CHAPTER 12

Chapter 12: Someone

"ANO'NG gagawin natin sa Italy?" I asked Senator Ferrara but she ignored me.

Nanatili ang atensyon niya sa hawak niyang phone kaya umikot ang eyeballs ko. She looks bored. Umupo na lang din ako at humilig sa headrest. I didn't remove my sunglasses.

"Magtatagal ba tayo roon? Kailangan kong makabalik agad dahil mamimiss ako ng anak ko," ani ko at doon ko na nakuha ang atensyon niya.

"May gusto lang akong makita roon. So, shut up," masungit na sabi nito sa akin. Sinabi niya 'yan ng walang emosyon. Inirapan ko siya.

"Sino naman ang gusto mong makita, monster?"

"Nobody," she replied. Tss.

Dahil siguro sa pag-iyak ko kanina at pagod din ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Nagising lang ako nang marinig ko na ang boses ng private pilot ng monster na ito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na kami sa Italy. Sumunod lang ako kay Senator Ferrara at sa secretary niya. Ako lang ang bodyguard ngayon ni Ferrara dahil hindi pa nakakabalik si Xena sa bansa. Hindi ko nga rin alam kung interesado ba'yon na maging bodyguard ng anak ng presidente.

Mafia Queen iyon at attorney pa. As if papakyawin no'n ang maging bodyguard ng isang senator. Magulo rin naman ang buhay ng isang iyon.

Well, maski nga sa akin ay magulo rin ang buhay ko. Tsk. Hindi ko alam kung kailan maaayos.

Nag-check in kami sa isang mamahalin na hotel, at may kanya-kanya kaming suite. Naka-charge iyon lahat kay Senator Ferrara. Pareho pa kaming may jetlag at saglit lang din ang pahinga namin nang kumatok sa pintuan si Ferrara at sinabing may pupuntahan kami.

Iyon lang pala ay may ka-meeting siya na business partner yata nila. Yeah, may negosyo rin ang Ferrara family. Maliban sa pagiging politician nila.

Isang oil manufacturing ang business nila, ayon sa nakalap ko rin na maliit information.

Nasa kabilang table lang ako at hindi ko pinakinggan ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako interesado. Ibang negosyo rin naman ang hawak ko.

Isang oras lang yata ang itinagal nila sa meeting at umalis na ang dalawang lalaki. I sipped my coffee. Yeah, um-order pa ako ng coffee para hindi ako ma-bored sa paghihintay sa kanila.

"Let's go," seryosong sabi agad ni Ferrara. Gusto ko siyang murahin dahil hindi pa ako nagsasawa sa in-order kong kape.

"Ay wait. Comfort room lang ako," bigla ay sabi niya. Kumunot tuloy ang noo ko tapos ang secretary niya ang nilingon ko.

"Your amo is weird," ani ko rito. Maganda ang secretary niya pero hindi mukhang mabait. Dahil nagmana yata sa amo niya na monster. Masungit.

Nagkibit-balikat lang ito sa akin at umirap ako saka ko inubos na ang kape ko.

Hindi pa nakakabalik si Miamor Ferrara nang may isang lalaki ang umupo sa puwesto sa tapat ko. Ni hindi rin naman tiningnan ng kasama kong secretary na ito. May sarili rin siyang mundo, eh.

Tinaasan ko siya ng kilay, "What do you want?" mataray na tanong ko sa kanya.

He's guwapo naman at hindi naman siya mukhang masamang tao. Pero walang emosyon ang mukha niya.

"Who is she?" tanong niya sa akin at dalawang kilay ko na yata ang nakataas. Sino ang tinutukoy niya?

"Who?" balik na tanong ko sa kanya.

Doon lang siya ngumiti na hindi naman umabot sa mga mata niya at bahagyang umiling, "She's beautiful isn't she? I hope she's fine now. I missed her, so much," he said and after that he left. Umawang ang labi ko sa ginawa niya.

Naguguluhan ako sa lalaking iyon. Si Miamor Ferrara ba ang tinutukoy niyang maganda? And what? He missed that senator? He's weird too.

"Let's go."

Bago kami umalis sa resto na iyon ay nakita ko pa ang weird na lalaki kanina. Seryoso siyang nakatingin kay Miamor Ferrara pero mukhang hindi naman siya napapansin nito. He's weird talaga.

Kilala ba niya ang kasama ko? Mahirap din basahin ang emosyon niya dahil blangko ito.

"What are you looking at, dear?" tanong niya sa akin. Masyado yatang napatagal ang titig ko sa lalaking iyon at binalingan ko na ng tingin si monster.

Sinundan niya rin nang tingin ang kanina ko pa rin tinititigan at sinimangutan ako.

"Your weird," she commented and I cursed her. Siya kaya itong weird sa aming dalawa at isama pa niya ang lalaking iyon kanina. Grabe kung makatingin sa kanya. Tss.

Sumakay na ako sa kotseng inarkila nila at sinulyapan ko pa ang puwesto ng lalaki kanina pero wala na siya roon. Baka hindi rin siya nakita ni Miamor Ferrara.

***

THE next day ay bumalik din kami sa bansa. Wala rin naman yatang balak na magtagal dito ni Senator Ferrara.

Isa sa pag-uugali niya ang napansin ko. Tahimik pa yata ito kaysa sa akin at palaging seryoso. Pero minsan ay mapang-asar din talaga.

Hindi ko nga rin alam kung bodyguard niya ba ako o alalay lang dahil wala naman siyang banta sa buhay. Parang hindi nga rin siya senator. Tapos tatawagan niya lang ako to guard her kung may pupuntahan na naman siyang lugar. Never ko yatang nakita ang isang ito na napagod sa kaka-travel niya around the world.

***

"YOU hired a bodyguard and she's a girl?" seryosong tanong sa akin ng daddy niya. As in first time kong na-meet ang presidente ng bansa at ngayon lang na magkalapit pa. I feel lucky today.

Masyadong mabigat ang presensiya niya at kinikilabutan ako sa tuwing nagtatama ang paningin namin. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Walang bahid na kahit ano'ng emosyon.

"What's wrong with that, dad?" parang balewala pang tanong ni monster sa daddy niya.

Hindi siya takot sa daddy niya. Base pa lang sa pakikipag-usap niya rito. Tsk.

"There's nothing wrong with that, honey," sagot ni Presidente Ferrara at lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang maglahad siya ng kamay sa akin.

"You know me, already child, right? But I would like to introduce myself to my daughter's bodyguard. I'm Migord Ferrara. Nice meeting you," mababang tonong sabi nito at nakakagulat. Mukha siyang strict, mukha siyang masungit na presidente pero ganito pala siya.

Kaya pala naging presidente siya ng Pilipinas. Totoo pala ang mga gossip ng mga tao, na mabuti at mabait na presidente siya. I admire him na.

"Hersey J-nea po, Sir President. Nice to meet you too," ani ko at tumango lang siya saka niya binalingan nang tingin ang anak niya.

"You can go home now, Miamor."

"Alright," sagot nito at sabay na hinila ako pero bago roon ay yumuko pa ako at nagpaalam pa sa daddy niya. Ayokong maging rude, 'no!

Nakakainggit na may tatay pa si Miamor Ferrara.

"Your father," I told her.

"Oh, dear. Stop, he's a monster too," natatawang sabi nito sa akin.

Umalis kami sa palasyong tinutuluyan ng daddy niya. Hindi ko alam kung ano lang ba ang dahilan ng daddy niya na tinawagan siya kanina na dumaan sa palasyo. Hindi rin naman kami nagtagal doon.

"I'm hungry, Rosseane," sabi nito sa secretary niya. May sarili rin siyang driver at pareho kaming nasa backseat. (Roshan)

"I need to go home, wala pa akong pahinga. Seriously," ani ko.

"Oh, okay. But after the lunch time, dear." Darn it. Kanina pa kami pagala-gala and actually mula pa kahapon! Hindi talaga siya napapagod! Eh, ako nga ay gusto ko nang humiga sa malambot kong kama at kailangan ko pang makita ang anak ko.

Amor Restaurant agad ang napili nila. Well, si Senator Ferrara ang owner nito. Kaya ito talaga ang pipiliin niya.

"Ate Hersey!" Nagulat na lang ako nang biglang sumalubong sa akin ang kapatid ko.

"What are you doing here, Jerhen?" I asked him at yumakap pa talaga sa akin.

"May field trip kami, ate. Dumaan ako sa mansion--" he didn't finish his words because I cut him off.

"P-Pumunta ka sa bahay namin, Jerhen? Alam mo ba ang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Napakamot pa siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti.

"Okay, dear. Mag-usap na lang kayo ng brother mo," singit ni monster sa amin pero hindi ko siya pinansin.

Sinundan pa nang tingin ni Jerhen ang kasama ko at nanlalaki pa ang mga mata niya. He looks surprise.

"Si Senator Miamor Ferrara pala ang kasama mo, ate! Crush ko iyon, ah!" masaya pang sabi niya. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang mukha ko.

"Sorry ate. Nakalimutan ko kasi pero alam mo ba..." sabi niya at hinatak ako sa braso ko saka niya ako dinala sa table niya. Wala siyang kasama.

"Kilala ako ni Kuya Jinsen, ate. Hindi ba may amnesia siya? He forgot everything about you, ate. Your marriage. You, being his son's biological mother but why the hell he still recognized me, ate? Kilalang-kilala niya ako at walang halong biro iyon!" seryosong pahayag niya at alam ko na hindi siya nagbibiro. Mukha lang siyang loko pero never 'yan naging joker. Hindi rin naman sinungaling.

"W-What? What are you talking about?" kinakabahan na tanong ko.

Paanong nakilala at naaalala siya ni Jinsen, eh sa akin nga ay wala siyang idea kung sino ako. Hindi niya ako kilala, maski ang pangalan ko ay hindi niya rin alam. Hindi rin yata ako pamilyar sa kanya. Kung hindi lang kami nagkita sa hospital no'n ay hindi rin niya ako makikilala.

"He remembered me, ate. Mukha nga siyang walang amnesia, eh. Kaya nagulat talaga ako. Saka nakita ko si Jinsel. Miss na miss ko ang batang iyon, kaya siya rin talaga ang pinunta ko roon. Ang hindi ko lang nagustuhan ay may babae pala sa mansion niyo. Sino 'yon, ate?" tanong niya.

"Mind your own business, Jerhen," supladang sabi ko sa kanya.

"Grabe nga siya makayakap sa braso ng asawa mo, ate. Tapos ang bait-bait niya sa anak niyo. Mabuti at masungit na bata rin ang pamangkin ko. Kailan mo ipagpapatuloy ang paglayo mo sa kanila, ate? Kung kailan ay mawawala na sa 'yo nang tuluyan si Kuya Jinsen?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ng kapatid ko.

"Paano na si Jinsel, ate? Naiipit na siya. Naiipit na siya sa sitwasyon niyong mag-asawa at alam ko na hindi pabor sa kanya ang mga nangyayari sa buhay niyo. He seems sad, too ate," he added.

Heto na naman ang mga katanungan na mahirap sagutin isa-isa.

"Hindi ba dapat nasa tabi ka niya, ate? Tutulungan mo siyang makaalala. Pero ngayon, lumalayo ka. Mas lumalayo rin ang loob niya sa 'yo, ate. Nawawalan din kayo ng pag-asa. Just tell him the truth."

"Sa tingin mo madaling gawin ang bagay na iyon, Jerhen? Makita nga lang niya ako ay hinihimatay na iyon. Ang doctor niya mismo ang nagsabi na ako, ako ang nagti-trigger sa kanya, sa amnesia niya. Sinabi ng doctor na huwag namin siyang pilitin na makaalala. Gusto ko rin sabihin sa kanya ang lahat, Jerhen. Gusto kong magpakilala sa kanya na ako ang asawa niya. Na ako ang ina ng anak niya, na hindi lang ako stranger sa buhay niya. Pero hindi puwede," mahabang sabi ko at ang kapatid ko naman ang natahimik ngayon.

"Sorry, ate. Nabigla rin naman kasi ako sa naging reaksyon sa akin ni Kuya Jinsen. Dahil kilala nga niya ako. Nakalimutan ka niya kaya I expected na pati ako ay hindi niya maaalala pa." Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon.

Ang unfair naman kung ganoon. Ang kapatid ko lang na madalang niyang makita ay naaalala niya. Eh, ako na asawa niya na ilang taon na kaming magkasama ay hindi man lang niya nakilala at maalala?

How unfair...

"Tito Jerhen!" Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ng anak ko.

"I forgot na kasama ko pala ang mag-ama mo, ate," nakangising sabi ni Jerhen. Kung sinabi niyang kasama niya ang mga ito ay kanina pa sana ako umalis.

Tumayo ako agad bago pa lamang makalapit sa amin ang dalawa. Ni hindi ko sila tiningnan.

"Where are you going po?" tanong sa akin ng anak ko at mariin na naipikit ko ang mga mata ko. May lungkot sa boses ng anak ko.

"Can't you stay here po, why?" May back up question agad siya at nagawa pa niyang hawakan ang laylayan ng suot kong blouse para lamang mapigilan niya ako.

"Jinsel. Don't stalk to stranger," suway ni Jinsen sa anak namin at muntik ko nang hindi makontrol ang sarili ko na murahin ko siya. Stranger pala, ah. Tang-na mong lalaki ka. Makakaganti rin ako sa 'yo in a right time!

"She's not, Dad. She's with Tito Jerhen kaya," agad na sabi ni Jinsel at pinagtanggol pa ako mula sa daddy niya.

"But you don't know her. Come here, Jinsel." Tiningnan ko na si Jinsen at sinalubong ang malamig niyang mga mata.

"You know her also, dad. Let her stay with us," my son said. I almost smirk.

"She's your sister right, Jerhen? W-What? Sister?" Pareho kaming natigilan sa sinabi niya.

How come na nalaman niyang kapatid ako ni Jerhen?! Pero mukhang nagulat din siya sa sinabi niya at naguguluhan na tiningnan niya kami ng kapatid ko.

"You're...you..."

"She is, Kuya. Naaalala mo ba siya? Hindi puwedeng hindi, dahil kapatid ko siya."

"Jerhen," I warned my little brother.

"Ako nga ay naaalala mo pero siya, hindi?"

"Jerhen."

Humarap naman siya sa anak namin na kanina pang nakatingin sa akin.

"Kilala mo rin siya, son?" he asked our son. Tumango si Jinsel.

"Kilalang-kilala," sagot niya at lumapit pa siya sa akin. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko na nagsisimula nang mamanhid.

Shet. Malaking trouble ito. Hindi nila dapat pinipilit si Jinsen na alalahanin ako!

"She's... someone in my past?"

"She's part of your lost memories, Kuya Jinsen and you need to remember her bago pa mahuli ang lahat." Fvck, little brother! Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo sa kanya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top