Dick
Diane
Balik hacienda kami ni Tristan pagkatapos naming mag-cruise. This retirement is boring. Wala na akong magawa kung hindi mag-alaga ng mga aso. Malalaki na ang mga apo namin at nagsisimula ng sumakit ang ulo ng mga magulang nila. Tapos na kami sa stage na iyan, lalo na kay Rome.
"Senyorita," bati ni Tonyo sa akin. HIndi na umusad ang title ko sa kanya. Hanggang Senyorita na lang talaga ako sa damohong ito.
"Bakit?"
"Ang init kasi." Sumilong si Tonyo sa kubol at nakisama sa amin ni Tristan.
"Paanong hindi ka maiinitan eh naka-long sleeve ka sa katirikan ng araw?" Tanga yata itong si Tonyo na ito.
"Bigay sa akin 'to ng kapit-bahay namin sa Cordonia," pagmamalaki niya.
Diyos ko, Panginoon ko... kasakit sa mata ng orange na suot ni Tonyo.
"Para kang ponkan," wika ko na ikinatawa ng ilang dumadaang tauhan.
"Hoy, Tonyo, wala bang pasalubong d'yan?" tukso nila dito.
"Dumaan kayo sa bahay mamaya at marami akong chuculet."
"Ay, pagkahambog mo, hindi mo na lang ipakain sa mga apo mo at mamimigay ka pa. 'Yong mga apo mo ang unahin mo, Tonyo."
Ngumisi lang si Tonyo at nagpaypay.
Paanong hindi maiinitan, lahat ng butones ay nakasarado.
"Sino ba ang nagbigay ng polo mo?" tanong ni Tristan dito.
"'Yong kapitbahay namin si Dick."
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan no'n?" biro ko. Natawa agad si Tristan sa tabi ko.
"Pagti-tripan mo na naman," wika niya sa akin.
"Hindi..." sagot ni Tonyo.
"Ibig sabihin no'n putotoy."
"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Tonyo. "Ah dimunyu 'yong, bakit titi ang ngalan?"
Natawa kami ni Tristan at napasandal sa sandalang kawayan.
"Sa Cordonia kasi, uso ipangalan sa anak kung ano ang napaglihian ng nanay," paliwanag ko. Lalong naguluhan si Tonyo. "Tingnan mo 'yong kumare ni Ana doon, Manny ang pangalan ng anak. Mukhang pera kasi."
"Mahilig sa titi 'yong nanay ni Dick?"
"Aba'y malay ko. Tanungin mo kaya," ani ko. Pinigilan kong tumawa. Itong si Tonyo talaga.
"Ana," tawag ni Tonyo nang makita ang asawa. Lumapit naman si Ana at nagmagandang tanghali sa amin ni Tristan.
"Alam mo bang sa titi pala pinaglihi si Dick?"
Nagtago sa likod ko si Tristan upang hindi mapansin ni Tonyo.
"S'ya nga?" manghang tanong naman ni Ana. "Kaya pala tatlong beses nang nag-dibors ang nanay niya."
"Saan ka ba pupunta niyan? HIndi ka nagpapaalam sa akin."
Aba, matindi si Tonyo. Mahigpit ah!
"Diyan sa clinic," sagot ni Ana. "Sumasakit ang ulo ko e."
"Ay bakit?" may halong pag-aalala na tanong ni Tonyo.
"Saka ang baywang ko," dugtong ni Ana.
"Ah, baka six bam ka."
HIndi namin napigilan ni Tristan na tumawa ng malakas.
"Dimunyu ka," naiinis na sagot ni Ana at saka iniwan si Tonyo. "D'yan ka na nga."
"Hayup ka Tonyo. Saan mo galing 'yon?" Hihikain ako sa dimunyung 'to.
"Dapat kasi sasabihin niya, 'Aw'"
Nagbabalik Pilipinas na naman si Tonyo. Magulo na naman ang Hacienda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top