. Kaya hindi ako nag-alinlangan na lumapit sa mga lalaki at mabilis na nakuha ko agad ang atensyon nilang apat. Ngumiti pa sila nang makita ako.

"Bibili ka rin, Miss?" friendly na tanong sa akin ng isang lalaking nakasuot lang ng puting sando at black na board shorts.

"Hihiramin ko lang, puwede ba?" tanong ko sa halip na sagutin siya. Tumango naman siya at malapad na ngumiti sa akin.

Iyong lalaking naka-red shirt naman ang lumapit sa akin na may dala ng gitara.

"Masuwerte po ang makakabili nito! Dahil unang nagamit ng magandang babae!" sigaw pa niya. Hindi ko siya pinansin at kinuha ko lang ang gitara mula sa kamay niya.

Pinaupo nila ako at binigyan pa ako ng black na jacket para ipangtakpan iyon sa legs ko na masyado nga siyang revealing.

"You can join me, too guys," nakangiting sabi ko pa sa kanila.

"Yeah. I'll be the second voice," sabi ng  lalaking may kulay abong mga mata at singkit pa. He's cute.

"Hindi ako kakanta," sabi ko na ikinatawa niya lang. Let's see kung hindi ako kakanta dahil hindi naman maganda ang boses ko.

Parang free performance lang nila ito dahil sa mga instrumentong binebenta nila.

I placed the guitar on my legs and I started to play the string. Sa unang tugtog ko pa lang ay alam na nila kung ano ang kantang ito.

Nang Dumating Ka ang kantang pinapatugtog namin ngayon. Kinanta ito ng sikat na banda na kung tawagin din ay Bandang Lapis at sila rin naman ang original na kumanta.

Sinulyapan ko lang si Mr. Grey para sa unang lyrics na kakantahin niya at tumango lang siya na tila alam na niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya.

Iyong iba niyang kasama ay may sarili na ring instruments na sasabay rin sa amin. Mukhang excited pa nga, dahil nagkaroon sila ng instant na singer ngayon.

Sa araw-araw na gusto kang laging makita

Nasasabik sa 'yong paglalambing

'Pag 'di ka nakikita, ang puso ko'y nanghihina

Na para bang 'pag wala ka'y wala na ring saysay

Ang buhay kong ito, whoa-oh-oh-oh

Whoa, whoa, whoa, whoa-oh-oh-oh

Well, maganda ang boses niya. Malamig na may pagka-soft din. Nakakapanindig balahibo.

Bakit nga ba ito ang napili kong kanta? Dahil relate na relate ako.

'Wag ka lang umalis, 'wag ka lang lumayo

Dito ka lang sa aking tabi

This time ay iba naman ang kumanta at iyong naka-red shirt na naman na gitara rin ang hawak niya. Kumindat pa siya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Sa halip na irapan siya ay ngumiti lang din ako saka ako nag-focus sa pagpapatugtog ko.

Nang dumating ka sa buhay ko

Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo

Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay

Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan

Kapag ika'y lumalapit, ako'y natutulala sa 'yong

Magagandang ngiti sa akin

At sana'y mapakinggan mo ang awitin kong 'to

Iisa lang ang pangarap ko sa mundong ito

Ang makasama ka sa araw-araw

At makapiling ka sa habang-buhay

Sa ilang chorus naman ay nginusuan ako ni Mr. Greay na tila na sinasabi niyang kantahin ko na. Pinagbigyan ko siya. Pinikit ko pa ang mga mata ko.

At nang dumilat ako ay walang emosyon na mukha ng asawa ko ang bumungad sa akin.

Nakatayo siya sa hindi kalayuan at nakapamulsa pa. Seryosong-seryoso pa siya habang pinapanood ako at kitang-kita ko rin dito ang pag-igting ng panga niya.

Wag ka lang umalis ('wag ka lang umalis)

'Wag ka lang lumayo ('wag ka lang lumayo)

Dito ka lang sa aking tabi

Nang dumating ka sa buhay ko, whoa-whoa

Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo, whoa (aking mundo)

Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay

Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan

I want to dedicate this song for him sana. Tss.

Hindi na ako ulit ang kumanta sa chorus dahil sinalo na iyon ng kasama ko.

Wag ka lang umalis, 'wag ka lang lumayo

Dito ka lang sa aking tabi

Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo

Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay

Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan

Nang dumating ka sa buhay ko, whoa-whoa

Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo, whoa (aking mundo)

Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay

Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan.

Hindi pa kasi natatapos ang kanta ay tumalikod na siya at umalis. Ramdam ko tuloy ang lungkot ko.

Tumayo na ako agad at narinig ko pa ang pagtawag ng mga lalaki sa akin pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Tapos naman na ako nag-rant, eh. Pero lungkot lang ulit ang nakuha ko at bumalik sa akin.

Hindi naman ako umiyak, masakit lang sa dibdib. Pero keri ko pa.

May nadaanan ako na isang cottage at may duyan doon. Tuwang-tuwa akong lumapit kaya kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ko.

Humiga ako at pumikit. Wala naman sigurong tao ang papasok dito, ano? Marahan lang ang paggalaw ng duyan at parang aantukin pa ako.

Dahil sa nadala rin ako sa masarap na pakiramdam na ito, sa malamig na simoy ng hangin na humahalik sa balat ko ay tuluyan akong kinain ng kadiliman.

Nagising lang ako nang maramdaman ko na tila may nanonood sa akin. Na para bang may nakatitig sa akin.

Inaantok pa ako pero unti-unti akong dumilat at ang mukha agad ng asawa ko... Oh... Nagiging redundant na ako.

Madilim na naman ang aura niya. Nakatayo lang siya sa tapat ng duyan at iyong dalawa niyang kamay ay nakahawak sa baywang niya.

"W-What are you doing here?" inaantok kong tanong sa kanya at napahikab pa ako.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin at napakurap-kurap pa ako dahil bakit...mukhang aawayin na naman niya ako?

"Ano?" tanong ko.

"Tapos natulog ka pa! Paano na lang kung may masamang tao ang pumasok dito at kung ano na ang ginawa sa 'yo habang natutulog ka pa?!" pagalit na tanong niya sa akin.

Wait nga lang muna, bakit niya ako tinatanong niyan? Saka hindi naman kami magkasamang pumunta rito, ah? Bakit parang galit na galit siya?

"Hey, this is my life. Wala kang pakialam sa akin," bored na sabi ko sa kanya.

Umayos ako nang upo at napatingin ako sa puting polo na nasa legs ko. Saan ko naman ito nakuha?

"Shet," bigla ay mura niya at tumalikod sa akin.

"What's your problem ba? Bakit ka nanggugulo sa akin?" tanong ko at marahas na nilingon ako.

Hayan na naman ang pag-igting ng panga niya. Iyong mga mata niya ay nag-aapoy sa galit.

"What time na ba?" tanong ko pa. Literal na binabalewala ko ang presensiya niya.

"Malapit nang mag-six PM," sagot naman niya sa akin.

"Oh, napahaba ang tulog ko. Ano nga ulit ang ginagawa mo rito?" pag-uulit ako sa tanong ko kanina.

"Kung saan-saan kita hinahanap tapos dito lang pala kita makikita? At natutulog pa?" mahinang sabi niya na halos hindi ko pa marinig.

"Sinabi ko bang hanapin mo ako?"

"Bumalik na sa Manila si Aizen dahil may emergency sa resto niya. Hinabilin ka niya sa akin at kanina pa kita hinahanap," sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka niya ako hinila para makatayo. Nagpatianod naman ako.

Kinamot ko lang ang ilong ko nang tumama iyon sa dibdib niya.

"Thanks," sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko. Oo, nakalingkis iyon agad sa akin.

Lumabas ako ng cottage at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Go back to your girlfriend, Jinsen. I don't need you here," sabi ko nang hindi ko siya tinitignan.

"No. Babantayan kita," mariin na sabi niya.

"At bakit naman? Hindi na ako bata para bantayan mo at hindi tayo friends, 'no," nakangusong sabi ko. Gusto ko kasi ang ideyang babantayan niya ako.

Hindi ba ang sweet niya kahit hindi niya ako naaalala?

I looked at him. Tinuro niya ang legs ko kaya umigkas pataas ang isang kilay ko.

"Pervert," I told him.

"Too revealing."

"Yeah and I like--"

"I don't fvcking like it," putol niya sa akin. Dalawang kilay ko na tuloy ang nakataas.

"I don't need your opinion--"

"Yes, you do."

"Ang sungit mo," saad ko at itinaas ko ang dulo ng dress ko. Napangisi ako nang makita ang pamimilog ng eyes niya.

"What are you doing?" he asked me, I throw his polo sa kanya at hinubad ko na ang see-through na dress ko.

Malakas na tumawa ako nang tumalikod siya mula sa akin, "I'm gonna swim. You can join me, honey. But huwag ka lang magpapahuli sa girlfriend mo," ani ko at naglakad na sa buhangin.

Ang sarap ng tulog ko kanina kaya positive na ulit ako. Marami pa naman ang mga taong naliligo sa dagat.

Unti-unti akong lumusong sa ilalim nito. Sobrang lamig pero masarap sa balat.

Naalala ko si Aizen. Lagot sa akin ang lalaking iyon. Iwanan ba naman ako ng mag-isa rito.

Umahon ako agad at napahilamos pa ako pero gayon na lamang ang pagtayo ng balahibo ko sa katawan ko nang maramdaman ko ang mainit at matigas na braso na lumingkis sa baywang ko. Pintig ng puso ko agad ang narinig ko at nanigas ang katawan ko.

Hinapit niya rin ako palapit sa kanya at naramdaman ko siya agad sa likuran ko. Para akong kakapusin nang hininga sa ginawa niya.

Nakikiliti ako ng tumatama sa leeg at tainga ko ang mainit niyang hininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"I wonder kung ano ang naging dahilan mo at iniwan mo ako noon..."

W-What? Ano'ng pinagsasabi niya?! Ano'ng iniwan?!

"What?"

"You left me..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top