UK

Mitch

"We are here na," I announced to my friends na naiinip na sa akin. As always, nakasimangot na si Manong Blaze.

"Ano na naman yang dala-dala mo?" Sir Blaze asked with matching irritation all over his face. My husband, Brix, tatawa-tawa lang sa tabi ko.

"Luggage, Sir. Try mo kaya so you won't bit-bit your gym bag lagi."

"Brix, sinabihan mo bang asawa mo na 1 week lang tayo at hindi 1 month sa Sagada?" tanong ni Sir.

"Star, can you make your husband shut up na muna?"

"Where's your yaya, Mitch so we can have someone who can make ihaw-ihaw for us?" pang-aasar ni Raiden sa akin.

"Ugh, hindi na pinasama ni Brix. I should call her ba?" I asked them while fishing my phone from my bag.

"They are just messing you," pigil ni Brix sa akin. "Tol, saan ilalagay ang mga bag ni Mitch?" my husband asked from his bandmates.

They decided na isang coaster van na lang ang gamitin namin so we can make sleep sa biyahe. While some wanted the idea, kumontra ang mga guys dahil hindi raw sila makakapagdala ng sasakyan nila— si Raiden, Lego at Kenshin ang makontra sa lahat.

"Psst, Star, why masungit si Sir?"

"Tanong mo kay Rose," sagot ni Star.

"Rose," baling ko sa malapit ng makatulog na si Rose. "Don't sleep yet, hindi pa tayo nakakaalis ng Tagaytay. Bakit bad trip si Sir Blaze?"

"Nagpapabali kasi siya ng beer pero wine ang binili ko. Good for the heart," natatawang sagot ni Rose na ikinatawa namin. "Lagay kayo lang ang malasing? Taga picture na naman ako?"

"Samahan mo sila Joana kapag lasing na kami," suggestion ni Star.

"Medyo iba ang trip nila ngayon ni Dom, so I will leave them alone."

"What trip? Hey, kulang kayo sa chika. Tell me."

"They are trying to formulate something for a cause," kwento ni Star.

"Like what?"

"Like some event for a cause?" hindi sure na sagot ni Rose.

"Ohhh, I can help them. Party ba kamo nila? Here I am...." OMG, excited ako to give them tips on how to throw a party.

Hindi ko kinaya ang ilang oras na nakaupo. I asked them if we can make hinto sa Baguio dahil 6 hours pa pala from Baguio to Sagada. OA si Sir Blaze kung maka-react.

"Six hours na lang," sabi nito.

"Sorry Sir, kailangan mo ring iflex ang muscles mo para hindi maging bato."

Nangungunang tumawa si Rose kaya napatingin sa kanya si Sir Blaze. "Kanin aka pa, Rose."

"Mas matanda ako sa iyo by blood, Sir Blaze. Dapat nga Ate ang itawag mo sa akin dahil matanda si Lego kay Star."

"Hala ka, Sir Blaze. Baka masuntok ka na naman ni, Honeybunch, Sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin, ni Lego Sweetie Pie." Nagtawanan na naman kami. Sinabayan pa kasi ako ng mga tropa ko sa song namin for Lego.

"Ukay-ukay tayo," yaya ni Joana sa amin na ikinanganga ng karamihan.

"It will be fun. Maraming branded sa ukay-ukay," Dom added. "At mura pa."

"Uhmm, if you want mura na branded, you can go to Japan," I suggested na ikinanganga naman ni Dom at Joana. "Gusto n'yo after nito, we can fly to Japan."

"Parang Cubao lang ang pupuntahan ah!" Ryker commented somewhere behind.

"Bakit hindi n'yo isama si Mitch sa ukay-ukay para maexperience niya," sabat ni Sir Blaze.

"I can buy that ukay-ukay and make those clothes our basahan," sagot ko. Natawa na naman si Brix. Happy person talaga ang asawa ko na ito.

"Oh, may strawberry taho," turo ni Rose sa nagtitinda.

"Who wants soy pudding with caramel syrup and boba pearls?" I asked my friends.

"Ha?" sabi nila.

"Ano raw?" tanong ni Manong na tindero.

"Ugh, soy pudding with caramel syrup and boba pearl?" hindi sure na pag-uulit ko.

"Hon, taho. Say Ta-Ho." Pampam ang asawa ko.

"That's soy pudding," pamimilit ko.

"Haaayyy," parang pagod na silang lahat kaya they let it go.

"Oh, there's strawberry soy pudding and ube flavor. Manong, can you make halo ba or one flavor lang dapat?"

"Mitch, naguguluhan na si manong, malapit ng umiyak. Bumili ka na lang ng tatlong flavour. Maghahalo rin si tiyan mo iyan." Inunahan ako ni Ryker sa pila at nakipagtulakan pa sa akin.

"Kaya ka napapalo ng tray," hirit ko na ikinatawa na naman ng buong grupo namin.

SO after kong matikman ang soy pudding with caramel/strawberry/ube syrup with clear small boba pearl, Joana lead us to ukay-ukay.

"Welcome to UK. Pili na kayo," sabi ni Joana.

Amoy lumot at amag at lumang damit na hindi pa nalalaban ni yaya. Okay, so what can we get here? Kaming tatlo nila Star at Rose ang magkakasama, habang nasa likod namin ang mga asawa namin. Ate Margaux and Kuya Jaxx are not here. Serious na sa pagtatapos si Kuya Jaxx so madalang makasama sa mga ganitong lakad namin.

"Oh, look, mayroon ngang mga branded pero lumang style na."

"Shhh, marinig ka, Mitch." Tinakpan ni Rose ang bibig ko at thank God, lip paint ang gamit ko. Hindi mabubura ng basta-basta.

As I scan the blazers, I saw one vintage chanel blazer that I want but it's not at the store anymore. Mabilis koi yon na kinuha at hinubad ang blazer ko na suot. Pinatong ko ang bag ko sa mga hanay ng hanger at sinukat ang blazer ng chanel. Mayroon palang gold sa hanay ng mga lumang gamit.

Na-engross akong mamili until I have five blazers na napili but when I was about to put my own blazer, nawawala siya.

"Did you see my blazer?"

"Alin?" balik na tanong ni Star.

"'Yong suot kong Hermes."

"Oh shocks, baka naisama sa mga nakahanger," natatarantang sagot ni Rose. So nag-panick na kami.

"Oh my God, oh my God!" panay kami oh my God ni Star habang si Rose ay mabilis na naghahanap sa mga nakahanger.

"Ayon," sigaw ni Rose. "Miss, sa amin 'yan."

Napahinto ang tindera sa pagsasabit ng blazer sa nakalagay na reserved.

"That's mine."

"Style nyo. Paanong magiging sa inyo ito, eh hindi nyo naman suot!"

"It's mine. It's Hermes." Malapit na akong makakita ng red sa iyo.

"Alam ko. Nakareserve na ito," mataray na sagot niya. Para akong nakaupo sa chili at ibinigay ko kay Rose ang mga hawak kong blazer na bibilin ko sana.

"That's mine and where's my bag? Don't tell me kinuha mo rin ang Birkin ko."

Lumapit na ang asawa namin sa amin. "What's wrong?" tanong ni Brix.

"She put my blazer in that hanger and she's insisting that's not mine. Nagsusukat lang ako then pati bag ko ay gone na."

"Miss, mayroong secret pocket ang blazer na iyan, and I slip a note earlier for her. If that is her blazer, nand'yan pa ang note na nilagay ko. Paki-check naman," mahinahon na wika ni Brix.

Kinapa-kapa ng babae ang blazer at hindi niya mahanap ang secret pocket. Malapit ko na siyang sabihan ng tanga when she found the pocket and Brix note. Doon pa lang siya naniwalang sa akin ang blazer.

"Now, where's my bag?" sigaw kong muli.

Nangungunang tumatawa si Sir Blaze paglabas namin sa ukay-ukay building. Nahanap ang bag ko na nakadisplay na sa mga, ugh, ibang bag. I will not go to that ukay-ukay ever again.

"At least nakabili ka ng mga classic na blazer. Charge to experience, hon." Brix kissed my lips when I was about to cry. "Someday, tatawanan mo ang experience na iyan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top