CHAPTER 1

Chapter 1: Accident

HERSEY J-NEA LEOGRACIA MONTALLANA's POV

“MOM, I'm on my way home...” I told my mother over the phone but I just heard her heavy sigh.

I was busy driving my car when my Mom called me, she wants me to visit her, na isang taon ko na ring hindi ginagawa. I know nagtatampo na siya sa akin.

Nasa Cebu si Mom kasama ang nakababata kong kapatid. At ako ay nasa Manila dahil nandito ang negosyo ko na ipinamana pa sa akin ng late father ko.

Yes, my Dad passed away, noong nasa first year college pa ako. May sakit ang Daddy ko sa baga na hindi rin namin naipagamot dahil nilihim niya sa amin ang sakit niyang iyon.

Kung sana nalaman namin ng mas maaga ay baka kasama pa namin ngayon si Dad pero hindi na. Maybe he’s too tired kaya naisipan niyang sumuko na lang. I can't blame my father, though.

"Urgh." I massages my temple when I heard my mother’s voice. She’s crying at alam ko mahirap aluin ang ina ko. Kung hindi siya pagbibigyan sa gusto niya.

“Mom. Where is Jerhen?” tanong ko sa Mommy ko.

Hindi naman ba umuuwi ang isang iyon kung kaya’t ako ang kinukulit ng Mommy ko ngayon? Simula talaga ng magbinata ang nag-iisa kong kapatid ay nagfe-feeling na itong independent.

Eh, ang kompanya pa ni Daddy ang bumubuhay sa kanya. Tsk. Remind me na pag-uwi ko sa Cebu ay babatukan ko talaga si Jerhen J-nue.

"W-Wala... Nasa unit siya," sagot ni Mom sa akin at suminghot-singhot pa.

"Fine, titingnan ko ang schedule ko kung hindi puno next week. I will visit you there, Mom. Stop crying, you looks like a kid," I joked at narinig ko na ang impit na sigaw niya. She's like that. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng nanay ko pero hindi ko pa mapagbigyan. Nagiging maramot ako sa time ko sa kanya.

"Thank you, baby. Stay safe, I love you," malambing na sabi niya.

"Yeah, I love you, too Mom," sagot ko naman at napabuntonghininga ako saka ko tinanggal ang earpad ko.

Kailangan ko na ngang ayusin ang schedule ko next week para makabisita na ako sa Cebu. Alam ko na punung-puno iyon kasi may mga meeting ako sa mga investor ko at client but mother first.

Priority ko na muna ang Mommy ko. Ayokong magtampo siya at isa pa. Mas mahalaga sa akin ang ina ko kaysa sa mga taong tutulong man sa kompanya ko ay hindi pa iyon ikasasaya ko pero alam kong makahahanap pa ako kung sakaling mag-back out sila. And I don't care.

In the middle of highway, I encountered an accident. Isang itim na sasakyan at isang motorbike. Nahugot ko pa ang sarili kong hininga nang makita ko ang pagulong-gulong sa kalsada ang driver ng motorbike.

"Oh?" Nagsunud-sunod ang pagbusina ng mga sasakyan at nagkakagulo na sa highway.

Na-stress ako bigla dahil na-stuck na ako rito. Urgh! I want to get home, ASAP!  I'm tired and I want to rest.

Tumingin ako sa likod ng kotse ko at wala namang kotse roon kaya umabante ako pero may bigla namang bumundol sa hood ng sasakyan ko and the next I knew ay isa-isa kaming dinala sa hospital.

***

"I'M fine, I don't have wounds," walang emosyon na sabi ko sa nurse ng akmang gagamutin niya ako. Umalis nga ang nurse para asikasuhin ang ibang pasyente.

Seriously? Hindi ako naaksidente pero bakit ako nandito? Shoot...

Nasa emergency room kami kaya masyadong maingay. May maririnig kang pasyenteng umiiyak at humihingi ng tulong sa kanila. Hindi ko gusto ang amoy ng hospital na ito may naaalala lang ako.

Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga ko sa maliit na hospital bed nang umikot ang paningin ko.

Napahilot ako sa sentido ko. Sign na ito na hindi ako nagpapahinga sa trabaho. Madalas akong kulitin ng secretary ko na pumunta sa hospital at magpa-check up. Nakikita niya raw kasi na madalas maputla ang mukha ko at araw-araw niya akong nakikitang minamasahe ang ulo ko. I admit it na subsob ako sa trabaho. Workaholic na kung workaholic, gusto ko lang makalimot sa problema ko na kasing bigat ng mundo at mahirap i-solve.

Ilang minuto lang akong ganoon dahil nararamdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Timing talaga. Sa hospital ko pa talaga ito naramdaman. Mahihirapan akong makalabas dito. Nakakainis!

"Hey, are you okay?" Narinig kong tanong ng pamilyar na boses. Akala ko hindi ako ang kinakausap nito. Naramdaman ko lang ang pagdantay ng mainit na palad sa noo ko.

Napaigtad pa ako sa gulat dahil para akong nakuryente ng kamay na iyon. Napakapamilyar din sa akin ang paraan nang paghawak niya sa akin.

"Bakit walang umaasikaso sa kanya rito? Nurse," sabi pa niya.

Napabangon ako pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil nahihilo talaga ako.

"Hey, stay still. You need to rest, may lagnat ka," sabi pa nito sa akin at inalalayan akong makahiga, kinumutan pa ako.

"What? I need to go home," sabi ko and I was about to get up from the bed when he held my arm.

"Please, stay put. Mataas ang lagnat mo," malambing na sabi niya. My heart was pounding again...

"Jinsen..." I uttered his name.

"D-Do you know me?" So, I was right.

Si Jinsen Grel Montallana nga ang lalaking kausap ko ngayon. Oh, shoot. Sa dami-rami ng hospital ang mapuntahan ay bakit ang Montallana hospital pa? Puwede naman sa De Cervantes hospital, eh. Why here? Hindi na ako naniniwala sa tadhana. Dahil ang tadhana mismo ang sumira sa magandang buhay namin ng asawa ko.

Tapos sa dami-rami ng doctor nila rito sa hospital ay bakit ang asawa ko pa? Bakit ang asawa ko pa ang lumapit sa akin? Bakit ang asawa ko pa ang mag-aalaga sa akin?

Nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita ko siya. That's because he had a car accident a year ago and he couldn't remember his past. He lost his memories kung saan nandoon ako sa memory niyang iyon.

"Nevermind. Did you eat your dinner?" tanong niya sa akin.

"Why'd you ask?" sa halip na tanong ko. Suplada na kung suplada pero ayoko talaga siyang makausap.

Saka...bakit nagkaroon ako kaagad ng lagnat? Hindi naman ako nilalagnat kanina, ah! Urgh!

"Because you need to drink your medicine. Nurse Verna, paki-assist ang pasyente." Paki-assist talaga?

"Kuhanan mo siya ng high temperature and bring her foods bago mo siya painumin ng gamot," utos niya sa isang nurse niya. I felt relief nang hindi na siya ang mag-aasikaso sa akin.

"Yes, doc."

"I'll be back here para tingnan ulit siya," sabi pa nito at kung hindi lang ako nakapikit ay baka umikot na ang mga mata ko.

Naalala ko tuloy si Maria Xena, ang best friend ko na mahilig mag-role ng eyes niya.

Ganoon na nga ang ginawa ng nurse sa akin. Sinubuan pa ako pero umayaw na ako ng nakalimang subo na ako ng soup and after that pinagpahinga niya na ako.

"May gusto kang tawagan?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot. Bakit ba siya nandito?!

Ang daming pasyente na mas malala ang natamong sugat mula sa aksidente ay akit ako pa ang pinupuntahan nito?! Gusto kong magreklamo.

"Your guardian?" You're my guardian, honey. Gusto kong isagot.

Pero mukhang nasabi ko nga ng may tinig.

"I'm just a doctor, I'm not your guardian," sabi niya at parang sinampal ako roon. My heart throbbing in pain, again. There's no new, still the same. Still hurt.

Gusto ko siyang awayin dahil kinalimutan niya ako.

"You need to fill up this form, Miss?"

"Mrs. Hersey J-nea Leogracia," sabi ko at inulit niya ang pangalan ko. Hindi man lang pamilyar sa 'yo?!

Nasasaktan niya ako without him knowing.

"Montallana..." dugtong ko sa surname niya.

"You're a M-Montallana? May a-asawa ka na?" tanong niya at may bahid na pagkagulat doon. Ano naman?

Wala sa sariling inangat ko ang kamay ko kung saan suot-suot ko ang dalawang singsing. Engagement ring and wedding ring namin iyon. Iyong wedding ring niya ay mukhang tinapon na niya dahil wala na siyang suot na singsing ngayon.

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya ito at nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan ng haplusin niya ang daliri ko. Pamilyar ba sa 'yo, honey?

"What..."

"I hope mabibigyan ko rin ng ganitong singsing ang girlfriend ko," sabi niya. Kahit hindi ko makita ay alam kong nakangiti siya.

Iyong sakit sa dibdib ko ay parang paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo. Ang sakit, ha...

"Do you love her?" I mentally asked him.

"Yes, I love her and she's willing to be  a mother of my son," sabi pa niya at mabilis na binawi ko ang kamay ko sa kanya. Naramdaman ko na nagulat siya.

Mas dumagdag lang ang sakit na binibigay niya sa akin! Pakakasalan na nga niya ang babaeng iyon at gusto pa niyang ipaangkin pa ang anak namin sa girlfriend niya!

"Mamamatay na muna ako bago mo magawa iyon," mahinang sambit ko at inaantok na lang ako bigla.

"What did you say?" he asked me in a small voice. I was about to answer his question when his phone rang.

"Yes, babe? Uh-huh? I still have work, but yeah..."

Babe, babe your face... Mukhang ang girlfriend niyang hilaw ang ka-phone call niya. Tsk.

Kahit hindi ko makita ang pagmumukha no'n ay alam ko ang lapad-lapad ng ngiti niya.

Ang lintang iyon na hindi ko alam kung bakit sumulpot na lang out of nowhere at 'sakto pa na siya ang hinahanap ng asawa ko! At sa dami-rami pa ang hahanapin ng lalaking ito, eh ang ex-girlfriend pa niya.

Darn you, amnesia!

"How's our son, babe?" Our son?!

Anak lang natin, Jinsen! Hindi ang lintang babaeng iyon ang ina ni Jinsel! Ang sarap niyong pag-uuntugin, eh! Hindi ko pinapaangkin ang anak ko sa babae mo.

Tagilid akong humiga para hindi makita ang pagmumukha ng asawa ko. Ayokong makita ko siyang masaya, nakangiting nakikipag-usap sa kabit niya. Yeah, kabit na niya iyon, eh.

Nasasaktan ako, darn it. Nasasaktan ako. I bite my pulse to calm myself. If I was hurt ay ang palapulsuhan ko ang kinakagat ko. Alam ito ng asawa ko, alam niya sa tuwing ganito ang ginagawa ko ay nasasaktan ako.

Pero kahit sobra na akong nasasaktan ay hindi ko pinapakita 'yong pagluha ko. Ayokong kaawaan ako ng mga tao. The heck!

"What are you doing? Bakit mo kinakagat 'yan?" tanong niya sa akin at inagaw sa akin ang braso ko pero hindi ko siya pinansin.

"Leave me a--- what the?!" asik ko sa kanya nang makita ko na bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig ng hospital.

Gusto kong bumangon para alalayan siyang makatayo pero hindi ko naman magawa dahil nakakaramdam pa rin ng hilo.

"T-Tumayo ka riyan," nauutal kong sabi sa kanya. Bigla akong kinabahan dahil nag-aalala ako.

"Honey, get up, please..." I said and nag-panick na ako nang makitang hinahawakan na niya ang ulo niya habang nakapikit, nasa hitsura niya ang iniindang sakit.

Kaya kahit nanghihina ako ay sinubukan kong bumangon at lumipat sa kabilang side ng bed na ang tanging puting kurtina lang ang nakaharang sa pagitan namin.

Napadausdos ako pababa nang marinig ko ang pagdaing niya sa sakit. Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko at nagbabadya na ang mga luha kong bumagsak.

This is one of the reason why I need to keep my distance from him. Why I need to let him go...kahit ayaw ko. Kahit na labag sa loob ko...

His safety first before my happiness...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top