Birkin Bag
Mia's POV
Nagkakasayahan na naman kami na parang wala kaming mga anak na iniwan sa mga yaya. Kapag ganitong open mic sa Club Zero, marami ang kumakanta na may kagandahan ang boses at marami rin ang gusto nilang barilin dahil ang sakit sa tainga ng voice. Naka-ban ang May Way at Pusong Bato sa playlist. I wonder who sang Pusong Bato at ayaw na nilang marinig? After kumanta ng mga Titos, napaglaruan na naman ni Daddy Marcus sila Tita Diane. You know my dad-in-law.
"D, kayo naman daw." So innocent ng face ni Daddy Marcus, aakalain mong anghel.
"Ano kapalit?" Tanong ni Tita D.
"Name your price raw sabi ni Red," sagot ni Daddy Marcus sabay turo kay Tito Red na nanahimik. Only Daddy Marcus can make that comment kay Tito Red. Juicekuh, hindi ko pa rin alam kung kailan kakausapin si Tito Red at kung kailan hindi. Baka manatiling taga-oo na lang ako kapag kaharap ko siya.
"Birkin bag," sagot naman ni Tita Marie sabay ngiti kay Tito Red.
"Game," Tita Trisha commented na kinakunot ng noo ni Tito Kian.
"You just bought last month," Tito Kian pointed out. "Luma na iyon," sagot naman ni Tita Trisha.
"Sali kami," sigaw nila Ate Cailee. "OMG, me too," nagtaas ako ng kamay baka hindi nila ako makita. Ralph looked at me like I lost my damn mind. Che, tumigil ka. Burkin bag iyon. Tapos papaint ko kay Mareng Heart ng birds and bees and flowers and trees. Dami!
"Bohemian Rhapsody raw eh," natatawang sagot ni Tito Tristan na ikinataas ng kilay ni Tita D.
"Deal," Tita Marie answered na ikinatawa ng mga Titos.
"Hindi ako sumasagot ha," paalala ni Tito Red. "So, ilan tayong magpapa-reserve sa Hermes?" Tumayo si Tita Lise at saka nagbilang. Hindi pinansin si Tito Red na tinitingnan naman sila. Syempre nagtaasan kaming lahat ng kamay.
"Putangina, ang mahal ng kapalit. Kami beer lang ah," reklamo ni Tito Angel.
"Sa Hermes Singapore ba tayo magpapa-appointment?" Tanong ni Tita Kaye.
"Sa Paris," sagot naman ni Tita Trisha. Mas lalo yatang nanlaki ang asul na mata ni Tito Kian. Too late to run away Tito. High maintenance si Tita, ngayon mo lang nalaman?
"In five minutes or else walang Birkin bag." Tito Red said. Tumayo si Tita Marie. "Cailee, on piano, Xykie, on guitar."
"Sali ako," kulang na lang ay tumungtong ako sa mesa. Hello, Birkin bag ito...
"Kami na ang tutugtog." Presinta ni Daddy Marcus.
"Ay no, kaya namin. Sabutahe mo na naman, demunyu ka." Mabilis na sagot ni Tita D. "Merjie, nasaan ka?" Mabilis silang umakyat sa stage na hindi ako kasama.
"Mia, halika sa harap, conductor ka." Kaway ni Tita D. Kahit hindi ako buntis, nagbounce-bounce ako papunta sa harapan.
"Okay, basta gano'n." Tumatawang sabi ni Tita D. "Mia, ikaw na ang bahala kung sino sa amin ang kakanta. Kay Mia ang tingin."
Napalunon ako ng laway. "Oh my God," wika ko. Pumuwesto sila sa stage at pumuwesto ako sa ibaba. Tumungtong ako sa isang monoblock para makita ako. Inagaw ko pa ang chop stick na ginagamit ni Kuya Gab para gawing conductor stick. Ibinalik ko ang isa, kasi isa lang ang need ko.
"Ready?" Tanong ko sa kanila. Juicekuh, bakit tumahimik sa Club Zero? Hindi kaya malaglag ako sa monoblock?
Is this the real life? Is this just fantasy? Caught in a landslide, no escape from reality
Oh great... galing magharmonize ng mga Tita. Para sa ekonomiya... ammm Birkin bag pala.
Open your eyes, look up to the skies and see I'm just a poor boy, I need no sympathy
Tamang tama ang pwesto nila Tita at naka mic stand pa. Parang nagpractice ang mga ito ah at hindi biglaan. Nakagitna si Tita Merjie. Sa gilid niya si Tita Marie at Tita Diane. Tapos si Tita Trisha, Tita Sam, Tita Kaye at Tita Cheska ay nasa may bandang likod. Second voice sila. Juicekuh!
Kinumpas ko ang kamay ko at sumusunod naman sila at hindi nalilito kung sino ang kakanta at second voice. Natingin ako kay Tita Marie at tinanguan ko siya. Verse one ka, Tita Marie.
Mama, just kill a man. Put a gun against his head, pulled my trigger, now he's dead.
Biritera rin ano? Gigil na gigil na si Tita D. Halata sa pagtap ng paa. Hindi yata makapaghintay kaya isusunod ko na pagkatapos ni Tita Marie na feel na feel at nakapikit pa.
If I'm not back again this time tomorrow. Carry on, carry on as if nothing really matters.
Sunod kong tinanguan si Tita D. Ready na siya eh. Parang aawayin na ako kapag hindi siya nakakanta.
Too late, my time has come. Sends shivers down my spine, body's aching all the time
Goodbye, everybody, I've got to go. Gotta leave you all behind and face the truth
Mama...
At sumabay ang second voice sa oohhh
I don't want to die. I sometimes wish I'd never been born at all
Betcha by golly wow, hindi Aegis ang kinakanta natin Tita D. Tinaasan mo naman ng very very slight.
"Bakla, galingan mo," sigaw nila Violet ng si Xykie na ang tumutugtog for the lead guitar. Medyo na-carried away ako. Napapatingkayad ako sa pagkumpas.
"Hoy, malaglag ka," sita ni Kuya Gab na nasa likuran ko. Para na akong sinasapian sa pagkumpas ko. Shhh, huwag kang maingay, eto na ang kalokang part. Tinitigan ko si Tita Trisha at tumango siya sa akin. Hindi kaya kami malito nito?
I see a little silhouette of a man
Ang mga second voice nakahawak pa ang mga kamay sa harapan na parang choir.
Scaramouche, Scaramouche, will you do the Fandango?
Thunderbolt and lightning, very, very frightening me
Kanan muna tayo, tinaas ko ang kamay ko sa kanan at hinanap si Galileo. At si Galileo sa kaliwa. Wow talaga, feeling ko talaga ito ang una sa playlist kapag may secret videoke ang mga Tita e. Nakatitig sa akin si Tita Sam. Parang sinasabi niya 'Mia, akin 'yang susunod.' Kaya nag-okay ako.
Easy come, easy go, will you let me go?
May nagulat pa sa likod ko ng magsabay-sabay sila Tita sa:
Bismillah! No, we will not let you go
Kumumpas ulit ako, kailangan talaga sagutan ito.
(Let him go!) Bismillah! We will not let you go
Oh, mamma mia, mamma mia
"Mama Mia, ako 'yon." Sabay ko sa kanta. Para na kaming baliw. Sumasabay na sila Violet sa pagkanta. Nakatingkayad na ako at sumobra na sa energy ang pagkumpas ko.
Beelzebub has a devil put aside for me, for me, for me!
Nangibabaw ang tili ni Tita Diane sa for me. Napatalon sila Violet sa likod. Dinig na dinig ko sila nila Sakura. Heto na ang rakista ng Ateneo...
"Go Tita Merj," napasigaw pati ako.
So you think you can stone me and spit in my eye? So you think you can love me and leave me to die?
Saan pupunta si Tita Merj? Naglalakad sa buong stage dala ang stand at mic?
Oh, baby, can't do this to me, baby! Just gotta get out, just gotta get right outta here!
Wala na, finish na. Hello Birkin bag... naki- ooh yeah, ooh yeah na second voice pati ako. Kailangan ng bawasan ang energy kaya malumanay na ang kumpas ko. Nag- shhh pa ako para umayos si Tita Diane.
Nothing really matters. Anyone can see. Nothing really matters, nothing really matters to me
Si Tita Marie ang kumanta sa outro at nagsabay-sabay sila sa last line.
Anyway the wind blows.
Hinintay namin na mapindot ni Ate Cailee ang last key bago kami nagtatalon.
"Waahhhh," sigaw nila Tita na parang mga anak ko lang kapag nakakita ng pagkain sa ref.
"Birkin bag, Birkin bag," they chanted... emmm kasama pala ako sa nagsasaya. Napasandal na lang si Tito Red at natawa sa kinauupuan niya. Ilan kami? Libre ba lahat? Masaya kasing nagtatalunan ang lahat e. Tiningnan ko naman si Tito Red pero parang cool naman siyang nakaupo lang at ngingiti-ngiti. Mababawasan po ang kayamanan ninyo pero naka-smile pa rin po kayo?
"Bumaba ka na, Mia." I heard Ralph said somewhere. Nagbounce ulit ako pababa at pumunta sa table namin na nagkakagulo.
"Kumukumpas ka ba talaga o sinasapian ka kanina?" Tanong ni London sa akin. Pawis na pawis akong nagpunas gamit ang mga tissue.
"Dapat with feeling kasi," katwiran ko.
"Nananakot ka na, hindi na with feelings 'yon." Pangbabara ni London.
"Bakit ba? Ralph oh, inaaway na naman ako." Sumbong ko asawa ko na ngingiti-ngiti lang.
"Umoo ba si Tito Red?" Nagtatakang tanong ni Chase. Napatingin kaming mga girls sa kanya.
"Sino ang magbabayad ng bag kung hindi naman umoo si Tito?" Tanong ni Jaxx.
"Ummm, kayo syempre." Sagot ni Margaux. Nasamid ng sabay-sabay ang mga boys.
"Tito Red, did you accepted the bet?" Tanog ni London.
"I was thinking about it. Saang banda ba ako umoo?" Balik na tanong ni Tito Red. Napatingin sa kanya si Tita Marie na nakasimangot.
"O, wala namang problema. E 'di ang mga asawa ang magbayad ng bag." Tita Lise replied na ikinaangal agad ng mga asawa namin.
"Umoo ka, Tito." Kuya Rome commented and everybody agrees with it especially the guys. Sila kasi ang magbabayad ng Birkin bag na kasing mahal ng kotse.
"Roll VTR," someone commented that made us laugh.
"Eto kasi, pahamak ka lagi," paninisi ni Tito Red kay Daddy Marcus na walang ginawa kung hindi tumawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top