Kabanata 9

Kabanata 9

The Problem


Pinili ko iyong kulay itim na backless long gown na isa sa mga disenyo ni Mindy Torres. This is a very formal event kaya kailangang pormal din ang aking susuutin.


Binigay na rin ni daddy ang cheke sa akin bago siya nangibang bansa. I texted Clyde at sinabi niyang naghahanda na raw siya. Nag hintay ako sa aking condo kasama si Jade at Tessa. Kaaalis lang ni  Chris, iyong make up artist ko. Bahagyang niretouch ni Jade ang aking blush on para maibalik ang kulay.


Light make up lang ang gusto ko ngunit nang nalaman ni Chris na may media at maaaring mailathala ang event na ito sa mga newspaper o magazine ay kinapalan niya ang eye shadow ko.


"Portia Cecilia Ignacio, wearing a Mindy Torres gown, HMUA Chris Guevarra!" aniya sabay tili.


Though I must admit... nagustuhan ko parin ang ginawa niya kaya hindi na ako nagreklamo.


Nang sinundo ako ni Clyde sa aking condo ay kitang kita ko ang reaksyon ng dalawa kong kaibigan. They loved Clyde way back in college. Pero simula nang nagtaksil siya sa akin, tulad ko ay wala na rin silang naramdaman kundi ang pagkamuhi.


"Later, Porsh!" ani Jade sa akin, pinaparinig kay Clyde.


Ang usapan ay pagkatapos ko sa event ay didiretso na ako sa bar kung nasaan sina Jade at Tessa. Medyo matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag night out dahil sa pagiging abala sa mga ginagawa namin sa opisina.


"You going out tonight?" tanong ni Clyde nang nakapasok na kami sa kanyang sasakyan.

"Yes. With Tessa and Jade..." sagot ko.

"Can I join you?" tanong niya.

Nagtiim-bagang ako. "I don't know Clyde. Wala ka bang ibang plano para sa gabing ito?"


Perhaps a girl in your bed for tonight? Wala ba kaya he's hoping I could feel that part right there?


"Wala. Can I join then?"


Hindi ako sumagot. I don't want him around me. I don't want to even go to this event with him. Kung baga, wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. I don't need emotions. Not with anyone else.


"Portia?" tanong niya nang napansin ang katahimikan ko.

"Let's see, Clyde. I told you lakad namin ito..."

Hinampas niya ang manibela ng kanyang sasakyan. "Kahit sama lang, hindi rin pwede?" galit niyang untag.


Hindi ako sumagot. I don't want to ruin this night. Sasali ako sa ExPa para ibigay ang pera na idodonate ni daddy at para na rin sa kagustuhan kong makatulong sa mga batang inabuso ng kanilang mga magulang. His anger won't ruin this night.


Kinuha ng valet ang kanyang sasakyan. Nilingon niya ako at agad na kinuha ang kamay ko. Inilagay niya iyon sa braso niya.


"May media. If you want your dad and my dad to feel secure, let's act," aniya.

"I know what to do Clyde. I've been doing this for a year now. You don't have to tell me!" sabi ko.


Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang braso. True enough, pagkatapos ng ilang segundo ay sinugod na kami ng mga taga media.


Nakakabulag ang bawat flash ng camera. Nakatutok din ang mga videographers sa amin. May nagtanong rin kung kaninong gown ang napili ko at sino ang gumawa sa hair at make up ko. I answered the questions like a pro.


Kumapit pa ako kay Clyde na nakangiti rin sa camera ngayon. We posed in front of the black watermarked walls.


Nang naglakad kami patungo sa loob ay nakita ko na ang mga paintings ng mga bata last year. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumigil sa bawat painting na makita ko.


May isang painting doon ng isang malaking rosas. Sa painting na iyon, limang bata ang nagsilbing tinik at ang mga tao sa paligid ay nasusugatan dahil sa kanila. Natigil ako doon. Parang may kumikirot sa aking puso.


"I want to buy that painting..." wala sa sarili kong sinabi kay Clyde.

"Buy that later. The media is all over us, Porsh. Smile..." aniya.


Napabaling ako sa mga sumasalubong sa amin. Maraming flash ulit sa camera nang nakalapit na kami sa pintuan. Ang double doors ay nakabukas para sa mga dumadating na mga negosyante at sikat na showbiz personalities.


Engrande ang nasa loob. Marami akong kakilalang nakita. Be it from sons and daughters of famous businessmen down to some of dad's relatives.


"Where's Leoncio? Singapore?" tanong ng kapatid ni daddy.

"Yes po, tito."

"Bakit hindi si Kier ang nag represent?" tanong ni Tito bago tumawa ng mala Santa Claus. I don't know what's funny but I smiled.

"Busy po si Kier... Pumunta ng California kaya ako ang nag represent."

"Oh well..." Tumango si tito at bumaling kay Clyde. "And you... Where's your dad?"

"Come on, tito. Ako na po ang mag rerepresent. Ako rin naman ang magmamana..."


Habang nag uusap si Clyde at ang tito ko ay ginala ko ang mga mata ko. I saw some showbiz personality friends. Nakipag beso ako at kamustahan.


I don't know if anyone cares about the real reason of the foundation. Sa event na ito, ipinakita lamang ang kakayahan ng mga taong narito. Na kaya nilang mag donate ng limpak limpak na pera, mag sayang para sa mga damit, at mag aksaya ng pera sa buong party na ito.


"Portia! Hmmm!" Bineso ako ng kapatid ni mommy na naroon.

"Tita!" matamis akong ngumiti.

"Hindi raw nag donate ang mommy mo?" Ngumiwi si tita sa akin.

"She's busy yata, tita. Nalalapit na rin kasi ang exhibit ni Katelyn kaya mas natoon ang pansin nila doon."

"Ganoon ba?" Inayos ni tita Mariz ang kanyang buhok at napatingin sa mga taong nagdadaan sa gilid namin. Bumaling siya sa akin. "You look stunning. Sino ang kasama mo?"

"I'm with Clyde..." sabay turo ko kay Clyde na kasama parin ang tito ko.

"Oh! Find your seats. The programme will start soon."

Tumango ako at bumeso ulit sa kay Tita Mariz na tulad ng dati ay isa sa mga nagtayo ng foundation na ito.


Bumaling na ako kay Clyde para hilahin siya sa kung saan kami dapat umupo.


"Clyde..." I called.


Ngunit imbes na ako ang balingan niya ay sabay pa silang lumingon ni Tito sa kakarating. Nakita kong ilan sa mga pinakamayayamang businessman sa bansa ang dumating. Matatandang CEO ng pinakamalaking chain of malls, airplanes at marami pang iba. Sabay-sabay silang dumating kasama ang kanilang mga asawa.


The media hovered over those big people. Mas bumilis ang click ng camera kaya pati ako ay napatingin na rin sa mga bagong dating.


Then I saw Logan. His black tux overpowering all the coat and ties of the people around. Nakapamulsa siya habang seryosong tumingin sa camera. His jaw clenched nang tinanong siya ng mga reporter ng kung anu-anong mga tanong.


Nakita ko ang maputing kamay sa kabilang braso niya. He's not alone. Nanuyo ang lalamunan ko. Sino kaya ang kasama niya? Hindi nga talaga siya pupunta dito ng mag-isa, hindi ba?


Isang kasing puti kong babae ang kanyang kasama. Her high cheekbones were defined as she smiled for the cameras. Unlike me, the girl had big and round boobs. Kitang kita iyon sa deep V-neck na suot niya.


Tumigil si Logan dahil may nag interview sa kanya. Lumalim ang mga mata niya habang sinasagot ang mga tanong. The girl beside him hooked her arms in his. Nag-iwas ako ng tingin at hinila ang suit ni Clyde.


"Let's go find our seats," sabi ko.

"Yeah," sabi ni Clyde at tinugon ang gusto ko.


Nahanap namin ang assigned seats. Abala parin ang media sa pag iinterview ng mga kararating lang na mga businessman.


Parang binuhusan ng asido ang aking tiyan nang nag sink in sa aking utak na nakita ko si Logan kanina. Hindi ko na malingon ang kinatatayuan niya kanina. May kung ano sa tiyan kong hindi ko maintindihan.


"Mr. Torrealba..."


I almost froze when I heard the usherette.


"Dito po kayo..." sabay lahad sa mesa namin.


Ang aming round table ay may apat pang upuan. Doon tinuro ng babae ang upuan kay Logan at sa kasama niya. Napalunok ako kahit tila kay hirap.


Clyde's in an animated conversation with an old businessman. Kahit hindi ako kasali ay pinilit ko ang sarili kong makisali.


"Good that your company is donating a million. I would donate three million if my stocks were alright kaso kakabagsak lang ng isang kompanya ko," sabi ng matandang direktor.

"Why do you want to donate three million po?" I asked.


Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pag upo ni Logan at noong kanyang babaeng dala. Pinilit kong manatili ang titig sa matanda. I don't want to look at him. Lalo na dahil binabati siya ng mga businessman din sa mesa namin.


"Well, to help the children. My son died when he was still very young. May sakit siya sa puso. Wala na akong anak. I always like foundations for children so I donate tuwing may ganito."

Tumango ako. "That's good. Most businessmen donate for pride and ego. Seldom na lang ang nag dodonate for the real cause..."

"So you're saying that you're donating for the real cause then, Miss Ignacio?"


Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang kausapin ako ni Logan. Bumaling ang matandang direktor sa kanya. Ganoon din si Clyde na biglang umakbay sa aking upuan.


"Well..." sumulyap ako sa babaeng kasama niya. Her nose is pretty and her eyebrows are on point. I give her that. "If I have the money, I would donate it for that cause and not for the media, pride or ego," sabi ko at agad nag iwas ng tingin kay Logan.

"And you're saying that businessmen like me donate it for media, pride, and ego?" Nagtaas ng kilay si Logan sa akin.


Ang kasama niyang babae ay ngumiti. Kitang kita ang labi niyang kasing pula ng dugo ang kulay. I suddenly wished Chris's lipstick were red!


"Well... I'm not generalizing. May iba nga diyan, walang pakealam sa business ng pamilya. How the hell would they care for other people?" sabi ko sabay tingin sa direktor.

"I guess you're right, Miss Ignacio. Sa negosyo at sa laro ng stock market, nakakalimutan na ng iba ang halaga ng relasyon. Money, greed, and ego would eat them up. Imbes na pangalagaan ang relasyon ay mas inalagaan nila ang negosyo... you have a point!" anang direktor.

Bumaling ako kay Logan. I'm just suddenly proud that someone share the same thoughts with me.


Hindi ko pa alam ang tunay na dahilan kung bakit gusto niyang bumagsak ang negosyo ng kanyang ama pero para sa akin, isa iyong manifestation na hindi niya inaalagaan ang nararamdaman ng sarili niyang ama. I feel sorry for his father. He only cares about his money. Na dapat mabawi niya ang capital bago ito bumagsak. It's sad.


"People do things for a reason. Some people can benefit because of that reason. Hindi ba iyon ang mahalaga? Na may makikinabang sa perang ibinigay ko para sa sarili kong mga rason?" He raised an eyebrow.


Bastard... He's a real asshole!


"Well... That's your view..." sabi ko.


Naramdaman ko ang kamay ni Clyde sa aking braso. Bumaling ako sa katabi ko at bumulong siya sa akin.


"Stop it... the programme's starting."

Tumango ako at bumaling na sa nagsasalita sa harap.


Nagpasikat ang lahat sa mga donation nila para sa ExPa foundation. Palakpakan ang ibinigay namin para sa mga nag donate ng malalaki. I can't help but feel good for the children. Makakapag-aral sila sa magagandang paaralan at ang gastusin nila ay magiging libre dahil sa mga donation.


As a child, maswerte na ako noon dahil parehong may kaya ang mga magulang ko. Kung tutuusin, maswerte parin talaga ang sitwasyon ko. To be abused by parents and to not have money for food and shelter is the worst.


Hindi ko mapigilan ang pumalakpak at sumang-ayon sa sinabi ng president ng foundation. These kids need our support. They needed volunteers for the painting workshop na gaganapin at palagi akong volunteer doon. Ngayon ay mag rerenew ako at mag vo-volunteer ulit para maturuan ang mga batang mag paint.


After the programme, niserve na ang mga pagkain. Bumaling ako sa aming mesa na nilalagyan ng mga pagkain.


Kitang kita ko ang kamay ng babaeng kasama ni Logan. Nasa kanyang mga hita iyon. Hinahagod nito ang hita ni Logan habang nagtatawanan ang dalawa.


Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Well... hindi pa naman niya binabale ang mga rules naming dalawa. Unless they strip and pound each other in front of me...


Kinuha ko ang mga kubyertos at nagsimula na akong kumain. Clyde's talking with another businessman again. Habang kumakain kami ay nakikinig na lang ako sa pinag uusapan nilang pag baba ng values sa ibang bansa na naging dahilan ng pagbagsak ng maraming kompanya dito sa Pilipinas.


Nagkakatuwaan na ang ibang tao. Sa dancefloor ay may sumayaw ng mga matatanda sa tugtuging akma sa kanilang mga edad. Michael Buble's song resounded throughout the hall. Nagtawanan ang lahat sa mga matatandang negosyanteng sumasayaw.


Dinampian ko ng table napkin ang aking labi pagkatapos kong kumain. Bumaling ulit ako kay Logan na ngayon ay kausap parin ang katabi. They can't seem to ran out of topic, huh?


Naramdaman ko na ang kamay ni Clyde sa likod ko. Nilingon ko iyon kahit hindi ko naman makita. Backless ang suot ko kaya sa balat ko dumapo ang kamay niya. Hinahagod hagod niya ang likod ko habang kausap niya ang negosyante sa tabi namin.


Napatingin ako kay Logan at nahuli kong nakatingin siya sa akin. He looked away. Ganoon din ang ginawa ko. I tried to concentrate on Clyde's conversation with the businessman pero walang pumapasok sa utak ko.


The songs changed into something slower. Ang paghagod ni Clyde sa likod ko ay mas naging mahina. He's drawing slow lazy circles at my back. Tumingin si Clyde sa akin at ngumisi.


"Want to dance?" tanong niya.

Tumawa ang direktor sa tabi ko. "Young love is nostalgic. Naaalala ko pa noong mga kapanahunan ko." Umiling siya.


Kinagat ko ang labi ko. If I'll say no... iisipin nilang may problema kami. Tumango ako at tumayo kasabay si Clyde.


Hindi ko na tiningnan si Logan. Don't tell me hindi niya isasayaw ang kasama niya? I'm pretty sure they'd dance. And for God's sake, it's just a dance!


Nilagay ko ang aking kamay sa balikat ni Clyd. Ang isang kamay ko ay hawak hawak niya. Nakangiti si Clyde sa akin at ang buong atensyon niya ay sa akin lamang nakatuon.


"You look so beautiful tonight..." aniya.

Kung hindi lang siya taksil ay masaya sana ako sa sinabi niya. Umiling lamang ako at tumingin sa ibang banda.

"Portia..." tawag niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Let's not fool ourselves, Clyde. Let's just dance and enjoy..." sabi ko.

Umigting ang panga niya at nilagay niya ang aking kamay sa kanyang balikat. Ang kamay niya naman ay mas lalo niyang idiniin sa aking baywang. Dumampi na ang dibdib ko sa kanyang dibdib. Nagtiim bagang ako at umiling.

"Let's dance and enjoy, then..." aniya.


Sa malayo ay kitang kita ko ang paninitig ni Logan sa akin. Hindi pa sila tumatayo para mag sayaw. Nakatingin lamang siya sa amin habang ang babaeng kasama ay nakikipag usap sa kanya.


Hindi ko naialis ang aking mga mata kay Logan. His eyes were filled with unknown emotions. Hindi ko mapangalanan ang mga iyon. Masyado din siyang malayo para maklaro ko kung galit ba siya o iritado. Nag kibit balikat lang ako kay Logan. I'm sure he understands my situation.


Clyde buried his face in my throat. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Ramdam ko ang mabibigat na hininga niya habang hinayaan niya ang kanyang mukha doon.


Bahagya ko siyang tinulak. This is not fair!


"Clyde, please..." sabi ko.

"You said we'll enjoy, right?" aniya.


Sa paghinga at pagsasalita niya sa aking lalamunan ay uneasy ako. Then he planted a kiss in my neck. Halos tuluyan ko na siyang itulak palayo. Umangat ang tingin niya sa akin.


"Anong problema mo?" tanong niya.

Galit ko siyang tinitigan. "Please respect! You know we're not in good terms. Huwag mo nang dagdagan!"

Umiling siya at patuloy akong sinasayaw. "Fine! Let's just dance then..."


Humugot ako ng hangin at nagpatuloy ulit sa pagsasayaw sa kanya. Ramdam ko ang kamay niya sa aking baywang. He rested his lips on the side of my head.


Tahimik kaming dalawa habang sinasayaw niya ako. Wala na akong emosyon. Hindi na ako nakangiti o ano man. My expression is just blank and hollow.


Dinampian niya ng halik ang aking pisngi ng isang beses.


"Clyde..." sabi ko bilang pagbabanta.


Napatingin ako kay Logan na ngayon ay nakasimangot na. Nakatitig siya sa kanyang wineglass na para bang ito ang dahilan kung bakit siya naiirita. The girl beside him is talking pero hindi niya na ito napapansin dahil sa paninitig niya sa wineglass.


Hinalikan ulit ako ni Clyde ng isang beses. Umangat ang tingin ni Logan sa akin at kitang kita ko ang pagtatalim ng kanyang tingin.


Nanginig ang aking binti. Ang kulay abelyanang mga mata niya ay kasing dilim ng gabi ngayon. Kahit sa malayo ay kitang kita ko na walang ilaw na dumaan sa kanyang mga mata. It was as if he's so pissed big time!


"Clyde..." sabi ko nang mas lalong diniin ni Clyde ang aking baywang sa kanya.


Logan's eyes didn't leave me. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito lamang ako kabahan sa titig niya. Tinulak ko ng bahagya ang kasayaw ko para makawala.


"What's the problem?" tanong ni Clyde, nalilito ulit.

"I need to go to the bathroom. Sa mesa ka na lang muna, please," sabi ko nang di siya tinitingnan.


Kumalas kaagad ako sa pagkakahawak ni Clyde para maka diretso sa kung nasaan ang bathroom.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: