Relief Goods

Mitch


Because of the pandemic that hits the whole world, I gather my friends and we did a #bayanihan. My husband looks proud of me and I feel great.

"So, ilang ship ng rice nga ang oorderin natin?"

Si Rose, as always, ang nanguna sa pagtawa. "Hindi talaga truck ano? Ship talaga."

"What wrong with too much rice? Besides tataba tayong lahat, at least hindi tayo gutom. So, how many?" naguguluhang tanong ko sa kanila. "Hon?" I asked my husband na super happy lang at tatawa-tawa kasama si Ryker.

"Let start with local farmers muna, Mitch. Hindi kailangang mag-import ng bigas."

"Okay, so canned goods. Do we need spam?"

Nagtawanan na naman sila. "My God, bakit ba tawa kayo nang tawa. Start!"

"Sorry, pwedeng Ma-Ling Mitch or local meatloaf, bakit spam?" tumatawang tanong ni Star.

"Masarap kaya ang spam. Anyway, ikaw na bahala doon, Star. Si Brix na ang bahala sa bigas. How about chocolate drinks?"

"Tigilan mo ang kasosyalan mo. Mamimigay tayo ng relief hindi pang-give away sa pasko. Coffee Mitch or Milo. Gatas sa mga bata..." saway ni Sir Blaze sa akin.

"Oh my God," napahawak ako sa puso ko na ikinalingon nilang lahat. "Nakaorder na ako ng hersey milk chocolate drinks."

Parang nalugi si Rose na napasandal na lang.

"What?" ani ni Star. "Mitch, mas maraming mabibili na Milo ang ginastos mo sa Hersey."

"Pero masarap ang Hersey. Anyway, kaunti lang naman iyon."

"Gaano kakonti?" may pagdududang tanong ni Brix.

"Like...ugh... isang 20 footer shipping container?" nakangiting tanong ko. Napaface palm silang lahat ang it looks comical. "Okay, PPE naman tayo."

"Ako na diyan. Baka kung ano-ano na naman ang bilin mo," prisinta ni Rose.

"Okay! Balik tayo sa foods and commodities. Do you think, we can give them like calming oil para sa diffuser..."

"Ako kailangan ko iyon. Nahihirapan akong kumalma sa iyo," sagot ni Sir Blaze.

"Ang arte mo," I commented. "This pandemic is stressful. Baka pagkatapos nito, mawrinkles na lahat ng tao dahil sa stress."

"Can we open some hotels para sa mga front-liners?" Star asked us.

"I'll check that with Ken and Raiden," prisinta ni Lego.

"Ikaw Ryker—"

"Charm lang ang maiaambag ko," sagot niya. "Guys, kayo ang maraming pera. Sagot ko na ang tray... ano Rose, happy?"

Inunahan na si Rose ni Ryker sa pang-iinis.

"Okay... mask... Ako nang bahala—"

"No...." sabay-sabay na sagot nila.

"What?" Nakakaoffend na ang mga ito.

"Baka Hermes ang bilin mo... Diyos ko," Rose added na ikinaikot ng mga mata ko.

"Ang OA nyo guys... merong mas mura... Balenciaga."

"Shit... tangina, magkano kaya iyon?" tumatawang tanong ni Ryker.

"Sa Vietnam mas okay bumili ng surgical mask ngayon," Rose suggested.

I took note of what she said.

"Surgical mask at N95 mask Mitch... hindi tayo magpo-photoshoot sa relief operation."

"Oo na Rose... galit nag alit? Gustong manakit?" sarcastic na tanong ko. Wala na akong nagawang tama.

"Ako na sa eco bag. Okay na? Happy na?"

"Ayan, sa ecobag ka na lang," comment ni Ryker.

After a week, nagkita-kita ulit kami pero this time sa isang warehouse na. Dumating na mostly ang mga supplies namin. We did what we thought is necessary. Naka airfreight lahat para mabilis.

"Oh my God, Mitch..." tatawa-tawa si Ryker na lumapit sa amin dala ang isang sample ng bag. "This is fucking addidas bag... sabi namin eco bag lang."

"Ecobag nga iyan. Gawa sa tela. They can still use it after maubos ang relief... at least fashionable and reusable."

"Suko na ako..." sabi ni Sir Blaze bago sila nagtatawa na naman.

"Ang cute mo," nakangiting wika ni Brix habang si Sir Blaze ay inuuntog ang ulo sa folder na hawak. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top