Naughty Axel
Axel
"Dude, ibibigti tayo ng mommy mo," wika ni B nang mapalabas kami sa isang church. Niyaya lang kami ng isang chick na sinusundan namin. Tumakas pa nga kami dahil hindi pinayagan itong kambal. Si Uno na ang bahala sa amin mamaya. Iyon e kung mahahagilap namin si Uno para i-save kami.
"Akala ko ba, kalaban ang Devil?" natatawang tanong ko. Nagtawanan kaming tatlo at sumakay ng taxi pauwi ng Country Club. Hindi pa kami pinapayagang magmaneho pero mga ilang beses na rin kaming nagtakas ng kotse palabas ng Club. At sa tuwing mahuhuli kami, si mommy ko ang nanggagarote sa akin.
"But you don't have to shout 'fuck the devil' inside of a church." natatawang katwiran ni A.
"I thought we hate that dude," pilyong sagot ko. "Close ba sila ng pastor?"
"Sira ulo," tumatawang sagot ni B. "Bakit ba hindi ka nakikick-out sa mga kalokohan mo?"
"Must be the eyes," mayabang na sagot ko.
"Ulol, pilyo yang mga mata mo hindi inosente. Sama ka na sa amin sa Saint Mary's High School." Yaya ni A.
"Binalaan ako ni mommy e, kapag daw nahuli akong nakikipaghalikan, ipapakasal daw ako sa babae. Iyon ang pinakanakakatakot na babala ni mommy,"
Nagtawanan ang dalawa. "Hindi ka uubra kay Tita Cailee. Sa Lola mo lang umuubra ang asul mong mata." A pointed out.
"Sanay na kasi si Tita Cailee sa mata ng daddy mo. Marami rin daw kalokohan si Tito Gab sabi ni Tito London." B stated.
Nang makita kami ni Uno, natawa agad ito ng marinig ang kwentuhan sa ulo namin. Nakakarinig siya ng mga boses. Boses na kahit hindi kami magsalita ay naririnig niya. Madalas, siya ang tagapagligtas namin. Dahil sa hindi namin maintindihan, sa aming apat, si Uno ang pinapaniwalaan nila kapag nagpapaliwanag.
"Kalokohan mo, Axel." tatawa-tawang iling nito. "Bakit mo isinigaw iyon,"
Nagtawanan kaming apat. At kapag magkakasama kami, naniningkit ang mga mata ng mga nakapaligid sa amin. Parang lagi kaming may ginagawang masama.
"Ano na naman ang ginawa ninyo?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Tita Beth. Teka, bakit maraming tao dito sa bahay?
"Wala Tita, kapag ba nagtatawanan kami, may kalokohan agad?" Balik na tanong ni A.
"Ay, oo, A." Deretsang sagot ni Tita Beth.
Napahawak kaming apat sa puso namin. "Sakit naman sa heart ng paratang na iyon, Tita." sagot ni B.
"Magtigil ka nga. Dagukan kita d'yan. Manang mana ka sa tatay mo." Sagot ni Tita Beth na ikinatawa namin.
"Ano ang ginagawa ng pinakamaalindog na Tita sa balat ng Country Club sa aming tahanan?" Tanong ko kay Tita Beth na ikinatawa niya.
"Isa ka pa, babaero ka. Naku, Axel, sinasabi ko sa iyo. Kapag may lumabas na namang bata na may asul na mata,"
"Magpapaparty si Lolo Marcus," tumatawang sagot ko na ikinatawa ng tatlo kong kasama.
"At ipa-firing squad ka ng momy mo. Pumunta nga kayo doon sa mga magulang ninyo. Kanina pa kayo hinahanap."
"Saan kayo galing?" tanong ni mommy nang makita kaming apat.
"D'yan lang, mommy," sagot ko pero parang hindi sila naniniwala kaya tumingin kaming tatlo ng kambal kay Uno.
"Dito lang kami galing, sabihin mo,"
"Huwag mo kaming ilalaglag, taena ka." may pagbabanta na wika ni B.
"Nasa Down Town lang kami kanina, Tita," sagot ni Uno kay mommy. Umayos na ang mukha ni mommy at naging normal na. Feeling ko minsan nagiging singkit na siya.
"I'm going to beat the shit out of you on Monday, you hear me."
Napatingin kaming lahat sa anak ni Tita Beth na si Naya na mukhang may kaaway sa phone.
"Hoy," bulyaw ni Tita Beth sa anak. "Sino 'yang kinakausap mo. Hindi magandang biro 'yan, Naya."
"Mommy, sabi kasi ni Maddie, isa ka raw whore tapos naging client mo raw ang tatay niya tapos nakilala mo lang daw si daddy kaya bigla kang yumabang. Isa ka raw gold digger." naluluhang katwiran ni Naya kay Tita Beth.
"Sabi niya?" Umusok yata ang ilong ni Tita Beth. Napatingin kami kay Mommy at sa mga Tita kung aawatin si Tita Beth. "Kill that bitch,"
"Whoaa," napasinghap kaming apat.
"Beth, damoho ka." Sigaw ni Tita Allison.
"You heard my mom, I will kill you on Monday." Sigaw ni Naya sa kausap.
Nagtatawanan kaming apat habang pinagsasabihan nila mommy si Tita Beth na mukhang hindi nakikinig at nakataas lang ang isang kilay at nakahalukipkip. Naabutan kami nila daddy na tawa nang tawa kaya kinuwento namin ang nangyari kani-kanina lang.
"Sino ang tumawag sa iyo, Naya?" tanong niya. Si Tito Jon pa naman ang parang kasing sungit ni Lolo Red. Kabaliktaran ng personality ni Tito Carlos na kapatid ni mommy.
"Si Maddie po, dad. Classmate ko,"
"Ituro mo sa akin sa Monday," sagot ni Tito Jon.
"Shit, hindi namin makikita." comment ni A na narinig agad ni Tita Zoey. Napatakip ng bibig si A ng pinanlakihan ng mata ng mommy niya.
"Video ko na lang, tapos send ko sa inyo," bulong ko sa dalawa.
"Ano po ang meron at nandito kayong lahat?" Nakakakaba kasi kapag magkakasama kayo.
"Birthday mo na kasi." Sagot ni daddy.
"Ayaw kong magparty,"
"Ano ang gusto mo sa birthday mo?" tanong ni mommy.
"A girlfriend who is not crazy," pilosopong sagot ko.
"You should ask for something realistic. Like a unicorn." Sagot ni daddy na ikinatawa namin maliban sa mga tita at kay mommy na masama ang tingin sa kanya.
"Joke lang iyon, love." bawi agad ni Daddy.
"Sa kwarto ka ni Axel matulog." walang ngiting sagot sa kanya ni mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top