Interview with Titas
Violet
Madalang na madalang ito na makalabas kami ng bansa na walang asawa at anak na nakabuntot sa amin kaya nilubos-lubos na namin. Kasama ang mga naggagandahan naming mga Titas, nandito kami ngayon sa Paris para sa premyo naming Birkin Bag.
"Tita, hindi ba mamumulubi si Tito sa dami ng nilabas niya na pera?" Tanong ko kay Tita Marie. Umiling si Tita habang napaso yata sa pag-inom ng tea.
"Bakit lasang damo itong tsaa na ito?" Napakunot ang noo ni Tita Marie at ibinaba ang tasa. "Hindi, V. I saw his bank statement lately and I told him, hindi namin kailangan ng ganoong kalaking pera."
"Gaano kalaki, Tita?" Usisa ni Xykie.
Natawa si Tita Marie. "Basta," sagot niya. "Magtatayo na yata kami ng bigasan dahil sa mga binili niyang palay ng magsasaka. Sa amin na lang kayo magpadeliver ha," may ngiting pagkukwento ni Tita.
"Tita, curious lang ako. Bakit ang kaunti ng mga anak ninyo? Like si mommy, dalawa lang kami ni Summer." Napatingin sa amin ang lahat ng Tita maging si mommy.
"Lagi kasing may laban ang Ateneo at La Salle kaya isa lang si Jaxx," seryosong sagot ni Tita Merjie na ikinatawa namin. "Seryoso ako. Nabuo nga si Jaxx no'ng magchampion ang UP." Dagdag pa ni Tita. Oh my God. The rivalry continues.
"Kyle doesn't want to have too many children. Natatakot pa rin siyang balikan ang mga bata ng mga nakalaban niya noon." Tita Sam said. Ahh... mayroon palang kinatatakutan si Tito Kyle maliban kay Tita Sam.
"Ikaw, Mama Kath? Bakit dalawa lang ang anak ninyo ni Marcus e, ang landi ng asawa mo?" Tanong ni Tita D.
"Nakita n'yo ba akong magbuntis? Mukha akong whale sa laki. Saka... wala na pala," pigil ni Tita Kath sa sasabihin.
"Ano iyon, Tita?" Pangungulit namin. May chismis pa ito.
"Saka naadik si Marcus sa breast milk ni Mama Kath," tumatawang sagot ni Tita Diane na ikinalaki ng mata ni Tita Kath at ikinanganga ng mga bibig namin maging si Tita Marie ay nashook. "Joke lang," sabay bawi ni Tita Diane.
"Bakit mo alam?" Tanong ni Tita Kath.
"Wahh! Hula ko lang iyon. Totoo ba?"
Namula si Tita Kath na kasing kulay ng buhok ni Jolen na pula.
"Oh my God," sabay-sabay na wika namin at saka nagtawanan. Ang wild ni Tito Marcus, my God!
"Iba rin itong si Marcus. Kaya pala malayo sa osteoporosis," tukso ni Tita Diane. Tawa kami nang tawa hanggang sa maging serious ang usapan.
"I have an autoimmune disease. My blood attacks the protein in my body. Nagka-miscarriage ako after Carlos and that's why we found it out. Red decided na okay na ang dalawa sa amin. Ayaw niyang i-compromise ang buhay ko. It's not life threatening pero hirap na akong magbuntis at iyon ang delikado." Paliwanag ni Tita Marie.
"I didn't know that," Ate Cailee murmured.
"You and Carlos are already gift to us. Wala na akong mahihiling pa kung hindi mga apo." Tita Marie replied.
"Walang problema raw, Tita Marie. Mga ilan pa ang gusto mo? Mga ilang Axel pa at ng umiyak ng dugo ang mga teachers?" Hihikain kami sa kakatawa. Ang mga sutil na mga anak namin, manang-mana sa mga magulang namin. Ehem!
"When I gave birth to Koko, Frank said that Koko is enough. Ayaw niyang magkaroon ng anak na lalaki because of his parents issue. Siguro dala niya pa rin ang trauma sa daddy niya." Natahimik kami pagkatapos sumagot ni Tita Bella. Kanya-kanyang higop ng kape.
"Sa sobrang kunsumisyon namin kay Rome, minabuti na naming tumigil na," sagot ni Tita Diane. Natawa kami. Ngayon, si Kuya Rome ang problemado sa mga anak niya.
"Kami naman."
"Huwag ka na Yumi. Marami kang anak e," sabat ni Tita Merjie na ikinatawa na naman namin.
"Iyon nga ang sa amin, kabaliktaran nila. Nagpa-ligate na ako dahil baka dumami lalo kami." Sagot ni Tita Yumi.
"Parang rabbit pala si Tito Cloud, ano?" Tanong ko which I earned a glare from my mom at high five kay Tita D. "Ikaw Ma? Bakit dalawa lang kami ni Summer?"
"Dahil nakukunsumi na ako sa iyo. Equivalent mo si Rome eh, which made me think na sa Ramirez kayo nagmana na dalawa." Sagot ni mommy. Nashook ako. Tawa kami nang tawa.
"Tita Kaye, bakit isa lang si Margaux?" Usisa ko. Nananahimik si Tita at baka masobrahan sa kape.
"Alam ko ang story niyan." Tumatawang sagot ni Margaux. "Hindi niya gusto ang underware na suot ni daddy. Kulay green kasi lagi." Napahagalpak kami ng tawa ng tumaas lang ang kilay ni Tita.
"Si daddy ko kaya panay anime ang boxers. Limited edition pa ang iba," kwento ni Sakura. Napatakip ng mukha si Tita Abby sa hiya. "May makikita ka pang elepante na boxers sa laundry room."
"Tita Cheska, bakit hindi na nasundan ang kambal?" Baling namin kay Tita na tawa nang tawa.
"Nahirapan ako kay King. Parang one year old noong ipinanganak ko."
"Tita Lise?"
"Wala lang. Gusto ko lang ng dalawa." Simpleng sagot ni Tita. Gusto niya lang, tapos.
"Ikaw Mia, may balak ka pang manganak? Gamit na gamit ang matris mo ah. Nakaka-lima ka na." Biro ko kay Mia na ang tindi ng iling.
"Sige pa. Mga lima pa," tukso namin kay Mia.
Nananahimik si Tita M at may kadutdutan sa cellphone.
"Naka-phone check ba si Darling Pedro?" Tinamaan ng chismis itong si Sakura. Natingin tuloy kami kay Tita M.
"Nakikipag sexing lang," sagot ni Tita na walang preno. Napatakip ng mukha si Tita Bella sa hiya.
"Bakit isa lang ang anak n'yo Tita M?" segunda ni Xykie na isa rin sa mga chismosa.
"Masarap lang ang process ng paggawa pero ang hirap ng pag-iri," sagot ni Tita M at itinago na ang cellphone sa bag niyang Balenciaga.
"Kaya puro process na lang kayo? Tibay ni Pedro ano?" tukso ni Tita Diane. I so love my Titas. Sobrang havey ang kwentuhan, daig pa ang tambay sa kabastusan.
"Tibay, my God."
Maluha luha kami kay Tita M. Kabiktaran siya ni Tita Bella na prim and proper. Si Tita M, wild din ah. Ikaw ba naman ang nakabihag sa chickboy ng Laguna.
"Landi," comment ni Koko sa tunay na tiyahin.
"Che. Ikaw kasi pakipot ka para kang tatay mo."
"Haha tama. Tanginang Frank," wika ni tita Diane na ikinatingin ng mga nagdadaang foreigner sa amin.
"Shhh... hindi pa ba pasmado 'yang boses mo sa nagdaang taon? D'yos ko Diane, kaingay mo pa rin," saway ni Tita Sam sa kanya.
"Oy shhh... may tumatawag," sutsot ni Tita Marie. Natahimik kami at sinagot niya ang phone niyang pakiramdam ko ay nakamonitor ang lahat ng incoming at outgoing calls.
"Hello," bati ni Tita Marie. Nakinig si Tita sa kausap na mukhang kinailangang ang matinding concentration.
"Okay. We will be there in a few hours. We want the store exclusive for us for an hour or two. Bye." Taray!
Nakatingin kaming lahat kay Tita Marie. "Let's go," sabi niya.
Yesss.... Birkin bag, here na kami. Ready na ba you?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top