Knights
Axel
Okay itong mga tropa ni A at B, medyo kalog, ang sarap kasama.
"Putangina, nagspirit of the glass kami noon isang araw—" sabi ni Jonel.
"O tapos?" natatawang tanong ko.
"Ayon, naka tatlong long neck kami. Galit ng nanay ko."
Nagtatawanan kami habang kumakain ng cornik ang kambal. HIndi ko kinaya ang lungkot sa school, nagcutting ako at dinalaw sila A at B sa school nila. Tamang tambay kami sa tapat ng tindahan habang kumakain kami ng mga chichirya.
"Ano sabi, pre?" tanong ko.
"Sabi niya, 'Tangina ka, sabi mo lechon ang pulutan n' yo. E bakit puro mangga ang sinuka mo?'"
Hagalpak kami sa tawa dahil kay Jonel. Hayup na tao ito. From now on, tropa na.
"Magpipinsan ba kayo? Pare-pareho kayong tisoy."
"Hindi. Tropa lang. magkakapit-bahay kami," sagot ni A.
"Nakakadaya iyang asul mong mata. Nabuhol dila ko sa pagpapakilala, hayop ka. Nagtatagalog ka pala." Binato ako ng cornik ni Jonel. "Anak ka ng kano?" usisa niya. "Curious lang. Madalang kasing makakita ng maputi mga tao dito eh." Ngumuso si Jonel sa mga estudyanteng nakatingin sa amin habang palabas ng school nila.
"Half-half. Panoo ba? Tatay ko, 3/4 american, 1/4 pinoy, nanay ko naman, 1/4 spanish, 3/4 pinay."
"Tang-ina, pinag-compute mo pa kami. Basta may lahi ka."
"Jonel—"
"Pre, mali ka ng tawag," pigil agad ni Jonel sa sasabihin ko.
"Dapat kasi, Jooonnnneeeelllll," sabat ni B na ikinatawa na naman namin.
"Fuck shit, bakit ba iyan ang pangalan mo?" natatawang tanong ko.
"Pinaglihi kasi ako sa saging na saba. Connect the dots na lang, putangina. At least malambing pangalan ko. Kaysa sa dalawang ito." Tinuro ni Jonel ang kambal na ngingisi-ngisi.
"May kapatid pa nga sila, si C," wika ko na ikinatawa na naman ni Jonel.
"Sakit din sa ulo," ani ni A.
"Minsan, sama niyo 'to sa itaas." Ang tinutukoy namin taas ay ang Tagaytay.
"Baka hindi ako payagan. Kinukulit ako ni nanay. Gusto akong pag-aralin sa Tesda. Ang sabi ko ay gusto kong magsundalo," umiiling-iling na kwento ni Jonel.
"Ayaw kang payagan?" usisa namin. Umiling si Jonel na parang suko na.
"Mahirap magsundalo," seryosong sagot ko.
"Alam ko naman. Pangarap kong maging Knights. Nakita ko ang isa sa kanila, ' yong hapon. May hinahabol siyang isang sasakyan. Nakamotor lang siya noon tapos ako naman ay nakatambay sa gilid ng highway. Kidnappers palang ang nasa sasakyan na hinahabol niya. May tangay na isang Chinese na babae. ' Yong samurai niya pre, binato niya sa likod ng sasakyan, sapol ang nasa loob."
Nagkatinginan kami ng kambal. Si Tito Kiro.
"Pinanood ko siyang gumalaw. Syempre nagtago ako sa isang puno, pero ang bilis niyang gumalaw."
"Hindi ka natakot?" tanong ko na ikinailing ni Jonel.
"Mas astig siguro ang leader nila. Gusto kong maging Knights. Iyon lang ang gusto kong gawin."
"Tara, sama ka sa amin. May ipapakilala ako sa iyo," yaya ko sa kanya.
Nangisi ang kambal at sumunod sa akin.
"Saan tayo?" tanong ni Jonel habang naglalakad kami papunta sa kotse na pinagparadahan ko.
"Sunod kami sa inyo, Axel."
Tumango ako sa kambal habang hila-hila si Jonel.
"Putang-ina, hindi ba tayo makikidnap d'yan sa kotse mo?" manghang tanong niya habang nakatingin sa Jaguar na dala ko. "Alam kong mayaman ang kambal pero, ikaw, gaano ka kayaman?"
"Sakto lang," kibit balikat na sagot ko.
Sa loob ng Country Club ay panay mura ni Jonel. "Tangina, dito kayo nakatira?"
Natatawa lang akong tumango. Tinawagan ko si daddy nang nasa gate na kami. Dumeretso kami sa bahay dahil nandoon daw siya. Kausap si Tito Kiro at Tito Jacob. Ayus!
"'To, kumusta?" bati ng kambal kay daddy, Tito Jacob at Tito Kiro. Si Jonel ay deretso ang tingin sa tatlo. Para siyang namutla lalo na ng makalapit siya kay Tito Kiro.
"Dad, si Jooonnneeellll," pakilala ko. Natawa sila daddy. Natawa kaming lahat maliban kay Jonel.
"Jonel, uy," Hinampas ni A sa balikat si Jonel para matauhan. Napahilamos siya sa mukha.
"Putang— Ay sorry po. Siya iyong Knights na nakita ko. Ikaw ' yon Sir." Walang kibo si Tito Kiro habang hindi malaman ni Jonel kung sasabunutan ang sarili o ihihilamos ang dalawang kamay sa mukha.
"Saan mo ako nakita?" tanong ni Tito Kiro na nagpahinto kay Jonel sa paggalaw.
"Sa highway. May sinagip kang Chinese na babae," walang kurap na sagot ni Jonel.
"Akala ko ba ay malinis?" nakangising tanong ni Tito Jacob kay Tito Kiro.
"Sir, gusto ko pong maging kagaya ninyo." Biglang nagconfess si Jonel na kulang na lang ay magmakaawa kay Tito Kiro. Nagpipigil kami ng tawa ng kambal.
"Iyon lang po ang pangarap ko, Sir. Paano pong maging apprentice sa Knights of the Leaders?"
"Seryoso ba ito?" tanong ni Tito Kiro sa amin.
"Kasing seryoso ng pangalan niya," natatawang sagot ko.
"Ayos, code name—banana man," biro ni A na ikinatawa namin.
"Ilang taon ka na?" tanong ni daddy kay Jonel.
"Seventeen po," sagot niya.
"Bumalik ka kapag eighteen ka na at tapos na ng senior highschool. Hanapin mo ako, Gabriel Miller," ani ni daddy.
Napanganga si Jonel. He must heard my dad's name before. "Sir, kayo ang leader ng Knights."
"Unang lesson, huwag kang mastar struck sa amin. Ayusin mo, bata." Tito Jacob clapped his shoulder na muntik ng ikapilay ni Jonel.
"See you when you're eighteen," bilin ni daddy bago kami iwan ng mga Knights.
"Putang-ina, ang astig ng tatay mo."
"Bawal mastar struck," sigaw ng kambal kay Jonel.
"Paano, sabay tayong magta-training?" nakangising tanong ko kay Jonel.
Unti-unting lumawak ang ngisi niya. "Brod," wika nito and we fist bumped each other.
--------------
A/N
You will see Jooonnneeeellll and the rest of 3rd Generation on Elite Series.
Available at Nobelista.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top