Prince Cedie

Marie

After ng tagpo sa Ampunan


"Marie, kumusta nga pala ang pagpunta ninyo sa ampunan? Any concern na pwede nating tutukan agad?" Sam immediate asked me hindi pa man nakakaupo.

"Sandali Attorney, kukunin ko lang ang notes ko," biro ko kay Sam. Nangungunang tumawa si Diane. May love/hate relationship itong dalawa na ito. Unang-una namang nakaka-miss kay Diane si Sam kapag nasa Vicente si D.

Nasa Club Zero kami, the usual. Kailangan talaga mag-kita-kita kami para hindi kami ma-burn out. Nakaka-stress din ang asawa ko, minsan gusto ko ng isauli, char.

"Heto na, wait."

Nakisilip si Diane sa notes ko na mukhang doktor ang nagsulat. I know, engineer tapos sulat doctor?

"Akala ko engineer ka!" simula ni Diane. "Dimunyung sulat 'yan. Naintindihan ninyo?" Kinuha ni Diane ang notes ko at ipinakita sa mga kaibigan namin bago isinauli sa akin.

Nakita kong nangingiti si Red pero hindi nagtangkang magcomment.

"Dalawa kasi ang klase ng engineer. Do'n ako napunta sa hindi magandang magsulat." At nagpaliwanag talaga ako.

"Okay, 'eto na. So kailangan nila ng tulong," wika ko. Binato ako ng nilamukot na tissue ni Kyle.

"Alam namin. Ayusin mo ang report mo," sita ng magaling kong kapatid.

"Okay, tig-limang million kayo," I said half-joking pero seryoso naman ang mukha nila. Sam even wrote it on her own notes. Hindi ko na babawiin 'yon. Bahala kayo d'yan.

"We need to build a school. Those poor kids don't have proper education."

Siguro, I did something good in my life cause my two children are doing the right thing for humanity. I am so proud of Cailee for being a doctor and giving her all time that she can give to help. She chooses to be deployed in rural barrios to cure. Carlos might choose the corporate world but his idea of buying the land for the orphanage reminds me of his father— a philanthropist.

"Ang mga bata na ang nagsusulong ng hospital, so let's focus on this school," Abby commented. Madalang sumama sa amin si Abby but she is part of us. Saka, sagot na niya si Ayano.

"Ilista mo na Samantha ang tatlong building kay Ayano," wika ni D na ikinasamid ni Ayano.

Hold-up ang nagaganap dito. Ang lala namin.

"Ano pa, Marie? Naiintindihan mo pa ba ang sulat mo?"

"Oo, wait lang Diane."

Nagdi-discern pa ako kung paano ko sasabihin ito.

"Okay," huminga muna ako ng malalim. Lalaktawan muna kita Cedie. "Baka may mga luma kayong dami na pwedeng i-donate..."

"Teka, wait," pigil ni Trisha sa akin. "Bakit luma, bakit hindi bago?" she asked.

Ugh.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa table.

"Iyon ang initial na naiisip sa donation drive, taga-village," paliwanag ni Diane. Natatawa kaming mga taga-gilidgers sa mga mayayaman na ito.

Naguguluhan pa rin si Trisha at kailangan ng further explanation. Hinayaan na namin si Diane na magpaliwanag. Dahil kahit mayaman ang isa na ito, sa public school ito nag-elementary at highschool kasama ng ma tauhan nila. Alam na alam ni Diane ang mga gantong bagay.

"Sa baby dapat bago," Trisha insisted and we agreed on that. "At sa underwear," she added. "At saka sa mga t-shirt kasi 'yong armpit—" patuloy ni Trisha na ikinatawa na namin.

"Lagay mo na nga lahat bago," utos ni Diane kay Sam.

"All in all, na-capture na ng mga bata ang ibang problema. I heard with Cailee and Carlos na sila na ang bahala sa lot. Tama ba Sam?"

Tumango si Sam sa akin. "Inaayos na namin," she replied.

"Ano pa 'yang hindi naco-cross out sa listahan mo?" usisa ni Diane.

"Ito... ahhh, ganto kasi." Nag-alis muna ako ng bara sa lalamunan bago ako tumingin sa mga kaibigan ko.

"Alam n'yo ba na may piercing si London?"

"Ay dimunyung 'yan," malakas na comment ni Diane. "Oo, pinabutasan ang titi ng animal na bata."

Ang brutal naman ng bunganga ng nanay.

"Saan?" tanong ni Trisha na hindi makapaniwala.

"Sa titi nga, animal na bata," nabubwisit na sagot ni Diane.

Si Tristan lang ang kasama ko noon sa ampunan maliban sa mga bata kaya siya ang natatawa ngayon sa tinatakbo ng usapan. He knows my curiosity about that damn piercing. HIndi ko lang maisingit ang gusto kong sabihin dahil ang ingay ni Diane.

Narinig ng tsismosong si Mark ang usapan namin aya nakisabat. "Totoo? I heard nakakadagdag daw ng sensation iyon," sabi nito.

Napa-nganga ang mga kaibigan ko. "Totoo?" tanong ni Lise.

Chance ko na.

Tumingin ako kay Red na mukhang nag-iiwas ng tingin sa akin.

"Love?" tawag ko sa kanya.

"Tangina, patay!" comment ni Marcus.

"Can you try—"

"No!" mabilis na sagot ni Red na ikinatawa ng mga kabigan ko.

"Red—" pamimilit ko.

"Marie, tumigil ka. Hindi mo pakikialaman ang..." hindi niya maituloy. Ngayon ko lang nakitang magblush si Red.

"Pero—"

"Gusto yatang mapadapa nito," Tristan commented that made my whole friends laugh.

Para akong batang nakasibi dahil hindi napagbigyan.

"Hindi naman daw masakit," pamimilit ko.

"Tangna, 'yong tuli nga masakit e. 'Wag kami, Marie," sabat Audi.

"Six months lang naman—"

"Six months!" sabay-sabay na sabat ng mga guys.

Napahawak ako sa puso ko. Bakit parang kasalanan ko?

"Alam mo ba ang six months without sex ay nakakabaliw?" Audi asked.

"Matagal ka ng buang," sabat ni Diane. "Isisisi mo pa sa sex. Tado ka."

"Red—" balik ko ulit sa asawa ko.

Napahawak ang asawa ko sa bridge ng kanya ilong.

"Love, please 'wag," wika niya. Mukha siyang nahihirapan magpaliwanag kung bakit hindi pwede.

"Nagkukulang na ba, Marie?" tukso ni Marcus.

Napatingin bigla ni Red sa kanya. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin baka nailibing na si Marcus.

"Excuse us," Red said in the coldest voice that made my friends shut their mouths.

Hinila ako patayo ni Red mula sa upuan. In an instant nailabas ako nito sa Club Zero.

Looks promising sa magaganap. I can't complain though. Forget that damn piercing. MAs gusto ko ang nangmamadaling asawa ko na makauwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top