Wampipti

A's POV


Hindi na kinaya ng mga teacher sa private school ang kulit namin ni B. Sabi nga ng mga Tito at Tita namin, mana-mana lang iyan. Kaya si Daddy, wala ng nagawa kung hindi bumuntong hininga na lang sa tuwing umuuwi kami na may love letter galing sa principal. Sa ngayon, kick-out na naman kami ni B. HIndi pa kami nakakatapos ng grade 6, naubos na namin ang lahat ng private school sa Metro Manila at kalapit na province.

Apat kami sa grupo, ako, si B na kakambal ko, si Axel na anak ni Tita Cailee at Tito Gab at si Uno na anak ni Tita Allie at Tito Carlos. Tawag nila sa amin ay trouble makers. At madalas na sinisisi ng mga parents namin kung bakit kami suwail ay ang mga Lolo at Lola namin.

"Bakit na naman kayo nakick out?" Sigaw ni Daddy.

"Hindi namin kasalanan," katwiran ko. Si mommy, nag-isang linya ang kilay. Siguro kung hindi praktisado si mommy kay daddy, baka pinalo na niya kami kung ano man ang hawak niya. Right now, nakakuyom ang kamay ni mommy. Pigil na pigil ang inis.

"Dad, hindi namin talaga kasalanan kung bakit sila nagutom." Sang-ayon ni B.

"Ano na naman ba ang ginawa ninyong dalawa?" Tanong ni mommy. Sobrang lumanay ng pagkakatanong, nagbabanta ang mahabang sermon. Napakamot kami ng ulo ni B.

"Kasi mommy, 'di ba, umuwi tayo ng Hacienda noong birthday namin? Nag-absent kaming dalawa. E nakalimutan namin nakapangako pala kami." Paliwanag ko.

"Anong pangako na naman ang ginawa ninyo?" Nanggigigil na tanong ni Daddy.

"Sabi kasi namin, huwag na silang magdala ng lunch kasi birthday namin. Sagot na namin ang lunch ng buong section namin." Sagot ni B. Pinipigilan namin na huwag matawa kaya nayugyog ang balikat namin habang nakayuko.

"Hindi namin alam na pag-aabsent-in ninyo kami. Kaya nagutom sila noong birthday namin." Dagdag na paliwanag ko. Napa-face palm na lang si Daddy habang tuluyan kaming natawa ni B. Si mommy naman ay tumalikod at iniwan kami.

"Bakit hindi ninyo sinabi?"

"Dad, we forgot, honestly. Naalala na nga lang namin iyon when the principal asked us to go to her office." B replied.

"Saan na naman kayo pupunta nito? Sumusuko ang lahat ng teacher sa inyong dalawa."

"We don't mind the school at the ampunan." I answered.


Iyon na nga ang nangyari, naiwan si Axel at Uno sa International School at dinala kami sa eskwelahan sa ampunan. Para kaming artista ni B kung pagkaguluhan ng mga bata. Ibang-iba ang culture dito pero ang saya. Kapag may magkagalit, talagang suntukan ang nangyayari. Matira ang matibay. At ang cool ng mga teacher namin. Hindi sila pikon. Siguro dahil halos lahat kami ay pilosopo sa klase. Hindi naman lahat nang nandirito ay mga nasa ampunan. Ang iba ay galing sa ibang baranggay. Dahil nga halos sila Tito London ang nag-umpisa nito, parang private school na rin na maituturing ang school na ito. Hindi nga lang kasing private ng IS. Sabi nga ni B, semi-private kami.

"Magbigay ng halimbawa ng mga gawi ng mga lalaki sa mga babae na maituturing na hindi tama." wika ng teacher namin.

Nagtaasan ng kamay ang mga babae.

"Yes, Jessica," sabi ng teacher namin.

"Ma'am, tinatawag kaming ganda," sagot ni Jessica na ikinatawa naming mga lalaki.

"Hindi nga?" sabat ni B. "May tumatawag sa'yong ganda?"

Nagtawanan na naman kami. Lakas din kasi nitong si Jessica na magpapansin.

"Oo kaya. Yung driver ng tricycle sa labas. Sabi niya 'Ganda, sakay?'"

Nagtawanan kami ng malakas. Pati ang teacher namin natawa.

"Huwag kasing assuming. Si Ponchio nga tinatawag ng pogi pero hindi naooffend." sagot ng isa naming kaklase na kasing level ng kulit namin.

"Bakit kaya babae lang ang tinatanong kung nababastos sila. Nababastos din kaming mga lalaki, Ma'am." hirit ko. Natatawa agad si B, wala pa ang punch line.

"Hindi nga?" Nakataas ang kilay ni Ma'am na nagtanong. "Ano sinasabi sa inyo? Magbigay ng halimbawa."

"Sabi nila 'Pogi, pssttt, wampipti lang.' Tapos kinikindatan kami." Seryosong sagot ko na ikinatawa ng buong klase.

"Tanga, pok-pok yun." Natatawa sagot ni Ma'am. "Umiwas kayo sa mga gan'on."

"Gan'on ba 'yon Ma'am? Sabi ko pa naman, 'Wanhandred na lang.'" Tumatawang sagot ko. Gumugulong sa tawa ni B na nasa tabi ko.

"Ano sinagot ni ate?" Sulsol pa ng mga kaklase kong gung-gong.

"Nagmahal na raw ang kape sa Starbucks e. Lugi raw s'ya. Ayaw pumayag." I replied. Tawa nang tawa si Ma'am.

"Ikaw naman, Jonel, ano naexperience mo?" Tinuro ni Ma'am ang classmate ko na mayroong merong malambing na pangalan.

"Jooonnnnneeelllllllll," ulit namin sabay tawa.

Hindi kami makatapos ng isang lesson nang hindi nagtatawanan. Edukasyon sa Pagpapakatao pa naman ang subject.

"Ayan po Ma'am, nilalambing nila ako parati." sagot ni Jonel.

"Bakit kasi Jonel ang pangalan mo?" Wala sa loob na naitanong ni Ma'am. Natawa si Jonel bago sumagot.

"Pinaglihi raw po ako sa saging na saba." Sagot niya.

Yung tawa ni Ma'am, parang hindi uulit sa lakas. Dapat maisama namin si Axel at Uno dito. Masaya sa school na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top