Two Stripes

Mia


Two stripes... again. 

Shit. 

"Babe, are you okay in there?" I heard Ralph's voice at the bathroom door. 

"I'm good." You are going to be a father again of quadruplets? God, I hope not! 

"Tawag na nang tawag si Jaxx. Naiinip na." 

"Hayaan mo siya. Si Margaux nga naghintay sa kanyang tumino—" 

"Hindi ka si Margaux, Babe." Kumatok na naman si Ralph sa pintuan. 

Kung kailan ka stress saka nangungulit ang isa na ito. 

"Ano ba? Bakit ba katok ka nang katok? Can't I just pee in peace?" sigaw ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan. Sa tangkad ni Ralph na iyon, nagulat siya sa akin or baka sa ayos ko lang? 

I felt the tears are already forming at the back of my eyes. Then I have sweats all over my face. My hair is in riot this morning which I don't understand why. And then there is Ralph annoying the hell out of me. 

'What happened to you?" nakuha n'ya pang itanong. 

"What happened to me? God, I don't know. Maybe because I want to pee without you knocking on the door. Lalabas din ako ng bathroom. Hindi ako titira dito." 

"Bakit galit ka?" nakuha niya pang itanong. 

Tuluyan na akong napaiyak. Fresh na fresh siya, nakakabusit. Samantalang ak parang may hormonal imbalance na agad. 

"Babe, what's wrong?" nag-aalalang tanong niya. 

What's wrong, what's wrong ka d'yan. You did this to me. 

Binato ko kay Ralph ang pregnancy test. Tinamaan siya sa dibdib bago nalaglag ang pregnancy test sa lapag. nagdadabog akong pumasok muli sa bathroom at doon tahimik na umiyak. 

Maya-maya pa, kumakatok na naman si Ralph. 

"Dammit! Just leave me alone." 

"Babe, buntis ka?" tanong niya mula sa pintuan.

Gusto kong matawa kung hindi lang ako naiinis sa lahat. 

"Mia..." Pinagkakatakot ni Ralph ang pinto. 

Animal na 'yan, hindi na ako nakaihi. 


Pagdating namin sa bahay nila Jaxx, tulala si Ralph at tahimik naman ako. Jaxx, being my asshole friend stated the obvious. 

"Bakit tulala si Amboy? Ano na naman ang ginawa mo?" tanong ni jaxx sa akin. 

"Why me? Hindi ko alam bakit naging friend kita?" I yelled. I marched to where Margaux and her friends' seated. Mukha akong cute size nang matabi kay Koko. 

"Dahil pinagpalitan mo ang sarili mo na maging friend kita," Jaxx said that I heard from here. 

"Kapal," I murmured. 

"Mia, okay ka lang? Nasaan ang quad?" Koko Asked. 

"I'm not okay. Nasa nannies nila ang quad. Hiniram muna nila Mommy Kath." 

"Then why are you looking like a cat ready to claw?" tanong ni Koko. 

"I'm pregnant." mahinang sagot ko. 

"Ahh!" What?!" malakas na tanong nang tatlo kasabay ng 'putangina' ni Jaxx sa kumpulan nila. 

"Don't tell me, magiging walo na ang anak ninyo?" tanong ni Koko na ikinaiyak ko. Iyon nga ang inaalala ko eh. Hindi naman nakatulong si Ralph na natulala lang pagkalabas ko ng toilet. 

"Tang-ina, Mia!" narinig kong wika ni Jaxx. Parang same reaction si Margaux at Ralph— natulala siya.

"Hihimatayin na naman si Tito Mark niyan," Sky said that made Koko giggled. 

"Sabihan na ba natin si Yuan na sapuhin muli ang Daddy mo?" biro ni Koko. 

"Grabe kayong magreproduce. Para kayong kuneho." Grabe ka rin Sky kung magcomment. 

"What is kuneho?" 

"Rabbit," sagot ni Koko sa tanong ko. 

Grabe nga si Sky sa kuneho part!

"Hindi pa sure na quad. I just found out na pregnant ako before kami magpunta dito." 

"Kaya pala tulala si Ralph," Margaux commented. Napapailing itong natawa. "Well, congratulations." 

Nangilid na naman ang mga luha ko. 

"Magpa-ligate ka na nga after niya," Koko said. "Congrats Mama Mia. Ikaw talaga ang winner sa dami ng anak mo. Ano ritwal? Baka pwedeng i-share?" 

Natawa na ako kahit naluluha ako. 

Natatakot ako sa magiging reaction ng mga tao sa paligid namin. 

"Iba talaga ang malakas kay Lord." Grabe talaga si koko. 'Di ko alam kung nang-aasar lang 'to. 

"Mia—" tawag ni Jaxx. 

"Huwag mo akong kausapin Jaxx." 

"Paano kayong nanging mag-bff ni Jaxx eh parang papatayin ninyo ang isa't-isa?" natatawang tanong ni Margaux. 

"Ewan ko sa jowa mo, mapagtanim ng sama ng loob." 

"Para ka na namang daing niyan. Hanggang lalamunan na naman ang tahi mo." 

"Paisang suntok lang ulit, Margaux sa jowa mo." 

Tumayo ako at nagdadabog na lumapit sa kumpulan ng mga lalaki. Si Jaxx ay nagtatakbo na parang bata nang makalapit na ako. Tatawa-tawa siyang nagpahabol. At dahil pikon na pikon na ako, hinubad ko ang suot kong sapatos at binato siya, na nailagan niya naman at tinamaan si Blaze. Natapon ang beer na iniinom ni Blaze.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Blaze na parang cow at saka masamang tumingin sa akin. Si Jaxx naman ay malapit ng mamatay kakatawa pero si Ralph tulala pa rin. 

Busit talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top